Close
 


HOLY WEEK HORROR STORIES: GAME OF THE SAINTS
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
HOLY WEEK HORROR STORIES: GAME OF THE SAINTS | HILAKBOT CLICK HERE 🔗 https://youtu.be/9XnaME7AxJ8 🔴 EPISODE WRITER ► SIXTH HOKAGE Follow our Writer @ https://www.facebook.com/mgakwentonijayehatake 🔴 STORY EDITOR ► SANTO SANTITO 🔴 NARRATOR ► RED #hilakbottv #hilakbotholyweekspecial #holyweekhorrorstories #sixthhokage #6H #hellyweekspecial #pinoyhorrorstories #tagaloghorrorstories #hilakbotpinoyhorrorstories Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Sc
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 21:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Abot-abot ang kaba ni Elijah. Wala na siyang kawala.
00:15.2
Kakaunti na lamang sila at sa anumang sandali na natitiyak niyang malapit na ay makikita na siya sa kanyang pinagtataguan.
00:26.7
Mariin niyang tinakpan ang bibig upang hindi kumawala ang mga hagulgol.
00:33.0
Inalala niya kung bakit siya nasuot sa ganuong sitwasyon.
00:40.5
Oras na naman na!
00:43.3
You are crushed!
00:53.3
Grade 12 student si Elijah na nasangkot sa isang sex scandal.
01:00.3
Pilit niyang binabaliwala ang masasakit na salita.
01:04.3
Ngunit nang isang anunsyo ang makita niya ay napag-isip-isip niyang kailangan niya ng karamay sa ganuong sitwasyon.
01:12.1
Kailangan niya ng support group.
01:16.1
Ayon sa anunsyo.
01:19.1
Ikaw ba ay may mabigat na pinagtaraanan na nais mong malagpasan?
01:24.1
Pagod ka na ba sa hirap at pagpapakasakit sa iyong buhay?
01:28.1
Nais mo bang magkaroon ng pagbabago at makamtan ang rurok ng kapayapaan?
01:33.9
Kung oo ang sagot mo sa lahat ng ito, malugod ka naming inaanayahan na lumahok sa aming samahan.
01:41.9
At iyon ay walang iba kundi ang The Way of the Saints.
01:46.9
Isang samahan na naglalayong ipakita sa mga bagong miyembro ang naging pagbabago sa buhay ng mga santo
01:54.9
nang tanggapin nila sa puso ang Panginoong Diyos.
01:58.7
Napaisip si Elijah.
02:01.7
Baka nga kulang siya sa pakikinig at pagninilay sa salita ng Diyos kaya nangyayari sa kanya ang mga pinagdaraanan niya.
02:11.7
Ngunit wala naman sigurong masama kung hihingi siya ng kaliwanagan sa iba pa na meron ding pinagdaraanan.
02:20.7
At iyon ang pinakamalaking pagkakamali niya.
02:25.5
Hindi siya dapat nagtungo at sumali sa The Way of the Saints.
02:30.5
Matatagpuan ang malaking gusali noon sa paanan ng kabundukan na nakaharap sa karagatan.
02:37.5
Ang mga kasama niya roon ay mga taong sumuko na sa lahat ng hamon ng buhay.
02:43.5
Mga nawalan na ng pag-asa at kamatayan na lamang ang nagsisilbing pagbabago na kanilang inaasahan.
02:52.3
Nagtungo lamang ang mga iyon sa The Way of the Saints upang malaman kung meron pa ba talagang liwanag na matatanaw sa bukas ang mga ito.
03:03.1
Nahiya tuloy na magbahagi ng kanyang problema si Elijah.
03:21.1
Para kasing pipitsugi ng kanyang mga dinadala,
03:24.1
kumpara sa isang babaeng may terminal ng karamdaman na mag-asas ng mga masaya.
03:31.9
na mahahalata na sa kalbo nitong ulo,
03:34.9
butot balat na katawan,
03:36.9
at namumot lang mga balat.
03:39.9
Sa lalaking walang tumatanggap na trabaho dahil sa nakaraang rekord ng pagnanakaw at pagpaslang.
03:47.9
Sa babaeng may milyones na utang,
03:50.9
dulot ng pagkalulong sa sugal,
03:52.9
na ngayoy pinaghahanap na ng otoridad.
03:56.7
Napatingin sa kanya ang humigit kumulang limampung bagong miyembro
04:01.7
nang marinig ang kanyang testimonya.
04:05.7
Napagalaman din niya na siya pala ang pinakabata sa mga naroon.
04:12.7
Katahimikan ang sumunod nang matapos siyang magsalita.
04:17.7
Hiyang hiya siya.
04:20.5
Ngunit napawi sa kanya ang atensyon ng mga ito
04:23.5
nang magsalita ang MC na nagpakilalang Daniel.
04:28.5
Itaas daw ang kamay ng mga nais nang magpakamatay.
04:36.5
Hindi naman iyon na iisip ni Elijah.
04:39.5
Ngunit nang makitang halos lahat ng naroon ay nagtaas ng kamay
04:43.5
habang naluluhapang ay napilitan siyang makiisa.
04:49.3
Tumangotango si Daniel
04:51.3
pagkatapos ay nagkuwento ng ukol sa buhay at kamataya ng ilang santo.
04:57.3
Hindi naman iyon bago sa kanya dahil nagiging paksa nila iyon sa paaralan
05:03.3
Subalit kapansin-pansin na tila pinagdiriinan ni Daniel
05:09.3
na bawat santo ay dumanas ng napakatinding pagihirap bago pinatay.
05:18.1
Nariyang tinalupan daw ng buhay,
05:21.1
nilagari sa dalawa habang nakatiwarik,
05:24.1
prinito sa higanteng kawali,
05:27.1
pinugutan ng ulo at kung ano-ano pa.
05:31.1
Ngunit ang bawat pagkamatay raw na iyon
05:34.1
ay bukal sa kaloobang tinanggap ng mga santo
05:38.1
sapagkat alam na mga ito na sa kamatayan ay makakasama na nila ang Panginoon.
05:45.9
Makakamta ng buhay na walang hanggan sa piling ng lumikha
05:49.9
kapag sila ay nagpakamartir at tinanggap ang kamatayan.
05:56.9
Tahimik ang lahat.
05:59.9
Tila nililiming mabuti
06:01.9
kung ano ang kinalaman ng kamatayan ng mga santo sa kanikanilang problema.
06:09.9
Baka papatay nilang tayo?
06:12.9
Para maging santo rin?
06:15.9
Bulong ng isang lalaki sa katabi nito
06:18.9
na nawalan din naman ng saysay
06:21.9
dahil dinig na dinig pala sa buong silid.
06:25.9
Laking gulat na lamang ng lahat
06:27.9
nang ituro ito ni Daniel sabay sabing
06:31.9
Tumpak ang sinabi mo kaibigan!
06:36.9
Napamaang ang lahat at nagpatuloy naman si Daniel.
06:41.7
Sa the way of the saints daw ay kailangan nilang maranasan
06:45.7
ang kamatayan upang magkaroon ng kapayapaan.
06:50.7
Umalma ang mga tao.
06:52.7
Nagkataasan ang mga boses
06:55.7
at lalo ng tumaas ang apat na panig ng dingding kasama ang kisame
07:00.7
at malantad ang totoo nilang kinaruroonan.
07:04.7
Isang malawak na arena na may naglalakihan
07:09.5
at patong patong na crates,
07:11.5
mga barbwire sa kung saan saan,
07:14.5
naglalakihang bato at troso
07:16.5
at isang malaking mesa ng kung ano-anong armas.
07:20.5
Magmula sa tinidor,
07:22.5
barbecue stick,
07:24.5
hanggang sa chainsaw
07:26.5
at iba pang mabibigat na bakal na may mga spikes.
07:30.3
Napatayo ang lahat at nagtangkang magsitakbuhan patungo sa isang pinto.
07:35.3
Ngunit laking gulat nila
07:37.3
nang may isang mabalasik na oso ang lumabas mula sa pintong iyon.
07:43.3
Ang kawawang mahablut nun ay umaalagwa ang bituka at lamang loob
07:48.3
dahil sa malalaki at matatalas na koko ng hayop.
07:53.1
Tumawa ng nakakaloko si Daniel
07:56.1
kasabay ng palakpakan at sigawan na nagmula sa itaas.
08:01.1
May mga manunood pala mula sa pinakataas na bahagi ng arena.
08:07.1
Ani Daniel ay yaman din lamang na gusto na nilang mamatay
08:12.1
ay gawin na nilang kapaki-pakinabang ang mga huling kapatid.
08:17.1
Maging kaaliwan daw sila sa mga nais manunood.
08:21.9
Ang sino mang magtatangkang tumakas ay handang lapain ng oso
08:26.9
at sino mang magtangkang gamitin na mga sandata laban sa oso
08:31.9
ay pagbabarilin ng mga nakakubling bantay.
08:37.9
Napaluha na lamang si Elijah.
08:41.7
Kaya siya nagtungo sa lugar na iyon ay upang magnilay
08:46.7
upang magkaroon ng karamay sa kanyang suliranin
08:50.7
upang malaman ang pamamaraan ng mga santo
08:54.7
pero hindi niya sukat akalain na magiging kasangkapan siya
08:59.7
sa isang pambaliw na kaaliwan ng kung saan.
09:04.5
Napapitlag siya nang may magsatinig ng magnasalitang nasa kanyang isipan
09:11.5
ngunit bago paman niya mahanap kung sino ang nagsaboses nun
09:15.5
ay sunod-sunod na putok na ang kanyang narinig
09:19.5
pagkatapos ipinagkati ng palangang madaling matulog
09:23.5
na hulings isino na aking ikaw,
09:26.5
Pero yan babat nang magbabait ng ating naman
09:32.3
Pagkatapos ay isang kalampag at sinundan niya ang hinahayon ng tingin ng kanyang mga kasama
09:40.3
Doon ngay nakita niya ang duguan at uoboobong babaeng may milyones na utang
09:48.3
Napasinghap siya at napaatras
09:51.3
Nakita pa niyang nagtangkang tumayo ang babae
09:54.3
ngunit isang malakas na putok pa at sumabog na ang ulo nito
10:00.1
Doon na tuluyang nahintakutan ang lahat
10:04.1
Lalo na nang muling magsalita si Daniel
10:09.1
Gamitin daw nila ang mga armas na kanilang nakikita
10:13.1
upang tapusin na ang isa't isa
10:18.1
Hindi matatapos ang laban hanggat walang nag-iisang kampyon
10:23.9
Maya-maya ay isang malakas na sigawang umalingaungaw kasunod ng pagtakbo ng isang lalaki patungo sa mesa ng mga armas
10:33.9
Mabilis nitong dinampot ang chainsaw at binuhay iyon
10:38.9
Ang lalaking hindi matanggap sa trabaho dahil sa nakaraang pagkakasala ng pagnanakaw at pagpatay
10:45.9
Walang dudang kaya nga nitong pumatay para lamang mabuhay
10:50.7
Lalong nag-umalpas ang takot sa dibdib ni Elijah
10:56.7
Walang pag-aanin lang na tumakbo pabalik sa kanilang grupo ang lalaki habang iwinawasiwas ang makina
11:08.7
Lima kaagad ang bumulagta matapos mahiwa, mataga o masaksak na mga nangangalit ng ngipin ng chainsaw
11:17.5
Walang awang pinadaan muli ng lalaki nang rumaragasang lagari ang katawan ng mga nakabulagta hanggang sa maghiwahiwalay ang mga iyon
11:29.5
Dalawa lamang ang kinahinatna ng iba pang natira
11:33.5
Magtakbuhan upang makatakas o di naman kaya, tumampot na rin ng kanikanilang armas
11:47.5
Pinili ni Elijah ang tumakas
11:51.5
Ayaw niyang mamatay ngunit ayaw rin niyang pumatay
11:55.5
Nagkagulo, naghalo-halo na ang sindak na sigawa ng mga kasama niyang nagtatakbuhan
12:03.5
Ang galit at determinadong sigaw ng mga nagdesisyong lumaban at ang masigabong pagbubunyi ng mga manulood
12:13.3
Bilang maliit ay nakapasok si Elijah sa makipot na butas ng isang crate
12:20.3
Doon ay malaya niyang nasaksihan ang karumaldumal na pakikipaglaban para sa buhay ng mga taong kanina lamang ay nagpahayag ng pagnanais ng kamatayan
12:33.1
Nanginginiga ang buo niyang katawan habang nakikita kung paano magkalasog-lasog ang parte ng katawan ng mga taong kanina ay katabi lamang niya
12:45.1
Kung paanong lumipad ang bao ng ulo ng mga iyon, sanhin ng matatalas na tabak, ang pagluwan ng mga lamang luob dulot ng paulit-ulit na pananaksak
12:56.1
ang masaga ng agos at pagsirit ng pulang likido mula sa mga lieg na mga nawalan ng ulo
13:07.9
Ayaw niyang pumikit gaano man karimarimarim ang kanyang nasasaksihan
13:14.9
Kailangan niyang makita ang lahat upang mapaghandaan kung meron nang makakakita sa kanyang pinagtataguan
13:22.7
Natawag na yata niya ang lahat ng santo na kilala niya. Humihingi siya ng awa at saklolo sa mga iyon
13:32.7
Ngunit, nang maalalang balak nga pala silang itulad sa mga martir na santo, ay lalong nang hina ang kalooban ng dalaga
13:43.5
Anong klaseng mga tao ang pinag-aralan ng buhay at kamatayan ng mga santo upang gawing palusot para sa baliw na libangang iyon?
13:54.5
Kakaunti na lamang sila at sa anumang sanali na natitiyak niyang malapit na ay makikita na siya sa kanyang pinagtataguan
14:05.5
Mariin niyang tinakpan ang bibig upang hindi kumawala ang mga hagulgol
14:11.3
Nakita nga niya ang dalawang huling kalahok, ang lalaking nakakuha ng chainsaw at ang babaeng may malubahang karamdaman
14:22.3
Katakataka na isa pa ito sa natirang matibay
14:26.3
Nang magsagupaan na ang dalawa ay biglang may tumutok na ilaw sa mga ito
14:32.3
Dahilan iyon upang mapahinto ang dalawa at takpan ang kanika nilang mga braso sa mga mata
14:40.1
Kasunod nun ay nagsalita si Daniel
14:45.1
Nanlaki ang mga mata ni Elijah nang sabihin ni Daniel ang kinaroroonan niya
14:52.1
Kung sino raw ang makapapatay sa kanya ay siyang tatanghaling kampyon
14:59.1
Dali-daling lumabas sa crate si Elijah
15:02.9
Hindi na niya pinansin ang karahasan sa kanyang paligid at umiiyak na nagmamakaawa sa dalawang natira
15:10.9
Naniklohod siya ngunit hindi lumapit sa mga ito sa takot na bigla na lamang siyang pagpira-pirasuhin ang chainsaw o kaya naman ay pagsasaksakin ng salapang ng babae
15:23.7
Subalit, wala yatang visa ang kanyang pagmamakaawa dahil tinakbo siya ng lalaki upang atakihin
15:33.7
Na ipikit na lamang niya ang mga mata upang tanggapin ang kanyang katapusan
15:40.7
Nakatakda nga yata siyang maging martir
15:44.7
Kaagad din siyang napadilat ng maramdaman na yumanig ang paligid
15:53.7
Napatigil sa pagtakbo ang lalaki at sa halip ay humanap ng makakapitan
16:00.7
Gayon din ang babaeng may karamdaman
16:03.7
Umugong ang sigawan ng mga manunood mula sa taas
16:08.7
Napatingala sila nang makitang nabibiyak ang mga haligi ng arena
16:14.7
Gayon din ang palapag na pinipwestuhan ng mga manunood
16:19.5
Maya-maya nga ay tuluyan nang bumigay ang palapag na iyon at tilakula na nagbagsakan ang mga manunood
16:35.5
Nagtakbuhan sa kitnasin na Elijah upang hindi mabagsakan ng mga tao at bato
16:42.5
Lumilindul
16:45.3
Kitang kita nila kung paanong magsipulan dit ang nadurog na katawan ng mga manunood
16:52.3
na ngayoy humahalo na sa katawan ng mga sinawimpalad na kanina'y kasamahan nila
16:58.3
Mula naman sa kung saan ay nagkaroon ng pagsabog
17:03.3
at kasabay nun ay kumuho ang isang bahagi ng pader at rumagasa ang napakalakas na tubig
17:10.3
Naanod sina Elijah
17:13.1
Nakita pa niya ang oso na ekspertong lumalangoy sa rumaragasang baha
17:19.1
Gumawa ng panibagong butas sa arena ang malakas na daluyong ng baha at nadala sila patungo roon
17:26.1
Nakainumpa ng tubig baha na may kahalong dugo si Elijah
17:31.1
Ngunit mas pipiliin na niya iyon kesa mamatay sa brutal na paraan
17:36.1
Hindi niya alam kung anong klaseng dilubyo ang nangyayari
17:39.9
dahil sa magkasunod na pwersa ng kalikasa na sumira sa arena
17:44.9
Ngunit ang problema naman niya ngayon ay ang makaligtas sa baha
17:51.9
Lulubog lilitaw si Elijah
17:54.9
May mga naglulutangan pang bangkay at putol-putol na bahagi ng katawan ng mga tao
18:00.9
at hindi niya alam kung saan siya kakapit dahil sa mabilis naragasa ng tubig
18:05.7
Nang biglang may dumakot sa kanyang bewang at hinila siya upang makakapit sa isang piraso ng kahoy
18:13.7
Nang magkaroon ng matatag na makakapitan ay tsaka nakita ni Elijah kung sino ang tumulong sa kanya
18:21.7
Walang iba kundi ang lalaking may dala ng chainsaw
18:26.7
Kasama rin nila sa kahoy na kinakapitan ang babaeng may karamdaman
18:32.5
Kapwasugatan ang mga ito ngunit nagpapatatag sa pagkapit sa kahoy
18:39.5
Hindi siya makapagsalita ng sandaling iyon ngunit dinig na dinig niya ang pagusal ng panalangin ng dalawa
18:52.5
Humihingi ng tawad ang mga iyon at nagpasalamat din sa pagkakaligtas
18:59.3
Tila naman noon lamang naaalala ni Elijah na ipagpasalamat din ang kanyang kaligtasan
19:07.3
Siya ang pinakamapalad sa lahat dahil nakawala siya nang hindi man lang nagagalusan
19:15.3
Ilang oras ang nagdaan at sa wakas ay may helikopter na nakapagligtas din sa kanila
19:22.1
Naanod na pala sila sa karagatan na may kalapitan lamang at kung hindi dahil sa malaking puting kahoy na kanilang nakapitan ay hindi sila makikita na palutang-lutang
19:36.1
Hugis krus kasi ang kahoy na isa sa mga haligi ng arena
19:41.1
Mistulang krus na binuhat ni Jesucristo patungo sa kalbaryo upang mailigtas kahit pa ang pinakamakakasalanang tao
20:11.9
May mga pangako na pag-iisip sa kanila
20:20.9
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito, hit like, leave a comment at ishare ang ating episode sa inyong social media
20:28.9
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media
20:32.9
Check the links sa description section
20:35.7
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog Horror Stories, series, and new segments
20:43.7
Suportahan din ang ating mga brother channels ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog Horrors
20:49.7
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories
20:55.7
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
21:05.7
Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating bunsong channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories
21:15.7
Subscribe na!
21:17.7
Or else...
21:20.7
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio
21:28.7
Your first 24x7 non-stop Tagalog Horror Stories
21:32.7
Sa YouTube