Close
 


GINAWANG MUMMY ANG SARILI
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 09:20
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Naniniwala ang mga monghe na ang buhay ay isang tila ba sikulo ng pagpapanganak, paghihirap at saka naman kamatayan,
00:08.4
saka muling ipangananak na naman at uulit na naman ang paghihirap at saka muli na naman ang kamatayan.
00:15.0
Hindi ito hihinto, paulit-ulit ito na magaganap hanggang sa maabot ang estado ng kaliwanagan o sa ingles naman po ay ang Enlightenment o ang Nirvana.
00:25.6
Ito ay langit para sa mga monghe na katulad nila, ulit ni walang makapagsabi kung saan ito, ano ito at kung ito nga ba ay totoo.
00:35.2
Kung tatanungin ang mga monghe, sasabihin nila na tanging malalaman lamang ito sa oras na ito ay marating mo.
00:42.6
Ito ay katulad ng pagpapaliwanag sa ating mga Pilipino kung ano ang taglabig.
00:47.6
Hindi natin ito lubusang maiintindihan hanggat hindi natin ito mararanasan.
00:53.1
Ang pangunahing nais na maganap ng bawat monghe sa mundong ibabaw ay maabot ang estado ng Nirvana.
01:00.8
Napakahirap ang maging isang monghe na Buddha.
01:04.0
Kinakailangang iwan lahat literal, mga katinagalog ko, pamilya mo, kaibigan mo, ama, ina, kapatid, lahat sila ay tatalikuran ng literal.
01:14.8
Iiwanan mo ang mundo na kinamulatan mo, wala ka dapat ari-arian, wala kang kahit na anong saplot.
01:21.9
Kahit pa ang pangalan mo ay isusuko mo, saka naman maninirahan ka sa isang ilang na templo at sa buong buhay mo.
01:30.2
Susunod sa napaka ekstriktong pamumuhay, doon susubukan ng isang monghe na maabot ang estadong ilan lamang ang nakapagtagumpayan.
01:39.9
Kaya naman kilala ang reputasyon ng mga Buddhist na mga monghe sa kanila na matindi ang dedikasyon at lalo na ang disiplina.
01:48.4
Ang retwal na ito ay tinatawag na shuko shimbutsu. Ito ay ginagawa na isang libong taon na ang nakaraan. Ito ay sa bulubundukin pa ng Japan.
01:58.3
Ang mga sinuunang monghe ito ay tinatawag na mga shingun. Sa paniniwala nila, makakamit ang nirvana sa pamamagitan ng pagpapahirap sa katawang lupa.
02:08.9
Pwedeng gawin nila ang retwal na ito o pwede rin naman na hindi.
02:13.4
Ayon sa mga monghe na ang retwal na ito ay maaaring maging paraan kung mapagtagumpayan ay ang magiging susi upang makamit nila ang nirvana.
02:23.8
Dagdag nila na hindi mo ito malalaman hanggang sa retwal ay makompleto na. Ibig sabihin mga katinagalog ko,
02:30.7
papanaw ka muna hinang hindi alam kung ano ang magiging resulta. Kung ang sakripisyo mo ba ay magkakaroon ng bunga o ito ay maituturing lamang na isang sugal.
02:41.7
Ayon sa tala, libo-libo ang nagtangkang gumawa ng retwal na sugal na ito. Isan daan ang nakapagtagumpay at sa isang daan ito, mga katinagalog,
02:51.2
dalawampu at apat lamang ang sinasabing nakarating sa nirvana.
02:56.3
Tatlo ang paraan ng proseso, ang moku jukigyo. Ito ay literal na paghahasa ng pagkain lamang ng kung ano ang nasa puno.
03:07.7
Sa pamamaraang ito, isang libong araw, nakakain lamang ang monghe ng bunga at parte na nakukuha sa puno.
03:15.7
Literal na kasama dito ay ang sanga at maging ang ugat ng puno lamang ang maaaring ihain at kainin nila.
03:23.2
Lahat ito ay sila mismo ang mangunguha at mangungulekta.
03:27.0
Layon nito na alisin ang mga mahihi ng monghe at upang alisin na rin ang taba at kalamna ng monghe na dito ay gumagawa.
03:35.5
Ayon sa tala na sa unang prosesong ito, madalas na kumakain ng maliliit na bato ang mga monghe upang lumiit pa ang kanilang bituka at hindi na sila masyadong makaramdam ng gutom pa.
03:47.8
Habang sila ay nasa unang proseso, kasama rin sa ritual na sila ay mag-iehersisyo at matapos sila ay mataimtim na magme-meditate.
03:57.4
Sa pagtatapos ng isang libong araw, kung ang monghe ay buhay pa at hindi pa pumapanaw sa gutom, saka naman sila ay papipiliin kung sila ay tutuloy sa ikalawang yugto o sa panahong ito sila na rin ay susuko.
04:12.3
Tanging ang mga monghe lamang ang makaalam kung sila ba ay handa na, hindi lamang mental at pisikal, ang pinakaimportante ang kalagaya nila na pang esperitswa.
04:23.8
Ito ay dahil mas maiklima ng ikalawang yugto, hindi hamak na mas napakahirap naman ito.
04:29.4
Sa sobrang hirap na dadanasin nila, marami sa mga nagtangka ay hindi na nakalalagpas pa sa yugtong ito.
04:36.7
Ayon sa tala na ang dalawampu at apat na nagtagumpay ay nakarating na sa Nirvana.
04:42.3
Ay makailang beses pa nga na inulit ang pinagdaanan sa una at ikalawang yugto para lamang sigurado sila na sila ay talaga naman na handang-handa na.
04:52.5
Ang ikalawang yugto po mga katinagalog ay tinatawag na Nyugyo.
04:56.8
Ang yugtong ito ay ang pag-memeditate.
04:59.6
Ito ay kanilang dapat na gawin, hindi lamang basta para natutulog lamang.
05:04.7
Sa yugtong ito, dapat makuha nila ang tila ba lalabas ang kaluluwa nila sa katawan nila upang malapasan lamang ang isang daang araw na pagkakaupo.
05:15.6
Bawal na bawal ang kumilos o kahit pa ang tumayo.
05:19.7
Sa loob ng isang daang araw, tanging kakaunting tubig lamang na may asin ang hihigupin nila kasama na ang espesyal na tsaa.
05:28.0
Ito ay gawa sa halaman na ang Toxicodendron Verniculum.
05:32.8
Ito ay katulad ng lason na mayroon ang Poison Ivy.
05:36.4
Dito sa atin ay tinatawag naman ito na ang Kanipay.
05:40.4
Layon nito ay upang mailagay sa malalim na pag-memeditate ang monghe at upang maiwaksin na rin ang mga bakterya sa katawan niya upang ihanda ito sa ikatlong byog to.
05:52.4
Kung saka sakali na siya ay makaliligdas pa, ang Kanipay ay nagdudulot ng pangangati sa katawan, lalong lalo na sa lalamunan.
06:01.2
Nagdudulot din ito na matinding pagsusuka at pagdudumi.
06:04.9
Ang pangangati ay hindi hindi maaaring kamutin at kinakailangang mabuhay ang monghing ito ng ganito sa loob ng lagpas ng tatlong buwan,
06:15.4
bago pa nito matapos ang kanyang pinagdaraanan at makatuloy sa susunod niya na kailangang puntahan.
06:22.3
Sa pangatlo, literal na siya ay uupo sa kahon, walang butas o walang hanginan, saktong sakto lamang ito sa posisyon na kanilang pinag-uupuan.
06:32.7
Sa pagpasok ng monghe doon, saka ito ay tatakpan, sa taas ng kahon ay may kawayan na magsisilbi nila nahingahan, saka sila ay ibabaon sa sampung talampakang lalim na kalupaan.
06:46.3
Literal na ililibing sila ng buhay, sa taas ng lupa ay maglalagay ito ng uling at sa loob ng ilang araw ay mananatili ang monghe sa ganong kalagayan.
06:56.3
Kasama sa gagawin nila ay ang patunugin ang dambana o ang maliit na bel upang malaman ng lahat na sila sa ilalim ay buhay pa.
07:04.8
Sa ibabaw naman ay naroon ang mga monghe na susuporta sa kanya at ang trabaho nila ay hintayin ang pagtunog ng maliit na dambana.
07:14.1
At sa oras na hindi natunog pa ang bel, ibig sabihin ay nakompleto ng monghe ang ritual at saka palamang nila malalaman kung ang monghe ay nagtagumpay na maabot ang inaasam-asam nilang lahat na nirvana.
07:29.4
Sa paniniwala ng mga budismo, ang hindi pagkabulok ng katawan ay katumbas na nadayan ito ang kamatayan.
07:36.6
Para sa kanila, ang pagiging mami ay ang pagtakas sa walang katapusan ng pagkapananak, pagihirap at kamatayan.
07:44.7
Kaya naman mga katinagalog ko, ang shikushinbutsu ay ang pamamaraan ng paggawa mo sa sarili mo bilang isang mami habang ikaw ay nabubuhay pa.
07:55.7
Sa paghukay sa kanila, matapos ang isang libong araw, kung sila ay namamified na, yao na po ang nirvana para sa kanila.
08:04.8
Sila ay nasa estado upang sambahin sa paniniwala nila.
08:09.0
Kung ang monghe naman ay hindi nagtagumpay o kinakitaan ng pagkabulok, ibabalik silang muli sa kanilang kahon at sa katuluyan na ililibing.
08:18.5
Walang kahit na ano ang sa kanila ay gagawin pa. Walang ritual at hindi rin sila sasambahin dahil sila ay hindi nagtagumpay sa pagpunta nila sa nirvana.
08:29.8
Mga katinagalog ko, ano pong masasabi ninyo sa matindi na ritual na ito?
08:34.6
Kung nakakita na kayo sa Facebook ng mga monghe na nakaupo na parang hindi nabulok at hindi sila naaagnas ng pagpunta nila sa nirvana,
08:43.4
ano pong masasabi ninyo mga katinagalog ko sa ritual na ito?
08:47.0
Isulat po ang inyong sanubihin sa comment section sa ilalim upang samasama naman po na ito ay ating basahin.
08:53.8
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa isa na naman pong makabuluhang talakayan natin sa araw na ito.