Close
 


Chain message na nagsasabing bawal uminom ng malamig kapag sobrang init, kumakalat
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineSaUmaga | Balik-online classes ang ilang eskuwelahan dahil sa sobrang init. Kasunod niyan, may kumakalat na chain message ng mga umano'y bawal gawin sa tag-init. #News5 | via Marianne Enriquez Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 04:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Balik online classes ang ilang eskwelahan na dahil sa sobrang init, kasabay niyan may kumakalat na chain message na mga umano'y bawal gawin sa tag-init.
00:09.0
May basean kaya yan o hindi dapat paniwalaan? Sa front line ng balitan yan si Marian Enriquez.
00:16.0
Maghanda sa nakaambang heat wave, yan ang babala sa kumakalat na chain message na ito online ngayong tag-init.
00:23.0
Kalakip din ito ang mga bawal umanong gawin kapag sobrang init. Kabilang dyan ang huwag agad-agad uminom ng napakalamig na tubig.
00:30.0
Maaari raw kasing pumutok o sumabog ang maliliit na ugat ng dugo. Kaya si Nanay Connie iwas muna sa cold drinks.
00:39.0
E nakakasama daw yung malamig masyado. E pag ganyan daw, pag may high blood ka, may hirap daw yun."
00:51.0
Pero mga kapatid, hindi yan totoo.
00:55.0
Wala pong medical reference dyan. At bilang practitioner for the last 3 decades, I have never encountered and I have not done that. Not even orders from my mentors or teachers."
01:10.0
Hindi rin daw issue kung malamig o hindi ang inumin. Ang mahalaga, uminom ng maraming tubig.
01:17.0
Ayon sa mga eksperto, mas mainam pangaraw kung malamig ang iinumin dahil nakadadagda nito sa cooling effect o nakatutulong sa pagpapababa ng temperatura.
01:26.0
Ang dapat daw iwasan na yung paginom ng sobrang alak at kape para maiwasan ng dehydration, lalot diuretic ang mga ito na nakakapagpaihi.
01:34.0
Sabi rin sa chain message, bawal maghugas ng kamay, paa o anumang bahagi ng katawan na nabilad sa araw. Kailangan daw munang magpalipas ng hindi bababa sa kalahating oras bagong maligo o maghilamos. Muli mga kapatid, hindi po yan totoo.
01:51.0
Walang basihan na galing ka sa initan ng araw mag-shower ka. In fact, pag nasa beach ka naliligo pa kagad. Siguro dapat natin i-correct yan kasi baka mamaya nandun sila sa area na magkakaroon ng heat exhaustion tapos i-avoid ang water. Importante kasi makool off."
02:14.0
Ang pag-asa naman, agad nilinaw na walang heatwave na nangyayari sa Pilipinas ngayon. Nasa tropical region kasi ang bansa kaya likas ng mainit ang ating klima.
02:24.0
Hindi po tulad sa mga ibang bansa. For example, ilang bahagi ng United States, yung mga mid-latitudes na nakakaranas ng malamig na temperatura tapos biglang nagkaroon ng pagtas ng temperature ay talagang ramdam na ramdam nila. Kaya sila nakakaroon ng heatwave."
02:39.0
Pero babala ng pag-asa, taat-taas pa ang temperatura sa mga susunod na buwan. Sa Metro Manila, maaaring pumalo sa 36-38 degrees Celsius ang heat index o init na nararamdaman ang katawan ng tao. Posible pang umabot yan sa 40 degrees Celsius sa gitna ng tag-init. Sa temperatura na yan, para ka nang nilalagnat.
03:02.0
Sa ibang bahagi ng bansa, posible pang mas mainit dyan. Nito lang weekend, naramdaman na ang 47 degrees Celsius na pinakamainit na temperatura ngayong taon sa Butuan City, Agusan del Norte at San Jose Occidental, Mindoro.
03:17.0
Sa patuloy na pagtindi ng init na naranasan sa buong bansa, nagbalik online classes muna ang Mindanao State University. Yan daw ay para makaiwas sa banta ng extreme hot weather conditions sa kalusugan ng mga estudyante.
03:31.0
Paalala naman ng mga eksperto para iwas heatstroke hanggat maari ay iwasang magbilad sa arawan. Mainam din kung magsusuot ng maninipis at preskong damit. Dapat ding mag-sunblock at gumamit ng mga panangga sa init, gaya ng payong at sombrero.
03:48.0
Nagbabalita mula sa Frontline, Morgan Enriquez, News 5.