Close
 


Pagsasama ng Tunog ng mga Titik G, L, N, NG | Marungko Approach | Wikaharian Online World
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe to Knowledge Channel YOUTUBE Channel: http://bit.ly/KnowledgeChannel For Donors, Teachers and Learners: www.knowledgechannel.org Knowledge Channel Foundation Inc. 3rd Floor Main Building, ABS-CBN Compound, Sgt. Esguerra Ave., South Triangle, Diliman, Quezon City Email: info@knowledgechannel.org
Knowledge Channel
  Mute  
Run time: 19:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Magandang araw mga classmates at welcome sa Wikaharian Online World.
00:08.7
Ako si Ate Michelle. Kumusta kayong lahat?
00:11.6
Naku, ang bilis ng araw ano.
00:14.2
Oras na naman para tayo ay mag-aral, magbalik-aral ng mga titik at tunog na napag-aralan na natin noong nakaraan.
00:24.8
Ayan, handa na ba kayo na samahan ako?
00:27.8
Sige, ngayon magsasanay tayo kung paano natin pagsasamah-samahin ang mga tunog na yan para makabasa pa tayo ng ibang mga salita at mga pangungusap.
00:40.6
Handa na ba kayo samahan ako sa pagbabasa ng mga salita at pangungusap?
00:46.0
Simula na natin ang pagbabalik-aral, ang pag-iensayo sa pagbabasa ng mga salita at mga pangungusap.
00:55.3
Kamit ang mga tunog na napag-aralan na natin.
00:59.3
Tignan natin ang mga titik na itong...
01:04.1
Natatandaan niyo pa ba ang tunog ng mga titik na ito?
01:08.9
Sige, sabukan natin.
01:10.5
Tignan mabuti ang unang titik at sabihin nyo nga kung ano ang tunog ng titik na inyong nakikita.
01:23.6
Ano ba ang tunog ng titik na iyan?
01:28.6
Sige, sabihin natin ha.
01:30.6
Ito ang...
01:33.1
Ang tunog ng titik na ito ay mmmm.
01:37.4
Ulitin natin.
01:40.1
At marininig natin ito sa mga salitang nanay at niyog.
01:48.1
At ang titik na ito, or ang tunog na ito ay binibigay ng titik n.
01:57.1
Pumunta naman tayo sa susunod na titik.
02:00.8
Ang titik na ito ay may tunog na l.
02:04.9
Ulitin natin.
02:07.3
Sabay-sabay tayo.
02:10.1
Marininig natin ito sa salitang lata at sa salitang larbo.
02:18.4
At alam nyo ba kung anong tawag natin sa titik na nagbibigay ng tunog na iyan?
02:23.1
Ito ang titik l.
02:26.1
Ayan, titik l.
02:29.1
O paano naman ang pangatlong titik?
02:32.1
Ano nga ulit ang tunog ng titik na ito?
02:38.1
Anong tunog ng titik na iyan?
02:40.1
Sabayin nyo ako ha. Ang tunog ito ay g.
02:44.1
Isa pa, g.
02:46.1
Ayan, marininig natin ito sa salitang gulay at gatas.
02:54.1
At ang tawag natin sa titik na ito ay titik g.
02:59.1
Ayan, naalala nyo pa? Very good.
03:02.1
Ngayon, nasa huling titik na tayo.
03:05.1
Ang tunog naman ng titik na ito ay m.
03:10.1
Ulitin natin, m.
03:13.1
Marininig natin ito sa salitang ngipin at sa salitang sanga.
03:21.1
Ayun, narinig nga ba yung tunog ng m?
03:24.1
Ang tawag natin sa titik na ito ay ng.
03:28.1
Ayan, ng, ang tunog ay m.
03:32.1
Okay, ngayon naman magpapakita ako ng mga salita.
03:36.1
Tapos tulungan nyo akong tukuyin kung anong tunog ang kailangan para mabuo ang salitang ito.
03:45.1
Okay, handa na ba kayo?
03:48.1
Okay, tingnan natin. Ito ang unang salita.
03:52.1
Ayan, ano ang nakikita ninyo na ginagawa ng mga bata dyan?
03:59.1
Ito ay binubuo ng apat na tunog.
04:02.1
At ano kaya ang nawawalang tunog para mabuo ang salita?
04:07.1
Titik N kaya? Titik L kaya? Titik G o Titik NG?
04:14.1
Ano ba yung nakikita natin sa larawan?
04:18.1
Okay, kung ang sagot nyo ay titik L, tama kayo.
04:24.1
Dahil ang salitang binubuo natin ay LARO.
04:28.1
At ang nawawalang tunog dyan ay yung tunog na L para mabuo yung LARO.
04:34.1
Okay, ngayon ito na ang kasunod na salita.
04:39.1
Tingnan nyo mabuti.
04:41.1
Ako, kumakain ba kayo nyan?
04:43.1
Ang tawag natin dyan ay GULAY.
04:48.1
Ito ay binubuo ng limang tunog.
04:51.1
At nakikita natin yung mga tunog na U, L, A at Y sa salita.
05:01.1
Ano yung nawawala sa unahan? Anong tunog yung kulang?
05:05.1
Titik N kaya? Yung kayang tunog ng titik N?
05:09.1
Yung kayang tunog ng titik L?
05:12.1
Yung kayang tunog ng titik G o yung tunog ng titik NG?
05:17.1
Pakinggan mabuti.
05:19.1
GULAY.
05:24.1
Ano kaya ang nawawala?
05:26.1
Ito daw ay tunog ng titik G.
05:29.1
G-G-G.
05:31.1
Kung yun din ang sagot nyo, tama kayo.
05:34.1
Yun nga ang nawawala.
05:36.1
GULAY.
05:37.1
G-G-G.
05:38.1
G-U-L-A-Y.
05:41.1
GULAY.
05:42.1
Yan, magaling.
05:44.1
Madali lang ba classmates?
05:46.1
Sige, sagubukan naman natin ngayon ang susunod na salita.
05:50.1
Ang salitang ito naman ay...
05:54.1
NYITI.
05:55.1
NYITI.
05:57.1
Naku, nawawala na naman yung unang tunog sa NYITI.
06:02.1
Ang nandyan lang I, T at I.
06:06.1
Ano yung nawawala sa unahan ng salitang NYITI?
06:11.1
Ayan.
06:12.1
Sige, pakinggan yung mabuti ha.
06:15.1
At pag-isipang mabuti kung ano yung nawawalang tunog o nawawalang titik
06:20.1
para mabuo ang salitang NYITI.
06:24.1
O, bigyan ko kayo ng clue.
06:26.1
Dalawang titik ang nagbibigay ng nawawalang tunog sa salitang NYITI.
06:33.1
N-G daw.
06:35.1
Yun kaya ang tunog ng N-G ang nawawala para mabuo natin ng salitang NYITI?
06:39.1
Kung ang sagot nyo rin ay N-G, tama kayo.
06:44.1
Dahil ang nawawala ay yung tunog na...
06:47.1
na ibinibigay ng mga titik na N-G.
06:51.1
O, ng titik na N-G.
06:53.1
Very good. NYITI.
06:55.1
Okay, mukhang kayang-kaya ninyong magsama-sama ng tunog.
06:59.1
At ito na ang huli.
07:00.1
Makinig ng mabuti.
07:03.1
Ang salitang ito ay...
07:06.1
INA.
07:08.1
INA.
07:09.1
O ngayon naman, ang nawawalang tunog ay nasa gitna ng salita.
07:14.1
INA.
07:16.1
Ano kaya yung nawawalang tunog sa gitna ng salitang INA?
07:21.1
Pakinggang mabuti.
07:23.1
Ang nandyan lang I at tsaka A.
07:27.1
Ano yung nasa gitna para mabuo yung salitang INA?
07:32.1
Titik L kaya?
07:36.1
Titik G kaya?
07:39.1
O titik N kaya?
07:42.1
Ano yung sagot nyo?
07:45.1
Ayan.
07:46.1
Kung yung sagot nyo ay N,
07:48.1
tama kayo.
07:49.1
Letter N nga o yung tunog na N ang nawawala
07:53.1
para mabuo natin ng salitang INA.
07:57.1
I-N-A.
08:00.1
INA.
08:01.1
Okay, very good classmates.
08:04.1
Kumungo naman tayo ngayon sa salitang madalas ninyong makita
08:08.1
kapag nagbabasa kayo sa Filipino.
08:11.1
Ito ay ang salitang SILA.
08:14.1
Kaya tignan nyo, ang salitang SILA.
08:18.1
Ang salitang SILA ay binubuo ng mga titik na S-I-L-A.
08:24.1
Okay, pag nakita nyo yan ng magkakasama,
08:27.1
kailangan mabilis natin silang matutukoy at mababasa na SILA.
08:32.1
Okay?
08:34.1
SILA.
08:35.1
Mahusay.
08:36.1
Ngayon, simulan na natin ang pagsasama-sama ng mga salita.
08:43.1
Magbasa tayo ng mga pangungsap.
08:47.1
Tignan natin ang larawan.
08:52.1
Anong nakikita nyo sa larawan?
08:56.1
Okay, sabay-sabay nating basahin ang pangungsap.
09:01.1
Nakita natin yung salitang inaaral natin kanina lang, yung SILA.
09:05.1
Ngayon, basahin natin.
09:07.1
SILA AY NAGLALARO.
09:12.1
Ulitin nga natin.
09:14.1
SILA AY NAGLALARO.
09:19.1
Anong ginagawa doon nila?
09:21.1
NAGLALARO.
09:23.1
Ito naman ang pangalawang pangungsap.
09:27.1
Basahin natin, ha?
09:30.1
Okay, pero bago natin basahin, anong nakikita ninyo?
09:36.1
Sige, basahin na natin ngayon para malaman natin kung anong tinutukoy ng larawan.
09:41.1
Basahin natin sabay-sabay.
09:43.1
NAGLILINIS SILA KASAMA NI NANAY.
09:50.1
Ulitin natin.
09:51.1
NAGLILINIS SILA KASAMA NI NANAY.
09:58.1
Ayan, sino ang kasama nilang naglinis?
10:01.1
SINANAY.
10:03.1
Okay, mahusay.
10:04.1
Ang galing niyo na magbasa mga classmates.
10:07.1
At dahil diyan, ako sigurado akong handang-handa na kayong makinig sa isang kwento.
10:14.1
Mga classmates, mahilig ba kayong maglaro?
10:19.1
Ano-anong mga laro ba ang madalas ninyong laruin o gawin?
10:24.1
At sino ang madalas ninyong kanaro?
10:28.1
Kung bata ako, siyempre mahilig din akong maglaro.
10:31.1
At madalas kaming maglaro ng mga kapitbahay ko ng takuan o kaya ay agawan base.
10:40.1
Nako, ang sarap maglaro niyan.
10:42.1
Alam niyo kaya ako naitanong ang mga tanong na iyan?
10:45.1
Kasi sa kwento natin ngayong araw, makikilala natin si Ana na mahilig maglaro.
10:53.1
Alamin natin kung ano yung hilig niyang laruin sa kwento.
10:58.1
Ang pagmagat ng ating kwento ay si Anang Mahilig Maglaro.
11:05.1
Sige, umibisahan na natin.
11:07.1
Pagkagising sa umaga, ang unang nasa isip niya ay kung ano ang lalaruin nilang magkakaibigan.
11:16.1
Habang kumakain, masaya niyang ikukuwento sa kanyang ina ang magusto niyang laruin pagdating sa eskwela.
11:24.1
Pagkatapos ng klase, mabilis na uhuwi sa bahay si Ana.
11:29.1
Dali-dali niyang tatapusin ang kanyang mga takdang aralin.
11:33.1
Pagkatapos, siya din ay lalabas kaagad para makipaglaro sa kanyang mga kaibigan.
11:41.1
Isang hapon, habang nagmamadali si Ana palabas ng bahay para makipaglaro,
11:47.1
tinawag siya ng kanyang nakababatang kapatid na si Gino.
11:52.1
Sa palagay niyo bakit siya tinawag ng kapatid niyang si Gino?
11:55.1
Tignan natin ha?
11:57.1
Ate, maari magba akong tulungan sa aking takdang aralin?
12:02.1
Akiusap neto.
12:04.1
Nako, hindi pwede.
12:06.1
Hinihintay na ako ng mga kaibigan ko.
12:09.1
Mabilis na sagot ni Ana, sabay takbo palabas ng pinto.
12:14.1
Habang sinasara niya ang pinto, nakita ni Ana ang malungkot na mukha ni Gino.
12:21.1
Tumigil siya sandali at nag-isip ng mabuti.
12:25.1
Tinignan niya ang kanyang mga kaibigan na masayang naglalaro ng piko sa kalsada.
12:32.1
Pagkatapos ng ilang sandali, binuksan niya ulit ang pinto ng kanilang bahay.
12:38.1
Bakit kaya-kaya binuksan ulit ang pinto ng kanilang bahay?
12:41.1
Tignan natin ha?
12:43.1
Nilapitan niya si Gino at sinabing,
12:47.1
Halika, tutulungan kita.
12:50.1
Nako, masayang umipis si Gino sa kanyang ate.
12:54.1
Sa tulong ni Ana, mas mabilis na naiintindihan ni Gino ang kanyang takdang aralin.
13:01.1
Gabi na nang matapos sila.
13:05.1
Naku ate, pasensya ka na. Hindi ka nakapaglaro dahil sa akin.
13:11.1
Malungkot na sabi ni Gino.
13:13.1
Ayos lang yun. Pwede naman akong maglaro bukas.
13:17.1
Ang importante ay naiintindihan mo na ang iyong aralin ngayon.
13:21.1
Masayang sabi ni Ana.
13:24.1
At diyan nagtatapos ang ating kwentong may pamagat na
13:29.1
Si Anang Mahilig Maglaro.
13:32.1
At ang kwentong ito ay sinulat ni ate Angelica Mendoza.
13:37.1
Ayan. Nakinig ba kayo ng mabuti mga classmates?
13:41.1
Sige. Subukan natin sagutin ang mga tanong ko.
13:47.1
Ano nga ang hilig ni Anang gawin?
13:50.1
Base sa ating kwento.
13:52.1
Anong hilig niya daw gawin?
13:55.1
Mahilig ba siyang kumain?
13:57.1
Mahilig ba siyang mag-aral?
13:59.1
Anong hilig niyang gawin base sa ating kwento?
14:02.1
Ayan. Nalalan niyo ba kung ano yung hilig niyang gawin?
14:06.1
Si Ana ay mahilig maglaro.
14:11.1
Tama kayo dyan.
14:13.1
At nalalan niyo ba kung ano yung gusto niyang laruin
14:16.1
kasama ng kanyang mga kaibigan sa kwento?
14:19.1
Ano ba yung gusto niya sanang laruin?
14:23.1
Maglalaro sana siya ng piko.
14:27.1
Ayun. Piko nga ang gusto niya sanang laruin
14:31.1
kasama ang kanyang mga kaibigan.
14:36.1
Nalalan niyo ba noong pag-uwi ni Ana galing sa eskwela
14:41.1
kung ano ang kanyang ginagawa?
14:45.1
Kapag umuwi si Ana galing sa eskwela,
14:47.1
ano yung kaagad niyang ginagawa?
14:51.1
Nalalan niyo ba yun?
14:53.1
Para makapaglaro siya kaagad
14:55.1
kasama ang kanyang mga kaibigan.
14:57.1
Ano yung ginagawa niya kaagad pagdating sa bahay?
15:05.1
Oo. Tama. Gumagawa siya kaagad
15:08.1
ng kanyang takdang aralin.
15:11.1
Para makapaglaro siya kaagad.
15:13.1
Pero nung isang beses natapos na siyang
15:17.1
gumawa ng takdang aralin, lalabas na siya
15:19.1
para makapaglaro ng tiko sa kanyang mga kaibigan.
15:24.1
Ano yung sinabi ni Gino sa kanya?
15:26.1
Ano ba yung pakiusap ni Gino nung isang araw?
15:31.1
Nalalan niyo ba yun?
15:33.1
Nakiusap si Gino na ano?
15:38.1
Nakiusap siyang tulungan siya ni Ana
15:41.1
sa kanyang takdang aralin.
15:44.1
At nalaman din natin na
15:48.1
hindi itinuloy ni Ana ang pakikipaglaro
15:51.1
sa kanyang mga kaibigan.
15:53.1
Kundi tinulungan niya si kanyang kapatid
15:57.1
na si Gino sa pagsagot ng kanyang takdang aralin.
16:07.1
Sa palagay ninyo dahil tinulungan ni Ana si Gino
16:10.1
at hindi na siya naglaro sa labas
16:12.1
kasama ang kanyang mga kaibigan,
16:14.1
ano sa palagay ninyo naramdaman niya?
16:18.1
Sa palagay ninyo ba nalungkot si Ana
16:21.1
dahil hindi na siya nakapaglaro
16:23.1
kasama ang kanyang mga kaibigan?
16:25.1
Ano sa palagay ninyo?
16:31.1
Oo nga, marahil nalungkot siya
16:34.1
kasi hindi siya nakapaglaro nung araw na yun.
16:37.1
Pero marahil din naging masaya siya
16:40.1
kasi natulungan niya yung kanyang kapatid.
16:44.1
Kung kayo ba si Ana, ano ang pipiliin ninyo?
16:47.1
Maglalaro sa labas?
16:49.1
O tutulungan ng inyong kapatid?
16:54.1
Ano kaya ang gagawin ninyo
16:57.1
kung kayo si Ana sa ating kwento?
17:05.1
Marahil ilan sa inyo ang sagot ay
17:09.1
makikipaglaro muna sa mga kaibigan
17:13.1
pagkatapos saka tutulungan yung inyong kapatid.
17:17.1
Yung iba naman siguro
17:19.1
tutulungan muna yung inyong kapatid
17:21.1
saka makikipaglaro sa inyong mga kaibigan.
17:26.1
May mga oras na kailangan talaga nating
17:29.1
mamili kung ano ang ating uunahin.
17:32.1
At may mga pagkakataon na
17:35.1
kapag pinili natin ng isang bagay
17:37.1
maaaring hindi na nating magawa
17:39.1
yung isang bagay na gustong gusto nating gawin.
17:42.1
Pero alam nyo, sa mga ganung pagkakataon
17:46.1
kahit na may mga bagay tayong hindi na gawa
17:49.1
na gustong gusto,
17:51.1
mabuti pa rin na pinili nating gawin yung isang bagay
17:54.1
dahil nakatulong tayo sa iba.
17:57.1
Katulad na lang nangyari kay Ana sa kwento.
18:00.1
Dahil pinili niyang tumulong kay Gino,
18:03.1
hindi na siya nakapaglaro
18:05.1
na masama ang kanyang mga kaibigan.
18:07.1
Pero nakatulong pa rin siya sa kanyang kapatid.
18:13.1
At dahil tinulungan ni Ana
18:15.1
ang kanyang kapatid na si Gino,
18:17.1
ano sa palagay ninyo naman
18:19.1
ang naramdaman ni Gino?
18:23.1
Siguradong tumangtuwa si Gino, hindi ba?
18:27.1
Kasi tinulungan siya ng kanyang ate
18:29.1
na matapos ang kanyang gawain.
18:35.1
Tapos natatandaan natin ha,
18:37.1
may mga pagkakataon na kailangan nating mamili
18:40.1
pero huwag kayong mag-alala
18:42.1
kasi kung alinman ang ating pipiliin,
18:44.1
siguradong makakatulong tayo
18:46.1
o makakapagbigay tayo ng kasiyahan
18:49.1
sa ibang tao.
18:51.1
Maraming-maraming salamat mga classmates
18:53.1
at magkita-kita ulit tayo sa susunod.
18:55.1
Paalam!