Close
 


10 Financial Mistakes ng mga Pinoy na Hindi Mo Dapat Tularan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Lahat tayo ay merong financial mistakes. Kung patuloy natin itong gagawin at hindi gagawan ng solusyon, malaki ang chance na maghihirap tayo sa huli. Kaya naman sa video natin ngayon, pag-uusapan natin ang 10 financial mistakes ng mga pinoy na hindi mo dapat tularan. Ang mga financial mistakes na ito ay madalas nating nakikita sa ating paligid at posibleng meron din tayo nito. VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #WorstFinancialDecision #FinancialMistakes #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 14:22
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Lahat tayo ay mayroong pagkakamali, lalong-lalo na sa ating finances. Gusto nating mag-ipon at mamuhay ng payapa, yung hindi tayo lubog sa utang pero mahilig din tayong gumastos nang wala sa plano, at minsan ay gumagastos tayo dahil gusto lang nating magpa-impress sa iba.
00:27.7
Naniniwala ako na isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga Pinoy ay patuloy na namu-problema sa pera ay dahil marami tayong financial mistakes o pagkakamali sa pera na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating ginagawa at hindi hinahanapan ng solusyon.
00:43.0
So ano mangyayari kung patuloy mong ginagawa ang isang bagay? Diba parehong resulta lang din ang iyong nakukuha? Imposibling magkakaroon ka ng bagong resulta kung wala kang babaguhin sa iyong mga desisyon.
00:55.0
Kaya kung sa tingin mo ay hindi mo pa naabot ang uri ng success na gusto mo, siguro ay meron ka pang pagkakamali na dapat gawa ng solusyon.
01:03.4
Kaya naman sa video natin ngayon, pag-uusapan natin ang 10 financial mistakes ng mga Pinoy na hindi mo dapat tularan.
01:11.0
Ang mga financial mistakes na ito ay madalas nating nakikita sa ating paligid at posibleng meron din tayo nito.
01:18.0
So hindi na natin patatagalin pa at simulan na agad nating talakayin ang unang financial mistake.
01:25.0
Financial mistake number 1. Nangungutang para may panghanda. Hindi nawawala ang mga okasyon taon-taon.
01:32.1
Merong fiesta, birthday, pasko, kasal, celebration dito, celebration doon at walang tigil na selebrasyon.
01:40.2
Tradisyon na nating mga Pinoy ang mga ito at hindi talaga nawawala ang handa sa tuwing may okasyon.
01:46.0
Kaya ang disisyon ng iba sa tuwing may okasyon, halimbawa fiesta o di kaya ay birthday,
01:51.4
iimbitahin niya ang kanyang mga kakilala at bubonggahan ang handa. Wala namang masama dito, diba?
01:57.4
Yes, hindi ito masama kung number 1, matagal mo na itong pinagplanuhan at meron kang sapat na pera na nakalaan lang para dito.
02:04.7
At number 2, kung hindi ka nangungutang para lang may panghanda.
02:08.7
Maling mindset niyong nangungutang ka para lang mapakita mo sa iba na meron kang pera.
02:13.8
Worst financial mistake na gagawin mo ay yung ipipilit mong i-acquire ang isang bagay kahit hindi mo pa ito afford.
02:21.3
Unahin mo muna ang iyong sarili bago ang mga okasyon. Tandaan mo na hindi naman iyan nawawala.
02:26.8
Meron pa next year, next two years, and so on.
02:30.3
Huwag mong ipagpalit ang long-term na kasayahan sa mga kunting selebrasyon ngayon.
02:34.9
Kung hindi mo pa afford ngayon ang malaking handa, bawi ka na lang next year.
02:40.2
Financial mistake number 2, walang retirement plan.
02:44.3
Habang maaga pa, habang pumapabor pa sa atin ang panahon,
02:48.0
meron pa tayong lakas, kumikita pa tayo ng pera at marami pa tayong oras,
02:52.7
ito ang opportunity nating lahat na pagplanuhan ang ating retirement.
02:56.7
Para kung tayo'y matanda na at gusto nang huminto sa pagtatrabaho,
03:00.6
hindi tayo nakakaabala sa ating mga anak dahil handa tayo.
03:04.6
Nagiging ugali na kasi ng iba sa ating mga kababayan
03:07.6
na iaasa sa kanila mga anak ang kanilang retirement.
03:11.0
O ito yung reklamo ng ibang mga anak na sila ang retirement plan ng kanilang mga magulang.
03:15.8
Nag-uumpisa pa lang sa trabaho, first time pa lang nakakatanggap ng income,
03:20.2
hinihinga na agad ng magulang, at nangyari ito buwan-buwan.
03:24.2
Responsibilidad na mga magulang na alagaan ng mabuti ang kanilang mga anak,
03:28.5
turuan ng mabuting asal at mabigyan ng edukasyon,
03:31.7
hanggang sa kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa at suportahan ang kanilang sarili.
03:37.1
Pero lagi mong tandaan ng anak ay hindi investment.
03:40.5
Huwag kang humingi o mag-demand ng return.
03:42.7
Hayaan mo na sila ang kusang magbigay sayo ng bukal sa kanilang loob.
03:46.7
Alam nating lahat na hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nangyayari.
03:50.6
Kaya katulad ng sinabi ko kanina,
03:52.7
habang maaga pa, habang kumikita ka pa,
03:55.6
pagplanuhan mo ang iyong retirement.
03:58.2
Gumawa ka ng goal kung kailan mo gusto mag-retire.
04:01.2
Anong uri ng lifestyle ang gusto mo sa iyong retirement?
04:04.6
Magkano ang kailangan mong pera?
04:06.6
Anong investment vehicle ang gusto mong magbigay sayo ng passive income?
04:11.1
Marami ang makakabenefit kung palagi kang umaako ng responsibilidad.
04:15.7
At mabilis din tayong makakausad kung hindi natin iaasa sa iba ang ating mga pangangailangan.
04:21.8
Financial mistake number 3.
04:24.6
Kumukuha ng mga bagay na hindi mo afford.
04:27.4
Kung hindi mo kayang bayaran ng cash ang isang bagay,
04:30.7
huwag mo itong kunin.
04:32.1
Exempted dito ang bahay at sasakyan.
04:34.8
Dahil kung hindi mo kayang magbayad ng buo,
04:37.3
yan ay nangangahulugan na hindi mo ito afford.
04:40.1
At ikaw lang ang nagbibigay ng problema sa iyong sarili.
04:43.6
Kailangan mong mamili sa pagitan ang gagastos ka ng pera para kikita ka pa ng pera
04:48.6
o gagastos ka ng pera para maipakita mo sa ibang tao na meron kang pera.
04:53.4
Ito ang common financial mistake nating mga Pinoy.
04:56.6
Pinipilit natin ang ating sarili na mag-acquire ng mamahaling bagay
05:00.6
para maipakita natin sa iba na meron tayong pera.
05:03.7
Kahit ang kapalit nito ay pagkalubog sa utang at kawalan ng ipon.
05:08.2
Walang masama kung gusto mong magmayari ng mga mamahaling bagay.
05:11.9
Pero hindi rin maganda kung sa utang ka nabubuhay.
05:16.2
Financial mistake number 4.
05:18.4
Ang pagkakaroon ng anak kahit hindi financially stable.
05:22.2
Sa totoo lang marami pang mga bagay ang dapat mong i-consider
05:25.4
bago ka magdesisyon na mag-anak.
05:27.4
Pero big factor talaga ang pera sa ganitong desisyon
05:30.8
dahil totoong gastos ang pagkakaroon ng anak.
05:33.8
Kailangan mo rin isipin kung paano mo siya mabibigyan ng magandang buhay
05:37.8
at mapalaki ng maayos.
05:39.9
Hindi yung dahil sa nakikita mo lang iyong mga classmates dati na meron ng mga anak
05:44.3
o di kaya ang iyong mga kapitbahay na kaedad mo lang ay gusto mo rin magkaroon ng anak.
05:49.1
Mas mabuting bumasi ka sa inyong sitwasyon.
05:51.9
Kuwintahin nyo ng inyong partner kung kaya nyo mang mag-baby
05:55.0
o anong adjustments ang pwedeng gawin para hindi kayo mahihirapan sa pagpapalaki ng bata.
06:00.6
Dahil kung hindi nyo ito i-co-consider,
06:03.0
kung patuloy nyo'ng gagawin ng isang bagay nang wala sa plano,
06:06.4
lahat kayo ay mahihirapan.
06:08.4
Kasama na ang batang wala pang ideya sa sistema ng mundo.
06:12.2
Kaya palaging mag-plano.
06:13.8
Siguraduhin na hindi problema ang maidudulot na mga desisyon na gagawin.
06:19.3
Financial mistake number 5.
06:21.4
Walang financial goal.
06:23.3
Alam mo ba kung bakit karamihan sa mga tao dito sa mundo
06:26.2
ay patuloy na nagihirap at gumagawa ng mga maling desisyon sa kanilang pera?
06:30.7
Iyon ay dahil wala silang plano sa kanilang kinabukasan
06:33.8
at wala silang paki kung hindi nila nagagamit ng maayos ang pera
06:37.5
as long as nag-i-enjoy sila.
06:39.6
Pero majority sa mga kasayahan na ito ay short term o distraction lang.
06:44.5
Katulad ng sugal, bisyo, shopping, pag-ala kasama ang barkada at iba pa.
06:50.2
Kaya ka lang pasayahin ng mga ito as long as nandoon ka pa sa moment na iyon.
06:54.8
Pero hindi ito ang kailangan mo sa long term.
06:57.5
Ang kailangan mo ay improvement sa iyong sarili.
07:00.7
Yung maskillful ka na kumpara sa sarili mo ngayon.
07:03.5
Yung hindi mo na pinauproblema ang mga maliliit na bagay.
07:06.9
Kumikita ka na ng higit pa sa iyong kailangan.
07:09.7
At meron ka na rin financial freedom.
07:12.3
Para mag-guide mo ang iyong sarili sa maayos na buhay,
07:15.4
magsimula ka sa paggawa ng financial goal.
07:18.2
Dapat meron kang goal dahil ito ang magsisilbing direksyon ng iyong buhay.
07:22.5
At dito mo ibabase ang iyong mga disisyon.
07:25.4
Kung seryoso ka sa iyong financial goal at determinado ka na matupad ito,
07:29.8
mamamalayan mo rin na hindi ka napabaya sa iyong pera.
07:33.5
Meron ka ng budget na sinusunod at bukas palagi ang iyong isipan sa ibang opportunity.
07:39.3
Ang taong merong goal ay malayo ang mararating.
07:43.6
Financial mistake number 6.
07:46.2
Hindi nag-iipon.
07:47.9
Kung sasabihin ng mayaman na tao na huwag kang mag-iipon,
07:51.1
ang ibig niyang sabihin ay mag-invest ka ng pera.
07:54.2
Sahalip na ilagay mo ito sa banko,
07:56.3
ilagay mo ito sa isang asset na kayang magbigay sa iyo ng additional income.
08:01.0
Pero kung sakaling mahirap naman ang magsasabi sa iyo huwag kang mag-iipon,
08:04.6
ang gusto niyang mangyari ay maghihirap ka rin katulad niya.
08:08.1
Dahil kung nagtatrabaho ka ngayon,
08:10.1
tapos kung ginastos mo lahat ng iyong income sa mga liability,
08:13.9
hindi ka rin makakabuo ng yaman para sa iyong sarili.
08:17.5
Ugali ng mga mayayaman na magtabi muna ng pera
08:20.5
bago mag-isip na gumastos.
08:22.6
At meron silang dalawang dahilan kung bakit kumirit sila sa pag-iipon.
08:26.9
Una, para meron silang perang magagamit kung sakaling may emergency na darating.
08:31.8
At pangalawa, para makabuo sila ng asset na kayang magbigay sa kanila ng income.
08:36.7
Sa isang financial mistake ang hindi pag-iipon ng pera.
08:40.4
Kung may ugali ka ng isang one-day millionaire,
08:43.3
simulan mo lang baguhin ang iyong spending habit
08:46.0
at maging educated sa pagmamanage ng iyong pera.
08:49.3
Meron akong hinandang playlist para sa iyo.
08:51.9
Hanapin mo lang ang link sa description at comment section ng videong ito.
08:57.2
Financial Mistake Number 7
08:59.5
Leaving Paycheck to Paycheck
09:01.8
Siguro ay alam mo na ang kahulugan ng salitang Paycheck to Paycheck.
09:05.5
Maraming dahilan yung iba sa atin kung bakit nangyayari ito sa kanila.
09:09.5
Maliit lang yung sahod,
09:11.0
merong anak na pinapaaral,
09:12.9
merong utang na binabayaran at iba pa.
09:15.7
Minsan ay valid ang mga dahilan,
09:17.6
pero kung naglaan lang sana sila ng sapat na oras para alamin
09:20.7
kung bakit namumuhay sila Paycheck to Paycheck,
09:23.6
malamang ay mahahanapan nila ng solusyon ang kanilang problema.
09:27.4
It's either babaguhin na nila ang kanilang paggastos
09:30.5
o di kaya ay maghahanap sila ng ekstrang mapagkakitaan.
09:34.2
Kung okay lang sa iba ang ganitong uri ng buhay,
09:37.0
huwag mong hayaan na ganito rin ang sayo
09:39.1
dahil meron kang choice na magbago.
09:41.8
Isipin mo na kung sakaling nawalan ka ng trabaho,
09:44.8
payag ka bang wala kang perang magagamit?
09:47.2
Ayaw nating lahat na wala tayong pera.
09:49.4
Kaya kung meron ka pang natatanggap na sahod buwan-buwan,
09:52.5
ugaliin mong magtabi.
09:54.1
Huwag kang mamuhay Paycheck to Paycheck.
09:56.6
Siguraduhin mo na meron kang naiipon
09:59.2
every time na matatanggap mo ang iyong sahod.
10:02.9
Financial Mistake Number 8
10:05.0
Walang Financial Literacy
10:07.3
Merong sikat na kasabihan na knowledge is power.
10:10.2
Karamihan sa mga taong patuloy na gumagawa
10:12.2
ng mga maling desisyon sa pera
10:14.2
ay walang sapat na kaalaman kung paano gamitin
10:16.5
ang maayos ang pera.
10:18.1
Dahil kung tunay mong naiintindihan ang isang bagay,
10:21.3
hindi mo gagawin ang kasalungat nito.
10:23.7
Lahat ng bagay ay nangangailangan ng oras
10:26.0
bago magproduce ng resulta.
10:28.1
Yung kilala nating mga magagaling na basketball player
10:31.2
ay mahabang panahon ang inilaan sa basketball
10:33.7
bago sila naging bihasa sa laro.
10:35.8
At ganun lang din sa ating finances.
10:38.2
Kung willing kang maglaan ng mahabang oras
10:40.2
para matutunan ang tamang paghandle ng pera,
10:43.1
kung paano ito iipunin at paano ito padamihin,
10:46.3
paniguradong magtatagumpay ka financially.
10:49.2
Ang taong malaki ang sahod pero hindi financially literate
10:52.8
ay palaging mamuong problema sa pera.
10:55.2
Hindi nila alam na hindi pera ang solusyon
10:57.4
sa financial problem.
10:59.0
Isipin mo na lang yung mga taong nanalo
11:00.8
ng malaking halaga sa loto
11:02.5
na bumalik sa pagiging mahirap
11:04.3
after 5 to 10 years.
11:06.4
Meron silang malaking pera,
11:08.1
pero yung mindset nila ay katulad pa rin
11:10.2
ng mindset ng isang mahirap na tao.
11:12.6
Mabilis lang mawawala ang pera sa'yo
11:14.5
kung wala kang financial literacy.
11:16.9
Kailangan mong pakainin ang iyong utak
11:18.8
ng mga impormasyon na makakatulong sa'yo
11:20.9
sa pag-improve ng iyong finances.
11:23.4
Simulan mo sa pagbabasa ng libro
11:25.5
gaya ng Rich Dad Poor Dad,
11:27.4
Total Money Makeover,
11:29.4
Millionaire Fastlane,
11:30.9
at Secrets of the Millionaire Mind.
11:33.8
Financial mistake number 9.
11:36.0
Umaasa lang sa isang source ng income.
11:38.7
Pinatunayan ang nagdaang pandemya
11:40.8
at massive layoffs ng mga malalaking tech companies
11:43.7
na hindi na safe ang pagkakaroon
11:45.5
ng isang source of income.
11:47.5
Meron niyang sikat na kasabihan sa pag-iinvest
11:49.8
na don't put all your eggs in one basket
11:52.8
dahil kung sakaling nahulog mo ang basket,
11:55.4
maraming itlog ang mababasag.
11:57.4
So kung nagtatrabaho ka ngayon
11:59.0
at ito lang ang nag-iisa mong source of income,
12:01.7
mabuting maghanap ka na ng paraan
12:03.8
kung paano mo madadagdagan
12:05.5
ang iyong income streams.
12:07.4
Maraming side hassle opportunities
12:09.6
ang available ngayon.
12:11.0
Hanapin mo lang yung angkop sa iyong skills
12:13.3
at hindi masyadong time-consuming
12:15.5
nang sa ganun ay hindi maaapektuhan
12:17.8
ang iyong unang trabaho.
12:19.4
Sa panahon ngayon,
12:20.7
lamang na palagi ang taong may diskarte.
12:23.2
Kung strategika sa iyong mga ginagawa,
12:25.8
meron kang goal na magtagumpay,
12:27.8
at willing ka na maglaan ng sapat na oras
12:29.9
para maghanap ng paraan
12:31.2
kung paano mapapalaki ang iyong income,
12:33.8
hindi ka na mangangamba sa iyong financial future
12:36.7
dahil sa disisyon mo ngayon.
12:39.0
Financial mistake number 10
12:41.2
Inaasa mo sa iba ang iyong kinabukasan.
12:44.2
May mga bagay na kailangan nating iasa sa iba
12:46.9
dahil alam natin ang ating limitasyon.
12:49.4
Kung gusto mong magpatayo ng bahay,
12:51.4
kailangan mo itong iasa sa mga
12:53.0
architect, engineer at mga mason.
12:55.7
Kung meron kang sakit at gusto mong gumaling,
12:58.2
kailangan mo ng doktor na magbibigay sa iyo
13:00.4
ng proper prescription ng gamot.
13:02.6
Pero pagdating sa ating kinabukasan,
13:05.0
lalong-lalo na sa ating financial future,
13:07.5
tayo dapat ang responsable dito.
13:09.8
Ikaw ang responsable sa iyong success
13:12.6
at ikaw din ang responsable sa iyong mga pagkakamali.
13:15.8
Hindi ka maggrow kung palagi mong inaasa sa iba
13:18.6
ang mga bagay na kaya mo namang gawin.
13:20.8
Kaya always take responsibility.
13:23.4
Tandaan mo na lahat ng bagay na meron sa ating buhay ngayon
13:26.7
ay bunga lamang ng ating mga disisyon.
13:29.0
Kung gusto mong umaman sa hinaharap
13:31.0
at magkaroon ng maginhawang buhay,
13:33.0
meron ka pang oras ngayon at kakayahan
13:35.5
na gumawa ng mabuting disisyon.
13:37.5
Tandaan mo yun palagi.
13:39.2
Gusto kong magpasalamat sa iyo sa paglaanang oras
13:41.6
sa panunoon ng videong ito.
13:43.4
Sa sampung financial mistake na pinag-uusapan natin,
13:46.9
alin sa mga ito ang marami kang natutunan?
13:49.2
Magbahagi ka ng iyong comments sa iba ba.
13:51.9
Sana'y marami kang natutunan sa video natin ngayon.
13:55.0
Huwag kalimutang mag-subscribe sa aming YouTube channel
13:57.6
para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
14:00.9
Bisitahin mo na rin ang iba pa naming social media account
14:03.8
at mag-follow.
14:05.0
I-like kung nagustuhan mo ang video,
14:07.0
mag-comment ng iyong mga natutunan
14:09.0
at i-share mo na rin ang videong ito
14:11.0
sa iyong mga kaibigan.
14:12.5
Maraming salamat sa panunood
14:14.5
at sana ay magtagumpay ka!