Close
 


Ang maling pamamahala sa pondo sa pataba ay engrandeng pag nanakaw sa agrikultura ng pinas
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang maling pamamahala sa pondo sa pataba ay engrandeng pag nanakaw sa agrikultura ng pinas | lapid fire
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 16:57
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
...Walang preno kung bumadikos. Malalim at makatwirang komentaryo. Mag-ingat ang mga politikong gumagawa ng kalokohan at baka kayo ay tama ng LAPID FIRE!"
00:30.0
... Presidente Gloria Este Macapagal Arroyo. Ito ang pondo na dapat nakalaan sa ating mga magsasaka. Yung mga kaawa-awa nating magsasaka na sa simula pa lamang maraming panahon ay palaging nagagamit na lamang sa propaganda ng pamahalaan."
01:00.0
... Pero ginamit umano ito sa pamumudmod ng pera para doon sa kandidatura ni Ginang Arroyo noong 2004 presidential race na ang nakatunggalin niya ay walang iba kung hindi si Fernando Jr. Natatandahan niya po ba yan? Yung hello Garcia, yan po yan mga kaibigan."
01:30.0
... Tapos naman natin itong scam na ito dahil kamakailan ay hinatulan ng Sandigan Bayan ng kasong graft and corruption ang dalawang dating ofisyal ng Department of Agriculture sa Region 9.
02:00.0
... na bahagi ng P728M fertilizer fund scam. Doon po sa disisyon ng graft court noong Dec. 2, hinatulan sila former DAE Regional Executive Director Oscar Parawan at Chief Accountant Maria Perlize Julián...
02:30.0
... ng mula 6-8 taon na pagkakakulong. Ayon sa Sandigan Bayan, pinahintulutan umano ng dalawa ang paglipat ng P5M na pampublikong kondo sa isang non-government entity...
02:55.0
... ang masaganang ani para sa Magsasaka Foundation Inc. ng wala pung ginawang public bidding. Ang ibig sabihin dito ay ginawa nilang ito sa sarili nila, nagdisisyon sila na ilipat ang P5M sa isang private organization na walang bidding.
03:25.0
... Kung baga, ganito ang simple explanation niyan. Yung presyong binibenta ng P150 sa merkado ay binili ng gobyerno ng mula P800-P1,000.
03:55.0
... Ito ang pidaft ng nooy congressman ng Zamboanga del Sur na si Isidoro Real.
04:25.0
Hindi tayo natutuwa sa balitang ito. Hindi tayo natutuwa na ang casualties ng isang malawak pagnanakaw ng public funds ay pawang mid-level at mababang ranggo lamang sa hierarchy ng gobyerno.
04:55.0
... Yan ang tawag dyan. Dahil yung mga tutuong nasa likod ng scam na yan ay pakuyakuyakoy, pakamot-kamot ng tiyan at ngayon gaya lamang nitong dating Agriculture Undersecretary sa ilalim ng Arroyo Administration na si Jokjok. Ang pangalan nito Joseline pero lalaki ito mga erobingan.
05:21.0
Joseline Jokjok Volante. Yan ang pangalan na lumitaw dyan sa fertilizer scam na yan nung yan ay inibestigahan ng Senado noong 2006.
05:51.0
Ang mga kaibigan, mayor sa isang city sa Metro Manila nabigyan po ng pondo ng fertilizer fund. Isipin ninyo yan? Paano ka nagkaroon ng fertilizer fund na hindi ka agricultural area o puro simentado ang kalye mo at lugar mo?
06:21.0
Ang nangyaring malawak ang paglustay ng public funds na dapat sana ay napunta sa mga mahihirap mga magsasaka at sila po dapat ang ultimate na nakinabang dito. Pero hindi po ganoon nang nangyari.
06:51.0
Dahil ayon sa Sandigan Bayan sa kawalan umano ng probable cause. Alam niyo po ba ang probable cause kung ano? Sa Tagalog, kailangan po ay may rasonabling basihan upang paniwalaan na ang isang tao ay nakagawa ng krimen. Yan ang ibig sabihin ng probable cause.
07:21.0
Maintindihan natin itong kaso ng fertilizer fund, scam. Habang ito po ay iniimbestigahan ng Senado, itong fertilizer scam noong 2006, ay biglang tumakas mga kaibigan papuntang Estados Unidos ito pong si Jokjok Bolante.
07:44.0
Lumipad na rin mga kaibigan noong panahon na iyon, siguro nakatunog na sila na papunta sa kanila ang radar ng Senado. Sapatkat noong panahon na iyon, ang nag-i-initiate po nitong kasong ito ay walang iba kung hindi si Sen. Pampilo Pinglakson.
08:14.0
Kaya ito may alam sa pag-iimbestiga. So nagsipagtakbuhan ang mga prime suspects, si Bolante at si Sito Lorenzo. Makalipas ilang taon, itong si Bolante ay na-extradite ng US government.
08:44.0
Ito po yung Senado sa US Embassy at ito ay pinasa ng US Embassy sa kanilang gobyerno sa Washington. Ang ginamit pong dahilan ng US government para ma-extradite itong si Bolante ay yung tinatawag na no safe haven. Ibig sabihin hindi mo po pwedeng gamitin ang Amerika lalo na kung ikaw ay naakusahan ng graft and corruption sa iyong bansa bilang taguan.
09:11.0
Ganon po yung nangyari dyan. Kaya siya po ay na-extradite at napilitan siya tuloy humarap sa Senado. Kakatago niya, doon din pala siya babagsak sa Senado. Pero ito yung nangyari after so many years.
09:41.0
At higit sa lahat, mailayo ang mga tunay na may pakana sa scam. Sa pagkat doon sa investigasyon, lumalabas papunta lahat kay Jok Jok Bolante. Parang siya yung nagkukumpas kung sino ang bibigyan, saan dadalin. Pero mamaya malalaman natin sino ba itong sinasabi.
10:11.0
Balikan natin ang EO 464. Yung EO 464 ay isang napakakontrobersyal na order ni Aling Gloria na ito ay nagbabawal sa mga cabinet members at iba pang mga opisyal. Tandaan yun, at iba pang opisyal ng pamahalaan na dumalo sa mga pagdidig na ginagawa ng Kongreso...
10:41.0
... unless sila ay payagan ng Pangulo. Medyo napakakaprityoso nitong batas na ito mga kaibigan. Kapag nag-iimbestiga ang Senado, nagpapadala sila ng Sogpina sa mga posibleng may kinalaman sa isang skandal o scam kagaya ng fertilizer.
11:11.0
Medyo parang dictatorial ang dating nitong batas na ito mga kaibigan. Itong punyetang EO na ito ay pinirmahan ni Arroyo. Alam niyo kung kailan? Kung yung pagdidig ng Senado ay ginawa Marso o Abril 2006, ito pong EO na ito ay nilagdaan ni Arroyo noong September 2005.
11:41.0
Ibigit anim na buwan bago sumambulat ang fertilizer fund. Ang galing. Para din pala itong Sinostadamos na pre-preempt nila yung mangyayari sa kanila sa susunod na mga buwan. Ang galing.
11:57.0
So ganyan po sila. Parang paulit-ulit lang itong ganitong mga pangyayari. Di lang naman yan sa panahon ni Mrs. Arroyo. Nangyari rin yan sa mga ilang administration.
12:10.0
Puro kayuhin. Puro kayuhin. Puro kayuhin. Puro kayuhin.
12:40.0
Napakalakas yan kay Arroyo sapagka itong Lorenzo na ito ay nabibilang sa mga mayayamang angkan. Alam niyo naman dito sa gobyerno sa Pilipinas, nagdidikit-dikit po rito yung mga may pera, may kapangyarihan sapagkat naghihiraman sila ng lakas at nagpapasahan sila ng pera.
13:02.0
Kaya dito ang nangyayari. Yung mga mayayaman, sila-sila lang yung mayayaman lalo. At yung mga mahihirap at dukha, lalong nagiging dukha. Si Lorenzo ay ihobonito ni Gloria Arroyo. E si Bulante, sino naman ito?
13:16.0
Ito po naman si Bulante ay kilalang kasimanwa. Alam niyo po ba yung kasimanwa? Yan po ay salitang Ilonggo ng ibig sabihin kaprobinsya. At hindi lang siya kasimanwa, siya po ay abyan din. Alam niyo po yung salitang abyan.
13:32.0
Doon po sa mga Ilonggo dyan, ang ibig sabihin ng abyan sa Ilonggo ay kaibigan. Siya po ay kasimanwa at abyan nitong si Mike Arroyo na dating first gentleman. So yan po, malinaw po yan. So talagang ito dapat ang ipatugtog dyan sa mga yan.
14:02.0
Hindi ba mga kaibigan? Talagang mapapaanda kayo ng puh sa mga ito. Ano ang naging konklusyon ng Senado nung nagsagawa sila ng investigasyon? Ito dapat nating malaman kung anong naging konklusyon para mas maliwanag sa atin.
14:32.0
Sabi ng Senado, sa English muna natin sasabihin, the mismanagement of the fertilizer fund is novel in its method and astounding in its shamelessness. The fertilizer fund was a premeditated systematic and grand agricultural theft.
15:02.0
Ang maling pamahalaan niya ng pondo ng pataba ay isang bago o kakaiba sa kanyang pamamaraan at kahangahanga sa kawalangyaan ito.
15:19.0
Ang pondo ng pataba ay pinag-isipan o planado, mga kaibigan, sistematiko at isang engrandeng pagnanakaw sa agrikultura. Yan po yung Tagalog nilalaman ng report. Hindi ba? Nakakasyak yung mga word na ginamit ng Senado. Lintik talaga kung tutusin.
15:46.0
Kahit ilang taon na ang nakakaraan, alam niyo nang gagalaiti pa rin ako kapag nadidinig ko itong kawalangyaan na fertilizer fund scam na ito. Ladot malalaman mo ang mga naku-convict ay mga gurami, mga kaibigan. Nakakawala yung mga nakinabang, yung totoong nakinabang at lumustay o nandambong sa perang ito na napakalaki.
16:12.0
So, yung mga iniisip nating nakinabang halos alam niyo ba? Yung iba. Nasa posisyon pa rin. Nasa posisyon pa rin hanggang ngayon. Malamang hanggang ngayon, mga kaibigan, nakapamewang pa ito hanggang dito sa kilikili at pinag-iisipan kung paano tayong lahat lolokohin nilang muli. Hindi po ba?
16:42.0
Malalim at makatwirang komentaryo. Mag-ingat ang mga politikong gumagawa ng kalokohan at baka kayo ay tama ng...
16:54.0
Lapidfire!