Close
 


ANG PARUSA NI MEDUSA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SYA BA ANG MAY KASALANAN O SYA BA AY BIKTIMA LAMANG? SAMA SAMA NATING ALAMIN ITO MGA KATINAGALOG KO. SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 09:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa isang ilang na lugar ng sinuunang Greece ay may sumpa na nakatago.
00:04.8
Ang isinumpang nila lang na ito ay ang isa sa pinakakinatatakutan sa lahat.
00:10.2
Sa dami ng matatapang na mga bayaning nagtangka na ito ay silain,
00:14.9
ni isa sa kanila ay wala nang nakabalik pa.
00:18.0
Ito ay ang kuwento ng Parusa ni Medusa.
00:21.7
Si Medusa ay bunga ng pag-iibigan ng dalawang bathala ng katubigan, si Keto at si Porchis.
00:28.7
Ipinanganak ito bilang mortal na sanggol.
00:31.2
Dalawa ang kapatid nito.
00:32.7
Sila ay si Steno at si Uriel.
00:35.5
Di tulad ni Medusa na tao, ang dalawang kapatid niya ay nila lang na tinatawag nila ng mga gorgons.
00:41.9
Ang mga gorgons ay mga nila lang na ipinaghalo ang pagiging dilag o babae sa nila lang na ahas.
00:48.8
Bata pa lamang si Medusa ay talaga namang labis na ang paghanga nito sa dyosa na si Athena.
00:55.9
Kahit sa kanilang paglalaro,
00:57.6
laging kontrabida ang dalawang kapatid niya at si Medusa ang gumaganap
01:02.2
bilang ang matapang na dyosa na si Athena.
01:05.2
Ang binakamalapit na kaibigan nito, si Medusa, ay ang binatiliw na si Epikles.
01:11.2
Sa pagdaan ng panahon, habang paganda ng paganda itong si Medusa,
01:15.4
ang kaibigan naman ito ay mas lalong napapamahal sa kanya.
01:19.4
Hanggang sa magtapat ito ng kanyang pag-ibig sa kababata.
01:23.4
Ngunit kahit pamahal din ni Medusa itong si Epikles,
01:27.2
ay mas pinili nito na pagsilbihan ang dyosang pinakahangaan niya na si Athena.
01:32.8
Kaya naman nang siya ay nasa hostong gulang na,
01:35.6
ay pumasok ito upang maging babaeng pari ng dyosa na kinalulugdan niya.
01:40.6
Upang matupad ang pangarap niya, matinding disiplina at pagsubok ang daraana niya.
01:46.4
Dapat ay purong berhin sila.
01:48.4
Lahat ng gagawin nila ay magiging salamin ng dyosa na si Athena.
01:53.0
Ang dyosang si Athena ay puro,
01:54.8
hindi ito nagpabuyo sa tawag ng lama na kahit pa sa tawag ni Cupido.
01:59.6
Naging perpekto si Medusa bilang pari ng dyosa na si Athena.
02:03.8
Ngunit tila ba mas naakit ang tao sa ganda niya?
02:07.2
Ito ay kesa sa ritual na ginagawa niya.
02:09.8
Ang kanyang malambot at makintab na buhok,
02:12.4
sa kanyang mga magaganda at mapupungay na mga mata,
02:16.0
ang lahat ng tao ay nahahalina.
02:18.6
Minsan ay may sumigaw na medusa ang buhok mo ay mas maganda pa
02:23.0
sa taglay ng buhok ng dyosa na si Athena.
02:26.2
Mula sa toktok ng tinitirahan ng mga bathala,
02:29.4
narinig ng dyosa ang kaguluhan sa harap ng templo niya.
02:33.2
Doon naging malinaw na sa kanya.
02:35.4
Ang mga tao ay hindi naroon upang sambahin siya.
02:39.0
Sahalip ang totoong pinupuntahan nila ay ang paring babae niya na si Medusa.
02:43.8
Ngunit pinigilan ng dyosa ang kanyang damdamin.
02:46.4
Inisip nito na ginagawa lang ni Medusa ang nakaatang na responsibilidad sa kanya.
02:51.6
Sa bundok ng Olimpos napansin ng bathalang si Poseidon
02:55.6
na tila ba hindi mapakali ang dyosa na si Athena.
02:58.8
Dati na na nagdigmaan ang dalawa
03:01.2
sa kung sino ang magiging patron ng kapitolyo ng mga tao.
03:05.0
Nang magwagi si Athena, ipinangalan ang syudad sa kanya bilang ang Athens.
03:10.4
Hindi ito matanggap ni Poseidon
03:12.6
kaya naman naghihintay lamang ito ng tamang panahon
03:15.8
upang makabawi at makaganti sa dyosa na tumalo sa kanya.
03:20.2
Napansin ni Poseidon na ang mata nitong si Athena
03:22.8
ay nakatingin sa pinakamagandang babaeng pari niya.
03:26.2
Ito ay walang iba kung hindi itong si Medusa.
03:29.2
Sa isip-isip ni Poseidon na ito na ang tamang hudyan.
03:32.0
Ito ang paghihiganti ng kanyang pinakaaasam-asa.
03:35.4
Si Medusa ang kanyang magiging paraan.
03:38.8
Dodongisa nito ang pangalaan ni Athena sa pamamagitan ng pagyurak niya kay Medusa.
03:44.2
Sabantalang sa kalupaan, si Medusa ay tuloy-tuloy lang sa gawain niya.
03:48.0
Ngunit hindi nito napapansin na sa karagatan siya pala ay pinagbabalakan na.
03:53.4
Mula sa alon lumabas ng karagatan ang matipuno at talaga namang kaakit-akit na bathala ng katubigan.
04:01.0
Ngunit hindi nakalimutan ni Medusa ang sinumpaan na tungkulin at katapatan niya.
04:05.8
Agad niyang tinanggihan ang nais na mangyari ng bathala na si Poseidon.
04:10.6
Ngunit hindi iyon matatanggap basta-basta ng bathala ng dagat.
04:15.6
Kaya naman hinila niya ang kamay nitong si Medusa.
04:18.4
Nahampas naman siya agad ng dilaga.
04:20.6
Kaya napaurong ang bathalang si Poseidon pabalik sa kanyang karagatan.
04:25.2
Nagtatatakbo itong si Medusa at sa templo ni Athena,
04:28.6
siya ay agad na nagpunta ang tanging lugar na alam niya na walang makagagalaw sa kanya.
04:34.4
Ngunit si Poseidon ay hindi pa tapos sa kanya.
04:37.0
Hinabol siya nito papunta sa templo.
04:39.6
Nang malapit na siya ay maabot nitong si Poseidon,
04:42.2
dumating si Epikles at humarang.
04:44.8
Ngunit wala naman talaga itong laban sa isang bathala.
04:48.2
Sa isang hawi lamang tumalsik ang binata at nawalan agad ng ulirat.
04:53.2
Naniklohod si Medusa sa estatwa ni Athena.
04:56.0
Nagmamakaawa ito na siya ay ipagtanggol niya.
04:59.0
Palapit ng palapit ang yabag ng bathala ng dagat
05:02.4
at naisakatuparan niya sa mismong templo ni Athena ang masamang balak niya.
05:08.0
Sa isip ni Poseidon, bukod sa nadali niya ang pinakamagaling napari ng Diyosa
05:13.0
sa templo pa mismo nitong si Athena,
05:15.0
ito ay nagawa niya.
05:16.6
Kaya naman kontento ito na bumalik sa bundok ng Olympus.
05:20.4
Nang dumating si Athena sa templo niya,
05:22.8
imbis na damayan ay sinisipan nito ang kaawaawa na si Medusa.
05:27.2
Ayon sa Diyosa ang si Athena na kung hindi raw sa pagpapaganda at pag-aayos niya,
05:32.6
hindi raw itong mangyayari sa kanya.
05:35.0
Dagdag nito, imbis na matuwid na landas ang iba hagi niya,
05:38.4
ay mas nagiging mapusok pa ang mga kalalakihan.
05:41.8
Dahil sa toksong daladala nito sa kanila,
05:44.4
kaya si Medusa ang may kasalanan.
05:47.0
Siya ay ang dapat naparusahan.
05:49.6
Gabi na nang magising si Epikles sa kadiliman ng templo.
05:53.4
Sa paghahanap niya kay Medusa,
05:55.4
ay narinig nito ang pagtangis na nagmumula pa sa loob ng templo.
06:00.2
Naroon ang umiiyak na kawawang si Medusa.
06:03.6
Ayon sa dalaga na huwag siyang dapat lapitan ng kaibigan niya
06:07.4
dahil ayaw nitong makita siya nito sa kalagayan niya.
06:10.6
Ngunit sa pag-aalala,
06:12.0
lumapi talaga ang binata sa kanya.
06:14.6
Sa paghahawak nito sa balikat ng umiiyak na sinisinta,
06:18.6
isang ahas naman ang tumuklaw sa kanya.
06:21.0
Agad na lumingon si Medusa sa pag-aalala,
06:23.8
nagtama ang mga mata nila.
06:26.2
At sa isang iglap ang binata na pinakamamahal niya
06:29.8
ay malamig na estatwang batuna.
06:32.2
Napahagulgol si Medusa,
06:34.0
wala na ang pinakamatalik at pinakamamahal na si Epikles niya.
06:38.4
Upang hindi na siya makapanakit pa ng iba,
06:41.0
ay agad nitong nagtatakbo palayo ng templo.
06:43.8
Ngunit sa pagtakas niya,
06:45.2
nakita siya ng mga tagasyudad
06:47.0
at lahat ng mapapatingin sa kanyang mata
06:50.0
ay nagiging mga malamig na bato.
06:52.4
Sa takot ng masa,
06:53.8
bumuha sila ng kawan na tutugis
06:55.6
at papas lang sa sinasabi nilang babae
06:58.2
na may buhok na ahas.
06:59.6
Ngunit lahat ng ipinadadala nila.
07:02.2
Matapos ang ilang araw,
07:03.6
ay natatagpuan na naging mga estatwa ng mga batuna.
07:07.2
Hindi manais na mangyari ito ni Medusa,
07:09.4
nais lamang niya na ipagtanggol ang sarili niya.
07:12.4
Ito ay laban sa mga taong nagtatangka sa buhay niya.
07:15.8
Kaya naman na magpasyahan ito
07:17.2
na magtago sa bayang malayo at abandonado.
07:20.4
Sa bayang ito,
07:21.4
nakakita siya ng isang lumang templo.
07:23.6
Sa dami ng nais na pumaslang sa kanya,
07:25.8
sa templo ay nagtipon-tipon na sila.
07:29.0
Wala na isa ang nagtagumpay
07:30.8
na paslangin itong si Medusa.
07:32.6
Sa tagal ng panahon,
07:33.6
nawala na rin ang pagiging makataon itong si Medusa.
07:36.8
Nabuhay ito sa pagkain
07:38.2
sa mga maliliit na hayop sa abandonadong bayan.
07:41.2
Sa paghahabol nito sa isa nitong makakain,
07:44.2
nakita nito ang lumang estatwa ng Diyosa na si Athena.
07:48.2
Ang templong ito pala ay isa
07:50.0
sa pinakaunang tiyemplo ng Diyosa.
07:52.4
Doon muli niyang inalayan
07:54.0
ng papuri ang Diyosa na si Athena
07:56.4
at ginawa ang ritwal na dati naman niya na ginagawa.
07:59.8
Mula sa Olimpos na tanaw ni Athena
08:02.4
ang ginawa ng paring labis na pinarosahan niya.
08:05.6
Doon ay napagtanto niya
08:07.0
na mali ang ginawa nito sa kanya.
08:09.4
Ngunit hindi na niya muling mababawi pa
08:11.2
ang sumpa na ibinigay nito sa kanya.
08:14.0
Nang muli ay may magpunta na namang
08:16.4
mandirigma sa templo nitong si Athena
08:19.4
upang itong si Medusa ay silay niya.
08:22.0
Ito ay ang mandirigma na papas lang na sa kanya.
08:25.4
Ito ay naitala sa kasaysayan
08:27.6
bilang ang bayani na si Perseus.
08:30.2
Mga katinagalog ko,
08:31.4
tama ba na si Medusa
08:33.0
ang pinarosahan nitong si Athena?
08:35.4
Isulat po ang inyong saluobin
08:37.0
sa comment section sa ilalim
08:38.8
upang sama-sama na ito naman po ay ating basahin.
08:42.0
Mga katinagalog ko maraming salamat po
08:43.8
sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.