Close
 


Dear MOR Presents: "May Liwanag" Kwento Ni Alexa
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Paano ka ba makakarecover sa isang traumatic na experience? Alamin ang sagot dito lang sa #DearMORPresents #KwentongKaMORkada For MORe videos subscribe now: http://bit.ly/MORForLife Follow us on Instagram: https://www.instagram.com/morentertainmentph Like us on Facebook: https://www.facebook.com/MOREntManila Follow us on Twitter: http://twitter.com/MORentPH Check out our livestreaming at all MOR Philippines Facebook Pages! #DearMOR #DearMORPresents #MayLiwanag
MOREntertainment
  Mute  
Run time: 43:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nakakaiyak, nakakakilig, nakakatawa, nakaka-in-love, Dear M.O.R.!
00:25.0
Dear M.O.R.,
00:27.0
A blessed afternoon sa inyo, Popoy at Bea, pati na rin sa lahat ng nanonood at nakikinig sa Dear M.O.R.!
00:36.0
My name is Alexa, 25 years old, pero hindi yun ang tunay kong pangalan.
00:42.0
I used to be based in Metro Manila, pero dahil sa mga pagyayaris sa buhay ko, e kinailangan ko munang umuwi sa aking pamilya.
00:52.0
Actually, Popoy at Bea, yun sana ang gusto kong ibahagi sa inyo ngayong araw. Malakas kasi ang pakiramdam ko na marami ang makakarelate sa kwento kong ito.
01:05.0
Nagsimula ang lahat nung nag-start nga akong magtrabaho sa Metro Manila.
01:11.0
Bilang bagong graduate ako noon ay sobrang eager kong magtrabaho.
01:17.0
Popoy at Bea, ako kasi yung tipo ng tao na maraming gustong marating sa buhay.
01:24.0
I've been an overachiever ever since nag-aaral ako, at nabitbit ko yun hanggang sa makatapos na ako.
01:33.0
I'm addicted to the praises na binibigay ng mga tao sa paligid ko.
01:39.0
Kaya nga isang taon pa lang ako noon sa work, e napromote ako kaagad.
01:45.0
Success was always right in front of me dahil sa drive ko na yun.
01:51.0
At Popoy at Bea, tulad nga ng sabi ng iba, people are attracted to success.
01:59.0
At dahil nga sa mga achievements ko sa trabaho, e may mga tao akong na-attract sa buhay ko.
02:07.0
Problema nga lang, I was not in control kung sinong mga tao ang ma-attract ko.
02:14.0
Popoy at Bea, dito na nga papasok sa kwento ang bumago o ang taong bumago sa takbo ng buhay ko.
02:24.0
Nakilala ko si Richie through a friend of a friend.
02:28.0
Madaling nakulog ang loob ko kay Richie kasi alam niya kung paano ako makukuha.
02:35.0
Alam niyang I'm an achiever.
02:38.0
Kaya pinuno niya ang utak ko ng magagandang salita hanggang sa tuluyan ang akong nahulog sa kanya.
02:46.0
Popoy at Bea, to cut the long story short, Richie was not the person I thought he was.
02:54.0
He was abusive, he was controlling, and he was not the man na nakilala ko.
03:03.0
Simula nung naging kami ay nag-iba ang ugali niya.
03:07.0
Napilit niya akong iwanan ang apartment ko para tumira sa bahay niya.
03:12.0
Tinruan niya akong uminom at manigarilyo.
03:17.0
Popoy at Bea, ilang beses kong sinubukang makawala kay Richie pero hindi ko magawa.
03:25.0
Kung hindi pa ako sinugod ng mga magulang ko, e baka hindi na talaga ako nakaalis sa poder ni Richie.
03:34.0
Dear MOR, ang mga kwento ng puso mo.
04:04.0
Sa isang simple at may magagandang pangarap na si Alexa.
04:12.0
Nakakainis, Bea. May mga ganyan mga tao na dahil sa sobrang alam nila na may tiwala sa kanila.
04:21.0
Yung tao, hinihila nila sa kalokohan. Alam mo yun, ang lakas maka bad influence talaga.
04:28.0
Inaabuso nito yung tiwala ng kaibigan ko sa kanya. Sige happy lang yan. Subukan mo.
04:36.0
Alam mo naman yung pasusubukan mo kapag na-hook doon yung tao. Pwede talaga masira na yung buhay niya.
04:44.0
Alam mo, totoo yung sinabi ni Alexa na marami ang makakarelate dito sa story niya.
04:50.0
Kasi marami nga talagang ganoon. Yung mga na-fall sa mga karelasyon na ang galing mag-manipulate.
05:00.0
Narcissistic definitely. Dahil yung mga ganyan klaseng tao, yung mga nag-manipulate may narcissistic tendencies yan.
05:09.0
Tapos alam mo yung hindi mo na napapansin na pinapaikot ka na pala, na dinitiktahan na pala yung buhay mo.
05:17.0
Just because you're blinded by love or dahil sa galing nilang gumamit ng mga salita, magputna nga, magsama-sama ng mga senaryo,
05:27.0
napapaniwala ka tuloy na yung pinagagawa nila sa'yo is good for you or is something na magbe-benefit sa relationship nyo o sa iyong dalawa.
05:36.0
Yung magaling mga gaslight, alam mo ang isang example dyan na palagi kong naririnig doon sa mga kakilala kong naka-experience na mga ganyang klase ng partner,
05:48.0
yung gagamitin yung salitang, pag mahal mo ko, ganito, ganyan. O kaya pag tamanggi ka, hindi mo kasi ako mahal, kaya hindi mo gusto gawin yung ganito, ganyan, ganyan.
05:58.0
So kapag itamitan sila ng ganoon, dahil in love nga sila, doon na sila nahukulog doon sa trap ng tao na yun.
06:07.0
Kapag ginagamit na sa kanila yung salitang, hindi mo ko mahal, o kaya kung mahal mo ko, dapat ganito gawin mo, ganyan, ganyan, ganyan.
06:17.0
Alam mo Bea, ang hindi ko mag-gets doon sa mga tao, mga bad influence, sa mga nangyainfluensya na magkaroon ng bisyo, yung mga karelasyon mo or someone close to you,
06:31.0
be it na best friend mo o kaibigan mo, hindi ko alam kung anong satisfaction nga ba yung makukuha mo kung sakaling mayaya mo ang isang matinong tao na gumawa ng, alam mo naman na mali in the first place.
06:48.0
Siguro, alam mo, kung satisfaction parang hindi ko makita Bea, yung parang masaya ka, nahila mo siya maging lasenggo, nahila mo siya maging matuto na ring manigarilyo, pero mas nandun ako sa may benefit siya makukuha kasi,
07:07.0
Sige pengi naman ng Yossi, pengi naman ng ano, alam mo yun yung yayain doon sa same vice para may ka-share na siya, pero sa akin hindi siya, ganun ba siya? Nakasatisfy ba? Is it pleasurable?
07:23.0
I think there is Popoy, doon pa lang sa fact na mayaya mo, satisfaction na yun para sa kanya na oh my God meron akong kapangyarihan over this person, I can control this person, diba doon pa lang meron siya nakuha ang satisfaction doon, and at the same time sila yung mga klase ng tao na pag meron silang ginagawa ayaw nilang mag-isa sila, kailangan meron silang kasama and that's a sign of loneliness Popoy
07:49.0
That's a sign na meron silang emptiness deep inside na feeling nila mapupunan yun kapag meron silang kasama na parehas ng ginagawa nila, yun nga yun sa pag-inom, sa pag-yossi, even drugs na dahil dalawa tayong gumagawa nito, ok walang iwanan, di mo ko iiwan, tayong dalawa lang till death do us part
08:15.0
Tandem na, naging tandem
08:17.0
Nakakaramdam sila ng sense of security na hindi ako iiwan ng tao na ito kasi parehas lang kami
08:24.0
Parehas na kami, tsaka hindi niya na ako sisitahin kasi parehas na kami, di mo na ako pwedeng konsensyahin kasi ito ko na rin e, parehas na tayo e
08:35.0
Which is wrong, which is wrong, mga kapamilya, we are smarter than that, mas matalino naman tayo siguro sa ganoon, sana ang nakakahawa, ang mas maganda nakakahawa kapag very generous ka sa mga tao, you're kind, yun yung masarap na ay naging mabait tong isang tao na dahil sa lagi niyang pagsama sa akin
09:04.0
Dati syang masungit, dati syang kuripot, dati syang hindi marunong magshare, dating mataray, dating mapamintas pero nagbago sya kasasama sa akin, yun yung mas masarap na yun talaga yung satisfaction guaranteed
09:20.0
Pero yung ganyan, maghihila ka, buti sana kung maghihila ka ng magdibigay ng mga stars dito sa programa namin, katulad ni Chris Rolita, meron pa 200 stars na biglang ibinigay
09:35.0
Oh my God, thank you so much Chris Rolita, at sya ka alam mo Popoy, itong story itong si Alexa, alam mo ang dami din ganito na book smart na mga tao, regardless babae lalaki, book smart pero hindi street smart
09:50.0
Yung matalino ka when it comes to studies pero when it comes to anything emotional like ito, pagdibig, medyo mahina ka or like ang bilis mong maging vulnerable, ang gullible mo, ang bilis mong maniwala sa mga pangako
10:04.0
Kaya totoo talaga, hindi porkyat matalino ka sa school, alam mo na lahat ng bagay, madali ka parin magogoyob kung hindi ka street smart or hindi ka aware kung paano bumasa ng tao
10:21.0
Totoo yan Bea, huwag nating bibitbitin ang ating pagiging achiever, sabi niya pa nga overachiever ako, mula sa school talagang lunud na lunud ka sa mga papuri, praises na ibinigay sayo, yun yung pumupuno doon sa emptiness na nararamdaman mo but look at you
10:45.0
Dahil din sa mga papuri na ibinigay sayo, I don't know pero I can only imagine kung ano yung mga sinabi sayo nitong si Richie at sa mga katulad ni Alexa, you be careful also sa mga taong lagi kayong kinokomend
11:00.0
Laging ang ganda mo, laging ang bait mo, baka hindi mo alam, alam mo yung kinukuha yung loob para ma-manipulate ka nyan, ganoon naman yan, sa marketing strategy kailangan yan, kunin mo muna yung loob ng kliyente mo
11:23.0
Pero if it's a romantic relationship that we're talking about, o naman kailangan na-appreciate mo physically, na-appreciate mo rin sa ibang aspects pa ng buhay niya, ang partner mo but not to the extent na dapat alam mo rin naman yung sobra-sobra naman na
11:46.0
I mean yung masama noon, yung masamang paninigarilyo, masamang pag-inom ng alak, masamang pagdodroga, masama pa rin naman yun hanggang ngayon, kahit pa nga nagsasabi sayo, yung taong nagyayaya sayo na gawin yung mga issue na yun
12:00.0
Do not be misled by these kinds of people na pupurihin ka pero hihilahin ka rin pababa doon sa grip nila
12:13.0
Correct, dahil hindi lahat nang namumuri sayo mabait, yung iba dyan magalil lang talagang manggoyo at ikaw naman huwag kang magpapagoyo
12:25.0
Ay, acting na acting
12:29.0
Dami kong kilalang ganyan, utag na loob, dami kong narinig na ganyan
12:33.0
Pero siyempre Bea, bago tayo magpatuloy, kumusta ba ang inyong application mga Morkada?
12:40.0
Kumusta ba ang inyong pagsubok naman na maging dramatista natin, pinapaalala lang rin natin bago tayo magpatuloy sa second part ng puwento ni Alexa at ni Ritchie?
12:53.0
Okay na ba ang inyong Tiktok with our dramatista Kuya Danny niyo?
12:58.0
At si Atty Cindy
13:01.0
At si Atty Cindy na meron ding version doon kung saan man, mamili kayo
13:09.0
Marami kayong magiging oras, lalo na next week, ganyan, sa mga susunod, ngayong bakasyon, subok
13:17.0
At di ba malay niyo naman, maging bahagi na nga rin kayo ng Dear MOR Dramatista Family namin
13:23.0
At talagang maramdaman natin yung asar, yung kilig, yung kalit, yung init ng ulo
13:33.0
Para dito sa mga drama natin tuwing pananghalian
13:38.0
Kaya mga kapamilya, tabayanan na natin ang second part ng ating kwento nitong si Alexa at ni Ritchie
13:43.0
Maraming salamat sa mga magulang ni Alexa at sinugod na talaga siya para punin
13:49.0
Dahil kinakalkal niya na yung sarili niyang pangin at palubog na siya ng palubog
13:55.0
Pero may magagawa pa ba? Is it too late para sa kanyang mga magulang?
14:00.0
Malaman na nga po natin kung naka-recover pa
14:05.0
Samahan niyo po kami, ako po si DJ PDJ Popoy, that's my Guapopoy
14:09.0
And of course, gorgeous B, Bea Po
14:31.0
Popoy at Bea, tulad nga ng nasabi ko kanina
14:34.0
Kung hindi dahil sa mga magulang ko, e baka hanggang ngayon nandoon pa rin ako kay Ritchie
14:41.0
Siguro marami magsasabi na bakit hindi na lang ako umalis?
14:46.0
Hindi naman daw siguro ako tinatali ni Ritchie para hindi ako makatakas
14:51.0
Ang hindi kasi alam ng marami, e kapag napasok ka sa isang sitwasyon na hawak ka ng isang taong manipulative
15:01.0
E hindi hindi ka basta basta makakatakas
15:04.0
Ganon kalala ang nangyari sa akin
15:08.0
May mga invisible barriers na hindi madaling tawirin
15:13.0
Popoy at Bea, kahit nga nasa poder na ulit ako ng parents ko
15:19.0
E hindi nawala agad ang mga bagay na nagawa sa akin ni Ritchie
15:24.0
Minsan, nagigising na lang ako sa gabi na sumisigaw dahil sa matinding bangumot
15:31.0
Ganon kalala ang naiwang lamat sa akin ni Ritchie
15:36.0
At Popoy at Bea, syempre my parents tried to help me
15:41.0
Dinala nila ako sa isang specialist para makatulong sa mental health ko
15:47.0
It wasn't easy, pero sinubukan ko talaga na makag-get over sa mga nangyari sa akin sa kamay ng ex-boyfriend ko
15:57.0
Kahit kasi matagal na ako nakauwi sa akin, e hindi pa rin ako mapalagay
16:02.0
It was a long process, Popoy at Bea
16:06.0
And I was healing slowly
16:09.0
Kahit anong puwersa ko na pakawala ng mga ala-ala, e hindi ko talaga sila maalis
16:16.0
Buti na lang at pinakilala ako ni Mama sa isang support group na talagang nakatulong sa akin
16:24.0
I joined the group one weekend at pagpuntang pagpunta ko doon ay talagang nagbago agad ang lahat para sa akin
16:33.0
Led by a pastor, nakasama ko ang mga kapareho ko ng karanasan o nakaranas ng abuse in different forms
16:42.0
Sabi nga ng pastor sa support group, kailangan ko daw munang tanggapin ang katotohanan na nangyari ang mga nangyari
16:52.0
Gamitin ko daw ito bilang reminder not to subject myself to that situation again
17:00.0
Popoy at Bea, sometimes it's easy to just stay down
17:04.0
Yung hayaan na lang ang sarili na lamunin ang problema
17:09.0
Pero eventually, marirealize mo na you have to rise up
17:13.0
It takes courage, pero courage will naturally come to you basta piliin mo lang tumayo
17:21.0
Kaya right now, I'm choosing to be courageous, Popoy at Bea
17:27.0
Pinipili kong tanggapin ang lahat, make it a badge of honor, kumbaga
17:33.0
At move on with life
17:36.0
Bahala nang nasa itaas kung ano ang gagawin niya sa mga taong nalakit sa akin
17:41.0
It's for us to move on, and for him to judge
17:47.0
Sa ngayon, I'm doing okay, kasama ko ang parents ko, and I'm working at home for now until I'm ready to face the world again
17:58.0
Maraming maraming salamat, Popoy at Bea, for choosing my letter
18:03.0
Thank you na rin for allowing me to share my story to you, at syempre sa lahat ng mga kamorkada
18:10.0
Muli, maraming salamat
18:14.0
Lubos na gumagalang, Alexa
18:40.0
Mga kapamilya, oras na nga po natin
18:45.0
It's 9 minutes before 2pm
18:48.0
At yan na nga ang hay salamat naman
18:51.0
Diba, naka-recover na pagkatapos ng kwentong ito ni Alexa
18:56.0
Nalunod ng nalunod sa, alam niyo wag din tayo kasi masyado, yung sinabi ko kanina wag tayo nalulunod sa mga papure galing sa mga kapwa natin
19:09.0
Diba wag nating hanga rin na hindi gagawin ko ito because meron akong magiging award, meron akong i-acknowledge nila ako
19:19.0
Iaano nila ako, kapag ka naging addict ka na sa ganoon, mas magiging vulnerable ka, mas magiging prone ka na maging utu-uto
19:29.0
Why? Nako, dyan ho magaling yung manipulative na tao, yung mga abusive na tao
19:35.0
Kukunin ka nila sa kanilang magiging panalita, and then makikita mo na lamang ang sarili mo
19:43.0
Pinakalkal mo nga yung sarili mong bangin at palubog ka na ng palubog
19:47.0
Kaya dapat talaga, we are guided, normal lang may pumuri sa iyo, walang pumuri sa iyo, salamat for as long as you believe in yourself
20:04.0
Ganoon yun
20:06.0
At saka alam mo Popoy, itong nangyari kay Alexa, isa to sa mga best examples na it pays to have people around you who actually cares for you
20:18.0
Una yung mga magulang niya na talagang sinugod siya, hindi nga sinugod, niligtas, kinuha siya mismo doon sa poder ng lalaki
20:27.0
Na talagang nagpapakita na mahal siya at nagkikare pa rin sa kanya talaga yung parents niya
20:33.0
And the second example is yung support group na binanggit dito
20:37.0
Na isa yun mga kamorkada ha, kapag meron kang pinagdadaan na hindi mo alam, hindi mo maintindihan anong gagawin
20:47.0
And you're, ano taong dito, aminin mo, you're ashamed to ask help doon sa mga taong nakakakilala sayo or family members
20:55.0
Try to join yung mga support group
20:59.0
At kasi alam mo Popoy, aminin mo, ang daling, mas madali actually, hindi madali, mas madali lang mag-open up sa istranghero
21:09.0
Compared doon sa taong nakakakilala sayo, like your friends or your family
21:15.0
Ang daling makipag-usap sa isang istranghero kasi alam mo na walang prejudgment sayo
21:19.0
Na alam mo na curious sayo at pakikinggan talaga yung sasabihin mo
21:25.0
Gayun itong support group ni Alexa, noong pumasok siya doon, first day pala niya, sabi niya isang punta ko palang
21:31.0
Ang dami na agad nagbago daw sa point of view niya, sa sarili niya
21:35.0
Kasi nakita niya na hindi siya nag-iisa, na marami ang nakaranas nung nangyari sa kanya
21:42.0
Not to compare, but an assurance ba sa kanya na hindi lang siya yung gano'n, na hindi siya abnormal, na hindi lang siya yung tanga
21:52.0
Hindi ka kinawawa ng mundo
21:55.0
Hindi ka nakinta, marami ang nakaranas ng gano'n
21:59.0
At you know, nakakagaan sa feeling, knowing that you're not alone
22:05.0
Again, hindi para i-compare yung mga experiences, but knowing that you're not alone
22:08.0
At knowing na kayo kayo mismo, kayang kayan yung magtulungan
22:13.0
Nakaalam siguro si Alexa ng tips paano mapagaan yung kalooban, paano makamove on, matanggap yung mga pagkakamali and everything
22:24.0
Tapos yung mga tao din sa support group na yun, nakakuha din ang inspiration from Alexa
22:30.0
So alam mo yun, the dynamics of having people around you really help Alexa
22:35.0
Or kung sino ma yung nakakaranas ng katulad ng kay Alexa to move on, to accept the things na nangyari
22:43.0
Mahirap sabihin yung move on, pero slowly but surely, taking one step at a time
22:49.0
Kasi madami dyan, wala, ganyan lang talaga, ayaw kumito, give up na
22:55.0
At alam mo yung lalo na yan, meron siyang fear mula dito sa taong nagdulot sa kanya nito, kay Richie
23:03.0
Bukod dun sa pagkasira ng buhay niya sa kamay ni Richie, takot din siya na may mga pananakot
23:15.0
As in ganoon yung level ng pagiging manipulative, yun yung binanggit niya sa kwento
23:22.0
Tapos na, nakuha na siya ng magulang niya pero natatakot pa rin siya kay Richie
23:28.0
So maybe talagang matindi yung pag-manipulate sa kanya, yes hindi nga siya nakatali
23:35.0
Yes hindi ka nga nasa likod ng rehas na bakal
23:41.0
But you feel like you are, na ito lang ang gagawin mo
23:46.0
Kapag ginawa mo ito, hindi pa pwede magagalit ako
23:49.0
Kaya minsan nakakalimutan natin
23:51.0
Alam mo yung kasabihan ng mga matatanda kapag nagagalit sa atin
23:57.0
At may nakikita ang ginagawa natin, ang sinasabi ng matatanda
24:01.0
Matakot kayo sa Diyos sa ginagawa ninyo
24:05.0
Pero tayo, minsan hindi natin sineseryoso yun
24:09.0
Na parang ako naman, layo-layo yun nga naman, mas malapit pa yung aeroplano sa kanya
24:15.0
Yung mga ganoon, mga kapilosopohan natin
24:18.0
Pero you see, takot tayo sa kapwa rin natin tao
24:21.0
Na minamanipula tayo
24:23.0
And God has power over him also kahit pa nga masama siyang tao
24:30.0
Nakakalimutan natin na mas dapat pala ako matakot sa Diyos
24:35.0
Sa pagsunod dito sa masamang taong to
24:37.0
Dapat from there, maintindihan mo na you have a bigger God
24:43.0
Than your biggest problem
24:46.0
Ito parang binabanggit ko dati, binabasa ko kay Bo Sanchez na book
24:53.0
You tell your problem that you have a bigger God
24:59.0
Mas malaki ang Panginoon mo kesa doon sa problemang akala mo ay malaki na
25:06.0
God is bigger than your biggest problem
25:09.0
I think that's the title of the book
25:12.0
And that's true
25:14.0
Natatakot lang tayo minsan because ang gusto natin
25:18.0
Dahil nga sa nahulog ko yung sarili ko dito, bahala na
25:21.0
Kahiyaan na, babalik ba ako sa magulang ko?
25:24.0
Babalik ba ako sa kaibigan ko?
25:26.0
Panindigan ko na lang itong pagkakamali ko
25:29.0
Para hindi ako mapahiya sa kanila, baka may pag-asa pa dito
25:33.0
But no, sometimes you just have to surrender
25:36.0
Kailangan mo nang isuko na okay, nagkamali ako
25:40.0
Okay, nagkasala ako sa magulang ko, sa mga kapamilya ko
25:44.0
Sa mga kaibigan ko na nagtiwala sa akin noon
25:48.0
Pwede nyo ba akong pabalikin?
25:51.0
Pwede nyo ba akong akuin ulit mula dito sa hukay na kinaroonan ito ngayon?
25:57.0
Anggali natin yung pride sa ating pag-surrender
26:00.0
Wag din tayong masyadong conditional sa ating pag-surrender
26:08.0
Pero kailangan ang treatment nyo sa iyong iba dyan
26:13.0
Sige, magbabago ako, sasama ako sa inyo
26:15.0
Pero dapat hindi nyo ako pagalitan, hindi nyo ako pagsasabihan
26:20.0
Mahala yung proseso ka pa sa healing
26:24.0
Kapag pinoprotektahan mo na agad yung sarili mo
26:28.0
Sa mga salita, sa mga reaksyon ng tao
26:31.0
Doon sa action na mali na ginawa mo
26:35.0
Sabi nga kanina rin sa kwento, you have to accept yung mga pagkakamali mo
26:41.0
Na hindi man galing sa ibang tao, ikaw mismo
26:45.0
Ano masasabi mo, tama or mali?
26:47.0
Kapag kamali, talagang damahin mo na nagkamali
26:50.0
Kaya ka dyan, not to the extent na papatayin mo yung sarili mo
26:55.0
No, but to accept na nagkamali ka
26:58.0
And from there, maglalaman mo paano ba ako maitatama ulit
27:03.0
Oo, alam mo, itama yun Popoy
27:07.0
Sa mga nakakaranas dyan ng mga ganyang sitwasyon, mga problema
27:12.0
Natanong mo na ba yung sarili mo, natanggap mo na ba?
27:15.0
Yung mga pagkakamaling ginawa mo, kaya ka napunta sa ganyang sitwasyon
27:19.0
Hindi kasi sa atin, yung in denial or naghanap ng masisisi
27:24.0
Kaya sila napunta sa ganyang sitwasyon
27:26.0
Kaya tama yung sinabi ni Alexia, yun yung una mo dapat gagawin
27:31.0
When it comes to situation like that, tanggapin mo muna yung ginawa mo
27:35.0
Yung mga desisyon mo, yung mga pagkakamali mo, akuin mo muna lahat
27:39.0
And then doon ka mag-uumpisang makakita ng mga solusyon dyan sa problema mo
27:46.0
And tama din yung sinabi ni Popoy na, hindi naman sa pagiging, alam mo Popoy
27:50.0
I'm pretty sure meron dyan sinasabi, ay Diyos ko Courtney, nag-uusap na sila about Lord, Lord
27:56.0
Ano ba yung preaching? Bible study ba ito? Naka, I'm sure meron dyan mga ganyan na chikichika
28:02.0
Dahil ba sa Holy Week? Hindi, kamorkata
28:05.0
Nasasabi nyo yan kasi hindi nyo pa kasi na-try
28:08.0
Hindi nyo pa kasi na-experience siguro the power of prayer and the power of believing in God
28:13.0
Kaya ganyan kayo mag-isip, or hindi ba kayo nakakaranas ng matinding problema para kumapit kayo kay Lord
28:22.0
Pero I'm telling you, one day mararanasan nyo rin yan, makakaranas kayo ng matinding problema to the point na mapapakapit talaga kayo kay Lord
28:31.0
Mas magiging close kayo
28:33.0
May mga panahon, Beya, ito pabiru kong sinasabi kay Beya noon
28:38.0
Kahit in person, magkakasama pa tayo sa opisina, sabi ko, Beya, ang close-close namin ni Lord ngayon
28:44.0
Pabiru siya, but it's not a blasphemous statement
28:51.0
Talagang sinasabi ko na, Beya, parang wala na kasing ano eh
28:55.0
Yes, sometimes you have the money, you have the health, pero the peace of mind, you just don't
29:01.0
Parang mayroong something missing, Beya, you know me, I may sound preachy kanina, kala mo nagsisermon
29:13.0
Because I do, because I did
29:17.0
It's based on experience, di ba?
29:19.0
Talagang naranasan ko yung ilang mga bagay na hindi nyo ma-imagine
29:26.0
Di ba? Sa likod ng bawat mga nakangiting, mga mukhat malalakas na mayroong mga pinagdaanan din po ang inyong lingkod
29:36.0
Kaya di ba, I'm very open din, I regularly visit my psychiatrist to unload
29:45.0
Because hindi yung dahil weak ako, it's just that mayroong mga bagay na mahina ako doon and I needed help
29:53.0
Di ba? Ganoon yun, kaya sana, ako hindi ko nahihiling na mangyari pa sa iyo yung mga bagay na talagang matutulog ka na lang
30:02.0
Tapos ka na magdasal, magdadasal ka pa ulit para makatulog lang, di ba?
30:07.0
Or pagising mo sa umaga, nagdadasal ka na ulit sa kanya, paano ba to?
30:12.0
Alam mo yung kinukulit mo na siya, it's as if nasa iyo na ang problema ng mundo
30:17.0
I hope it doesn't happen to you
30:19.0
Yung katulad din na nangyari dito kay Alexa and of course, doon sa mga magulang niya, mahirap din yun
30:26.0
Mahirap din na tanggapin na ang anak mo naging ganyan, naging diktima
30:32.0
Pero siya mismo, pinayagan niya kasi yung sarili niya na maging diktima
30:39.0
Alam mo, gusto ko itong sinabi ni Kevin Binuya
30:42.0
Sabi niya, ito narinig na natin to pero para lang maano pa natin sa isipan natin
30:48.0
There is a light at the end of the tunnel, better days are coming
30:52.0
But they will come faster with faith
30:55.0
Walang perfectong buhay, minsan may mga pagsubok pero nandiyan lagi si God na nakaalalay sa atin
31:01.0
Gusto ko yung, magiging okay naman eh, darating din naman eventually na mag-heal ka, darating yung mga solusyon
31:09.0
Pero mas mapapabilis kapag meron kang faith, kapag meron kang kinakapitan ng Diyos
31:15.0
Kapag naniniwala ka sa power of prayer and power of God
31:20.0
And try nyo lang talaga mga kamarkada, hindi kami nagbibenta dito ng anything religious
31:26.0
But we're just sharing this, we're talking about this
31:29.0
Kasi na-experience namin personally ni Popoy, parehas kami, may mga traumatic experiences kami
31:35.0
Lalo na bata-bata pa kami, mga bad decisions
31:38.0
At lahat yun naging okay, with the help na rin ng faith kay God
31:42.0
I mean, we're just taking this opportunity to talk about this
31:47.0
Tsaka si Bea, minsan lang magsalitaan ng ganyan-ganyan, ako nga, napapadalas
31:52.0
Pero Tuesday pa lang ngayon, hindi pa huwa Sunday, para sa sermon niya, Father Poy
32:00.0
Pero, seryoso, seryoso yung mga cover
32:03.0
Kasi alam mong gano'n Popoy, alam mo yung pag kumakausap ka na ng mga tao, pag in-insert mo si God
32:10.0
Ang dami dyan, ay, Diyos ko po, ayun na po
32:13.0
Ayun na, okay, kung ano kayang inibenta sa akin dito ng anything religious
32:19.0
Gusto pa ako pumunta dito sa simbahan nila, ganyan-ganyan
32:22.0
Oh my God, no
32:24.0
Kasi one day, isang araw, it will happen to you
32:28.0
Whatever happen to us, it will happen to you
32:30.0
Not in the same exact form, pero same level of, alam mo yun
32:36.0
Same gravity ng sakit sa puso
32:39.0
At kirot sa buhay, alam mo yun
32:42.0
You will experience it one day
32:44.0
Yes, ay na po mga kapamilya, ito basa tayo ng ilan sa mga reaction mula sa inyo
32:53.0
Sabi, ako muna, si Aisyl V. Thomas
32:57.0
I feel that feeling, Popoy
32:59.0
Sometimes hindi mo naalam kung kanino ka kakapit
33:02.0
Pero alam nyo yun, mag-pray ka lang talaga
33:04.0
Lahat ng pain at bigat na naramdaman mo, nakakagaan sa pakiramdam
33:10.0
Sabi ni Aisyl yan
33:13.0
Si Gail Enriquez, sabi niya need talaga ng support system
33:18.0
Yung may pinagdadaanan na ganyan
33:21.0
Yes, at sana sa mga may pinagdadaanan nyo, piliin nyo ng matalino
33:27.0
Piliin nyo ng matalino yung support system na lalapitan ninyo
33:31.0
Dahil ako na magsasabi, hindi lahat ng mga kaibigan ninyo may kapasidad na matulungan kayo
33:38.0
Yung iba kasi Bea, meron akong malaking problema, mas marami tayo mas ok
33:43.0
But no, sometimes hindi, hindi talaga
33:48.0
Promise, kasi mas dumadami ang opinion, mas dumadami yung hindi ka sineseryoso
33:57.0
Mapapagastos ka lang at yung iba kapag hinaluan ng alak, yung inumin nawawala na ron sa kokos
34:06.0
I have nothing against sa mga medyo nag-unload kapag may problema
34:11.0
Sige, pag iinom ng isa, dalawang alak tsaan
34:15.0
Pero nag-iiba yung judgment natin
34:19.0
Kaya kapag tayo ay nakainom ng alak, nagiging mas matapang ka, mas vocal ka
34:28.0
Pero kapag nung ban dumating yung problema, nakainom ka
34:32.0
Kung hindi, masusolusyonan mo yan nang hindi ka rin nakainom
34:39.0
Hindi ka dapat nakainom, hindi lang naman yung alak, hindi ka dapat nakadroga
34:45.0
Hindi mo yan masusolusyonan kasi, dapat yung pinaka normal na state of mind
34:53.0
Yun yung i-achieve mo, yung pinaka level
34:59.0
Yung talagang level headed ka, maayos yung pangunawa mo
35:05.0
Kasi minsan, yes tatapang ka but again, nagko-commit ka pala ng isa pang pagkakamali na naman
35:12.0
Dahil sumobra naman yung tapang mo, dahil humiram ka ng...
35:17.0
Nag-i-gets nyo ba yung sinasabi ko?
35:20.0
Hindi lahat ng mga kaibigan, kung sino lang yung tingin nyo may kapasidad na i-handle yung ganyang informasyon
35:27.0
At pakikinggan ninyo ang opinion, sila lang ang kausapin ninyo
35:32.0
Lalong dumadami, lalong dumudumi yung usapan
35:36.0
Kumbaga lalong ang daming mikrobyo, ang daming yung hindi kailangan
35:41.0
Kung sino lang talaga yung tiwala ka, panatag ka, nakausap, yun lang
35:46.0
Hindi kailangan i-broadcast sa lahat, lalo na ngayon Bea, sa panahon ng social media
35:52.0
As you can see, kapag nag-post sa FB may problema ako ngayon
35:57.0
Ang dami si Bea papasok, si Popoy papasok
36:00.0
Friend, anong meron? PM, PM, PM, lahat nalang PM
36:06.0
Umaga-umaga, nagpapa-PM na
36:09.0
AM na AM, nagpapa-PM
36:11.0
Yung iba hindi dyan concerned, yung iba nakikitsismis lang
36:15.0
Pero alam mo, ako nakakaloka binsan, mayro'ng friend na mag-post
36:19.0
Pero pag kinamusta mo, secret, hindi sasabihin
36:23.0
Di ba, I mean, don't post anything, lalo na kapag mga problemang ganyan
36:31.0
Naku, baka dyan pa nga lumapit lalo yung mga loko-loko, yung mga mang-uuto sa inyo
36:37.0
Those people that will take advantage of you
36:40.0
May problema ka ba sa ganito? Sige, tulungan kita
36:44.0
1,500 lang gagastusin natin
36:46.0
1,500? Di ba may gastus? Tulong lang sa...
36:50.0
Okay
36:52.0
Ingat, ingat po
36:54.0
May babasahin ka pa, comments?
36:58.0
Teka, hanap mo na ako
37:01.0
Ito, si Jaisaline Festin
37:04.0
Pakaranas ko lang yan, sukong-suko na ako sa kanya lang
37:09.0
Sukong-suko na ako, pero sa kanya lang ako nagtiwala at nakuha ko naman yung gusto ko
37:16.0
Ibinigay ni Lord yung peace of mind ko
37:18.0
O, di ba? Thank you Jaisaline Festin
37:22.0
Di ba, minsan talagang ako hindi niya masasabi
37:26.0
Si Justin Hollis Corpus o sabi niya, ingat din sa mga taong walang alam pero nagbibigay ng unsolicited advice
37:34.0
na hindi naman nakakatulong
37:36.0
Twisted pa yung comprehension sa problema
37:39.0
O yung bis na makakatulong
37:41.0
Marami ka ma-attract na ganyan kapag pinose mo sa social media
37:45.0
Oo, definitely
37:47.0
Kaya, ingat sa pagpapose mo akong ano-ano
37:51.0
Yan, at syempre, napakarami pa dito
37:54.0
Sana mabasa mo ito, Alexa
37:56.0
We do appreciate na ikaw ay nagtiwala dito sa Dear MOR
38:01.0
Dahil totoo, yung sinabi mo, marami ang nakaka-relate sa'yo
38:06.0
Kahit ako, di ba, naka-relate ako doon sa ilang parte nang ikinwento mo sa amin
38:11.0
Pero bottom line is, nang kwento mo at nang kwento natin
38:17.0
Sasama ko na rin sa sarili ko
38:19.0
There is always hope, di ba, merong pag-asa
38:22.0
Hashtag Dear MOR, may liwanag
38:26.0
Oo, hindi palaging pepwedeng madilim, Bea
38:29.0
Daanan natin yan, yung dilim na yan
38:33.0
Pero minsan mukhang nananalo na siya
38:35.0
But again, doon pa lang sa title ng libro na paborito kong basahin noon
38:40.0
From Bo Sanchez
38:43.0
God is bigger than your biggest problem
38:49.0
Oo, di ba, doon pa lang eh
38:52.0
Talagang, oo nga, ano?
38:54.0
Gano'ng kalaki problema ko? 1.5 million?
38:57.0
Pero ako ba yun?
38:59.0
Hindi ko pere yun
39:02.0
Malaki
39:04.0
Hindi, yung mga ganyan
39:05.0
1.5, 1,500 pesos?
39:08.0
Ang laki naman
39:10.0
O di ba, kahit ano pa yan
39:12.0
Kung nalalakihan ka na, bahala ka
39:14.0
Pero meron pa rin mas malaking power na kaya nga matulungan ka
39:19.0
Di ba, na makalampas sa mga problema na yan
39:21.0
At hindi lang namang pera
39:23.0
Ang problema, marami pang iba
39:25.0
Okay?
39:27.0
Oo, ano pa?
39:29.0
Nagbabasahin ka pa ba?
39:31.0
Yun, wala na
39:33.0
Oo, wala naman akong babasahin
39:35.0
Okay, ang oras na nga po natin
39:37.0
12 minutes, makalipas ang las dos ng hapon
39:39.0
Maraming salamat po sa inyong pagtutok, hindi pang iiwan
39:44.0
At sa pagsha-share ng ating livestream for today
39:48.0
Bukas, ulitin po natin ito ng live na live
39:52.0
True
39:54.0
At pa-download daw
39:56.0
Oo, yung producer namin ha
39:58.0
Pakay na lang ha
40:00.0
Download ko yung Alto app natin
40:03.0
Correct, dahil kompleto si Ricardo Scudiaan
40:06.0
Everything, kapamilya nandyan sa Alto app
40:09.0
At syempre, lalong lalo na nga
40:11.0
Etez, ayan
40:13.0
Lalong lalo na nga ang Dear MOR
40:15.0
Up to date dyan
40:17.0
At take note, hindi kami nalilate sa Alto app
40:20.0
Ibang
40:22.0
Ibang klase kami dyan sa Alto app
40:24.0
Hindi kami malilate, f**k
40:26.0
Tsaka ano no, Bea
40:28.0
Around the clock kasi
40:30.0
Around the clock
40:31.0
Talagang may mga tugtugan dyan sa Alto app
40:34.0
Pwede mong background music
40:36.0
Habang nag-work ka
40:38.0
Habang nasa nag-aaral ka
40:41.0
O habang nagkakapin, nagtiti
40:43.0
Ganyan, yung Alto app
40:45.0
I-download nyo po ang Alto app
40:47.0
Parang kasama nyo rin talaga
40:49.0
Yung 101.9 na radio natin noon
40:53.0
At mas malinaw pa
40:55.0
At ito pa ang matindi dyan, Bea
40:58.0
In a few weeks time
40:59.0
Merong mga sorpresa at aabangang programa
41:03.0
Dyan sa Alto app
41:06.0
Hindi ko nalang sasabihin kung ano
41:08.0
Hindi ko sasabihin kung sino ang makakasama ninyo
41:12.0
Pero feeling ko naman
41:14.0
Feeling ko naman ay magugustuhan din ninyo
41:17.0
Dyan yan sa Alto app
41:20.0
Feeling ko, magugustuhan
41:23.0
Ay, ako, Diyos ko
41:26.0
Ako target market ako dyan
41:28.0
Kaya I'm thankful
41:30.0
Ang dami dyan, magugustuhan
41:32.0
Anina, may pinarinig sa amin, Bea
41:34.0
Parang sample
41:36.0
Narinig ko yun, di na nga lang ako nagtotalk
41:38.0
Pero I love it
41:40.0
I love it so much
41:42.0
Si Bea, humingi pa ng tissue
41:45.0
Sabi, ay, ang ganda, tumulo yung laway ko
41:48.0
Sa sobrang ganda
41:50.0
Nakangako siya akong gano'n
41:52.0
Ganon
41:54.0
Hindi, I mean
41:57.0
It's nakaka-miss
41:59.0
Yan na lang ang masasabi ko
42:01.0
Yan na lang ang masasabi ko
42:03.0
Oh boy
42:05.0
Sa bukod sa Dear MOR
42:07.0
Naabangan ninyo tuwing alas 12 at tanggalin sa Alto app
42:11.0
Meron pang ibang mga programa na sigurado nag-e-enjoy
42:16.0
Oo
42:18.0
Kaya
42:20.0
Basta bukas, magsama-sama tayo
42:22.0
Baka madulas po yung dila ako bukas
42:24.0
Sa ngayon, hindi po eh
42:25.0
Baka
42:27.0
Pinaplantsa pa yan
42:29.0
Depende siguro sa mga pa-stars nyo bukas
42:32.0
Kung su-dulas ka, no
42:35.0
Super sticker, super chat
42:38.0
Sa kang kanila sa damak-mak na stars, bigla mong maiboga
42:42.0
Pero ang ganda
42:44.0
Bea, ang ganda kasi talaga
42:46.0
Gusto ko na talagang sabihin ngayon
42:49.0
Huwag muna
42:51.0
Every
42:53.0
Huwag muna, o sige
42:55.0
With the ano
42:57.0
At mga ano
42:59.0
Basta, okay siya
43:01.0
Relatable din siya
43:03.0
Yun yun, yun yung sinasaba ko siya
43:05.0
Kaya bukas, magsama-sama nga po ulit tayo dito sa Dear MOR
43:10.0
Sa ngayon, maraming maraming salamat sa inyong pagtutok
43:13.0
Nakasama niyo nga po DJ PDJ Popoy
43:15.0
That's my guapopoy
43:17.0
And of course, gorgeous Bea Beapose
43:20.0
At ang lagi namin paala-ala
43:22.0
Stay safe, stay healthy
43:23.0
Sa ilang mga mangyari Magka Family
43:25.0
Stay in love and stay happy
43:27.0
See you tomorrow!