Close
 


TROY | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg Papa Dudut Stories Horror Music used : " The House" composed and produced by "Vivek Abhishek" Music link : https://youtu.be/2Do5iRAhbtg SUBSCRIBE us on YOUTUBE: https://youtu.be/DQQmmCl8crQ Follow on Facebook: https://bit.ly/33RWRtP Follow on Instagram: https://bit.ly/2ImU2JV FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 25:39
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Maraming tao ang gustong sumika at o makilala sa iba't ibang larangan.
00:05.0
Wala namang masama kung mangarap tayo na maging mataas pero dapat na hindi natin kalimutan na ibigayang respeto sa mga taong may buhay man o wala.
00:14.0
Dear Papa Dudut,
00:17.0
Magandang gabi po sa inyo at sa ating mga kastorya ay tago nyo na lamang po ako sa pangalan na Troy.
00:24.0
36 years old at nagtatrabaho bilang IT sa isang kumpanya.
00:29.0
Mahilig talaga akong makinig na mga drama sa radyo lalo na akong tungkol sa kababalaghat.
00:35.0
Ayon nga lang ni Minsa noon ay hindi ko naisip na sariling kwento ko naman ang mapapakinggan ko.
00:42.0
Papa Dudut pinangarap ko rin talaga na maging vlogger at sumikat noon.
00:47.0
Marami rin akong video na para sa akin ay nakakatawa at naka-upload sa youtube channel ko.
00:53.0
College pa lamang ako nang simulang ko yon at sobrang supportive naman ng girlfriend kong si Loiza.
01:00.0
Siya ang kauna-unahang subscriber ko sa youtube hanggang sa inupload ko na rin yon sa facebook
01:06.0
o iba ko pang social media account.
01:09.0
Marami rin akong iniidolo na vlogger at syempre isa ka na po doon Papa Dudut.
01:14.0
Pero ang madalas ko lang na inupload na video ay tungkol sa pagbabay ko.
01:20.0
Mahilig kasi akong magbike o gumala gamit ang bike ko.
01:24.0
Sumasali ako sa mga bike run event at yon ang ginagawa kong content.
01:29.0
Minsan medyo marami rin ang nagview pero madalas na halos ay wala.
01:35.0
At habang tumatagal ay nakikita ko na hindi pala talaga biro ang maging vlogger o gumawa ng content.
01:43.0
Hindi biro ang mag-isip na mga video na pwede kong i-upload sa channel ko.
01:48.0
Lalo na nga ng makatapos na ako ng pag-aaral at magsimula ng magtrabaho.
01:55.0
Mas lalong na-drain ang utak ko sa kakaisip ng pwede kong i-content maliban sa pagbabay ko.
02:04.0
Bakit na kasi maangot ka dyan sweetie?
02:07.0
Tanong loy sanang makalapit siya sa akin.
02:10.0
Nasasala ako ng bahay at tinitingnan ang uploaded video ko sa facebook page ko Papa Dudut.
02:18.0
Ang konti kasi ng views na mga video ko ngayon.
02:21.0
Tingnan mo tong mga huling upload ko ng video.
02:24.0
Hindi man lang umabot ng 3,000 ang view.
02:27.0
Halos sumemplang-semplang na ako sa pagbabay.
02:30.0
Hindi man lang nila na-appreciate.
02:32.0
Wika ko na kinatawa naman ni Loyza.
02:35.0
Bakit ka tumatawa sweetie?
02:37.0
Nalulungkot na nga ako dito.
02:39.0
Tinatawanan mo pa ako.
02:41.0
Nakalabing wika ko.
02:43.0
Sorry sweetie.
02:45.0
Nalala ko lang kasi yung navideohan ko na pagsemplang mo habang nagbabay ka.
02:50.0
Nagwarri ako sayo kasi akala ko na bago kang ulo mo.
02:53.0
Pero buti na lang talaga't nakahelmet ka noon.
02:56.0
Tugon pa ni Loyza.
02:58.0
O hindi ba?
02:59.0
Buwis buhay na ang pagbablag ko pero hindi pa rin na-appreciate ng mga tao?
03:03.0
Ang sabi ko.
03:05.0
Gano'n talaga.
03:06.0
May mga oras na hindi nakikita o napapansin ng ibang effort na ginagawa natin.
03:11.0
Pero sweetie, naisip ko lang.
03:13.0
Paano kaya kung gumawa ka ng ibang gimmick sa pagbabayag mo?
03:17.0
Sugestion ni Loyza.
03:20.0
Anong gimmick naman yun?
03:22.0
Nagtatakang tanong ko.
03:25.0
Kahit ano basta yung mapapansin at sisikat ka.
03:29.0
Ang naisip ko nga e bakit hindi mo gawin yung nauuso ngayon na namimigay ng pagkain sa mga pulubi?
03:35.0
Muling sugestion pa ni Loyza.
03:38.0
Paano yun?
03:40.0
Tanong ko ulit.
03:41.0
Magdala ka ng pagkain habang nagbabayag ka.
03:45.0
Tapos kapag may nakita kang pulubi, bigyan mo ng pagkain.
03:48.0
Tugon naman ni Loyza.
03:51.0
Baka naman sabihin ng iba, ginagamit ko lang yung mga pulubi sa content ko.
03:55.0
Uy kako.
03:56.0
E ano naman, at least nakatulong ka sa kanila.
04:00.0
Tugon pa ni Loyza.
04:03.0
Papadudud, sinunod ko ang payo ni Loyza may dala akong backpack habang nagbabayag.
04:07.0
At dahil may mga oras na nakakasama kong magbayag si Loyza ay siya rin na nagvivideo sa ginagawa ko na pamimigay ng pagkain sa pulubing nakikita ko sa may daanan.
04:18.0
Nay, para sa inyo po itong pagkain at inumin.
04:22.0
Tingin po kayo dun sa camera.
04:24.0
Turo ko sa hawak na camera ni Loyza na nakatayo hindi igalayuan sa amin ang kausap ko matandang pulubi.
04:31.0
Gumiti naman siya at kumaway at nagpasalamad sa akin bago umalis.
04:36.0
May nakita pa akong magtatay na madumi ang damit at muka at nilapitan ko rin sila para bigyan ng pagkain.
04:43.0
Pinatingin ko sila sa camera para gumiti at kumaway.
04:47.0
Nagpasalamad din sila bago sila umalis.
04:50.0
Marami akong nadadaanan ng mga pulubi sa Partengyon ng Maynila.
04:55.0
At sa kabila ng madudungis nilang muka, kababakasan ang saya dahil sa ginawa kong pagbibigay ng pagkain.
05:03.0
Ganon ang naging rutin namin ni Loyza sa tuwing wala kaming pasok sa trabaho.
05:08.0
Siya ang kasa-kasama ko sa pag-aayos ng mga pagkain na ipinamimigay ko.
05:12.0
Taga video sa pakikipag-usap ko sa mga pulubi at kung ano-ano pa.
05:17.0
Grabe sweetie, ang taas ng views sa mga bagong upload mo na video.
05:21.0
Bulalas pa ni Loyza.
05:24.0
Napansin ko nga rin sweetie,
05:26.0
ang ganda talaga ng ideya na binigay mo para sa vlog ko, natutuwaring tugon ko.
05:32.0
Tingnan mo ito, may nagko-comment pa dito kung ano raw ang bank account mo.
05:37.0
Ang wika ni Loyza.
05:39.0
Talaga? Nasaan? Tanong ko.
05:42.0
Ay ano ang sabi, magpapadala daw siya ng pera para pandagdag sa mga pinambili mo ng pagkain na pinamimigay mo.
05:51.0
Turo naman ni Loyza.
05:54.0
Nabasa ko ang comment at nalaman ko na nasa ibang bansa pala yung tao na gusto magpadalaan ng pera.
06:00.0
Gusto niya rin daw na makatulong sa maliliit na paraan.
06:04.0
Hindi ko muna nireplya ng comment pero nagmessage din siya sa akin para hingin ang bank account ko.
06:10.0
Binigay ko naman ang account ko kasi mukha namang legit ang profile.
06:14.0
At nagulat na lamang ako sa laki ng halagaan na pinadala niya sa akin.
06:18.0
Tuwang tuwa kami noon ni Loyza papadudut.
06:21.0
Bumili kami ng maraming pagkain at ang natirang pera ay pinambili ko ng gamit para sa pambablog ko.
06:27.0
Hindi naman siguro masama kung papakinabangan ko rin ang ibang perang pinapadala sa akin.
06:34.0
Dahil ako ang nage-effort na gumawa ng mabuti para makatulong sa ibang tao,
06:39.0
wala akong nakikita na masama kung bibigyan ko ng kaunting parte ang sarili ko.
06:44.0
Saka para naman yun sa kagaganda ng vlog ko, pati na ang pagtulong na ginagawa ko sa ibang tao.
06:52.0
Papadudut habang tumatagal ay nadadagdagan ang followers ko sa iba't ibang platform na ina-upload ako ng video.
07:00.0
Dumadami rin ang views ng video ko, lalo na sa TikTok.
07:05.0
May iba rin na nagpapadala ng pera at sinasabi na gamitin ko raw sa pagtulong sa mga taong nakakailangan.
07:13.0
Kaya naman pinagpatuloy ko ang paggawa ng mga ganong content,
07:17.0
yung namimigay ako ng pagkain sa mga pulube habang nagbabike.
07:21.0
Madalas nakasama ko si Loisa sa ginagawa ko na yun,
07:25.0
pero may mga oras na ako lang mag-isa kaya nakaselfie video camera lamang ako.
07:30.0
May trabaho rin kasi si Loisa kaya may oras na hindi niya ako nasasamahan.
07:35.0
Masaya pala talagang gumawa ng ganong content, Papadudut.
07:39.0
Masarap sa feeling na nakakatulong kami sa ibang tao.
07:43.0
Feeling kutuloy noon isa akong superhero na nakatawang tao lamang para makintulay,
07:48.0
na patulungan ang ibang nangangailangan.
07:52.0
Syempre dahil wala naman akong sinesweldo sa mga ganitong ginagawa ko,
07:57.0
okay na yung may manood ng manood ng video na ina-upload ko.
08:02.0
Sweetie, dun ka naman mamigay ng pagkain habang kinukunan kita ng video?
08:07.0
Ang wika ng girlfriend ko.
08:09.0
May tinuro siya na nagkukumpula ng mga batang gusgusin.
08:12.0
Lumapit ako sa mga ito at inabutan sila ng mga pagkain na nakalagay sa disposable na lalagyan.
08:17.0
May inumin rin yun at biskit.
08:20.0
Mga bata, gutom na ba kayo? May dila akong pagkain dito.
08:25.0
Masayang wika ko sa mga bata.
08:27.0
Yay! Tamang-tama kasi hindi pa po kami kumakain ng mga kapatid ko.
08:32.0
Tugo ng isang bata na siguro ay nasa 10 years old.
08:36.0
Siya na nga yata ang pinakamatanda sa grupo.
08:39.0
Magkakapatid kayo?
08:41.0
Tanong ng may abot sa kanila ang mga pagkain.
08:45.0
Kagad nila yung binuksan para kainin.
08:48.0
Opo, ako po ang panganay. Tugon ang kausap ko.
08:53.0
Nasa na mga magulang ninyo? Muling tanong ko.
08:57.0
Madumi ang mga kamay nila na ginagamit nilang pangkain sa pagkain na ibinigay ko.
09:02.0
Nakita ko rin ang maiitim at maduduming kukuha ng mga daliri nilang sinusubo pa nila
09:07.0
para mas malasahan ang pagkain.
09:10.0
Hindi po namin alam. Si nanay matagal nang patay.
09:16.0
Pero si tatay buhay pa.
09:18.0
Sinabi niya sa amin na iiwan niya lang kami saglit dito sa plaza pero hindi na po siya bumalik pa.
09:24.0
Tugo naman ang bata.
09:26.0
Papadudot medyo naluha pa ako sa ibang kinuwento nila.
09:31.0
Lalo na ang sabihin ng pinakamatanda sa kanila na siya ang nagpoprotekta sa mga kapatid niya.
09:38.0
Hindi raw siya papayag na magkahiwalay-hiwalay silang apat.
09:42.0
Kaya kapag may dumarating na polis o social worker ay kagad silang kumakaripas ng takbo.
09:48.0
Alam daw kasi nila na kapag nakuha sila ng mga ito ay paghihiwa-hiwalayin na silang apat.
09:53.0
Ano palang pangalan mo? Tanong ko pa.
09:57.0
Bimbo po.
09:58.0
Sagot ni Bimbo bago pinakilala ang tatlo niyang kapatid.
10:02.0
Bago raw kasi mamatay ang nanay niya ay nangako siya dito na aalagaan niya ang mga kapatid niya.
10:09.0
Kahit anong mangyari ay hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa mga ito.
10:14.0
Kaya kahit mahirap ang buhay, sa lansangan ay pilit nilang kinakaya.
10:19.0
Dahil ang mahalaga para sa kanila ay magkakasama sila.
10:24.0
Papadudot, naging madalas ang pagkikita namin ni Bimbo.
10:28.0
Pati ng pagkikwentuhan naming dalawa tungkol sa kanya at sa mga kapatid niya.
10:33.0
May mga oras na nga na hindi ko nayon kinukuna ng kamera kasi mas masaya pala yung ganon.
10:40.0
Yung natural na nag-uusap lamang kaming dalawa at hindi kailangan ng kahit anong script o camera.
10:46.0
Babait na bata kasi si Bimbo at alam ko na marami siyang pangarap.
10:51.0
Ang nakakatuwa pa doon yung mga pangarap na yon ay hindi lang para sa sarili niya.
10:56.0
Kung hindi pati na rin sa mga kapatid niya.
10:59.0
Gusto niya talagang makapag-aral at makapagtapos.
11:03.0
Gusto niyang magkaroon ng magandang trabaho at buhay.
11:06.0
Tapos kasama niya ang mga kapatid niya.
11:09.0
Gusto niyang maipakita sa ibang tao lalo na sa tatay niya.
11:14.0
Kung ano niya kamahal ang mga kapatid niya.
11:18.0
Kaya naman palagi talaga akong tumutulong sa kanya sa abot ng makakaya ko.
11:24.0
Kunwari pang tumutulong pero ginagawa lang namang content ang mga bata.
11:28.0
Pagpaparinig ng isang lalaking napadaan sa pwesto namin ni Bimbo.
11:33.0
May hawak pa siya noong camera na kaagad niya rin itinago nang mapatingin ako sa kanya.
11:38.0
Mabilis na siyang naglakad palayo sa amin.
11:42.0
Kuya Troy, ano po yung content? Tanong pa ni Bimbo.
11:47.0
Wala yun. Huwag mo nang isipin yun.
11:50.0
Tugon ko naman sa kanya.
11:52.0
Papadudod sa buhay vlogger ay hindi naman maihiwasan na may mang bash sa'yo, hindi ba?
11:58.0
Kasi naranasan ko rin yun dati.
12:01.0
Yung mag-iwan sila ng mga comment na ginagamit ko lang daw na content ang mga pulubi para sumikat ako.
12:08.0
Pwede naman daw akong tumulong nang hindi kinukunan ang video ang ginagawa ko.
12:13.0
Kung totoo raw na gusto kong tumulong ay bakit daw ina-upload ko sa mga social media platform.
12:19.0
Dumadami nang dumadami ang mga basher ko hanggang sa pati yung mga supporter ko.
12:25.0
Naniniwala na sa kanila.
12:27.0
May mga nagko-comment pa na hindi raw nila sigurado kung saan napupunta ang perang pinapadalan nila sa akin.
12:34.0
Hanggang sa humingi na sila ng mga restibo para sa mga naggastos ko noon.
12:39.0
Grabe, nakaka-stress talaga papadudod.
12:42.0
At nakaka-inis yung mga tao na naninira sa akin.
12:47.0
Kaya mo na sila.
12:49.0
Mga ingit lang sila sayo.
12:51.0
Kaya ka nila sinisiraan.
12:53.0
Pagpapakalma sa akin ni Loyza pagkatapos kong basahin ang panibago mga comment ng paninira sa akin.
13:01.0
Nakaka-bad vibes lang kasi itong mga nababasa ko.
13:04.0
Sabi ko naman.
13:06.0
Kaya nga huwag mo nang basahin para hindi ka naman stress.
13:10.0
O kung gusto mo, mag-turn off ka na lang ng comment section para hindi ka nila mabash.
13:16.0
Wika naman ni Loyza.
13:19.0
Ang hirap din kasi na hindi basahin ang mga yun eh.
13:22.0
Gusto ko malaman ang iniisip ng ibang tao tungkol sa ginagawa ko mabuti pero...
13:28.0
Pinamasama pala nila.
13:30.0
Kaya naman nagdadalawang isip na ako na ituloy ang paggawa ko ng ganung content.
13:36.0
Nasaan si Bimbo?
13:38.0
Tanong ko nang makarating kami sa plaza kung saan sila madalas na tumatambay.
13:43.0
Kasama ko noon si Loyza at may dala kaming pagkain para sa kanilang magkakapatid.
13:48.0
Pala ko nang hindi ikunan ang video yun kasi gusto ko lang talagang kumustahin siya.
13:53.0
Ilang araw na rin kasi namin siya ang hindi nakikita.
13:56.0
Yung bata nasa gasaan!
13:59.0
Sigaw ng isang lalaki na kumuha ng atensyon namin.
14:02.0
Nagmamadali kami ni Loyza na pumunta sa lugar kung saan may nagkakagulong mga tao.
14:07.0
Troy si Bimbo!
14:09.0
Naiiyak na wika ni Loyza.
14:11.0
Papadudot na hit and run si Bimbo ng isang kotse,
14:15.0
nasa gitna ng kalsada ang duguan niyang katawan.
14:18.0
Basag ang ulo niya, nakapilipit ang lieg at bali ang mga braso at binti niya.
14:23.0
Halos lumua rin ang mga mata niya sa pagkakamulat ng mga ito.
14:28.0
Grabe talaga ang sinapit niya na parabang nahirapan bago siya namatay.
14:33.0
Ang tatlo naman niyang kapatid ay umiiyak habang nakapalibot sa kanilang kuya.
14:38.0
Hindi ko natuloy napigilan ang sarili ko nakunan sila ng video.
14:42.0
Kawawa naman siya.
14:44.0
Wika ni Loyza na nagpunas ng luha kahit paano kasi naging malapit din talaga sa amin si Bimbo.
14:51.0
Kaya naman nag decide kami na umuwi na lamang ng araw na yon.
14:55.0
Sa bahay na lamang kami kumain at nagluto na lamang ng mga pagkain.
14:59.0
Kaya lang ay pareho rin kaming walang ganang kumain ni Loyza lalo na at naging topic namin si Bimbo.
15:06.0
Kinahaponan na makauwi na si Loyza ay pinanood ko ang video na nakarecord sa cellphone ko.
15:13.0
Saglit yon na inedit at nilagyan ng malungkot na music at saka inupload sa TikTok.
15:19.0
Gusto ko lang ng kaunting alaala na may iwan para kay Bimbo.
15:24.0
Bakit may inupload ang video? Tanong ni Loyza nang tawagan niya ako.
15:30.0
Wala kasing magawa kanina saka kilala ng mga ibang tao si Bimbo.
15:35.0
Para maalala pa rin nilang bata, tugon ko.
15:39.0
Yan ba talagang intention mo? Gusto mo lang ng maraming views?
15:43.0
Naiinis na tanong pa ni Loyza.
15:46.0
Ano bang sinasabi mo sweetie? Walang ganun.
15:50.0
Depends ako naman.
15:52.0
Talaga? Kasi kung yun ang intention mo, congrats.
15:56.0
Kasi ang dami ng views ng video mo, wika pa niya.
16:00.0
Nagtataka naman akong binaba ang tawag na yon at nang makita ko ang video ay nagulat ako nang umabot na yon ng 100,000 views.
16:07.0
Kahit wala pang isang aro kong naa-upload.
16:11.0
Tuwang-tuwang ako sa mga comment kasi puro pakikisimpatya yon.
16:15.0
May ilan na mga nainis kasi dapat daw ay pinatahimik ko na lamang ang nangyaring pagkabatay ni Bimbo pero ginamit ko parang na content hanggang sa mamatay ito.
16:24.0
Lahat na lang nang gawin ko ay mali sa inyo.
16:27.0
Naiiritang wika ko.
16:30.0
Isang malakas na sigaw mula sa sala ang nagpaputol ng ginawa kong pagbabasa ng mga comment.
16:36.0
Boses yun ni Mami na kaagad kong pinuntahan.
16:39.0
Mami bakit po? Ayos lang po ba kayo?
16:42.0
Nag aala lang tanong ko.
16:44.0
Oo, wika ni Mami na noon ay nakaupo na sa may sahig.
16:49.0
Bakit po kayo biglang sumigaw at bakit po kayo nakaupo dyan sa may sahig?
16:54.0
Nag aala lang tanong ko ulit.
16:57.0
May ano kasi, may batang tumatakbo dyan sa kusina kanina.
17:02.0
Nauutal na sagot pa ni Mami.
17:05.0
Bata? Ulit ko naman.
17:08.0
Tumayo ako at sumilip sa kusina pero wala kong nakita ni Anino ng isang bata.
17:14.0
Mami wala naman pong bata dito, wika ko.
17:18.0
Pero meron talaga akong nakitang bata na bigla nalang tumakbo dyan.
17:23.0
Gusgusin siya tapos nakasuot ng kulig rin na short at grey na sando.
17:28.0
Gitpa ni Mami.
17:30.0
Napalunuk ako sa sinabi niya bago ko siya inalalayan na mag-aupo sa may sofa.
17:36.0
Kinuha ko na rin siya ng tubig at ng mahimasmasa na siya.
17:40.0
Bumalik ako sa kwarto at muling pinanood ang video na nakuhanan ko ng mamatay si Bimbo.
17:47.0
Tama ako.
17:49.0
Yung sinasabi ni Mami na kulig rin na short at grey na sandong suot ng batang nakita niya.
17:55.0
Yun din ang suot ni Bimbo ng masagasaan ito.
18:00.0
Grabe sweetie, ang taas ng views itong last upload na video ko.
18:04.0
Konti na lang, kalahating milyo na.
18:07.0
Ito ang sabi ko noon kay Loisa habang nakaharap ako sa may laptop.
18:11.0
Hindi siya nagsasanita habang ako ay panayang scroll sa mga comment.
18:16.0
Hindi ko na lamang pinapansin yung ibang basher na nagko-comment doon.
18:20.0
Ang mahalaga, yung mga taong nakaka-appreciate ng ginawa ko.
18:27.0
Sweetie, tingnan mo ito. May gusto pang magpadala ng pera para raw makabili ako ng magandang quality ng camera.
18:34.0
Ang sabi ko pa kay Loisa, nang hindi siya tumutugon ay napaligun ako sa kanya.
18:40.0
Sweetie, ayos ka lang? Tanong ko.
18:44.0
Marahan siyang tumango at kapansin-pansin ang pamumutla ng mga labi niya at pangingitim ng ilalim ng mga mata niya.
18:53.0
Mula din ang tumating siya sa bahay ay hindi siya masyadong nagsasalita papadudut.
18:59.0
Oo, tipid na tugon niya.
19:02.0
Sigurado ka? Muling tanong ko.
19:06.0
Saglit na nagbitaw ng muntong hininga si Loisa bago muling nagsalita.
19:12.0
Troy, wala ka bang nararamdaman na kakaiba? Tanong ni Loisa.
19:19.0
Paano'ng kakaiba? Balik tanong ko sa kanya.
19:23.0
Sa totoo lang kasi mula nang inupload mo yung video parang palagi na akong namamalik mata.
19:31.0
Hindi ko maintindihan pero may mga oras na may nakikita na lang akong tumatakbo sa harapan ko na isang bata.
19:37.0
Hindi lang yung sa labas ng bahay namin ha, pati na rin sa loob ng bahay namin.
19:42.0
Kapag sinusundan ko siya, bigla na lamang siyang nawawala.
19:45.0
Tapos may isang beses na sinabi ni mami na may bata raw na nakatayo sa my gate namin.
19:53.0
Akala niya mangingin ang pagkain pero natakot daw siya nang tumingin ito ng matalim sa kanya bago tumakbo palayo.
20:00.0
Ang kwento pa ni Loisa.
20:04.0
Baka naman batang palagoy nga lang yun na napadaan lang wika ko naman.
20:11.0
Yun nga din ang gusto kong isipin kaya lang sa pagkakadescribe ni mami sa kanya parang si...
20:17.0
parang si Bimbo?
20:19.0
Papadudot kahit ako man ay nakakaramdam din ng mga kakaibang bagay mula nang mawala si Bimbo.
20:25.0
May mga oras na akala ko ay may tao sa bahay kapag umuwi na ako galing sa trabaho.
20:30.0
Kasi nakakarinig ako ng mga ingay sa kwarto nila mami.
20:34.0
Tapos magugulat na lamang ako nang biglang uuwi si mami at sasabihin na ako lang daw mag-isa sa bahay.
20:41.0
Nakakarinig din ako ng mga kakaibang boses at pag-iyak sa loob mismo ng kwarto ko.
20:47.0
Hanggang sa magising na lamang ako isang beses nakatabi ko na si Bimbo.
20:51.0
Oo, papadudot.
20:54.0
Nakita ko siya ng malinaw sa tabi ko.
20:57.0
Dugoan, basag ang bungo at halos lumuwa ang mga mata niya.
21:02.0
Kagad akong napabangon mula sa kama at lalabasan ako ng kwarto pero hindi ko mabuksa ng pinto.
21:08.0
Kaya malakas ko na lamang na kinilampag ang pintuan.
21:12.0
Nakita ko na bumangon din si Bimbo at nagsimulang maglakad palapit sa akin.
21:16.0
Mas malakas akong sumigaw para may tumulong sa akin.
21:20.0
Nagpapatay bukas din ang ilaw noon sa loob ng kwarto kaya nakikita ko pa rin ang mukha ni Bimbo.
21:26.0
Lalo na ang galit niyang mga mata na malapit ng lumua, papadudot.
21:30.0
At nang isang hakbang na lamang ang layo niya mula sa akin ay bigla na bumukas ang pinto kasunod ang pagliwanag ng kwarto ko.
21:38.0
Pero wala na doon ang batang si Bimbo at bigla na itong naglaho.
21:41.0
Nagaalala si na mami na tinanong kung bakit ako sumisigaw, pawisan ang noo at dibdib ko.
21:47.0
Pero sinabi ko sa kanila ni dadi na binabangungot lamang ako ng mga oras na yon.
21:52.0
Papadudot doon ako nag-decide na burahin na ang video ni Bimbo sa account ko.
21:57.0
Nagpadasal din ako sa simbahan para sa kalilawa niya.
22:02.0
Nang subukan kong dalawin ang mga kapatid niya sa plaza ay nalalaman ko na mayroon.
22:07.0
Nang subukan kong dalawin ang mga kapatid niya sa plaza ay nalalaman ko na mayroon.
22:14.0
May ilang beses ko pang nakita at naramdaman si Bimbo at may ilang beses pa akong namamalik mata.
22:22.0
Hanggang sa makausap ko ang mga kapatid niya nang dalawin ko ang mga ito.
22:26.0
Sinabi ko sa kanila ang magandang alaala ng kuya Bimbo nila at nag-iwan din ako ng mga litrato nilang magkakapatid na ako mismo ang kumuha.
22:36.0
At doon nga nagsimula na hindi magpakita sa akin si Bimbo.
22:40.0
At nalangin ko na sana ay tuluyan ang maging tahimik ang kanyang kaluluwa.
22:47.0
Sa ngayon po ay nagbablog pa rin ako pero puro pagbabike na lamang ang video na ina-upload ko sa account ko.
22:55.0
May kaunting views pero at least alam ko na wala na akong ginagamit na ibang tao.
23:01.0
Hanggang dito na lamang po ang sulat ko o papadudod.
23:06.0
Lobos na gumagalang
23:09.0
Troy
23:11.0
May mga bagay tayong nagagawa na hindi natin alam na pwedeng makasakit ng ibang tao.
23:17.0
Kasi masyado tayong nakafocus sa ating mga sarili.
23:20.0
Yung kagustuhan nating magawa ang mga bagay na pwedeng magpaangat sa atin.
23:25.0
Kagaya na lamang na nangyari sa kwento ni Troy.
23:28.0
Sa kagustuhan niyang sumikat ay hindi niya napansin na nakakaapak na siya ng ibang tao.
23:33.0
Pero natutunan naman niya ang mali sa ginawa niya.
23:38.0
At hindi pa naging huli ang lahat para maitama iyon.
23:41.0
Hindi naman masama ang mangarap na tayo ay makilala ng marami.
23:45.0
Basta dapat alam natin na ginawa natin iyon sa malinis na paraan at walang inaapak ang ibang tao.
23:54.0
Ang buhay ay mahiyawagat.
24:00.0
Laging may lungkot at saya.
24:06.0
Sa papatudod stories,
24:10.0
Laging may karamay ka.
24:19.0
Mga problemang kaibigan,
24:25.0
Dito ay pakikinggan ka.
24:31.0
Sa papatudod stories,
24:36.0
Kami ay iyong kasalaman.
24:43.0
Dito sa papatudod stories,
24:48.0
Ikaw ay hindi nag-iisa.
24:55.0
Dito sa papatudod stories,
25:00.0
May nagmamahal sa'yo.
25:08.0
Papatudod stories,
25:14.0
Papatudod stories,
25:19.0
Papatudod stories,


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.