Close
 


Vince Rapisura 2378: Silicon Valley Bank explianed for Filipinos
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#UsapangPera: Mga Tips sa Pagyaman with Sir Vince tackles money issues such as savings, loans, budgeting, and investing among others. Visit Sir VInce's website: www.vincerapisura.com. How to join SEDPI Coop: 1. Join SEDPI Foundation at bit.ly/SEDPIOnlineSRI by clicking “Register” and filling out the form 2. Take the online Pre-Membership Education Seminar (PMES) at bit.ly/SEDPICoopPMES 3. Pay membership fee and initial share capital Simulan ang pagiinvest the socially responsible way sa: bit.ly/SEDPIOnlineSRI Pag-IBIG MP2: * Watch the play list: https://www.youtube.com/playlist?list... SSS Retirement: Watch the playlist https://www.youtube.com/playlist?list... How to invest 100K: https://youtu.be/dxHRZn7uP-4 Celebrity guests include venus Raj (Season 1); Nicole Cordovez and Sinon Loresca (Season 2); Atom Araullo (Season 3) and Porky (Season 4). Smart Parenting Board of Expert
Vince Rapisura
  Mute  
Run time: 15:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang Silicon Valley Bank po ay pag-uusapan natin bakit siya bumagsak, bakit siya nagsara, kung dito yan sa Pilipinas nangyari, ano po kaya ang nagiging efekto.
00:11.5
And ano yung underlying causes, bakit po nagsara ang Silicon Valley Bank.
00:17.4
And then mayroon po kasing kontrobersiya ang kanilang Federal Deposit Insurance Corporation, yung equivalent ng PDIC natin.
00:25.4
Binail out daw yung mga depositors na Silicon Valley Bank.
00:29.7
And ano ba yung naging efekto ng Silicon Valley Bank collapse sa global financial markets natin?
00:36.4
And naramdaman ba natin dito yan sa Pilipinas?
00:40.2
Okay, so yan po yung naglabasan ng mga news articles about the Silicon Valley Bank at federal deposit insurance corporation.
00:51.0
So ano ba yung nangyari dito sa Silicon Valley Bank?
00:54.1
So ito pong Silicon Valley Bank ay nag-collapse at sinease ng mga regulators.
01:00.6
Napasailalim na sa mga regulators, sa gobyerno, sa Federal Deposit Insurance Corporation.
01:07.8
At nangyari lang po ito sa loob ng dalawang araw.
01:13.6
Biglang nagkaroon ng bank run. Napakabilis ng pangyayari.
01:18.0
Para lang po itong eksena sa pilikula, na ay, bilis-bilis ng mga pangyayari.
01:24.8
At yung pagsasara nito, ang kadahilan daw ay dahil sa risk management at sa mga hindi magagandang practices ng bangkong ito.
01:36.5
Ang mga customers ng Silicon Valley Bank ay yung tinatawag na startups o yung mga tech-centric firms na nag-withdraw ng kanilang mga deposits.
01:47.1
So ito ay mga tech startups, kung naglalaro po kayo ng Roblox, depositor po ang Roblox dyan.
01:54.1
Kung nanonood po kayo ng Vox Media sa YouTube, yan po ay isa din sa mga customers ng Silicon Valley Bank.
02:01.6
Sila po ay mga tech startups.
02:03.6
And ang sinasabi po, the collapse may trigger tech financial sector repercussions.
02:09.6
So yan po yung nakita natin sa Silicon Valley Bank.
02:14.1
Bakit ba siya? Ano bang nangyari at nagsara itong bangkong ito?
02:19.6
Nung ako ay nanaliksik dyan, ang pinakanakita ko talaga ay nagkaroon ng mismatch sa long-term bonds na tinatawag ng bangkong ito.
02:40.6
At saka sa kanyang on-demand deposits.
02:45.1
Di ba kapag tayo ay nagde-deposito sa banko, anytime ay pwede nating ma-withdraw yan.
02:51.1
Ang ibig sabihin po niyan ay on-demand.
02:53.6
Which means, anytime na gusto mo kunin ang pera mo, dapat nandyan yan, on-demand yan.
02:59.1
Ayun ang nangyari.
03:00.6
Noong kasagsagan ng pandemic, maraming mga tech startups at mga individuals ang nag-deposito sa Silicon Valley Bank.
03:09.6
Dahil may liquidity na binigay dahil sa napakalaking ayuda na binigay ng Amerika.
03:15.6
At dahil dyan, siyempre nag-ingat din naman ang Silicon Valley Bank.
03:19.6
Ang ginawa niya ay in-invest niya ito sa mga government bonds ng Amerika.
03:25.6
Anong ibig sabihin niyan?
03:27.6
Nalagay yung pera niya ngayon sa long-term investment.
03:31.6
At yung long-term investment na yun ay may term na 10 years.
03:36.6
E ang nangyari, nag-withdraw yung mga members, masyadong maraming withdrawal na naganap.
03:45.6
At dahil maraming withdrawal na naganap, nagkulang na yung cash ng Silicon Valley Bank.
03:52.6
Kinailangan niya ngayong ibenta ang mga bonds na yun na 10 years.
03:58.6
Dapat after 10 years pa magmamature.
04:00.6
So yun po yung unang dahilan.
04:02.6
Nagkaroon ng mismatch kasi on-demand yung deposits, withdrawable anytime.
04:06.6
Pero in-invest nila sa napakatagal na bonds which is worth about P21B na US Treasuries.
04:16.6
So bakit? Anong nangyari ngayon? Bakit siya nilakinailang?
04:21.6
Ano yung naging epekto ng pagbibenta ng bonds ng Silicon Valley Bank?
04:28.6
Ang naging epekto po niyan ay, noon kasing binili ng Silicon Valley Bank yung bonds,
04:36.6
ay mababa ang interest rate, mababa yung kinikita.
04:39.6
Nasa, I think, nasa 0.25% lang per annum or 0.5% per annum lang.
04:47.6
E hindi ba, since last year ay nagtaas ng interest rate ang gobyerno, ang mga central banks natin.
04:56.6
At dahil sa pagtataas ng interest rate na yan, ay ibig sabihin, mas nagiging mahal yung mga bonds.
05:05.6
So kung may pera ka ngayon, anong bibilihin mo?
05:10.6
Yung bond na mataas ang interest na binibigay ng gobyerno, ng central bank,
05:18.6
o yung dati nang nabenta pero mababa ang interest rate.
05:26.6
So ang mangyayari ngayon, nung binibenta ng Silicon Valley Bank yung lower interest rate na banks niya,
05:32.6
e mataas ang presyo ng mga interest rates, kailangan niyang ibaba yung presyo nito
05:38.6
para mabawi ng mga bibili at maging attractive sa kanila yung pagbili ng bonds ng Silicon Valley Bank.
05:45.6
At dahil diyan, nagkaroon ng losses, nagkaroon ng lugi ang Silicon Valley Bank.
05:51.6
O ngayon, nung nagkaroon ng lugi ang Silicon Valley Bank dahil siya isang publicly listed company,
05:57.6
kailangan niya itong i-disclose o i-report sa stock market.
06:04.6
At nung nagkabalitaan na narinig ng mga tech startups, e kailangan ng mga tech startups na mga pera nila,
06:12.6
nag-se-withdrawhan sila ngayon. So nagkaroon ng classic case of bank run.
06:18.6
So the startups withdrew their deposits because they also wanted to repay their existing loans
06:26.6
which has become more expensive dahil nga nagtaas ng interest rate ang central bank.
06:34.6
So nung nagkaroon na ngayon ng panic mula sa tech startups,
06:39.6
ito na ngayon ay nahawa at nagdomino effect papunta sa kanilang mga customers.
06:45.6
And now this led to a classic case of a bank run or a bank holiday na tinatawag natin.
06:53.6
At ito pa ang isa, in the last eight months daw, or for eight months,
06:59.6
wala pong chief risk officer ang Silicon Valley Bank.
07:07.6
Sa panahon na nagkakagulo ang venture capital markets kung saan nandoon yung mga tech startups.
07:14.6
So may kakulangan talaga yung management ng Silicon Valley Bank.
07:19.6
Pero at the same time, mayroon ding regulatory, lack of regulatory oversight
07:25.6
ang Fed, ang Federal Commission at federal government, ang gobyerno ng Amerika.
07:33.6
Kaya sinasabi din ng FDIC na binail out ninyo ang mga depositors ng Silicon Valley Bank.
07:43.6
Ang sabi ng ex-FDIC chair, ang FDIC po ay Federal Deposit Insurance Corporation.
07:50.6
Equivalent po yan ng PDIC natin kung saan pag nagsaraang banko,
07:54.6
pupunta itong FDIC na ito at siya ang magsasakuli ng mga deposito ng mga savers nila.
08:02.6
At sa Amerika po, up to 250,000 USD yung pupwede nilang i-insure.
08:12.6
Yan po I've insured kapag sila nag-save sa mga banko nila.
08:17.6
Ang sabi ng ex-FDIC chair, SVB bailed out high value tech depositors.
08:27.6
Kasi nga, ang mga nagde-deposit sa SVB ay mga tech startups na malalaki ang pera, more than 250,000 pesos.
08:41.6
Pero ang ginawa ng FDIC ay in-insure pa rin niya ito at i-binalik pa rin yung pera sa mga tech startups na ito.
08:51.6
Kasi ang sabi niya, unang-una mga depositors naman ito na kapag hindi nila nakuha yung pera nila
08:58.6
ay maa-apektohan ang ating tech industry. Maraming mawawalan ng trabaho dahil magsasara ang mga ito
09:05.6
at baka maapektohan din yung innovations na mga ginagawa daw ng mga tech startups na ito.
09:11.6
Yun yung sabi ng FDIC. Pero dini-deny ng FDIC na ito ay bail out.
09:17.6
Kasi nga, yun nga, yung mga depositors lang naman ang in-insure namin, even higher than 250,000 USD.
09:25.6
Pero yung mga bondholders at saka mga shareholders ng SVB ay hindi po sila na-bail out.
09:33.6
They really took the losses. At ang sabi pa rin ng FDIC, yung mga officers ng Silicon Valley Bank ay nawalan din ng trabaho.
09:42.6
So this is not a typical bail out. Yun yung ako, sa opinion ko, yun yun.
09:48.6
So ano ba yung naging epekto naman ng pagsasara ng Silicon Valley Bank sa global financial markets natin?
09:56.6
Nagkaroon ito ng limited global impact pero mayroong lingering uncertainties.
10:02.6
Until today, sa ako lang ngayon naramdaman na may pagkakalma mula sa global financial market from news sources.
10:10.6
Pero in the past week na nangyayari ito, talaga namang kinakabahan ng mga tao.
10:18.6
At nire-report din na talagang may mga nagwe-withdraw daw sa mga bangko.
10:23.6
At ngayon nga daw po ay nagre-reverse na.
10:26.6
And investors are seeking safe haven investments like gold because of this crisis that is happening.
10:37.6
At ang nagsasabi din ay dahil sa nangyayaring itong crisis ng Silicon Valley Bank,
10:44.6
ay mas maaari daw na magkaroon ng recession sa Amerika.
10:49.6
At siyempre, sabi nga nila kapag matching ang Amerika ay magkakalagnat ang buong iba pang mga bansa.
10:56.6
Only to show na talagang konektado, napakalaki ng influensya ng Amerika,
11:02.6
ng ekonomiya ng Amerika sa ekonomiya ng buong mundo.
11:06.6
Pero ang sabi din naman ay stronger na daw talaga yung banking system,
11:12.6
lalong-lalong ang European at American banking system because of the 2008 global recession.
11:20.6
The Great Recession ang tawag nila.
11:23.6
Pero actually nauna tayo kasi noong 1998-99 financial crisis ay na-learn na natin yan.
11:30.6
So mas nauna tayo na maging strong in terms of our banking system.
11:37.6
Ano yung efekto nito sa Philippine market?
11:41.6
Ano yung lessons that we can learn from it?
11:43.6
From the Philippine market, mayroon daw potential stock decline.
11:47.6
Actually nakita talaga natin yan, talagang bumaba yung stock market natin
11:51.6
because of the spillover effect of the Silicon Valley Bank.
11:55.6
Hanggang ngayon nga ay at par pa rin yung ating parang bumalik pa lang yung level ng stock market natin
12:02.6
from the December ending nito, December 2022 ending.
12:08.6
So kung nag-invest ka nun parang 3 months na pareho-pareho pa rin yung investment mo.
12:13.6
Pero may time na bumagsak pa siya.
12:16.6
At ang sabi din ay baka maapektuhan yung remittances natin dahil sa Silicon Valley Bank
12:22.6
kasi kung magkakaroon ng recession, maapektuhan ng mga Pilipino o mga Filipino-Americans
12:29.6
na nagpapadala ng remittances dito sa Pilipinas.
12:32.6
At alam naman po natin na 15% of our GDP ay supportado because of our remittances
12:41.6
from our mga bagong bayaning mga overseas Filipino workers.
12:45.6
At ang sinasabi naman po na magandang lesson na pwedeng take away ng Pilipinas dito
12:52.6
ay i-caution ang mga banko natin na maging industry-specific
12:56.6
o yung tinatawag na maging specialized banks
12:59.6
kasi ang Silicon Valley Bank po ay nag-specialize talaga sa tech industry
13:04.6
at nung nagkaproblema yung industriya na yun ay nagkaroon nga ng efekto sa kanya.
13:09.6
Pero sa akin ang opinion ko rin ay depende talaga on how you're going to manage it
13:14.6
kasi if you are operating in a niche and you're really serious about it
13:21.6
and you're managing your risks well, of course meron tayong mga tinatawag na mga black swan events
13:27.6
but for me maganda pa rin namang market yun. Nasa management talaga yan.
13:31.6
Malaki ang role ng management and of course government regulation for that matter.
13:37.6
At yun yung nakita natin na maging efekto nito.
13:41.6
So yan po ang Silicon Valley Bank. Sana po ay mas naipaliwanag ko sa inyo
13:47.6
ng simple itong ating discussion on that
13:52.6
kasi marami po talaga akong nakikita at papanood na masyadong highfaluting ang kanilang mga explanations
13:59.6
at sana po kayo ay natuto sa ating explanations sa Silicon Valley Bank
14:04.6
at pagdasal natin na huwag na po itong mag-spill over dito sa Pilipinas
14:09.6
kasi grabe na itong pandemic at inflation na kinakaharap natin.
14:14.6
Tama na po ang mga paghihirap.
14:18.6
Ayan. Ako po si Sir Vince, ang inyong financial guru.
14:21.6
Nagsasabing ang pagyaman na pag-aaralan at napagtutulungan.
14:25.6
Handa ka na bang lumevel up sa savings mo?
14:28.6
Join the SEDPICA Social Community and get started to be a social investor today!
14:33.6
Step 1. Umatend ng self-paced online pre-membership education seminar.
14:38.6
Mag-sign up sa bit.ly slash sedpico or pmes now na!
14:43.6
Step 2. I-deposit ang iyong initial share capital, membership fee, at joint venture savings sa Gcash, BDO Online Banking, BPI Online Banking, Maya, EasyPay, or Direct Bank Deposit.
14:56.6
Daming options, di ba?
14:58.6
Sundi ng simple instructions sa bit.ly slash sedpipay para makapagsimula.
15:03.6
Step 3. Mag-login sa iyong SEDP SRI online account at ipaalam ang inyong deposit.
15:10.6
Go to bit.ly slash sedpionlinesri at kami na ang bahala sayo.
15:16.6
Ano bang inihintay mo? Sali na sa SEDPICA Social ngayon and let's start building a brighter financial future together!