Close
 


Paano Naging Billion-Dollar Company Ang Nike
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano Naging Pinaka Makapangyarihang Brand Sa Sports Ang Nike. Kung nagustuhan mo ang video na ito Wag kalimutang mag subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #business #nike #entrepreneur
Moobly TV
  Mute  
Run time: 18:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kung sapatos lang ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa Nike. Kahit sa ang websites mo tignan, GQ, Helpshoe, at ano pang marketing websites, ang Nike ang pinakasikat na shoe brand sa buong mundo.
00:13.0
Subalit alam nyo ba na ang brand na ito ay produkto ng isang track and field athlete at ng kanyang coach mula sa Oregon?
00:21.0
Paano nga ba nila naitayo ang Nike Empire na ngayon ay kilalang kilala na natin? Tara, pag-usapan natin!
00:28.0
Si Phil Hampson Knight ay ipinanganak sa Portland, Oregon noong February 24, 1938. Anak siya ng isang abogado na naging newspaper publisher.
00:38.0
Bata pa lang ay mahilig na si Knight sa sports at pinangarap na maging sikat na atleta. Sa katunayan, nagtrabaho siya bilang tabulator ng sports course sa Oregonian Publication.
00:50.0
Nag-aral ng business si Knight sa University of Oregon at sumali sa sikat nilang track and field team. Dito niya nakilala ang magiging co-founder ng kanyang empire, ang kanyang coach na si Bill Bowerman.
01:04.0
Ayon sa mga estudyante ng University of Oregon, competitive si Coach Bowerman at noon paman ay mahilig nang mag-modify ng sapatos para mas maganda ito sa track and field.
01:15.0
Natutunan niya ito mula sa isang tagagawa at tagarepair ng sapatos sa kanila. Agad na nagkasundo si Knight at Bowerman.
01:23.0
Sa katunayan, si Knight ang unang sumubok na mga sapatos na minodify ni Bowerman. Isa ding dahilan nito ay hindi naman si Knight ang ace runner ng grupo.
01:33.0
Kaya kung may hindi magandang maidudulot ang modification niya, hindi ito kawalan sa team. Gayun paman, nagustuhan ni Knight ang sapatos at ni-recommend niya ito sa kanyang teammates na si Oris.
01:45.0
Ang minodify ni Bowerman na sapatos ang ginamit ni Oris upang manalo sa 400-meter dash sa 1960 Olympics.
01:53.0
Noong nag-graduate si Knight, nag-aral siya sa Stanford upang makuha ang kanyang master's degree.
01:59.0
Habang nasa Stanford, nagsulat siya ng thesis kung saan sinadjest niya na dapat ay ilipat ang production ng running shoes mula sa Germany papuntang Japan upang mas makatipid sila sa labor.
02:11.0
Sa ganitong paraan, mas lalaki pa ang revenue na kanilang makukuha.
02:16.0
Noong 1962, pagkatapos mag-graduate ni Knight, nagpunta siya sa Kobe, Japan, kung saan nadiskubre niya ang Tiger, isang brand ng running shoes na sikat sa Japan.
02:28.0
Naisip ni Knight na pwede siyang mag-import ng Tiger shoes sa Amerika.
02:32.0
Nakipag-meeting si Knight sa Onitsuka Co. at doon ay tinanong siya kung ano ang pangalan ng kanyang kumpanya.
02:39.0
Siyempre, dahil wala naman talagang kumpanya si Knight, matagal siyang nakasagot.
02:44.0
Maya-maya pa, bigla niyang naalala ang blue ribbons na nakasampay sa kanilang bahay at doon niya naisip ang pangalang blue ribbon sports.
02:54.0
Pagkatapos ng meeting, si Knight ang naging official distributor ng Tiger shoes sa western side ng US.
03:01.0
Umabot ng isang taon bago dumating ang sapatos kay Knight, kaya nagtrabaho muna siya bilang isang accountant sa Portland.
03:09.0
At noong dumating na ito, agad siyang nagpadala ng dalawang pairs ng sapatos sa kanyang old coach na si Bowerman.
03:16.0
Sa pag-aakalang, bibilhin ito ni Bowerman at iie-endorse sa kanyang athletes.
03:21.0
Hinigitan pa ni Bowerman ang expectations ni Knight.
03:24.0
Tinawagan ni Bowerman si Knight at gustong makipag-partner sa kanya at nag-offer pa nga ng mga product design ideas.
03:32.0
Kaya naman, noong January 25, 1964, nabuo ang blue ribbon sports.
03:38.0
Siyempre, matagal nang nagco-coach si Bowerman ng track and field at kilala na siya sa sports world.
03:44.0
Nire-respeto ng mga tao ang opinion niya at kung lalagyan niya ng kanyang tatak ang sapatos, siguradong maraming atleta ang gagamit nito.
03:53.0
Ang mga unang sapatos na nabenta ng kumpanya ay mula sa isang plymouth na sasakyan na pumupunta sa mga track meets upang magbenta sa mga atleta.
04:03.0
Binenta lang nila ang kanilang products sa paraan na ito hanggang noong 1966, nagbukas sila ng kanilang pinakaunang outlet.
04:11.0
Di nagtagal, kumuha na din ng ibang salesman si Knight.
04:15.0
Karamihan sa kanila ay ex-runners na interesado sa mga running shoes.
04:19.0
Pumupunta na rin sila sa iba't ibang track events at nagbebenta ng mga sapatos doon.
04:24.0
Si Bowerman ang naatasang mamuno sa creative department ng kumpanya.
04:28.0
Tuwing may dumadating na mga shipment ng sapatos mula sa Onitsuka, kumukuha siya ng isang pair ng sapatos upang suriin ang tibay at mag-isip ng improvements para dito.
04:39.0
Sinusulat niya ang kanyang mga ideas at pagkatapos ay pinapadala sa Onitsuka upang i-implement nila ang mga improvements na ito sa mga susunod na shipment ng sapatos.
04:50.0
Di nagtagal, nakapag-design na rin si Bowerman ng kanyang sariling sapatos.
04:55.0
Gamit lang din ang mga factory ng Onitsuka.
04:58.0
Siguro marami sa inyong familiar sa sapatos na ito, ang Nike Cortels.
05:03.0
Dahil maganda ang takbo ng business, naisip ni Knight na makipag-negotiate muli sa Onitsuka tungkol sa kanilang mga sapatos.
05:10.0
Sa mga panahon iyon, ang Blue Ribbon Company ang official distributor ng Tiger Shoes sa western part lamang ng Amerika
05:18.0
at gusto ni Knight na baguhin ito at maging official at nag-iisang distributor ng mga sapatos na ito sa buong Estados Unidos.
05:26.0
Noong una ay hindi pumayag ang Onitsuka dahil maliit lang na kumpanya ang Blue Ribbon.
05:32.0
Subalit noong sinabi ni Knight na may bago na silang office sa east coast, pumayag na rin ang Onitsuka.
05:38.0
Siyempre, wala naman talagang office doon ang Blue Ribbon.
05:42.0
Sinabi lang ito ni Knight upang pumayag ang Onitsuka, kaya ngayon, kailangan na naman nilang gumastos para sa isang bagong office.
05:50.0
Ginawang public ni Knight ang kumpanya at sinubukang kumuha ng investors, pero walang sumugal.
05:57.0
Sa kabutihan palad, isang Nike employee sa pangalang Bob Wodel ang nagligtas sa kanyang sitwasyon.
06:03.0
Binuhos ng mga magulang ni Bob ang kanilang savings na $8,000 o higit kumulang 440,000 pesos sa Blue Ribbon upang makagawa sila ng bagong office.
06:15.0
Noong una ay ayaw itong tanggapin ni Knight, pero wala na rin siyang choice.
06:19.0
Kailangan nila ang office para magpatuloy ang kanilang business kasama ang Onitsuka, pero hindi pa tapos ang problema nila.
06:27.0
Sa mga sumunod na buwan, matagal pa rin ang pag-export ng Onitsuka sa kanilang mga sapatos kahit mas malaki na ang market nila sa U.S.
06:35.0
Doon na diskubre ni Knight na mas pinaprioritize pala ng Japan ang Japanese market nila at ine-export lang sa Blue Ribbon ang mga natitira.
06:44.0
Hindi rin nila mabilis na ini-implement ang improvements at suggestions ni Bowerman sa kanilang mga sapatos, at minsan ay hindi nga nila ito pinapansin.
06:53.0
Mas lumala pa ang sitwasyon nang ayaw nang i-renew ng Onitsuka ang kanilang kontrata.
06:59.0
Hindi makapaniwala si Knight dito. Lalo pa at maganda ang takbo ng kanilang sales.
07:04.0
Di nagtagal, nalaman niya na may balak palang makipagdeal ang Onitsuka sa kanilang malalaking distributors sa U.S.
07:12.0
Kaya naman, wala nang magawa si Knight. Kailangan na niyang magpatuloy sa negosyo nang wala ito.
07:18.0
Para kay Knight at Bowerman, ang una nilang bagay na kailangang gawin ay palitan ang pangalan ng kanilang kumpanya.
07:25.0
Ito ang magsisilbing hudjat ng kanilang bagong simula.
07:28.0
Hindi lang isang distributor ng Onitsuka, kundi isang brand na gumagawa na mismo ng sapatos.
07:34.0
Gusto ni Phil na tawagin ito na Dimension 6, pero hindi sumang-ayon ang ibang mga empleyado.
07:40.0
Isang araw, biglang nag-suggest ang pinakaunang empleyado ng Blue Ribbon na bakit hindi nalang Nike?
07:48.0
Nalito si Knight, ano yan? Ang pangalang Nike ay galing sa isang goddess sa Greek mythology, ang Goddess of Victory.
07:57.0
Noong una ay hindi ito nagustuhan ni Knight, pero dahil wala naman silang iba pang naisip, ito ang pinili niya.
08:04.0
Kung bago ang pangalan, dapat may bagong logo din.
08:08.0
Kaya naman, nag-hire si Phil ng isang graphic designer student mula sa Portland State, si Carolyn Davidson.
08:15.0
Nang maipakita ni Carolyn ang swoosh na disenyo niya, nagustuhan nito ni Phil at binayaran niya ang estudyante ng $35 o halos 2,000 pesos.
08:25.0
Pero huwag kayong maglala, nagkaroon naman ng maraming opportunities si Carolyn pagkatapos nito.
08:31.0
Noong 1971, opisyal nang ipinanganak ang kilala nating Nike at ang swoosh logo nito.
08:37.0
Isa sa kanilang pinakaunang produkto ay ang bagong bersyon ng Cortez, na ngayon ay may swoosh logo na.
08:44.0
At imbes na isang manufacturer lang, nakipag-deal si Phil sa maraming manufacturers mula sa iba't ibang parte ng mundo upang mas mapabilis pa ang production ng mga sapatos.
08:55.0
Sa mga sumunod na taon, gumanda ang takbo ng kumpanya.
08:58.0
Nagkaroon sila ng malaking boost noong 1972 Olympics, kung saan maraming athletes ang nagsuot ng kanilang mga sapatos.
09:06.0
Sa katunayan, noong 1977, umabot na sa $28 million ang kanilang kinita sa isang taon lamang.
09:13.0
Patuloy lang ang paglago at pag-expand ng Nike.
09:17.0
At para naman kay Phil, halos lahat ng profit na nakuha niya ay ini-invest lang rin niya para mas lumaki pa ang kumpanya.
09:24.0
Inakala ni Knight at Bowerman na magtutuloy-tuloy na ang tagumpay ng Nike.
09:29.0
Pero doon sila nagkamali.
09:32.0
Dahil may isa pang problema na paparating.
09:35.0
Habang lumalaki ang Nike at mas sumisikat sa publiko, naalerto ang ilang brands na natatakot na matabunan.
09:42.0
Ilan sa brands na ito ay Keds at Converse.
09:46.0
Kaya naman, agad silang umaksyon na pagtanto nila na pwede nilang gamitin ang American Selling Price Law, isang sinaunang batas bago pa nangyari ang Great Depression.
09:56.0
Ayon sa ASP, kung ang isang sapatos na ini-import sa Amerika mula sa ibang bansa ay may kapareho na ginagawa mismo sa Amerika,
10:05.0
kailangang magbayad ng 20% na tax mula sa presyo ng kaparehong sapatos ang kumpanyang nag-i-import.
10:12.0
Ang 20% na ito ay kailangang bayaran sa bawat sapatos na nabibenta.
10:17.0
Ginawa ito upang masiguro na mas maraming American-made shoes ang mabibenta sa bansa.
10:23.0
Simple lang ang ginawa ng mga kalaban ng Nike.
10:26.0
Lalo na't alam nilang nag-i-import ito mula sa Japan.
10:30.0
Gumawa lang sila ng sapatos na kapareho nang sa Nike at tinaas pa ang presyo upang mas mahalang tax.
10:37.0
Kaya naman, bigla na lang nagulat si Knight nang may dumating na sulat sa kanya mula sa Customs
10:43.0
na nagsasabing may utang silang $25 million mula sa tax na ito.
10:48.0
Sumabak sa korte ang Nike pati na rin ang mga kalaban nitong brands.
10:53.0
Upang makuha ang suporta ng mga tao,
10:55.0
nag-explain ang Nike sa publiko kung ano ang ginawa ng ibang brands sa kanila.
11:00.0
Maganda ang epekto nito dahil mas lumaki pa ang sales sa Nike at mas marami pa ang bumili mula sa kanila.
11:07.0
Di nagtagal, di na rin na kaya ng mga rival brands ang gasto sa kaso na tumagal din ng tatlong taon.
11:14.0
Kaya naman, ingbis na ipagpatuloy,
11:17.0
nagkaroon na sila ng isang settlement kung saan $9 million na lang ang kailangang bayaran ng kumpanya
11:23.0
at hindi na $25 million.
11:25.0
Sa mga panahon iyon, patuloy lang ang paglago ng kumpanya at umabot na sa $440 million ang kanilang kinita.
11:33.0
Kaya naman, binayara na lang ito ni Knight.
11:36.0
Noong 1980, ginawa na ni Knight at Bowerman na public ang Nike.
11:42.0
Ubig sabihin nito ay pwede nang makainvest ang ilang mga companies
11:46.0
pati na rin ang mga ordinaryong tao sa kanilang kumpanya.
11:50.0
Dahil public na ito, 46% na lang ng kumpanya ang natira kay Phil Knight.
11:55.0
Subalit, dahil sobrang laki na ng sales ng Nike, naging mayaman na rin siya.
12:00.0
Pero ang mas nagpasaya sa kanya
12:03.0
ay noong naibalik niya ang $8,000 investment ng Wodel family na siyang nakaligtas sa kanila noon.
12:10.0
Mula $8,000, naging $1.6 million na ang pera ng pamilya.
12:16.0
Patuloy lang ang paglago ng Nike at nagkaroon pa nga siya ng deal sa China,
12:21.0
ang pinakaunang American shoe brand na nakapasok sa bansa.
12:25.0
Di nagtagal ay gumawa na rin sila ng mga damit at iba pang sportswear.
12:30.0
Lumaki at nagtagumpay ang kumpanya dahil sa mga risks na tinate ni Knight.
12:35.0
At noong 1984, sumugal siyang muli sa isang atleta na siyang mas nagpalaki pa ng kanyang kumpanya.
12:41.0
Si Michael Jordan ang naging third pick sa 1984 NBA draft.
12:46.0
Bago pa man siya magsimulang maglaro sa NBA,
12:49.0
nagkaroon na siya ng negotiations sa iba't ibang brands upang maging endorser nila.
12:55.0
Sa mga panahon yun, uso ang endorser na athlete sa mga sapatos.
12:59.0
Noon pa man ay pinangarap na ni Jordan na maging endorser ng Adidas dahil ito ang paborito niyang sapatos.
13:06.0
Ang problema lang ay hindi kayang mag-offer ng signature shoe ng Adidas at dito na pumasok ang Nike.
13:13.0
Nag-offer ang Nike kay Jordan ng 5 years,
13:16.0
$2.5 million kung saan makakatanggap ng $500,000 si Jordan mula sa kanila taon-taon.
13:24.0
Sa mga panahon yun, sobrang laki na ng deal na ito
13:28.0
para sa isang rookie na hindi pa nga nakapaglaro ng isang buong game sa NBA.
13:33.0
Hindi pa nila alam kung magiging magaling ba na basketball player si Mike.
13:37.0
Pero sumugal si Knight at agad naman itong nag-pay off.
13:41.0
Hanggang ngayon, ang Air Jordan brand na sapatos ng Nike pa rin ang kanilang biggest earner
13:48.0
at noong 2022 pa nga ay umani ito ng $5.1 billion.
13:54.0
Sa mga sumunod na taon, nakasign pa ng ilang sikat na athletes si Knight,
13:58.0
mga superstars na katulad na LeBron James, Tiger Woods at Kyrie Irving.
14:03.0
Tila magpapatuloy na ang swerte ng Nike.
14:07.0
Subalit noong 2001, may isang problema na namang lumitaw.
14:11.0
Isang BBC documentary ang umatake sa Nike tungkol sa kanilang factory sa Kambodia.
14:17.0
Nakapokus ito sa anim na batang babae na siyang nagtatrabaho sa factory ng 16 hours araw-araw hanggang weekends.
14:25.0
Dito nalaman ng mga tao ang paggamit ng Nike ng child labor
14:29.0
at nakita doon ang napakahirap na working conditions ng mga manggagawa.
14:34.0
Habang nagtatrabaho, walang akses sa tubig ang mga factory workers at hindi rin sila pwedeng magsiyar.
14:40.0
At pagkatapos ng lahat ng hirap na ito, makakatanggap lamang sila ng $1.25 o 67 pesos sa bawat araw.
14:49.0
Di hamak na mas mababa sa minimum wage.
14:52.0
Hindi na ito bago para sa Nike dahil naranasan na rin nilang ma-expose noong 1991
14:58.0
sa pelikulang Behind the Swoosh ng labor activist na si Jeffrey Ballinger.
15:04.0
Noong 1997, 10,000 workers din mula sa Indonesian factories ng Nike
15:09.0
ang nagprotesta dahil sa mababang sweldo at kung minsan ay late pa nga na binibigay.
15:15.0
Pagkatapos ng isang taon, ilang workers na naman sa Chinese factories ng Nike ang nag-strike
15:21.0
dahil sa pangit na working conditions.
15:23.0
Pero kung madali lang nila itong nalagpasan noon,
15:26.0
mas grabe na ang reaksyon ng mga tao sa 2001 BBC documentary.
15:31.0
Sa pagkakataong ito, marami ang nag-cancel sa Nike.
15:35.0
Nagprotesta laban sa kanila ang mga grupong tulad ng Education for Justice,
15:39.0
Global Exchange at Students Against Sweatshop Labor.
15:43.0
Dahil dito, maraming partners ng Nike ang umalis sa kanilang deals
15:47.0
sa takot na madamay sila sa pangit na imahe ng kumpanya.
15:51.0
Kaya naman, noong 2002, umaksyon ang Nike.
15:55.0
Gumawa sila ng Code of Conduct kung saan pinaganda nila
15:58.0
ang working conditions sa lahat ng kanilang mga factories sa iba't ibang parte ng mundo.
16:03.0
Noong 2004, ayon sa kanilang Responsibility Report,
16:07.0
nagkaroon ng magandang feedback ang ginawang improvements ng Nike
16:11.0
at nangako pa silang pagagandahin pa ito.
16:13.0
Noong June 2016, opisyal nang bumaba sa kanyang pwesto si Phil Knight
16:18.0
bilang chairman ng kumpanya sa loob ng 52 years.
16:22.0
Gayunpaman, naiwan pa rin niya ang kultura na kanyang inilahad para sa kumpanya.
16:27.0
Noong 2017, kahit wala na si Knight, sumugal na naman ang Nike.
16:32.0
Matapos ang isang controversy kung saan lumuhod sa US National Anthem
16:36.0
ang football star na si Colin Kaepernick
16:39.0
upang iprotesta ang racial injustice at police brutality sa bansa.
16:44.0
Kinuha ng Nike si Kaepernick para sa isang ad.
16:47.0
Believe in something, even if it means sacrificing everything.
16:51.0
Siyempre, sinabi din nila ang kanilang iconic line na sikat na ngayon.
16:55.0
Just do it.
16:57.0
Marami ang nag-boycott sa Nike dahil dito at bumaba ang kanilang stock ng 2.5%.
17:03.0
Pero di nagtagal, nagbunga din ang pagsugal ng Nike.
17:07.0
Dahil sinuportahan sila ng mga tao ng katulad ng pinaglalaban ni Kaepernick.
17:11.0
At imbes na may pangit na epekto sa kumpanya,
17:14.0
mas tumaas pa ang value ng Nike na naging $6 billion
17:19.0
at tumaas ng 31% ang kanilang sales kumpara sa nakaraang taon.
17:24.0
Mula sa isang kumpanyang nagbebenta ng sapatos sa mga trunk ng sasakyan
17:28.0
hanggang sa naging pinakasikat na shoe brand sa buong mundo.
17:31.0
Ang kwento ng Nike at mga founders nitong si Phil Knight at Bill Bowerman
17:36.0
ay isang patunay na hanggat may sipag ka,
17:39.0
determinasyon at tapang na sumugal sa buhay,
17:42.0
kaya mong abutin ang iyong mga pangarap.
17:45.0
Kaano man ito, kataas.