Close
 


NADIA | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg Papa Dudut Stories Horror Music used : " The House" composed and produced by "Vivek Abhishek" Music link : https://youtu.be/2Do5iRAhbtg SUBSCRIBE us on YOUTUBE: https://youtu.be/DQQmmCl8crQ Follow on Facebook: https://bit.ly/33RWRtP Follow on Instagram: https://bit.ly/2ImU2JV FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 36:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang gabi sa inyong lahat. Meron ba kayo mga bagay na pag-aari at maituturing ninyo na may sentimental value?
00:09.0
Iba-iba ang dahilan kung bakit gano'n na lamang ang pagpapahalaga ng mga tao sa mga bagay na meron sila.
00:16.6
Maaring ito ay galing sa kaibigan, kapamilya o di naman kaya ay sa taong tinatangi.
00:24.6
Maaring ring kalakip ng bagay na iyon ang isang alaala o pangako na pinangahawa ka ng isang tao.
00:31.1
Pakinggan natin ang story ang tampok sa araw na ito, na naglalaman ang kababalaghan at kalungkutan.
00:40.1
Dear Papa Dudut,
00:42.1
Kumusta po kayo? Narito po ako at nagsulat ng liham sa inyo upang isalaysay ang isang pangyayaring nagdulot sa akin ng kilabot at kaba.
00:52.9
Karanasang nagturo sa akin na totoong nangyari ang mga bagay na akala natin ay hindi pala totoo.
00:59.9
Oo nga po pala, magpapakilala muna ako sa inyo, ako po si Nadia, 23 years old at nagtatrabaho bilang isang cashier sa isang department store.
01:10.9
Laki po ako sa isang mahirap na pamilya, Papa Dudut.
01:15.7
High school graduate lamang ang natapos ko dahil hindi na ako kayang pag-aralin ang mga magulang ko sa college.
01:22.7
Si Mama ay namasukan sa isang mayamang pamilya bilang tagabantay ng bata at paminsan-minsan ay naglalaba at nagluluto din.
01:32.7
Si Papa naman ay namamasada sa tricycle na binabounder niya.
01:38.5
Pagkatapos ko ng high school ay namasukan din ako sa bahay na pinangamuhan ni Mama ng mangailangan ito ng panibagong tauhan.
01:49.5
Ang trabaho ko naman noon, Papa Dudut ay tagapaghugas ng plato at minsan ay tinutulungan ko si Mama sa paglalaba.
01:57.5
16 years old ako natapos ng high school, Papa Dudut.
02:02.3
Minor de edad kung tutuusin at labag sa batas ang pagtatrabaho ko sa murang edad.
02:09.3
Pero gaya ng sabi ko ay dala ng hirap ng buhay ay kailangan ko silang tulungan.
02:14.3
Nang mag-18 ako ay nagsimula ko maghanap ng mga trabaho sa iba't ibang mga kumpanya.
02:21.3
Naging mailap sa akin ng trabaho, Papa Dudut.
02:25.3
Dahil na rin sa aking educational background.
02:28.1
Gayon man ay natanggap ako bilang isang crew sa isang fast food chain.
02:33.1
6 months lang din ang tinagal ko doon at naganap rin ulit ako ng panibagong trabaho.
02:40.1
Hanggang sa doon na nga ako nag-apply bilang isang cashier nang minsang yayain ako ng kaibigan kong si Cherry.
02:48.1
Uy bes, hiring daw doon sa may bagong bukas na supermarket ah.
02:54.9
Minsang sabi niya sa akin nang magkita kami sa tindahan.
02:59.9
Uy talaga ba? Tara apply tayo. Hanggang kailan daw ang hiring? Tugon ko naman.
03:06.9
Hindi ko alam eh pero sa tingin ko ay marami ang kailangan nila dahil bagong bukas.
03:12.9
Sagot ni Cherry.
03:15.9
O eh kailan tayo pupunta doon? Muli kong tanong.
03:19.9
Bukas na bukas gusto mo? May resume ka na ba?
03:24.9
Hala wala. Biodata lang ang meron ako.
03:27.9
Ano biodata lang? Hindi na yung uso bes. Hay naku.
03:32.9
Gulad pa na sabi nito.
03:34.9
Hindi ko alam papaano gumawa ng resume eh.
03:38.9
Pag-amin ko naman.
03:40.9
O sige gagawang kita. Sumama ka sa akin mamaya sa computer shop.
03:46.9
May 2x2 picture ka naman siguro no? Muli niyang tanong.
03:50.9
Oo meron pa. Sagot ko.
03:53.7
Hindi pa naman expired yung mga requirements mo?
03:56.7
Hindi pa. Kumuha ko ng mga yun kailan lang.
04:00.7
Kasi nga nang mag-end ako sa fast food naglakad agad ako ng mga requirements
04:05.7
para makapag-apply ulit. Paliwanag ko pa.
04:09.7
O siya o sige ganito mamayang 3pm ay sumama ka sa akin.
04:14.7
Pupunta tayo ng computer shop para gumawa ng resume.
04:18.5
Gagawa na rin ako ng bago kong resume.
04:21.5
O sige na. Kita na lang tayo ulit mamaya.
04:24.5
Sige Cherry salamat ha.
04:27.5
Pagkatapos nun ay nagkanya-kanya na kami ng uwi.
04:30.5
Papadudot napakaswerte ko na naging kaibigan ko si Cherry
04:35.5
dahil sobra siyang maalalahanin at matulungin.
04:38.5
Sa katunayan nga yan,
04:41.5
kaya ako nakapasok bilang isang crew sa fast food chain ay dahil sa kanya.
04:46.3
Isa lang kasi ang kailangan noong mga panahon yon
04:49.3
pero dalawa kami nag-apply at parehas din kami nakapasa sa exam.
04:54.3
Pati na sa interview pero mas may edge si Cherry papadudot
04:59.3
dahil na rin sa kahit papaano ay nakatungtong siya ng 2nd year college
05:04.3
kumpara sa akin na high school graduate lang.
05:08.3
Natigil siya dahil kinapos sila sa pera nang biglang magkasakit ng tatay niya.
05:14.1
Nasaid lahat ng ipo nila kaya nagpa siya siyang tumigil muna sa pag-aaral.
05:19.1
Pero ang sabi niya ay mas kailangan ko ito at ng pamilya ko
05:24.1
kaya naman give up niya ang opportunity na yon
05:27.1
at sa kabutihang palad ay iminigay sa akin ng trabaho.
05:32.1
Alas-ras ng hapon ang magkita kami ni Cherry sa computer shop na hindi kalayuan sa parehas naming bahay.
05:38.9
Agad kami pumasok sa loob noon at nagrento na ng computer para makagawa ng resume.
05:44.9
Nang sumapit naman ang gabi ay inasikaso ko ang mga requirements ko para
05:48.9
kinabukasan ay handa na ako kapag pumunta na kami sa bagong bukas sa supermarket.
05:54.9
8am kami umalis ni Cherry at halos wala pang isang oras nang makarating kami sa supermarket.
06:00.9
Agad naman kaming pinapasok ng guard nang sabihin naming mag-a-apply kami.
06:06.7
Saglit kami naghintay sa labas ng office ng HR na naroon na rin sa mismong supermarket
06:12.7
at ilang minuto pa ay nag-exam na rin kami papadudod.
06:16.7
Isang araw lang ang naging proseso ng pag-a-apply namin at kinabukasan din ay nakatanggap kami ng tawag kung saan ay pinababalik kami.
06:24.7
Swerting at dalawa kami ni Cherry na nakapasok.
06:28.7
Thank God nakapasok na tayo this time, sabi pa ni Cherry.
06:33.5
Halata sa muka niya ang saya habang naglalakad papunta sa supermarket.
06:39.5
Kaya nga eh, kasi kung hindi ay magigilty na talaga ako dahil noong una ay pinaubayan mo sa akin ang posisyon na dapat ay sayo ang sabi ko pa.
06:49.5
Ano ka ba para sayo yun?
06:51.5
Kasi isipin mo ha, kahit na nagpaubaya ako sayo noon,
06:55.5
kung hindi ka gusto ng manager natanggapin ay hindi ka matatanggap.
06:59.3
E nakapasok ka.
07:01.3
Ang ibig sabihin ay nakalaan talaga sayo yun.
07:04.3
Sabagay, naitugon ko.
07:08.3
Papadudot ng makarating kami doon ay nakilala namin si Ma'am Lizzie.
07:13.3
Siya ang head ng mga cashier at itinuro niya sa amin ang mga dapat gawin bilang mga baguhan.
07:19.3
Lumipas ng ilang araw matapos makumpleto ang requirements ay nakapagsimula na rin kami ni Cherry.
07:25.1
Magkatabi lamang ang pwesto ng counter namin kaya hindi nakakabagot dahil nagkakaroon pa rin kami ng oras para magkakwintuhan kapag walang customer na nagbabayad.
07:38.1
Nagtagal kami sa supermarket na pinagtatrabahohan namin at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami.
07:45.1
Hanggang sa isang gabi nang lumabas kami ng aming trabaho ay napansin ko ang isang second hand store.
07:51.9
May ganito pala rito? Tanong ko. At saka ay ginala ang tingin sa store.
07:57.9
Oo nga no? Baka bagong bukas? Ang sabi ni Cherry na kagaya ko ay sinisipat din ng tingin ng store.
08:06.9
Baka nga bagong bukas? Matagal na rin kasi tayong hindi nakakapamasyal banda rito.
08:13.9
Kaya hindi na natin alam ang mga store na nandito. Pasok tayo?
08:18.7
Anyaya pa ni Cherry. Bukas na lang siguro pagod na ako? Tanggi ko.
08:25.7
Sabagay ako rin e pag amin naman ni Cherry.
08:29.7
Umuwi ako ng bahay dala ang matamis ng ngiti dahil sa wakas ay may trabaho na muli ako papadudod.
08:36.7
Kinabukasan bago umuwi galing sa trabaho ay nagpasya kami ni Cherry na pasukin ang second hand store.
08:43.5
Agad na sumalubong sa amin noon ang isang matandang lalaki at nagpamanas ito ng matamis ng ngiti.
08:50.5
Malapit na ako magsaram mga ining ang sabi nito.
08:54.5
Ganon po ba? Sige po mag titingin tingin lang sana kami ang sabi pa ni Cherry.
09:01.5
Kung gusto ninyo ay bumalik na lamang kayo bukas ng umaga o kaya itang hali sa adpa ng matanda.
09:08.5
O sige po salamat po tay may galang na sabi ko.
09:12.3
Bago pa man kami makalabas ng store na yon ay napansin ko ang isang rack na puno ng iba't ibang figurine.
09:19.3
Tatandaan ko pa yung pagkahilig ko sa figurine lalong lalo na noong elementary.
09:25.3
Dahil madalas noon tuwing exchange gifts ay figurine ang natatanggap ko.
09:30.3
Ang ilang ngang nairegalo sa akin ay nakadisplay pa rin sa bahay.
09:35.1
O ano yun? Nagtatakang tanong ni Cherry nang bigla akong huminto upang pagukulan ng pansin ang mga nakadisplay na figurines.
09:45.1
Wala sagot ko.
09:47.1
Sunod na dyan direksyon na tinitingnan ko at nalaman niya kung saan ako nakatitig papadudod.
09:55.1
O may mga figurines pala dito. Hindi mo mahilig karoon?
09:58.9
Ang sabi niya. Alam niya kasing mahilig ako doon dahil na rin sa tagal naming magkaibigan.
10:05.9
Tumangulamang ako na sinabayan ko ng ngiti bilang tugon.
10:10.9
Punta na lang tayo sa day off natin dito, ang sabi pa ni Cherry.
10:14.9
Pagkatapos noon ay tuluyan na nga kaming umuwi papadudod.
10:18.9
Gaya ng napagkasunduan Wednesday parehas kami ng day off nang magpunta kami sa second hand store na yon.
10:26.7
Noong ko lang napagtanto na malawak pala yon sa loob papadudod.
10:31.7
Mukha kasing makipot kapag sa labas ka lamang tumingin pero mahaba haba pala ito sa loob.
10:37.7
May iba't ibang section ang second hand store na yon.
10:41.7
May appliance section, clothing section na may mga shorts, pantalon, damit at iba pa.
10:48.7
May mga random na bagay na pwedeng ipang display o maggamit sa bahay gaya ng mga vase na gawa sa porcelain.
10:55.5
Mga plato, tasa, kutsara kasama na mga figurines.
10:59.5
Dahil alam ko na kung saan ako pupunta, pagkapasok na pagkapasok doon ay agad kong tinungo yon.
11:06.5
Isa isa kong tinapunan ang tingin ng malilit na figurines na yon.
11:10.5
Malininis sila at walang anumang lamat na makikita.
11:14.5
Parang bagong bago pa papadudod.
11:17.5
Isa isa ko yung kinilatis hanggang sa dumako ako sa isang figurine na baby.
11:23.3
Napaka cute niyang tingnan, wala siyang damit at anginlampin lamang ang kanyang suot.
11:28.3
Nakahiga ang forma niya at nakataas ang kamay na parang may inaabot.
11:33.3
Napaka inosente ng imahe na yon.
11:37.3
Wala namang espesyal doon o kakaiba kumpara sa ibang figurines na naroon.
11:43.3
Sa katunayan nga ay yon pa ang may pinakasimpleng disenyo ngunit yon ang nagustuhan ko.
11:49.3
May pagka minimalist din kasi ako papadudod.
11:53.3
May bibilhin ako.
11:55.3
Bungad ko kay Cherry na hindi patapos sa pamimili ng bibilhin niyang damit.
12:01.3
Anong sayo?
12:03.3
Sabi nito ngunit hindi ako.
12:05.3
Pinagukulan ng tingin bago sa ipatuloy pa rin sa pamimili ng damit na maaari niyang bilhin.
12:12.3
Eto ang sabi ko habang malaki ang aking ngiting ipinakita sa kanya ang figurine.
12:19.3
Kailangan bibilhin mo?
12:21.1
Tanong niya ng tingnan ang ipinakita ko.
12:25.1
Oo.
12:26.1
Maikling sagot ko.
12:29.1
Sure ka ba yan lang?
12:31.1
May pagtataka pa niyang tanong.
12:33.1
Oo bakit?
12:34.1
Sagot ko muli.
12:36.1
Wala naman akala ko kasi may iba ka pang bibilhin bukod sa figurine.
12:41.1
Uwi ka niya sabay balik sa pamimili ng mga damit.
12:45.1
Eto maganda.
12:46.9
Dagdag niya pa ng makita ang isang jumpsuit type na damit at denim ang tela.
12:52.9
O bagay sa iyo?
12:53.9
Sagot ko.
12:55.9
Nakalimutan ko pa lang sabihin papadudut.
12:58.9
Magaling pumorma itong si Cherry.
13:00.9
May pagkakikai din dahil mahilig sa makeup at mga bagong usong damit pati na ang mga accessories.
13:07.9
Magaling din siya sa pag mimix and match ng mga damit.
13:12.9
Okay eto na ang bibilhin ko.
13:14.9
Tara na sa counter.
13:16.9
Anya-anya.
13:18.9
Isa lang ang counter sa second hand store na yon papadudut.
13:22.9
Babayang kahera at mukhang kasing edad din namin.
13:26.9
Nang magbayad kami ay napansin kung panahay ang tingin niya sa likuran ko.
13:31.9
Dahil na rin sa curiosity ay napalingon ako sa aking likod at wala naman akong ibang nakita roon kundi isang malaking salamin na nakadikit sa dingding ng store.
13:41.7
Unang nakapagbayad si Cherry at nung ako na ang magbabayad ay nakita kong nagsign of the cross ang kahera.
13:47.7
At hindi ko alam pero medyo offensive ang datingan sa akin noon.
13:52.7
May problema ba miss?
13:55.7
Itinas ko pa ang isa kong kilay dahil parang feeling ko ay masama akong tao dahil nagsign of the cross siya.
14:02.7
Nung ako na ang magbabayad.
14:04.7
Ah wala po ma'am utal-utal nasa ad nito.
14:09.5
Hindi na lamang akong muling nagsalita pa pero napansin ko na parang takot na takot siya papadudut.
14:15.5
Napatanong tuloy ako sa aking isipan anong ikakatakot niya gayong tanghaling tapat.
14:21.5
Isa pa ay nakakatakot ba ko?
14:24.5
Pilit ko na lamang na pinagkibit balikat ang isipin yon.
14:30.5
Pagkauwi ng bahay ay nagbihes agad ako at agad na inilabas sa aking minibagang figurine
14:37.3
na nakabalot pa sa kulay brown na papel upang hindi iyon mabasag.
14:42.3
Pinagmastan kong muli yon at ganun na lamang ang tuwa ko habang pinagmamastan nito dahil perfect na perfect yon
14:48.3
para sa collection ko.
14:50.3
Inalapag ko na sana yon sa lagaya ng biglang may mahagip ang gilid ng aking mata mula sa salamin na isang imahe.
14:58.3
Agad kong nilingon yon ngunit wala akong nasumpungan.
15:03.1
Kinukusot-kusot ko rin ang aking mata at marahing kong ipinikit ngunit wala akong nakita na kung sino doon.
15:11.1
Pagod ka lang Nadia ang sabi ko sa aking sarili sabay pakawala ng malalim na buntong hininga.
15:18.1
Inilapad ko ang aking likuran sa papag na may foam at marahang ipinikit ang aking mata.
15:26.1
Nagising na lamang ako sa paulit-ulit na katok sa pinto ng aking kwarto
15:30.9
Ate kakain na ate, tawag sakin ang aking kapatid.
15:35.9
Hindi ko na malayang nakatulog pala ako ng tanghali at alas yeti imedya na nang ako ay magising.
15:42.9
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin si Nadid, ang ikalawa kong kapatid.
15:48.9
Ate kakain na raw, sabi pang muli nito.
15:53.9
Sige, tanging sambit ko.
15:55.7
Sabay na kaming tumungo noon sa kusina at nakita kong nakaupo na sila papa at ang bunso kong kapatid.
16:02.7
Habang si mama naman ay abala sa pagsasandok ng kanin.
16:06.7
Ako na lang pala ang hinihintay nila.
16:09.7
Bukang pagod na pagod ka anak ah, ang biro ni mama habang abala sa kanyang ginagawa.
16:15.7
Oo nga may, napasarap yung pagtulog ko, tugon ko rito.
16:21.5
O siya, masarap ang ulam ngayon.
16:24.5
Nanalo sa wedding ang papa mo ng jismil, ang kwento nito.
16:29.5
Wow, baka naman pa, biro ko ba kay papa?
16:33.5
Oo naman anak, wala ka namang allowance sa trabaho? Seryosong sabi pa nito.
16:39.5
Joke lang pa, itabi na lang po muna yan.
16:43.5
May pera pa naman po ako, inahatid nyo rin naman po ako gamit ang tricycle na binabounderin ninyo kaya...
16:50.3
kaya po nakakatipid ako kahit pa paano, sambit ko.
16:55.3
Ang bay talaga ng panganay ko, ang sabi pa ni papa.
17:00.3
Aba syempre, segunda naman ni mama.
17:03.3
Maldita kaya si ate, ang biro pa nila din na naging dahilan ng pagtawa nila nanay.
17:10.3
Hoy hindi ako maldita no, nangihihalam ka lang kasi sa gamit ko kaya ako nagagalit.
17:16.1
Alam mo namang ayaw ko ng ganun eh, kunwari ay galit na sabi ko.
17:21.1
O kita mo nagmamaldita ka na naman? Joke lang ate, peace tayo.
17:27.1
Pagkatapos noon ay sabay sabay na kaming nagtawanan.
17:31.1
Nagpatuloy kami sa kwentuhan habang kumakain sa hapagkainan,
17:35.1
nang biglang magsalitang bunso kong kapatid at anim na taong gulang na sinadya.
17:39.9
Ate, sino yung nakita kong babae sa labas ng kwarto mo kanina?
17:45.9
Lahat kami ay natigilan sa sinabi niya ngayon papadudut,
17:49.9
napakunot no ako nang dahil doon, at tinitigan siya nang nagtataka.
17:55.9
Sinong babae ang sinasabi mo anak? Wala namang kasamang ate mo nang umuwi siya, ang tanong ni mama.
18:02.9
Oo nga bunso, sabi ko pa, meron ako nakita kanina nung natutulog ka.
18:09.9
Nakatayo siya doon sa pinto ng kwarto mo, ang sabi pa nito.
18:13.9
Anak masama nagsisinungaling ha, ang wika naman ni papa.
18:17.9
Hindi ako nagsisinungaling pa, totoo pong may nakita ako.
18:22.9
Pagpapatutuopan ang bunso kong kapatid.
18:25.9
Papadudut sa hindi malamang dahilan ay nagtayuan ang mga balahibo ko noon sa braso dahil sa takot.
18:32.9
Saglit kaming natahimik sa harap ng hapagkainan dahil sa sinabing niyo ng aking kapatid.
18:37.7
Pagkatapos namin kumain ay naghugas ako ng plato at hindi pa rin mawala sa isipan ko ang ikinawento sa akin ng aking kapatid.
18:45.7
Ate, sino yung babaeng nakita ko sa kwarto mo kanina?
18:51.7
Patuloy yun na umaaling-aung-aung ang makatagang yun sa isipan ko.
18:56.7
Abala ko sa pagkukuskus ng plato ng mga oras na yun nang makadama ako ng isang kamay na humawak sa aking balikat.
19:04.5
Anak ng pusa, napapitlag ako ng dahil doon.
19:08.5
Nilangon ko ang may-ari ng kamay at nakita kong si mama hawak ang dalawang baso.
19:14.5
Masensya ka na anak at nagulat kita ha?
19:17.5
E, bibigay ko lang sana ang mga basong ito para sana'y maisabay sa mga hugasin mo.
19:24.5
Sabi niya at sa kanila bag ang mga basong hawak niya.
19:28.3
Sige ma, ako na pong bahala.
19:30.3
Sabi ko habang sapo ko ang aking dibdib ng kamay na may sabon.
19:35.3
Iniisip mo pa rin ba ang sinabi ng bunso mo kapatid?
19:39.3
Tanong ni mama na sa tingin ko ay napansin na tila malalim ang aking iniisip.
19:44.3
Oo ma, sagot ko.
19:47.3
Huwag mo nang intindihin yun.
19:49.3
Di ka sa bata ang mag-isip ng kung ano-ano.
19:51.3
Hayaan mo na lang.
19:53.1
Tila ng panatag ang loob ko sa mga sinabing yun ni nanay papadudut.
19:58.1
Sige anak, huling sabi pa nito bago ako iwanan sa kusina.
20:04.1
Natawa na lang ako sa inasal ko papadudut dahil sa kakaisip ko.
20:09.1
Pati simpleng bagay ay kinagulat ko na.
20:12.1
Tama si nanay hindi ko na dapat pinaguukulan ng pansin ang bagay na yon.
20:17.1
Baka nga imahinasyon lang yun ang bunso kong kapatid.
20:20.9
Nang matapos akong maghugas ay naglinis ako ng katawan
20:23.9
pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto para makapagpahinga
20:27.9
dahil maagan na naman ang paso ko sa trabaho kinabukasan.
20:31.9
Nagpapatuyo ako ng basang buhok noon habang bahagyang nakabukas ang pinto ng aking kwarto.
20:37.9
Nang makakita ako ng dalawang pares ng paa
20:40.9
napakunot noon ako nang isipin sino kaya ang may ari noon.
20:45.7
Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot ko nang baybayin ko pataas ang may ari ng paa.
20:51.7
Wala akong nasumpungan papadudut.
20:54.7
Ngunit ang mga mapuputlang paa ay naratiling na roon sa pinto ng aking kwarto.
21:01.7
Nakasloba kong tumayo para tuloy ang buksan ng pintong
21:04.7
at wala naman akong nakita na kahit na sino mula doon.
21:07.7
Maging ang pares ng mga paa ay wala din.
21:10.7
Parang dagang naguunahan ng kaba sa aking dibdib.
21:14.5
Pagkatapos kong buksan ang pinto ay agad ko rin itong sinarado at naupo sa aking kama.
21:20.5
Nadama ko ang malamig na hangin na nagmumula sa bintana ng aking kwarto
21:26.5
kaya't agad ko ring sinarado yon.
21:29.5
At bago natulog ay nanalangin ako ng mataimtim.
21:34.5
Lumipas ang maraming araw at naging maayos naman ang lahat.
21:39.5
Wala ng mga kababalaghang naranasan ko.
21:43.3
Naisip kong maaring bunga lamang ng malikmata o ng imaginasyon ng mga bagay na naranasan ko.
21:50.3
Hanggang isang araw.
21:52.3
Pagod na pagod ako galing sa trabaho at hindi ko na nagawang kumain.
21:57.3
Ang tanging gusto ko na lamang ay ang magpahinga
22:01.3
kaya't pagkawing pag-uwi ko ay agad kong inilapat ang aking katawan sa malambot na foam ng aking papag.
22:08.3
Maraming taong namili sa groceries ng mga araw na yon
22:12.1
kaya kahit ang break time namin ay hindi namin nasulit.
22:15.1
Nakatitig lamang ako sa kisa minoon papadudod hanggang sa hindi ko na malayang tuluyan ang pumikit ng aking mata sa labis na antok.
22:23.1
Nagising na lamang ako nang makarinig ako ng pag-iyak.
22:27.1
Pupungas-pungas kong minulat ang aking mga mata noon at saka bumangon mula sa pagkakahiga.
22:33.1
Medyo madilim ang loob ng kwarto ko dahil ugali ko na ang pagpatay ng ilaw.
22:37.9
Ganyan man ay may kaunting limwanag na nagbumula sa lampshade na nakapatong sa cabinet na nasa bandang kaliwa ng aking papag.
22:45.9
Katabi ng mataas na cabinet kung saan ay nakapatong ang mga figurine collections ko.
22:50.9
Iginala ko ang aking paningin papadudod upang tuntunin ng may-ari ng boses hanggang sa nakita ko ang isang imahe
22:58.9
ng babaeng nakatalikod mula sa akin at nakaharap naman sa lagay ng mga collections ko ng figurine.
23:05.7
Maya-maya pay kinuha niyang figurine na binili ko sa second-hand store.
23:10.7
Kamakailan lang at hinahaplos-haplos ito habang umiiyak.
23:14.7
Malinaw kong nakita yon sa tulong ng mumunting liwanag papadudod.
23:19.7
Doon pala nga ay abot-abot na ang kilabot ko.
23:23.7
Iniisip kong paanong nakapasok ang babaeng yon sa loob ng aking kwarto.
23:28.7
Idagdag pa ang tunog ng iyak niyang talaga namang nakakapanindig balahibo.
23:35.7
Nadaging dahilan para magtayuan ang balahibo sa aking katawan.
23:40.7
Agad akong nagtalukbong ng kumot nala ng sobrang takot ngunit ganoon na lamang ang hilakbot ko ng paunting-unting natatanggal ang pagkakataklob noon sa aking katawan.
23:49.7
Inihila yon ang kung sino.
23:52.7
Kahit nagaano pa kahigpit ang hawa ko sa kumot ay natatanggal ang pagkakakapit ko doon.
23:57.7
Nang tuluyang matanggal ang pagkakasaklob sa akin ng kumot ay tumambad sa akin ang mabutlang mukha ng isang babae.
24:04.5
Nangingit yamang ilalim ng kanyang mga mata at patuloy siya sa kanyang pag-iyak.
24:09.5
Mula sa malungkot niyang aura ay tila tumalim ang kanyang mga mata at lumihistro roon ang tila galit na galit na pagmuka niya na hindi ko alam ang dahilan.
24:21.5
Patuloy siya sa pag-iyak at hindi ko na kinaya ang takot dahil tila sasabog na ang ulo ko.
24:27.5
Kaya't hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw.
24:30.3
Anak gising anak isang pamilyar na tinig ang narinig ko.
24:35.3
Nang magmulat ako ng mata ay nasumpungan ko sina mama at papa.
24:41.3
Kita ko sa kanilang mukha ang pag-aalala.
24:45.3
Anak binabangungot ka ang sabi pa ni papa sabay haplos sa aking ulunan.
24:51.3
Maliwanag na ang loob ng aking kwarto at sa pakiwari ko'y binuksan nila ang ilaw.
24:58.1
Nang pumasok ako rito at narinig nilang sumisigaw ako.
25:02.1
Kukuha ako ng tubig at hintayin mo ko dyan.
25:05.1
Dagdag pa nito at agad ding lumabas ng aking kwarto.
25:08.1
Agad naman akong dinaluhan ni mama na umupo sa gilid ng kinakahigaan ko na papag habang hinahaplos niya ang aking likuran.
25:17.1
Kumain ka ba anak? May pag-ala lang tanong nito.
25:21.1
Hindi po ma-tanging naisagot ko.
25:24.9
Mayamaya pa'y dumating si papa bit-bit ang isang baso ng tubig.
25:28.9
Eto anak ko uminom ka muna para lumuwag ang paghinga mo.
25:32.9
Sabi nito sabay abot sa akin ng basong may lamang tubig.
25:36.9
Gaya ni nanay ay nauporin siya sa kabilang gilid ng aking papag upang kumusahin ako.
25:43.9
Bakit hindi ka kasi kumain anak e?
25:46.9
Tanong pang muli ni nanay.
25:49.7
Ilago ko ang aking huling patak ng tubig sa baso bago ko sinagot si mama.
25:56.7
Pagod na pagod ko kasi ako ngayon may.
26:00.7
Andami pong customer kanina sa supermarket.
26:03.7
E sa pagod ko po ay mas gusto ko na lamang po na magpahinga kesa kumain.
26:09.7
Nagbiis lang po ako tapos ay humiga na ako.
26:12.7
Hindi ko na malayang nakatulog na po pala ako, paliwanag ko.
26:17.5
Ganun ba?
26:19.5
Ayoko siya.
26:21.5
Bago ka matulog ay kumain ka na ng kahit na kaunti.
26:24.5
Nakatakip doon sa lamesa yung ulam.
26:26.5
Hali ka na at sasamahan kita.
26:29.5
Ang yaya ni nanay.
26:31.5
Pumunta kami ng hapagkainaan Papa Dudut.
26:34.5
At gaya nga ng sabi ni mama ay sinamahan niya lamang ako doon
26:38.5
pati na ni papa para lamang bantayan ako hanggang sa makatapos kumain.
26:43.3
Noon din ay tinanong nila kong patungkol saan ang aking panaginip.
26:48.3
Agad kong ikinuwento sa kanila yon at pinayuhan nila kong muling magdasal bago matulog.
26:54.3
Sinabi pa nilang, mabuti na lang daw at hindi ako naglak ng pinto
26:59.3
dahil kung nagkataon ay baka kung ano nang nangyari sakin kung hindi nila ako nagising.
27:05.3
Kinabukasan ay kinuwento ko kay Cherry ang patungkol sa aking panaginip nang sabay kami magbreak time.
27:11.1
Naikwento ko rin sa kanya patungkol sa babaeng minsang nakita ng aking bunsong kapatid
27:16.1
at pati na rin ng pares ng mga paang nakita ko sa pintuan ng aking kwarto.
27:22.1
Ang creepy naman niya nads.
27:25.1
Ang sabi niya sabay subo ng kanin na may ulam sa hawak niyang kutsara.
27:30.1
Kaya nga eh.
27:32.1
Pero tingin ko ay dalala ng pagod yun.
27:36.1
Tapos hindi pa ako kumain kagabi pagka uwi.
27:39.9
Wento ko pa habang si Cherry ay patuloy pa rin sa pagsubo ng kanyang kinakain.
27:46.9
Eh bakit kasi hindi ka kumain?
27:49.9
Tanong niya pa.
27:51.9
Pagod nga kasi ako eh.
27:53.9
Tanging na isagot ko.
27:55.9
Sabagay ako rin napagod kahapon eh.
27:57.9
Ang wika naman ni Cherry.
28:00.9
Papadudod mong akala ko ay dalala lang ng pagod ang lahat ng kababalaghang nangyari sakin.
28:06.7
Hanggang sa sumunod na gabi ay muli na naman akong binangungot.
28:11.7
Malinsangan ang gabing yon.
28:14.7
Binuksan ko ang electric fan at inutok ko yon sa akin para lamang kahit papaano ay maging presko ang aking pakiramdam.
28:21.7
Hindi ko na rin sinarado ang bintana na bahagyang nakabukas upang pumasok ang hangin na nagmumula sa may labas.
28:30.7
Naligo na rin ako pag uwi galing sa trabaho para kahit papaano ay malamig.
28:36.7
Bigana ako sa aking papag upang magpahinga.
28:39.7
At ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyang ko nang iniwan ang realidad.
28:45.7
Sa ikalawang pagkakataon ang babaeng nakaputi ang muli kong nakita sa aking panaginip.
28:51.7
Hawak niyang figurine na nabili ko mula sa second hand store.
28:55.7
Hinahaplos-haplos niya yon habang nakangiti.
28:59.7
Kaparehas na kaparehas ang sinaryon ong una ko siyang makita sa aking panaginip.
29:05.5
Ngunit ilang segundo lang ay tinapunan niya ako ng tingin.
29:09.5
Sa pagkakataon yon ay mas mabalasik ang anyo niya kumparaan noong una.
29:17.5
Malinaw na malinaw din sa akin ng mga katagang ilang ulit niyang sinabi papadudut.
29:22.5
Akin ito.
29:24.5
Pagmamayari ko ang bagay na ito.
29:27.5
Pagkatapos niyang sabihin yon ay dinamba niya ako at saka sinakal ng mahigpit.
29:32.3
Pinilit ko pong tanggalin ang mahigpit na pagkakahawak ng kanyang kamay sa aking leeg at matagumpay naman akong nagawa yon.
29:40.3
Hanggang sa hinihingal akong napabalikwas nang bangon ng marinig kong kinakatuknan nila mama ang aking pintuan.
29:47.3
Agad ko yung binuksan at dinaluhan ng yakap si mama.
29:51.3
Sobra-sobrang nadam akong kilabot noon papadudut.
29:55.3
Akala ko ay sa mga horror movie lang nangyayari na merong nagbungultong
30:00.1
unit maging sa totoong buhay din pala.
30:03.1
Ikinomento ko ang lahat-lahat kina mama at nagkaroon na rin ako ng lead kung bakit marahil ay nagbungulto ang babae niyon.
30:10.1
Naging palatandaan ko ang mga katagang ilang beses niyang binanggit sa aking panaginip ang mga katagang akin ito.
30:17.1
Pagmamayari ko ang bagay na ito.
30:20.1
Nangyayarin ko si Cherry na magpunta sa second hand store ay hindi na ako ng dalawang isip at agad kong hinanap ang matandang may-ari nito.
30:27.9
Agad yung tinawag ng kaherang minsan ko nang na-encounter at noon din ay nalilwanagan ako sa lahat.
30:35.9
Hindi nga akong nagkamali.
30:37.9
May kwento sa likod ng figurine na nabili ko.
30:41.9
Ayon sa matandang may-ari ng second hand store na nagpakilala sa pangalang Tatay Rigor,
30:47.9
ay aksidente na isama ng kanyang staff ang figurine ng kanyang anak sa mga figurine na kanilang ibinabenta.
30:54.7
Iniingatan at itinabi niya ito dahil yun na lamang ang nag-iisang ala-ala niya sa nag-iisang anak na babae na binawian na ng buhay.
31:03.7
Paborito raw ng anak niya ang figurine na yun dahil regalo ito ng kanyang asawa.
31:09.7
Galing pa raw yun sa ibang bansa at simbolo raw ito ng kanyang magiging sanggol.
31:15.7
Papadudod ayon kay Tatay Rigor ay biktima ng matinding trahedya ang asawa ng kanyang anak.
31:20.7
Namatay daw ito pag-uwi galing sa isang business trip, sakay ng kanyang kotse.
31:26.5
Bumangga raw ito sa isang 10-wheeler truck at halos hindi makilala ang biktima.
31:31.5
Yupi-yupir ng kotse nito na akala mo'y papel na ginusot ng palad.
31:36.5
Nang dahil doon ay nawala na raw ng gana ang kanyang anak sa lahat ng bagay.
31:42.5
Maging ang pagkain ay hindi na nito nagawa pa.
31:45.3
Hanggang isang araw ay nadat na nalamang ito sa loob ng kwarto na nakabigte at wala ng buhay.
31:52.3
Doon din nang dumaan sa examen ay napagalamang tatlong linggo na itong nagdadalang tao.
31:59.3
Gano'n na lamang ang pagguho ng mundo ni Tatay Rigor nang sapitin niyo ng kanyang anak.
32:04.3
Abang nagkwekwento ang matanda ay napansin ko ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata kaya't hinaplus ko ang kanyang likuran.
32:12.1
Ginakalungkot ko pong malaman na nangyari sa anak ninyo tatay.
32:16.1
Ang sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang likuran.
32:20.1
Gano'n din ako, segundo pa ni Cherry.
32:24.1
Ilang segundong namaya niyang katahimika nang biglang magsalita ang kahera na minsan na ring naming na-encounter ni Cherry nang bumili kami sa store nayon.
32:33.1
Ibig sabihin po Tatay Rigor ay siya po yung nakita ko nang bilhin niya ang BB figurine sa ambit pa nito.
32:42.1
Doon ay mas naging malinaw sa akin ang nangyari Papa Dudut.
32:46.1
Naisip ko na kaya siguro siya napasign of the cross ay nakita niyang nakasunod sa akin ng kaluluwa ng anak ni Tatay Rigor.
32:53.1
Ayon sa kahera ay wala daw siyang third eye at iyon ang unang beses niya na makakita ng kaluluwa ng isang multo.
33:00.1
Takot man siya ay hindi niya nagawang umalis sa trabaho dahil yun lang daw ang tanging source of income niya.
33:05.9
Matapos ang pangyayaring yun, Papa Dudut ay ibanalik ko kay Tatay Rigor ang BB figurine at sinabi niya na maaari akong pumili ng kahit na anuman sa kanyang mga panindabi lang pamalit sa figurine.
33:18.9
Tumanggi ako sa alok niyang yun dahil hindi ko na yata kakayanin kung sakaling may mapili akong bagay mula sa kanyang second hand store ay may kakabit na naman ng kaluluwa.
33:29.7
Nang araw din na yun ay nagalay kami ng dasal para sa ikakatahimik ng kaluluwa ng kanyang anak at nang matapos ay nagpaalam na kami ni Cherry na aalis.
33:39.7
Hanggang dito na lamang ang liham ko Papa Dudut at maraming salamat sa paglalaan ng oras upang basahin ito at ibahagi sa kagaya kong listeners.
33:50.5
Nobos na gumagalang Nadia
33:54.5
Ang mga bagay na tinatawag nating second hand ay palaging may kalakip na kwento sa likod nito.
34:00.5
Hindi naman sa tinatakot ko kayong ngunit maaring ang may-ari nito ay matagal nang namaalam sa mundong ibabaw.
34:08.3
Kagaya na lamang na nangyari kay Nadia ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganon ang takbo ng storya
34:15.3
dahil madalas ay malaki ang kapakinabangan nito lalo na sa mga taong kulang sa budget o di naman kaya ay nagtitibid.
34:24.3
Muli mga ka online magandang gabi at maraming salamat po sa inyong lahat.
35:08.3
Sa Papadudud Stories
35:13.3
Kami ay iyong kasama
35:20.3
Dito sa Papadudud Stories
35:24.3
Ikaw ay hindi nag-iisa
35:33.3
Dito sa Papadudud Stories
35:37.1
May nagmamahal sa'yo
35:45.1
Papadudud Stories
35:52.1
Papadudud Stories
35:59.1
Papadudud Stories
36:06.3
Papadudud Stories