Close
 


10 Financial Mistakes ng mga Pinoy na Hindi Mo Dapat Tularan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Lahat tayo ay merong financial mistakes. Kung patuloy natin itong gagawin at hindi gagawan ng solusyon, malaki ang chance na maghihirap tayo sa huli. Kaya naman sa video natin ngayon, pag-uusapan natin ang 10 financial mistakes ng mga pinoy na hindi mo dapat tularan. Ang mga financial mistakes na ito ay madalas nating nakikita sa ating paligid at posibleng meron din tayo nito. VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #WorstFinancialDecision #FinancialMistakes #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 14:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Lahat tayo ay mayroong pagkakamali, lalong-lalo na sa ating finances. Gusto nating mag-ipon at mamuhay ng payapa, yung hindi tayo lubog sa utang pero mahilig din tayong gumastos nang wala sa plano, at minsan ay gumagastos tayo dahil gusto lang nating magpa-impress sa iba.
00:27.7
Naniniwala ako na isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga Pinoy ay patuloy na namu-problema sa pera ay dahil marami tayong financial mistakes o pagkakamali sa pera na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating ginagawa at hindi hinahanapan ng solusyon.
00:43.0
So ano mangyayari kung patuloy mong ginagawa ang isang bagay? Diba parehong resulta lang din ang iyong nakukuha? Imposibling magkakaroon ka ng bagong resulta kung wala kang babaguhin sa iyong mga desisyon.
00:55.0
Kaya kung sa tingin mo ay hindi mo pa naabot ang uri ng success na gusto mo, siguro ay meron ka pang pagkakamali na dapat gawa ng solusyon.
01:03.4
Kaya naman sa video natin ngayon, pag-uusapan natin ang 10 financial mistakes ng mga Pinoy na hindi mo dapat tularan.
01:11.0
Ang mga financial mistakes na ito ay madalas nating nakikita sa ating paligid at posibleng meron din tayo nito.
01:18.0
So hindi na natin patatagalin pa at simulan na agad nating talakayin ang unang financial mistake.
01:25.0
Financial mistake number 1. Nangungutang para may panghanda. Hindi nawawala ang mga okasyon taon-taon.
01:32.1
Merong fiesta, birthday, pasko, kasal, celebration dito, celebration doon at walang tigil na selebrasyon.
Show More Subtitles »


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.