Close
 


Paano Masasakop Ng Tao Ang Mars
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang Mars ay ang planetang posibleng maging tirahan ng tao, ngunit paano nga ba ito magiging posible? Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #science #sciencefacts #mars
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mars, ang planetang posibleng maging tirahan ng mga tao. Ngunit, paano kaya ito mangyayari?
00:06.7
Ayon sa mga scientists, ang susi upang makolonize natin ang Mars ay kung magkaroon tayo ng mga robots na kayang mag-extract ng tubig mula sa lupa nito.
00:16.0
Kung magagawa ito, ay posibleng magkaroon ng buhay doon. Pero nasaan na nga ba tayo sa proseso ng pagsakop sa Mars?
00:24.6
Nakagawa na ba tayo ng mga robots? Aabutin ng mahigit 100 years ang pagkolonize sa Mars. Ngunit huwag kayong magalala dahil ang mga unang hakbang ay nagawa na natin.
00:35.3
Taong 2016, ipinakita ng SpaceX ang kumpanya ni Elon Musk ang disenyo na rocket na gagamitin sa pagkolonize sa Mars. Tatawagin itong Starship.
00:45.6
Taong 2018, nag-landing naman ang InSight ng NASA sa Mars. Hindi lang ito ang unang lander na ipinadala ng NASA sa Mars, ngunit isa ito sa mga pinakamahalagang misyon.
00:56.1
Ito lang naman ang mag-ye-examine ng interior structure o ng lupa ng Mars. Kailangan ito upang malaman kung may presensya ba ng tubig sa planeta.
01:05.4
Noong 2019, nakompleto na ng Starship ni Elon Musk ang test hop nito, isang paghahanda sa paglipad.
01:12.4
Pagkatapos na isang dekada at pagsapid ng 2020, mas naging intense ang paghahanda sa pagpapadala ng mga tao sa Mars.
01:19.7
Pagpasok ng 2021 ay nagpadala ang United Arab Emirates ng probe sa orbit ng Mars. Kasunod nito ay lumapag din sa Mars mismo ang Perseverance rover ng NASA na may layuning i-analyze ang posibleng microbial life sa planeta.
01:35.2
Kung makakahanap ito ng microbial life, ay posibleng na ang buhay sa planetang ito.
01:40.7
Ngunit, wala pa tayo sa kalahati. Nagsisimula pa namang ang lahat. Taong 2022, hinahasahan na ang Starship ng SpaceX ay magkakaroon ng successful orbital test flight at landing.
01:53.5
Sa mga susunod na taon, ay magpapatuloy ang pag-test sa Starship upang masigurado ang kakayahan nito.
02:00.0
Pagsapid ng 2025, ay unti-unti na ring sasali sa pagpapaunahan na makarating sa Mars ang ibang mga bansa.
02:08.8
Ang Mangalyaan 2 ng India ay papasok na sa orbit ng Mars, samantalang ang Martian Moons Explorer naman ng Japan ay kukuha ng samples sa moon ng Mars na Phobos at dadalhin ito pabalik sa Earth sa taong 2029.
02:23.1
Ang SpaceX Starship, habang nagaganap ito, ay nakumpleto na ang orbital flight test na may kasamang crew. Hindi naman magpapahuli ang European Space Agency na magpapadala din ng kanilang Exo Mars Rover na lalanding sa Oxia Planum sa Mars.
02:39.1
Pagsapid ng huling parte ng 2027, ang orbit ng Mars ay lalapit sa Earth. Ito na ang perfect timing upang ilaunch ang SpaceX Starship.
02:48.4
Kaya sa taong ito, inaasahan na lalanding sa dalawang parte ng Mars ang Starship's demonstration cargo na naglalaman ng power, mining at life supplies. Kasama din dito ang mga maliliit na nuclear power reactor at automatic atmospheric propellant plants upang maglabas ng oxygen. Mahalaga ito upang ihanda ang planeta sa pagdating ng mga astronaut.
03:09.7
Sa 2029, tapos na ang paghahanda at napili na ang magiging Mars Base Alpha. Susundan ito ng paglanding ng dalawang unmanned o walang nagmamanehong Starship sa lokasyon. Ngunit, hindi dito natatapos ang misyon dahil pagkatapos nito ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga cargo ship na naglalaman ng mga robots, solar panels at rovers at may backup crew ship na dadating upang magsilbing tirahan ng mga tao.
03:38.0
Sa mga panahon ito, ang mga robots pa lamang ang nagtatrabaho sa Mars at sinisiguradong magiging handa ang mga facilities sa Mars para sa pagdating ng mga unang tao dito.
03:48.7
Habang nagsisimula na ang pagbuo ng koloni sa Mars, ang China naman ay nakikipagunahan din sa pagkuhan ng sample mula sa Mars upang ibalik ito sa taong 2031 sa Earth.
03:59.7
Finally, pagdating ng 2030 na ihanda na ng mga robot ang mga landing base sa Mars Base Alpha. Sa taong 2031, 62 years matapos ang first landing sa Moon, dalawang SpaceX ship na may kargang 24 astronauts ang maglalanding sa Red Planet. Sila ang magiging pinakaunang tao sa Mars.
04:20.2
Sunod na ide-deploy sa Mars ay ang Global Positioning System at Global Communication System. Siyempre, mas delikadong mawala sa Mars. May mga solar array din na ilalagay sa Mars Base Alpha bilang dagdag na suporta sa mga maliliit na nuclear reactor.
04:36.7
Pagsapit ng 2032 ay magsisimula na ang mining ng tubig sa surface na Mars, malapit pa rin sa Mars Base Alpha. Magkakaroon ng ground-based ISRU system na may kakayahang mag-imbak at magproduce ng mga chemical na kailangan tulad ng tubig, oxygen, nitrogen at argon.
04:55.7
Ito ang magiging susi sa pagkakaroon ng permanenting tao sa planeta. Hindi dito nagtatapos ang pagkolonize sa Mars, patuloy lamang ang pagtatayo ng mga landing at launching area malapit sa Base Alpha. Dahil pagdating ng 2033, pangalawang batch naman ng mga crew ang muling maglalanding sa Mars.
05:14.2
Dito na sisimulang gawin ang mga ground-based habitats dahil sa dumadaming populasyon, pati na rin ang hydroponic greenhouse na gagamitin upang magkapagtanim ng mga lokal na pagkain sa planeta.
05:26.2
Patuloy ang research na mangyayari. Ngayon, kasama na mismo ang iba't ibang bansa. Nakita na nila ang potential ng Mars at magsisimula na rin silang magpadala ng mga astronaut, crew at mga ordinaryong mamamayan sa bagong colonized na planet.
05:41.2
Sa taong 2035, ilan sa mga cargo ships at isang starship na may crew ang babalik na sa Earth. Senyales na tapos na ang kanilang misyon. Patuloy na magievolve ang Mars Base Alpha at ngayon ay hindi na lamang tubig, hangin at pagkain ang magmumula dito, kundi pati na rin ang mga simento, bricks at silika.
06:01.2
Magkakaroon na din ng mga industrial-sized 3D printers. Taong 2037, isa na namang ship ang magdadala ng 100 na tao sa Mars. Ang populasyon ngayon ay nasa 170 na. Dahil dumadami na rin ang demand sa pagkain, magkakaroon na rin ng mga fish farms sa Mars.
06:19.2
Pagsapit ng 2040, ipinanganak na ang unang bata sa Mars, pero depende pa ito sa magiging hatol ng mga scientists dahil delikado ang pagbubuntis sa Mars. Iba ito sa ating planeta, at kung sakaling dadalhin pabalik sa Earth ang bata ay maaari siyang mamatay. Pero ipalagay na lang natin na pinayagan ito ng mga scientists upang magkaroon ng magpapatuloy ng populasyon sa Mars.
06:43.2
Dahil may mga bata na kailangan na rin ng paaralan, taong 2040 din ay magkakaroon na ng meat culture para hindi na lamang limitado sa gulay at isda ang pagkain. Ang pagtatayo naman ng mga building at habitat ay magpapatuloy lang.
06:58.2
Pagsapit ng 2050, ang Mars Base Alpha ay lalaki bilang isang colony. Sa taong 2060, ang mga taong doon na ipinanganak sa Mars ay mangangailangan ng exoskeleton o support kung sila ay pupunta sa Earth dahil sa mas malakas nitong gravity. Sa taong ding ito, ay papasok na sa university ang mga batang doon ipinanganak. Dahil mahihirapan silang pumunta sa Earth, itatayo na din doon ang unang university.
07:23.2
May mga turista na din na pupunta doon, pero dahil mahal ito, ang mga mayayaman lang ang pwedeng makapunta sa Mars. Pagsapit ng 2070, hindi na mapipigilan ang pagdami ng humans sa Mars, kaya't pagsapit ng 2080 ay mayroon na silang sariling gobyerno.
07:39.2
At sa pagtatapos ng 21st century, inaasahang magiging independent na ang Mars. May sariling gobyerno, supply ng pagkain, ekonomiya at habitat o mga tirahan. Ang mga batang doon ipinanganak ay tatawaging Martian Citizen. Magkakaroon din sila ng sariling sistema ng currency at ang kailangan na lang nila mula sa Earth ay ang mga pagkain na hindi maaaring iproduce doon. Patuloy silang dadami at hindi natin namamalayan, magiging katulad na din sila ng planetang Earth.
08:09.2
Sa palagay nyo, magandang ideya kaya ito? Naniniwala din ba kayo na dapat ay ang Earth muna ang ayusin pago tayo maghanap ng ibang planetang matitirhan? Comment down below kung ano ang masasabi nyo.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.