Close
 


BENNY ANTIPORDA, TALSIK KAY BBM! EX MAYOR SA ILOCOS BAGONG HEAD NG NIA! | LAPID FIRE
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
BENNY ANTIPORDA, TALSIK KAY BBM! EX MAYOR SA ILOCOS BAGONG HEAD NG NIA! | LAPID FIRE
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 13:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Walang preno kong bumadikos, malalim at makatwirang komentaryo.
00:08.0
Mag-ingat ang mga politikong gumagawa ng kalokohan at baka kayo ay tama ng...
00:15.0
Lapid Fire!
00:18.0
Nakuh, kanina lamang mga kaibigan eh,
00:21.0
meron na namang isa pang Duterte Factotum na nalaglag sa kapangyarihan.
00:29.0
Eh, tuluyan ng tinuldukan ni Pangulong Marcos Jr.
00:34.0
ang pag-asa nitong suspendidong National Irrigation Administration head na si Ginong Beni Antiporda
00:44.0
matapos magtalaga ang malakanyang ng bagong NIA Administrator.
00:51.0
Si Kapersi Lapid bumabanat! Lapid Fire!
01:00.0
Ayon sa balita, ang itinalaga po ay isang nagngangalang Engineer Eduardo Guillen.
01:10.0
Ito po ay dati yatang isang mayor sa isang bayan dyan sa Ilocos Norte.
01:17.0
Kung inyo pong matatandaan, mga kaibigan, ito pong si Antiporda
01:21.0
ay pinatawan ng six-month suspension ng Ombudsman noong nakaraang buwan
01:28.0
dahil sa inihaing reklamo ng mga empleyado ng National Irrigation Administration,
01:34.0
empleyado at ofisyal sa reklamong grave misconduct at umanoy harassment.
01:46.0
Natatandaan nyo pa ba na ito din si Antiporda
01:51.0
ang nasa likod at harap ng mahigit 380 milyong dolomite beach
02:00.0
na ipinagawa ng Duterte Administration sa kalagitnaan ng pandemia?
02:07.0
Alam nyo, yung panahon na yun, tandantandaan natin,
02:11.0
ito yung mga panahon na nagihikahos ang buong bayan.
02:15.0
Naghahanap ng kakainin, naghahanap ng ipambibili ng face mask,
02:21.0
naghahanap ng ipanggig pambibili ng gamot sa Sipon, sa Ubo
02:27.0
at hintatakot ang buong bayan habang itong administration ni Digong Nyo
02:35.0
ay gumagastos ng daang milyon para lamang magpagawa ng fake na beach.
02:45.0
So makatwig yung habang nasa ilalim ng suspensyon itong si Antiporda ay binaliwala
03:00.0
o inisnab ni Pangulong Marcos yung apila
03:07.0
nung isang media organization dyan sa may Ilogpasig na sumusuporta dito kay Antiporda.
03:21.0
Siguro wala na silang asim sa Malacanang.
03:37.0
Kanina po mga kaibigan ay may nagpadala sa atin ng isang post sa Twitter.
04:00.0
I-post po ito ng isang manunulat na madalas nating nababasa rin si Ginang Raiza Robles.
04:11.0
Sinabi niya na,
04:12.0
Is it true that Marcos Jr. treated the Malacanang Press Corps to a full-course dinner?
04:21.0
And gave or raffled off laptops and iPhones in the spirit of Christmas?
04:34.0
Habang yung daw po ng mga pro-Marcos vloggers ay naimbitahan ng palasyo
04:48.0
at ang kanilang tanging natanggap ay ensaymada.
04:57.0
Wala raw pong regalo yung mga vloggers.
05:12.0
At dahil napagkwentuhan natin yung Malacanang, regalo, media,
05:20.0
alam nyo, meron lang akong kikwento sa inyo.
05:23.0
Magkwentuhan muna tayo sa pagkat ito'y inaakala kong dapat nyo rin malaman.
05:30.0
Tutal, napapag-usapan na rin lang yung maharlika-maharlika na yan.
05:35.0
Alam nyo ba, nung ako'y siguro nasa edad na kabataan pa.
05:41.0
Ito'y nung taong, kung hindi ako nagkakamali, bago matapos ang 1984
05:47.0
or ito'y nasa panimula ng 1985.
05:52.0
Ito'y ilang buwan matapos mapas lang si former Senator Ninoy Aquino
05:59.0
dun po sa tarmac ng Manila International Airport.
06:03.0
Ako po ay unang nakapasok sa Palasyo ng Malacanang nung mga panahon na iyon.
06:14.0
Sa pagkat ako po'y napabilang doon sa mga siguro'y mga dalawampu or dalawamput isa
06:22.0
na mga commentators or broadcasters nung mga panahon na iyon.
06:29.0
Sila po ay ipinatawag ni former First Lady Imelda Ramualdez Marcos
06:39.0
sa isang masaganang pananghalian.
06:42.0
Kung hindi ako nagkakamali, ito po'y naganap sa loob ng State Dining Room.
06:48.0
Bakit ko po alam?
06:50.0
Alam nyo po dahil nung taong 1999 or late 1998 hanggang 1999 or 2000
07:03.0
ako po ay nagtrabaho sa Palasyo ng Malacanang bilang isang manunulat
07:09.0
sa ilalim ng administrasyon ni Ginong Erap Estrada.
07:15.0
At yun ang nga po.
07:18.0
Nung kami po ay pumasok sa Malacanang nung ako po'y batang bata pa.
07:23.0
Nakasama ko ron dahil ako'y yung lumalabas na parang secretariat
07:28.0
ng organisasyon ng mga broadcaster.
07:31.0
Tayo po'y pinasama ng aking ama at pinagdala nung listahan na iyon.
07:36.0
At ako po ay nagkaroon ng pagkakataon na makaupo doon sa masaganang pananghalian
07:41.0
na inihandog ni First Lady Imelda Ramualdez Marcos.
07:47.0
Alam nyo yung pananghalian na iyon ay umabot po hanggang alas tres ng hapon
07:53.0
dahil po sa haba ng monolog ni Ginang Marcos nung mga panahon na iyon.
07:59.0
Yung monolog po niya ay may kinalaman sa pagkapaslang kay Ninoy Aquino
08:06.0
dahil nung mga panahon na iyon, kung tatawagin natin,
08:11.0
ay masyadong troubled yung administration ni Marcos Sr.
08:19.0
Dahil sa aking pagkakaalam, siya ay may sakit noon, may karamdaman
08:23.0
at yun na nga, namatay si Ninoy Aquino na naging napakalaking balita sa buong mundo
08:29.0
sapagkat napaka-extraordinary po nung pagkakapaslang sa kanya,
08:34.0
siya po ay pinaslang habang siya ay pababa o palabas ng aeroplano
08:40.0
galing po sa Estados Unidos kung saan siya ay nag-exile.
08:46.0
So nung kami po ay nasa Malacanang, habang kami kumakain sabay-sabay,
08:51.0
si Mrs. Marcos po ay nagsasalita, ipinaliliwanag.
08:57.0
Sinasabi niya na walang kinalaman si Presidente Marcos doon sa pagkakapaslang kay Ninoy
09:04.0
at sa aking pagkakatanda ay parang kung hindi ako nagkakamali,
09:10.0
sinisisi niya sa isang makapangyarihan bansa ang pagkakapaslang kay former Sen. Aquino.
09:22.0
So sa loob ng tatlong oras nang siya po ay nagsasalita, ito po ay nakatayo lamang,
09:30.0
hindi po siya kumakain, actually habang kami kumakain siya po ay nagsasalita.
09:34.0
So habang kami kumakain, tatlong oras halos nagsasalita si Mrs. Marcos,
09:40.0
panakanakang lumuluha, pinupunasan ng panyulito.
09:45.0
Palagi po siya may hawak na panyulito kung inyo po,
09:48.0
doon po sa mga nakakapuna kay First Lady noon at pinupunas niya sa kanyang muka.
09:55.0
Napakaganda ni First Lady nung mga panahon na iyon.
09:58.0
Maganda ang tindig, napakaganda magdala ng damit
10:02.0
At matapos po iyon ay sinabihan kami, sinabihan ni First Lady,
10:08.0
iyong mga broadcaster na okay, maraming salamat sa inyo
10:15.0
at sana hindi ito ang magiging huli ng ating pagkikita o pagniniig.
10:20.0
At bago kayo umalis ay sumunod lamang kayo dito sa aking sekretarya.
10:27.0
Kung hindi ako nagkakamali, yung sekretarya niya noon ay si Madam Fe Jimenez.
10:35.0
Kung hindi ako nagkakamali.
10:37.0
Patapos kumain, pumila ang mga broadcaster at sinundan si Fe Jimenez sa isang room.
10:46.0
Yung kwarto kung kayo ay nakapasok sa Malacanang, yung State Dining Room o tinatawag naming SDR ay nandito sa kanan bahagi
10:59.0
kung kayo ay nandun sa loob ng Malacanang at nakaharap sa loob.
11:03.0
So pumasok po yung mga broadcaster isa-isa sila dito po sa music room, dito po sa gawing kaliwayon.
11:13.0
So magko-cross po kayo noong aisle at tatawid kayo ganoon. Maliit lang naman po yun.
11:21.0
Tatawid kayo, papasok kayo. Isa-isa sila po mapasok doon sa music room kung saan po nagaantay si First Lady
11:29.0
nakaupo sa isang madilim na kwarto na tanging may ilaw lamang doon sa lamesa at siya po ay pumipirma.
11:39.0
Pumipirma siya ng kanyang larawan at umuupo isa-isa yung mga broadcaster at tinatanong kung anong pangalan.
11:46.0
Matalas po ang memory nitong si First Lady at tinatanong niya isa-isa yung mga broadcaster kung anong pangalan
11:56.0
at pinipirmahan niya yung kanyang sariling larawan na merong dedication at pirma ng First Lady ng Bansa.
12:06.0
So isa-isa po yun ay pinagsagaan ni First Lady na iabot sa mga broadcaster na nagsidalo.
12:14.0
So nung matapos po yung dalawampu't isa na yun o dalawampu, sila po ay pumasok naman sa kabilang kwarto,
12:25.0
kung saan naman nagaantay yung isang babae na merong inaabot doon sa mga broadcaster pa isa-isa.
12:38.0
So nung matapos po yun, kami po ay bumaba na.
12:43.0
Ako ay inagantay doon sa baba at tinitignan ko yung mga broadcaster na pumasok at bumaba, lumabas at bumaba na po.
12:51.0
E nakita ko na sila ay may hawak na malaking brown envelope.
13:21.0
Thank you for watching!