Close
 


China Hindi Nakapalag Sa Pagdaan Ng Barkong Pangdigma Ng US Sa West Philippine Sea
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#uss #westphilippinesea #amphibiousassaultship
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 06:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
I hope that the Philippines and China can be friends forever, like Jasmine that blooms beautifully.
00:12.0
Sa patuloy na pagmamatigas ng China sa pangaangkin ng mga teritoryo sa West Philippine Sea,
00:18.0
dumaong sa Maynila ang dambuhalang barkong pangdigma ng US.
00:23.0
Ito ang USS America LHA-6, isang Amerika-class amphibious ship.
00:29.0
Sila ang sentro ng mga amphibious ready group at isang US Marine Corps Air to Ground Task Force.
00:36.0
Nagbibigay ang mga ito ng walang kapantay na kakayahan na nakabase sa dagat.
00:42.0
Kilala din ito sa tawag na large deck dahil sa lawak ng deck nito.
00:46.0
Ang barko ay naglulunsad ng mga puwersa mula sa impapawid at karagatan.
00:52.0
Gumagamit ng mga panloob na wheel deck at flight deck upang magsagawa ng mga misyon sa iba't ibang saklaw ng mga operasyon
00:59.0
na mula sa humanitarian assistance, disaster relief at sa buong puwersang labanan.
01:05.0
Kabilang sa mga defense weapon system ng malaking barkong ito ay ang.50 caliber machine gun,
01:11.0
palangs, C-Sparrow, rolling airframe missile, anti-ship cross missile system at mga decoy launcher.
01:20.0
At meron din itong mod 4 self-defense system upang dipensahan ng sarili sa mga misil na nagmumula sa kalaban.
01:28.0
Ang barko ay merong 1200 na tripulante at halos tatlong football field ang haba nito.
01:35.0
Dalawampung palapag ang taas mula sa kilya nito hanggang sa tuktok ng kanyang deckhouse.
01:41.0
Ang demensyon ng flight deck ay higit sa dalawang ektarya para sa paglipad,
01:46.0
paglapag at paglalagay ng mga sasakyang panghimpapawid.
01:50.0
Sa isang tipikal na air combat element, ang USS America Amphibious Assault Ship na ito
01:56.0
ay may kargang dalawampung F-35B Lightning II Strike Fighters,
02:01.0
apat na AH-1C Viper Attack Helicopter,
02:04.0
dalawang UH-1 Venom Attack Helicopter,
02:07.0
apat na CH-53E Super Stallion Helicopter,
02:11.0
isang dosen ng MB-22 Osprey,
02:14.0
at dalawang MH-60 Search and Rescue Helicopter.
02:18.0
Sa buds ng barko o logo ay mayroong nakasulat na latin words na Velo Vel Pasi Paratus
02:25.0
na ang ibig sabihin ay ready for war or peace.
02:29.0
Ang mga fighter jets tulad ng F-35 at iba pang mga attack helicopter
02:34.0
ay nasa parking sa loob ng barko upang huwag maulanan at mabilad sa araw.
02:39.0
Mula sa flight deck ibababa ang mga aircraft gamit ang aircraft elevator.
02:45.0
Sa maikli nitong pagbisita sa Pilipinas,
02:48.0
ito ay pagpapakita ng matibay na relasyon ng Amerika at Pilipinas.
02:54.0
Dala ng pagbisita ang mensahe na may maaasahan sa oras ng kagipitan
03:00.0
ang Pilipinas at iba pang mga kaalyadong bansa sa Indo-Pacific.
03:05.0
Inaasahang isa ang barkong ito sa re-responde sakaling umatake ang China sa West Philippine Sea.
03:12.0
Pero matatanda ang sinabi noon ng China na wala itong planong atakihin ang Pilipinas
03:18.0
dahil magkaibigan naman o ang dalawang bansa.
03:21.0
Sinabi ito ng China noong dumaong ang mga warship nito sa Davao City
03:27.0
kung saan imbitado pa noon si dating Pangulong Duterte
03:31.0
na kahit may mga pang-aapi at pananaboy ang ginagawa ang China sa mga Pilipinong mangingisda
03:37.0
ay tila ba walang nangyari.
03:40.0
Very impressive. It's clean and even the carpeting.
03:46.0
It's all carpeted inside and it's like a hotel.
03:52.0
I hope that the Philippines and China can be friends forever.
03:56.0
Like Jasmine that blooms beautifully.
03:58.0
Ang amphibious assault ship na ito ay naglayag mula sa Japan
04:02.0
matapos ang isinagawang military exercises ng US at Japan na tinawag nilang Iron Fest.
04:09.0
Sa paglalayag ng barko mula sa Japan ay dumaan ito sa pinagtatalo ng teritoryo sa West Philippine Sea
04:17.0
at ayon sa komander ng barko ay wala naman umano silang nasagap na radio challenge mula sa mga eroplano o barko ng China.
04:26.0
Sa mga nakalipas nating video kung napanood nyo,
04:29.0
mapapansin na kapag ang US ay bibisita sa West Philippine Sea,
04:33.0
ang China ay bigla na lamang magre-radio challenge at kapag nalaman nilang US ay tatahimik na sila.
04:41.0
Pero kapag barko ng Pinoy ay panay ang mga radio challenge ng mga Chinese na ito.
04:46.0
Sa ngayon ang mga crew ng barko ay maggagala o mamamasyal muna sa mga pasyalan sa Maynila.
04:53.0
At bukod sa mga barkong pangdigma ng US,
04:56.0
alam mo bang mayroong barko ang US na isang hospital at mas malaki pa sa mga sikat na hospital dito sa Pilipinas?
05:04.0
Ito ang USNS Mercy, isang advanced hospital ship.
05:08.0
Singhaba ito nung mahigit sampung basketball court at may taas na sampung palapag at meron itong sariling helipad,
05:16.0
pharmacy, laboratory, emergency at operating rooms.
05:22.0
Isan libo ang bed capacity, mas malaki pa sa mga kilalang hospital sa bansa tulad ng Makati Med, St. Luke's at Medical City.
05:32.0
At sa siyam na raang crew nito, isan daan ang mga Pilipino.
05:37.0
At bumibisita lamang ang barkong ito kapag merong mga malalaking trahedya sa bansa tulad ng Yolanda noon.
05:45.0
Sa unti-unting pagbangon ng Pilipinas mula sa pagkalugmok nito,
05:49.0
sana ipatuloy pang umangat ang ekonomiya ng bansa upang balang araw ay magkaroon din tayo ng mga kagamitang katulad nito
05:59.0
dahil madalas ang mga kalamidad sa bansa pati na rin ang mga banta mula sa labas ng bansa.
06:06.0
At bago matapos ang video, ano ang reaksyon mo?
06:10.0
Ikomento lamang po ang inyong mga sagot sa iba ba
06:13.0
at baka pwede mong pindutin ang like button sa iba ba at magsubscribe.
06:18.0
Maraming salamat po!