Close
 


Semana Santa sa Morong, Rizal | Wow
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Buhay na buhay ang maraming tradisyon tuwing #SemanaSanta sa Morong, Rizal. Ginagawa niyo rin ba ang mga ito? Tara na't pumasyal sa Morong kasabay ng ating pagninilay ngayong linggo! Subscribe to Knowledge Channel YOUTUBE Channel: http://bit.ly/KnowledgeChannel For Donors, Teachers and Learners: www.knowledgechannel.org Knowledge Channel Foundation Inc. 3rd Floor Main Building, ABS-CBN Compound, Sgt. Esguerra Ave., South Triangle, Diliman, Quezon City Email: info@knowledgechannel.org
Knowledge Channel
  Mute  
Run time: 04:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Domingo de Ramos o Linggo ng Palaspas, buhay na buhay ang matandang gawain ng paglalatag ng tapis para tungtungan ng paring kumakatawan kay Kristo.
00:22.0
Lunes at Martes Santo ng gabi, ginaganap ang pananapatan ng mga matatandang kasapi ng Cofrade de San Francisco. Ang mga matatanda ay tumatapat sa bahay ng mga mayari ng imagen o recamadero. Dito, pakantang sinasambit ang kwento ng buhay at mga naging tungkulin ng santong tinatapatan sa pasyon o pagpapakasakit ni Yeso Cristo.
00:53.0
Merkoles Santo, ginagawa ang malaking prosesyon sa bayan. Umaga pa lamang, abalan na ang mga nag-aalaga ng mga imahen na mga santong isinasama sa mga prosesyon ng mahal na araw. Inaayos ang andas at pinapalamutian ng mga bulaklak. Binibihisan ang mga imahen para sa prosesyon.
01:14.0
Ang pag-aayos at pagbibihis ay matagal at kadalasan ay sa masamang ginagawa ng buong pamilya at pati na rin ng mga kapitbahay o kaibigan. Sa dami ng mga santong kasama at sa dami rin ng mga taong sumasama rito, mahaba at matagal ang prosesyon ng Merkoles Santo. Inaabangan dito ang pagsasadula ng pagtatagpo ni Yesus at ng kanyang ina.
01:45.0
Ang prosesyon ng Merkoles Santo ay prosesyon ng pag-ilibing kay Yesus. Nakadamit pang luksa ang mga santo. Ilang santo na lamang ang kasama sa prosesyon pero dagsa ang mga taong sumasama.
02:07.0
Ang imahe ng santo entero o kung tawagin sa morong ay amba, ay pinapasan ng hindi bababa sa tatlumpung katao. Sabi ng matatanda, kung Bernisanto nagpapabisaan ng anting-anting ang mga may-ari nito. Sinusubukan daw nila ang bisa sa pamamagitan ng pagpapatigil sa amba sa tapat kung saan nila inilagay ang anting-anting.
03:07.0
Sabalit pagsapit ng ating gabi at matapos ang misa ng pagkabuhay, ginagawa ang salubong o prosesyon ng muling pagkabuhay at pagkikita ni Cristo at ng kanyang ina at ilang mga babaeng tagasunod niya.
03:37.0
Sa pagbubukang liwayway ng Domingo de Pascua o Linggo ng Muling Pagkabuhay, nagtatapos na ang mga prosesyon, mga kaugnay na gawain at ang kuaresma sa morong. Hudiyat na rin ng pagbabalik sa normal ng buhay ng mga taga rito.