Close
 


Anong Mangyayari Pag Immortal Tayo?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #immortal #whatif #animation
Moobly TV
  Mute  
Run time: 09:59
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Paano kung imortal tayo?
00:02.6
Nasa higaan ka na nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng kuwarto.
00:06.8
Masyadong malakas ang ilaw sa labas kaya ang anino lamang ng taong pumasok ang nakikita mo.
00:11.8
Maya-maya pa, nagsalita na ang tao,
00:14.4
Simula sa araw na ito, isa ka ng ganap na immortal.
00:18.8
Ito ang naalala mo tungkol sa kakaibang panaginip kagabi.
00:22.2
Pero kinalimutan mo na lang ito dahil panaginip lang naman, hindi totoo.
00:26.6
Hindi nga ba?
00:28.0
Late ka na sa trabaho, kaya kailangan mong magmadali.
00:31.4
Walking distance lang ang office mo kaya halos tumatakbo ka na.
00:35.2
Habang tumatawid papunta sa kabilang kalsada,
00:37.6
May narinig kang boses na tumatawag sa pangalan mo,
00:40.4
Kaya bigla kang napahinto.
00:42.6
Pero bago mo makita kung sino ang tumatawag sayo,
00:46.0
Ibang tunog na naman ang narinig mo.
00:48.4
Ang malakas na busina ng bus, nasira ang brake at agad na sumagasa sayo.
00:53.8
Sa bilis ng takbo ng bus, halos madurog ang katawan mo
00:57.4
At dyan natatapos ang ating...
01:00.8
Bigla kang nagising sa kwarto mo,
01:03.0
Humihingal, pinagpapawisan at nanginginig.
01:06.0
Agad mong siniguro na okay lang ang katawan mo
01:08.8
At kinurot mo pa nga yung mukha mo.
01:11.0
Panaginip na naman, sabi mo sa sarili mo.
01:13.8
Nagbiis ka at maya maya pa ay lumabas na ng bahay upang magtrabaho.
01:18.8
Kumamay ka sa kapidbahay mong nagdidilig ng halaman
01:21.8
Pero tila nasira ang mukha nito nang makita ka.
01:25.2
At agad na tumakbo papasok sa kanyang bahay.
01:28.4
Tila natatakot ang kapidbahay mo sayo.
01:30.8
Napansin mo ang newspaper sa harap ng bahay mo at pinulot mo ito.
01:34.4
At doon ay nagulat ka sa nabasa mo.
01:37.4
Isang lalaki ang nasagasaan ng bus at agad na namatay
01:41.2
At ang tinutukoy ng newspaper ay ikaw.
01:44.2
Noong una ay hindi ka makapaniwala.
01:46.6
Anong nangyayari?
01:47.8
Tanong mo sa sarili mo.
01:49.2
Hanggang sa naalala mo ang sinabi ng anino sa iyong panaginip.
01:53.2
Ngayon ay isa ka ng ganap na imortal.
01:56.6
Lumipat ka sa isang malayong lugar.
01:58.8
Dahil ang alam ng mga kakilala mo na matay ka
02:01.0
pagkatapos masagasaan ng bus.
02:03.2
Nagbago ka ng pangalan at namuhay ng tahim.
02:06.4
Sa loob ng ilang taon, naging maganda ang takbo ng buhay mo.
02:10.0
Nakapag-asawa at nagkaroon ng pamilya.
02:12.8
Alam ng pamilya mo na isa kang imortal.
02:15.2
Tanggap nila ito.
02:16.4
Subalit habang tumatagal,
02:18.2
ay nagdududa na ang mga tao sa paligid.
02:20.8
Hindi lang sa hindi ka namamatay.
02:23.0
Isa sa mga advantage ng taglay mong immortality
02:26.0
ay ang hindi pag-edad.
02:27.6
Habang tumatanda ang pamilya at mga kaibigan mo,
02:30.8
ganun pa rin ang itsura mo.
02:32.8
May ilang mga kaibigan lumalapit sa iyo at nagtatanong
02:36.0
kung bakit babyface ka pa rin.
02:38.2
Gumagawa ka na lang ng kwento,
02:40.0
sinasabing genetics,
02:41.6
o kaya naman ay may ginagamit kang product.
02:44.2
Nagsimulang magduda ang mga tao nang mas tumanda pa sila
02:47.8
at dito ka na nila, inireport.
02:50.4
Sa pangalawang pagkakataon,
02:52.4
kailangan mo na namang tumakas.
02:54.8
Nagpaalam ka sa pamilya mo,
02:56.6
na ngayon ay matanda na rin at lumipat sa isang bagong lugar.
03:00.4
Ito ang isa sa pinakakinatatakutan mo,
03:03.0
ang malaman ng gobyerno ang taglay mong immortality
03:06.2
at hulihin ka upang pag-eksperimentuhan.
03:09.8
Sa mga taon at dekadang nagdaan,
03:12.2
malipat-lipat ka lang ng tirahan.
03:14.4
At paiba-iba na rin ang pangalang ginagamit mo.
03:17.8
Dahil hindi ka namamatay,
03:19.6
nagkaroon ka ng iba't ibang identities
03:21.8
at iba't ibang careers.
03:23.8
Naranasan mong maging doktor,
03:25.4
maging magsasaka,
03:26.8
maging guro at iba pa.
03:28.8
Sa isang identity mo,
03:30.0
pumasok ka sa mundo ng politika
03:32.0
at dinagtagal ay naging presidente ng isang bansa.
03:35.0
Subalit noong malaman ang oposisyon ng immortality mo,
03:38.0
pinabagsak ka nila.
03:39.4
Kaya naman,
03:40.4
noong nagpalit ka na naman ng pangalan
03:42.4
at lumipat sa panibagong lugar,
03:44.4
naging rebelde ka at nanirahan sa bundok.
03:47.2
Sa haban ng taong nabuhay ka,
03:49.6
naranasan mong maging mayaman,
03:51.6
maging mahirap,
03:52.6
naging makapangyarihan
03:54.2
at naging ordinaryong tao.
03:56.2
Habang tumatagal,
03:57.6
mas nalalaman mo rin
03:58.8
kung ano pa ang pwede mong gawin
04:00.6
bilang isang immortal.
04:02.0
Nakakaramdam ka ng physical pain
04:04.0
ng tulad ng mga ordinaryong tao
04:06.0
at kung mamamatay ka man dahil dito,
04:08.2
nabubuhay ka lang din
04:09.8
kinaumagahan,
04:11.0
gumigising sa kwarto mong
04:12.4
pinagpapawisan at nanginginig
04:14.4
tulad noong una.
04:15.8
Nalaman mo rin
04:16.8
na nagre-regenerate ang katawan mo.
04:19.4
Isang araw,
04:20.4
habang pumapasyal sa zoo,
04:22.0
sinubukan mong hawakan
04:23.2
ng isang tigre
04:24.0
sa loob ng lunga nito.
04:25.6
Agad na naghalit ang tigre,
04:27.4
naging agresibo
04:28.6
at kinagat ang kamay mo.
04:30.4
Sa lakas ng kagat,
04:31.8
naputo lang buong kamay mo
04:33.6
at hinimatay ka
04:35.0
pagkatapos.
04:36.2
Subalit pagkagising mo
04:37.6
kinaumagahan,
04:38.8
bumalik lang din ang buong kamay mo
04:40.6
na tila walang nangyari.
04:42.6
Hindi ka rin nakakasakit.
04:44.4
Mula nang naging immortal ka,
04:46.2
hindi ka na nakaranas ng lagnat,
04:48.2
hika o kahit anumang sakit.
04:50.4
Tila perpekto ang buhay mo
04:52.0
sa tingin ng mga taong sinabihan mo
04:53.8
ng iyong immortality.
04:55.8
Pwedeng gawin lahat ng walang takot
04:57.8
dahil hindi ka naman namamatay.
04:59.8
Subalit ang hindi nila alam,
05:01.6
habang tumatagal,
05:03.0
hindi ka na rin
05:04.4
masaya.
05:05.6
Tuwing kailangan mong lumipat,
05:07.4
hindi nila alam
05:08.2
kung gaano kahirap magsimulang muli.
05:10.2
Nasasaktan kang nakikita na namamatay
05:12.6
ang pamilya at mga kaibigan mo
05:14.8
habang ikaw
05:15.8
ay hindi man lang tumatanda.
05:17.8
Sa huli,
05:18.8
ang tanging gusto mo na lang
05:20.4
ay ang magpahinga.
05:21.8
Gusto mo nang tumanda
05:23.0
kasama ang mga mahal mo sa buhay.
05:25.2
Hiniling mo na sana
05:26.4
ay kunin na lang ang immortality mo.
05:28.6
O kung hindi man,
05:30.0
sana bigyan na lang ng immortality
05:32.2
ang lahat.
05:33.4
Kaya ang tanong,
05:34.4
ano kaya ang mangyayari
05:35.6
kung immortal tayong lahat?
05:37.6
Kung tayo ay immortals,
05:39.4
mas malaki ang tsyansa natin
05:40.8
na umangat at maging successful.
05:42.8
At dahil marami tayong oras,
05:44.6
pwede tayong mag-aral
05:45.6
ng maraming mga bagay
05:47.2
at maging eksperto
05:48.2
sa iba't ibang fields.
05:49.6
Isipin mo yun.
05:50.8
Pwede kang maging doktor.
05:52.4
At kung ayaw mo na,
05:53.8
may oras ka pang mag-aral ulit
05:55.2
ng panibagong kurso
05:56.4
at pumasok sa ibang industry.
05:58.4
Pwede rin tayo
05:59.2
makapag-travel kahit saan.
06:01.0
Pwede ka mag-ipon
06:01.8
ng kahit ilang taon
06:02.8
upang makapunta sa dream country mo.
06:05.2
Mahaabutan natin
06:06.2
ang mga kakaibang advancements
06:07.8
na hindi natin makikita
06:09.4
kung tayo ay mortals.
06:11.0
Isa na dito ang balak
06:12.2
gawin ng billionaire at genius
06:13.8
na si Elon Musk.
06:15.0
Kung magiging immortal tayo,
06:16.6
pati na rin siya,
06:17.6
mahaabutan natin ang araw
06:19.0
kung saan sa Mars na tayo titira.
06:21.2
Syempre, sa mga susunod na dekada,
06:23.4
magkakaroon ng iba't ibang discoveries
06:25.4
at advancements sa technology.
06:27.4
Makakakita ng mga lumilipad
06:28.8
na sasakyan
06:29.8
at magkakaroon ng katulong
06:31.2
na mga robots.
06:32.4
At hindi lang yun,
06:33.4
may ilang tech companies
06:34.6
at mga engineers na
06:35.8
nanagya eksperimentong
06:36.8
gumawa ng tunay na Iron Man suit.
06:39.0
Yung pwede mong isu talaga.
06:40.8
Pwede kang makalipad
06:42.0
at may mga armas
06:43.0
na tulad ng nakikita natin
06:44.4
sa pelikula.
06:45.6
Magkakaroon din ng chansa
06:47.2
ang mga nagkasala
06:48.4
at nakulong
06:49.6
na magbago
06:50.6
at mamuhay
06:51.6
ng marangal.
06:53.0
Maganda din ang epekto nito
06:54.2
sa ating healthcare.
06:55.6
Dahil immortal tayo,
06:56.8
makakatipid din ang gobyerno
06:58.6
dahil hindi naman tayo
06:59.6
tinatablan ng sakit.
07:01.0
At higit sa lahat,
07:02.2
magkakaroon tayo
07:03.2
ng mas mahabang panahon
07:04.6
na makapiling
07:05.4
ang mga mahal natin sa buhay.
07:07.2
Syempre,
07:08.0
may mga hindi magagandang dulot din
07:09.6
ang pagiging immortal natin.
07:11.2
Oo,
07:12.0
mas gagaling pa ang mga workers
07:13.6
sa iba't ibang industry
07:15.0
dahil sa tagal ng kanilang pagtatrabaho.
07:17.0
Subalit,
07:17.6
dahil hindi sila maaalis
07:19.0
sa mga posisyon nila,
07:20.4
wala rin pupuntahan
07:21.4
ang bagong henerasyon
07:22.8
ng mga professionals.
07:24.4
Ano ang gagawin nila?
07:25.6
Magbabago ang pagtingin
07:27.2
ng mga tao sa buhay mag-asawa.
07:29.2
Syempre,
07:30.0
dahil sa tagal ng pagsasama ninyo,
07:32.2
pwede kayong ma-board sa isa't isa
07:34.0
at maghanap ng panibagong partner.
07:36.0
At dahil may oras ka naman,
07:37.8
bilang isang immortal,
07:39.2
madali lang itong gawin.
07:40.8
Sa madaling salita,
07:42.0
marami sa atin ang ikakasal
07:43.8
ng ilang beses.
07:45.0
Kung walang taong mamamatay
07:46.6
at patuloy lang ang paglaki
07:48.0
ng populasyon,
07:49.2
magkakaroon ng matinding
07:50.4
overpopulation sa buong mundo.
07:52.4
At dahil dito,
07:53.6
magiging kulang na ang resources
07:55.6
na pwede nating gamitin
07:57.0
mula sa ating planeta.
07:58.6
Pusibleng magkagulo ang mga tao
08:00.8
at mag-agawan ng pagkain,
08:02.6
bahay,
08:03.4
tubig,
08:04.0
at kahit ano pa.
08:05.6
Buhay ka nga,
08:06.6
pero hindi ka naman masaya
08:08.2
dahil halos wala ka ng makain.
08:10.6
Dahil sa dami natin sa ating planeta
08:12.8
o sa Mars,
08:13.6
kung makakalipa tayo doon.
08:15.2
Thank you in advance,
08:16.0
Boss Elon!
08:17.4
Pwede itong masira
08:18.6
na siyang mas magpapahirap
08:20.2
sa ating mga buhay.
08:21.6
Higit sa lahat,
08:22.6
isa sa mga nagbibigay
08:23.6
ng kahulugan sa ating buhay
08:25.4
ay ang ating limitadong oras
08:26.8
sa mundo.
08:27.8
Ito ang dahilan
08:29.0
kung bakit mas kailangan
08:30.2
nating i-enjoy
08:31.4
at gawing productive
08:32.4
ang bawat araw natin.
08:34.0
Kung hindi na tayo namamatay
08:35.6
at hindi na natatapos
08:36.8
ang oras natin sa mundo,
08:38.4
magiging meaningful pa ba ito?
08:40.2
Ilan lang yan
08:40.8
sa mga pwedeng mangyari sa atin
08:42.4
kung tayo ay magiging immortals?
08:44.4
Pero ang tanong,
08:46.0
posibli nga ba ito?
08:47.6
Unang una,
08:48.6
imposibli tayong magkaroon
08:49.8
ng klase ng immortality
08:51.2
na mayroon na tulad
08:52.4
nang nabanggit sa simula ng kwento.
08:54.4
Hindi rin natin kayang
08:55.4
ma-achieve ang immortality
08:56.8
na nakikita natin sa pelikula
08:58.8
kung saan hindi tinatablan
09:00.0
ng bala,
09:00.8
kuchilyo
09:01.6
o ng kahit anuman
09:03.0
ang mga taong imortal.
09:04.6
Wala tayong kakayahang
09:05.6
maging indestructible.
09:07.2
Gayunpaman,
09:08.2
may posibilidad na kaya nating
09:09.6
makuha ang klase ng immortality
09:11.8
kung saan hindi tayo namamatay
09:13.8
dahil sa pagtanda.
09:15.4
Sa Silicon Valley sa US,
09:17.2
may mga billionaires
09:18.2
at biotech companies
09:19.2
na sinusubukang maka-develop
09:20.8
ng drugs
09:21.6
na pwede makatigil
09:22.6
sa aging process.
09:24.0
Base sa kanilang pag-aaral,
09:25.6
sa pamamagitan ng
09:26.6
pagbabago ng genetics
09:28.0
at pagbaba ng caloric intake,
09:30.0
nagkakaroon ng
09:31.0
mas mataas na lifespans
09:32.4
ang mga langaw,
09:33.6
uod at mga daga.
09:35.4
Ito ang ginagawa nilang basihan
09:37.0
na pwede tayong maging immortal
09:39.0
kung pareho ang epekto nito
09:40.6
sa tao.
09:41.6
Ikaw,
09:42.6
gusto mo bang maging immortal?
09:44.2
Ano sa tingin mo ang
09:45.2
magiging epekto nito
09:46.2
sa buhay natin?