Close
 


Vince Rapisura 2376: SEDPI relief operations to quake victims in Davao de Oro
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#UsapangPera: Mga Tips sa Pagyaman with Sir Vince tackles money issues such as savings, loans, budgeting, and investing among others. Visit Sir VInce's website: www.vincerapisura.com. How to join SEDPI Coop: 1. Join SEDPI Foundation at bit.ly/SEDPIOnlineSRI by clicking “Register” and filling out the form 2. Take the online Pre-Membership Education Seminar (PMES) at bit.ly/SEDPICoopPMES 3. Pay membership fee and initial share capital Simulan ang pagiinvest the socially responsible way sa: bit.ly/SEDPIOnlineSRI Pag-IBIG MP2: * Watch the play list: https://www.youtube.com/playlist?list... SSS Retirement: Watch the playlist https://www.youtube.com/playlist?list... How to invest 100K: https://youtu.be/dxHRZn7uP-4 Celebrity guests include venus Raj (Season 1); Nicole Cordovez and Sinon Loresca (Season 2); Atom Araullo (Season 3) and Porky (Season 4). Smart Parenting Board of Expert
Vince Rapisura
  Mute  
Run time: 15:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
SEDP relief operations na ginanap po sa Montevista, Davao de Oro.
00:05.3
Meron po kasi tayong branch dyan sa Davao de Oro, sa Montevista, at tsaka kung hindi akong nagkakamali, sa Moncayo.
00:13.2
So yan po, at ang isa po sa mga malubhang na apektuhan ng earthquake ay itong si Montevista sa Davao de Oro.
00:24.3
So ano po yung mga ginawa natin dyan? Nag-relief operations po tayo sa pamamagitan ng ating SEDP Katambayayong Program at mabibigay po ako ng ilang solusyon maya-maya.
00:34.6
Ano ba yung mga pwede natin gawin para sa mga disaster-prone areas?
00:38.7
Kasi admittedly talagang hindi po enough ang relief operations.
00:43.1
Para bang may kanser, pero ang binigay natin ay parasetamol. Nakoy, mamatay po yan, agad-agad, ganyan.
00:51.1
Okay. So ito po ang picture ng mga nabigyan natin ng ating relief operations sa Davao de Oro.
00:59.2
Ang makikita niyo po dyan yung ating branch manager. Siya po yung pang-apat mula sa kaliwa, si branch manager Leo Malunes.
01:09.9
At yan po nagbibigay tayo ng mga ilang relief goods at mayroon din po yung kasamang cash doon sa mga members natin.
01:17.9
Yung sa likod niyan, yung may kulay blue, red at yellow na stripes, yan po I think ay isang barangay or government structure kung saan sila na-evacuate. Siguro barangay hall po.
01:32.7
At 66 po ang nabigtima out of the 1,027 members natin doon sa Monte Vista Davao de Oro.
01:43.0
So yan ang ilang pang mga pictures kung saan namimigay tayo ng relief operations, ng bigas, ng ulam, at saka ng kaunting cash sa mga members natin.
01:55.0
At mababa ka siya naman, itong nandito sa right side natin, makikita talaga na siya ay nakangiti pa.
02:02.7
Pero di ba, sana talaga ay, ako talaga ang pangarap ko para sa Pilipinas ay hindi natin kakailanganin ng tulong o ng relief operations sakaling magkaroon ng kasakuna o kaya emergency.
02:21.1
Kasi anong ibig sabihin yan? Ibig sabihin yan kayang-kaya natin tumayo sa sarili nating paa, nandyan ang sistema, maayos, hindi tayo naghihirap sa buhay.
02:33.6
So yan po ang aking pangarap talaga. So dito sa relief operations natin, ito ay actually bunga ng ating SEDP Katambayayong Program.
02:45.5
So ito pong SEDP Katambayayong Program ay isa po itong damayan system kung saan nagko-contribute yung mga members natin kada 6 buwan at nabibigyan sila ng mga benepisyo tulad ng life benefits.
03:00.7
So pag sila ay namatay, makakakuha po sila ng, syempre hindi na sila kasi patay na sila, yung kanilang mga beneficiaries ng Php40,000 kapag accident naman po ito ay aabot ng Php80,000.
03:15.9
At mayroon din po itong sickness benefit kung saan tayo ay nagbibigay ng Php150 per day kapag nagkasakit for up to 15 days within that 6-month period.
03:28.1
Mayroon din po itong calamity assistance kaya nakakapagbigay tayo ng relief operations kapag sila po ay nasunugan, sila po ay nabaha, nalindol, at mayroon na rin pong libreng coffin, ano ba ang coffin sa ano? Kabaong kapag sila ay namatay at sila ay active member ng SEDP.
03:52.3
So yan po yung mga benefits ng SEDP. Sa calamity benefit yan nagbibigay tayo ng relief goods at 250 pesos na cash.
04:00.3
Kung totoo siya talaga napakaliit yan at ito po ay hindi talaga siya ang solusyon para po tayo ay mas maging resilient o tayo ay ibig sabihin na may mitigate na natin ang disaster risk o kaya tayo ay naka-adapt na sa disaster risk.
04:16.6
Kasi ano naman yung 250 pesos, saan tayo abutin yan? Baka isang kain lang yan ng limang tao, isang pamilya, ubos na. Pero maigy na rin yung meron kaysa wala. Yun yung nagagawa natin sa SEDP ngayon pero admittedly we have to make something more sustainable para talagang makatayo sa sarili nilang paa ang mga members natin.
04:42.3
So ano pa, ang SEDP katambaya yung benefits natin ay eksklusibo lang po sa mga SEDP members natin. At maaari pong magbago ang mga beneficio na ibibigay natin sa kanila depende sa makakalap na pondo at depende po sa mga bilang ng nabiktima.
05:03.1
Kasi yung 400 pesos, kapag ang namatay ay 1,000-1,000, magkukulang na po yung ating pondo. Kaya nagbabago-bago po yung ating maaring makuha. Ang ginagawa po ng SEDP siyempre ay pag-iingat yaman at minimake sure na maayos ang ating pagpapalakad at meron pa rin tayong maibibigay sa mga members natin.
05:26.1
So last year tayo ay nakapagbigay ng halos 6 na milyon na beneficio para sa mga members natin. Ang mga naapektuhan ng pagkakasakit, pagkamatay o kaya mga pagiging biktima ng kalamidad ay nasa mga 1,500 po.
05:45.5
Yung benefits po natin hindi katulad ng mga insurance company na inaabot po ng siyam-siyam bago dumating ang inyong benefisyo. Aba, ang mga insurance company ang galing-galing mang-olekta, kami rin po ang galing-galing naming mang-olekta, dapat kung gaano kami kasing galing mang-olekta, ganon din kasing galing magdigay ng claims.
06:13.5
Kaya po kami talaga pinipilit namin na within 1-2 days ay ma-process na ang request ng mga biktima ng kalamidad, pagkamatay, pagkakasakit ng mga member namin. Dahil ito po ang mga pangunahing dahilan na nangungutang ang mga tao.
06:32.5
Ang pagka nagkaroon tayo ng emergency, yan po ang usual na dahilan kung bakit nangungutang. Tapos dahil ginamit siya sa disaster na siyempre kailangan bumili ng pagkain, kailangan mong magpagawa ng bahay o magpagamot, hindi naman kumikita yung mga bagay na yun kaya mas lalong humihirap ang buhay.
06:52.5
Kaya po kami talaga pinipilit naming ibigay agad-agad ang benepisyo ng aming SEDP Katambayayong which is a damayant program. So 1-2 days lang po yung aming turnaround pero ang pangako po namin ay 7 days.
07:09.5
So ang pinapangako namin ay 7 days, dapat nandyan na talaga. Para naman mayroong kaming palugit, hindi ba? So gaya ng sabi ko kanina, mayroon talagang malala ang sakit natin in terms of disaster dahil ang Pilipinas po ay number 1 sa world risk report nakakalabas lamang last year. At anong ibig sabihin yan? Talagang tayo po ay lapitin ng disaster.
07:36.5
So kahit ano pang pagdarasa lang gagawin natin dahil sa geographic location natin, nasa Pacific belt of fire tayo, nandyan tayo sa Pasifiko at lapitin ng bagyo, talaga pong darating at darating ang mga sakuna sa atin.
07:52.5
Kaya dapat ang mga paghahanda na gagawin natin ay akma din doon. Ang relief operation, kahit ginagawa po yan ng SEDP, kami po ay aminado na yan ay kulang. Kaya ano po yung mga ating pinopropose dyan?
08:08.5
Kaya talagang sabi namin ang relief operations ay hindi po talaga magkakasya, hindi siya sasapat para bigyang solusyon ng problema ng mga members natin tungkol sa disaster.
08:21.5
So ano yung unang-una na dapat gawin? Para sa amin, dapat po ay i-transfer ang mga residente ng ating mga members ng ating residente from hazard prone areas to safe zone areas.
08:36.5
So kung ang isang bahay ng member natin ay nasa gilid ng bundok at maaari siyang tamaan ng landslide, kahit anong relief operations pa ang gagawin mo dyan kung mag-earthquake, talagang nandyan ang panganib na magiging biktima siya ng landslide.
08:51.5
So sana mabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng bahay na mailalayo siya doon sa hazard na yun, sa landslide. Kailan lang din last year or the other year, ako ay nakapagbisita din dito sa Montevisa, Davao de Oro din pala, yan ay nagkaroon ng bagyong agaton at naanod ang bahay ng isang member natin.
09:14.5
Kasi naman ang bahay niya po ay nasa gilid ng ilog. E talagang kung magkaroon ng bagyo, magkaroon ng flash flood, siya po yung una talagang mabibiktima at maaanod ang kanyang bahay. Hindi po ba? Ganyan talaga ang mangyayari.
09:32.5
Kaya isa po talaga sa mga solusyon na dapat gawin natin ay mag-transfer. I-transfer ang mga residente natin, ang mga members natin, ang mga Pilipino, from hazard prone areas to safe zones. At syempre pag dilipat natin sila, we have to make sure na mayroon silang affordable and disaster resilient housing.
09:56.5
Bukod sa mayroon silang pagkakakitaan. Kasi yung iba po ang nangyayari naman ay tinatanggal sila at nilalagay sa ibang lugar pero dun sa pinagt-transferan sa kanila ay wala naman pong pagkakakitaan. E di nga nga, nga nga din ang magiging efekto niyan.
10:27.5
So for example dito kung nasa Surigao del Sur ako ngayon pero sa Sabado nasa Agusan del Sur ako at nandoon ang Agusan Marsh. Ang ibig sabihin po niyan ay talagang prone sila sa baha dahil marshland nga, talagang basa yung sa kanila. Naturally na nagpo-flow ang tubig kaya ang tawag sa kanila ay Agusan.
10:51.5
Ang dapat na pagpapatayo ng bahay natin dyan ay una mataas na para kapag nagbaha ay talaga namang hindi siya aabutin ng tubig or ilalagay siya on stilts na tinatawag. So yan yung tinatawag natin na climate adaptation.
11:07.5
At ang SEDP po ay gumagawa nito. Excited po ako na gagawin natin ito dahil sa July uumpisahan na po natin. Nakipag-partner po tayo sa gobyerdo, sa academe, sa mga eskwelahan at saka sa mga social investors para magkaroon ng ating socialized housing na tinatawag.
11:27.5
At tayo din po ay nagbibigay ng ating capital, livelihood capital doon sa mga members natin. So kung kayo po ay interested, pwede po kayong maging miyembro ng SEDP kasosyo.
11:45.5
At isa po itong joint venture savings. Pwede kayong maglagay ng inyong savings dito dahil tayo po ay kooperatiba. Ang ating contribution dito ay P10,000 at ang maximum po ay P500,000 para ma-ensure yung diversification ng portfolio at maiwasan ang concentration ng portfolio sa ilan lamang.
12:06.5
Six months po ang term nito, monthly ang payout at yung payouts po ay mapupunta sa inyong SEDP pitaka o SEDP wallet na tinatawag pero hindi po yun mag-earn pag na-payout na. Wala pong entry fee sa pagpasok dito. Fixed rate po ang ating joint venture capital savings, 7% po yan per annum based on diminishing balance.
12:27.5
Wala po itong guarantee kasi syempre kapag tayo nag-i-invest mayroon po talagang risk na kasama yan. Pero talaga naman pong susubukan namin at gagawin namin ang aming makakaya para talagang maprotektahan ang ating savings. 3% po ang exit fee if ito ay pre-determinate natin o kaya ni-redeem before 2 years.
12:49.5
So ayan po ang ating SEDP Co-op PMES na link kung gusto nyo pong magpamiyembro at pwede nyo rin pong sundan ang ating instructions na ito.
13:20.5
Step 2. I-deposit ang iyong initial share capital, membership fee, at joint venture savings sa GCash, BDO Online Banking, BPI Online Banking, Maya, EasyPay, or Direct Bank Deposit.
13:33.5
Daming options, di ba? Sundin ang simple instructions sa bit.ly slash SEDP Pay para makapagsimula.
13:40.5
Step 3. Mag-login sa iyong SEDP SRI online account at ipaalam ang inyong deposit. Go to bit.ly slash SEDP Online SRI at kami na ang bahala sa iyo.
13:53.5
Ano pang inihintay mo? Sali na sa SEDP KaSosyo ngayon and let's start building a brighter financial future together.
14:00.5
Handa ka na bang lumevel up sa savings mo? Join the SEDP KaSosyo community and get started to be a social investor today!
14:08.5
Step 1. Umatend ng self-paced online pre-membership education seminar. Mag-sign up sa bit.ly slash SEDP Co-op PMES now na!
14:18.5
Step 2. I-deposit ang iyong initial share capital, membership fee, at joint venture savings sa GCash, BDO Online Banking, BPI Online Banking, Maya, EasyPay, or Direct Bank Deposit.
14:31.5
Daming options, di ba? Sundin ang simple instructions sa bit.ly slash SEDP Pay para makapagsimula.
14:38.5
Step 3. Mag-login sa iyong SEDP SRI online account at ipaalam ang inyong deposit. Go to bit.ly slash SEDP Online SRI at kami na ang bahala sa iyo.
14:51.5
Ano pang inihintay mo? Sali na sa SEDP KaSosyo ngayon and let's start building a brighter financial future together.