Close
 


Paano Naging Billion-Dollar Company Ang Nike
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano Naging Pinaka Makapangyarihang Brand Sa Sports Ang Nike. Kung nagustuhan mo ang video na ito Wag kalimutang mag subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #business #nike #entrepreneur
Moobly TV
  Mute  
Run time: 18:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kung sapatos lang ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa Nike. Kahit sa ang websites mo tignan, GQ, Helpshoe, at ano pang marketing websites, ang Nike ang pinakasikat na shoe brand sa buong mundo.
00:13.0
Subalit alam nyo ba na ang brand na ito ay produkto ng isang track and field athlete at ng kanyang coach mula sa Oregon?
00:21.0
Paano nga ba nila naitayo ang Nike Empire na ngayon ay kilalang kilala na natin? Tara, pag-usapan natin!
00:28.0
Si Phil Hampson Knight ay ipinanganak sa Portland, Oregon noong February 24, 1938. Anak siya ng isang abogado na naging newspaper publisher.
00:38.0
Bata pa lang ay mahilig na si Knight sa sports at pinangarap na maging sikat na atleta. Sa katunayan, nagtrabaho siya bilang tabulator ng sports course sa Oregonian Publication.
00:50.0
Nag-aral ng business si Knight sa University of Oregon at sumali sa sikat nilang track and field team. Dito niya nakilala ang magiging co-founder ng kanyang empire, ang kanyang coach na si Bill Bowerman.
01:04.0
Ayon sa mga estudyante ng University of Oregon, competitive si Coach Bowerman at noon paman ay mahilig nang mag-modify ng sapatos para mas maganda ito sa track and field.
01:15.0
Natutunan niya ito mula sa isang tagagawa at tagarepair ng sapatos sa kanila. Agad na nagkasundo si Knight at Bowerman.
01:23.0
Sa katunayan, si Knight ang unang sumubok na mga sapatos na minodify ni Bowerman. Isa ding dahilan nito ay hindi naman si Knight ang ace runner ng grupo.
Show More Subtitles »


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.