Close
 


FUNATO: MULTO SA JAPAN | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
FUNATO: MULTO SA JAPAN | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 23:17
Has AI Subtitles



English Summary of Video (AI):
- Introduction:
- Danny B. Jr., a subscriber and listener, shares his ghostly experiences as a welder in Aichi Prefecture, Japan.
- He originally hails from Maasin, Iloilo and recounts events from 2010 and beyond.

- First experience in an old building (August 2012):
- Danny felt a presence climb onto his bed while he was praying and turning in for the night.
- Upon investigation, he found a childlike figure under his blanket which disappeared as he turned on the light.
- After this incident, he never turned off the lights while sleeping until the end of his three-year contract.

- Second experience in a new building (New Year's Eve 2016):
- A trainee ran back from the bathroom panicked, having seen an apparition near the urinals.
- While urinating, the trainee felt a presence next to him that would disappear when looked at directly.
- He eventually saw the reflected image of a man with a burnt face in the bathroom mirror, causing him to flee.

- Triumphant Night Experience:
- Another colleague, Dela Rosa, saw a man sitting outside on an air conditioning unit while he was urinating out of the window.
- Despite trying to communicate with the figure, it did not respond and remained motionless.
- The man's presence caused discomfort among the workers, leading them to cover their windows to avoid encountering the apparition.

- Fourth experience (a fellow worker on the 5th floor):
- JC sensed a force enter through the window and felt pressure on his chest.
- Panicked, he turned on the lights and closed the window, staying alert for the rest of the night.

- A new trainee's paranormal disturbance:
- They discovered an empty room between their quarters used to produce loud banging noises at night despite it being vacant for several years.

- Final experience from a different individual, Liwo from Bicol, now residing in Bulacan:
- Occurred in 2017 when Liwo and his workmate Jeron encountered Liwo's doppelganger at the factory.
- Both were shocked and hoped it wasn't an omen as doppelgangers often are.
- They learned from their foreman about a previous operator who was terrified by a ghostly woman hanging upside-down from the ceiling and quickly resigned.

- Conclusion:
- Liwo expressed puzzlement over the presence of ghosts in noisy places and safely resigned after another year.
- He thanked the program and wished his audience well, especially those in Bicol and his wife, Anjali.


Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
MGA KUWENTO NI PHARO
00:16.0
Isang mapagpalang araw sa inyo, Sir Seth.
00:20.0
Silent listener at subscriber niyo rin po ako.
00:25.0
Libangan ko na rin habang nagtatrabaho ang makinig sa mga kwento niyo.
00:30.0
Dahil hindi naman ganun kahigpit sa worksite namin na pwedeng gumamit ng Bluetooth
00:37.0
o yung mga wired earphones habang nagtatrabaho.
00:43.0
Tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang Danny B. Jr.
00:49.0
Totoong pangalan ko po ito, Tubong Maasin Iloilo.
00:53.0
Nangyari ito nung nasa edad, labingsyam na taong gulang pa lamang ako.
01:00.0
Taong 2010.
01:02.0
Sa pamamagitan ng programa ng JITCO Atesta,
01:06.0
nagkaroon ako ng oportunidad na makapagtrabaho bilang welder sa isang shipbuilding company sa Aichi Prefecture sa Japan.
01:17.0
At kahit nasa ibang bansa, hindi tumatakas sa mga karanasan ko sa multo.
01:24.0
Hindi lamang sa Pilipinas.
01:27.0
Nais kong ibahagi ang isa sa karanasan ko at ng aking mga kasamahan.
01:36.0
Unang karanasan, buwan na Agusto, mga second week, taong 2012.
01:44.0
Naganda ang lahat para sa paparating na one week vacation dahil Obon Yasumi, o Araw ng Mga Patay.
01:54.0
Konting background po pala sa fonato namin, Sir Seth, o yung tinatawag na apartment.
01:59.0
Balidalawang building po ito na magkahiwalay,
02:03.0
pero pinagdudugtong ng isa pang mahabang hallway na daan,
02:08.0
o parang overpass na mayroong pader.
02:10.0
Hanggang bubong ito, magkabilaan.
02:15.0
Apartment type building po ito, Sir Seth.
02:18.0
Hanggang anim na palapag ang lumang building na masasabi nating kahugis ng letrang C.
02:26.0
Samantalang pakodrado at hanggang fourth floor lamang ang bagong building.
02:32.0
Merong mahigit kumulang sa limang daan na kwarto.
02:36.0
Merong mahigit kumulang sa limang daan na kwarto.
02:40.0
At may isang pang kalahatang kantin, shower room, at yung ofuro,
02:47.0
o yung parang malawak na hot tub na pwede kang maglublob habang nagre-relax sa maligamgam na tubig.
02:57.0
Unang karanasan ay sa lumang gusali.
02:59.0
Mag-aala una na ng madaling araw.
03:02.0
Kakatapos lamang naming mag-inuman na mga kaibigan ko,
03:06.0
kanya-kanya na kaming balik ng kwarto nun.
03:10.0
Gawa ng hindi talaga ako natutulog pag nahihilo sa tama ng alak,
03:15.0
at ugali ko talagang magtimpla ng kape kahit patulog na.
03:19.0
Subali, nagtimpla muna ako nun.
03:22.0
At nung pakiramdam ko na wala na rin ang hilo ko,
03:25.0
at nakaramdam ako ng antok,
03:28.0
pinatay ko ng ilaw.
03:31.0
Bali yung kulay blue na ilaw na lamang ng desktop ko
03:35.0
ang nagsisilbing lampshade ko nun.
03:39.0
Nahiga na ako,
03:41.0
nagtalukbong ng kumot hanggang dibdib.
03:44.0
Nagsimula ng magdasal, at pumikit nun.
03:47.0
Sa kalagitnaan ng aking pagdadasal,
03:50.0
ay may nararamdaman akong
03:53.0
bigla na lamang umuga sa paahan ko.
03:57.0
Yung merong umakyat o pumatong sa igahan.
04:02.0
Tumigil muna ako nun.
04:05.0
Sinilip ko saglit.
04:08.0
Nagtataka ako dahil napansin ako,
04:11.0
nagtataka ako dahil napansin ako.
04:13.0
Sinilip ko saglit.
04:15.0
Nagtataka ako dahil napansin kong
04:18.0
umikot konti ang aking computer chair.
04:24.0
Sa aking pagtataka na baka bukas ang bintana,
04:28.0
pumangon ako.
04:30.0
Sabay bukas ng ilaw tapos tumungo sa bintana para tingnan kung bukas ito.
04:37.0
At dahil sasarado naman,
04:39.0
bumalik na lamang ako sa paghiga.
04:41.0
Pumikit.
04:43.0
At tinuloy ang pagdadasal nun.
04:47.0
Nang walang ano-ano,
04:50.0
hindi ako mapakaligawa nang
04:53.0
ramdam ko na may kung ano na pumasok sa kumot ko
04:58.0
galing sa aking paahan.
05:01.0
Pagkapanga,
05:03.0
papuntang dibdib ko.
05:06.0
At sa gulat ko ay bigla akong dumilat
05:09.0
sabay tingin sa baba ng kumot ko.
05:13.0
Halos tinakasan ako ng kaluluwa, Sir Seth, nang
05:17.0
makita ko na may anyu ng bata na nakapatong payo ko
05:23.0
at nakatalukbong gamit ang kumot ko nun.
05:29.0
Sa gulat ko ay dali-dali kong inabot ang switch ng ilaw
05:33.0
na nasa kanang bahagi ng ulohan ko.
05:36.0
Sabay bangon.
05:37.0
At doon ko napagtanto na hindi ako namamalikmatalang.
05:42.0
Gawa ng ang kumot ko ay nakita kong halos isang dipa
05:47.0
ng malayo sa aking higaan.
05:51.0
Simula nang naranasan ko yun,
05:53.0
hindi na talaga ako nagpatay ng ilaw hanggang matapos
05:58.0
ang tatlong taong kontrat ako.
06:04.0
Ikalawang pagdating,
06:06.0
ikalawang karanasan
06:08.0
sa bagong gusali naman.
06:11.0
Taong 2016,
06:13.0
pagsalubong ng bagong taon.
06:17.0
Gawa ng kinasanayan na namin ang mga latag ng lamesa sa hallway
06:21.0
para sa pagtipon-tipon
06:23.0
at magambagan para pambili ng mga inumin at pagkain
06:27.0
at syempre mga pulutan para sa pagsalubong ng pagsapit ng bagong taon.
06:30.0
May isang trainee na dumayo sa amin sa fourth floor
06:34.0
kung nasaan ako,
06:36.0
kung saan ang bagong kwarto ko.
06:39.0
Madaling araw ng bagong taon,
06:41.0
nagpaalam ang bagong trainee na ito na
06:44.0
pupunta ng banyo para umihi pero
06:47.0
pagkalipas ng mga limang minuto,
06:50.0
nagulat kami dahil patakbo siyang pabalik sa amin.
06:54.0
Nagkapigtas-pigtas ng tsinelas niya
06:56.0
habang sumisigaw.
06:58.0
Pero imbis na dumaan sa amin para ikwento ang nangyari ay
07:02.0
nilagpasan niya lamang kami at dumiretsyo siya pabalik sa kabilang building noon.
07:08.0
Nagtatakaman kami pero
07:10.0
wala naman kaming magagawa kundi
07:13.0
ipagpabukas na lamang ang pag-iimbestiga
07:16.0
kung ano ba talaga ang nangyari noon.
07:20.0
Ang banyo pala namin ay
07:21.0
pagpasok mo may lababo na may malalaking salamin
07:25.0
at sa bandang dulo ay may limang cubicle
07:28.0
at mga urinal na nakadikit sa pader.
07:32.0
Ayon sa kanya,
07:34.0
habang umiihi siya ay
07:37.0
napansin niya sa gilid ng kanyang paningin
07:40.0
na merong nakatayo na tao
07:43.0
sa kanang bahagi ng urinal.
07:46.0
Pag-iimbestiga,
07:47.0
sumasaba ito sa kanya habang umiihi noon
07:51.0
pero kapag tinapunan na niya ng tingin ay
07:54.0
bigla itong nawawala.
07:57.0
Kaya kahit napapansin niya ay patay mali siya lamang siya
08:01.0
at kunwari
08:03.0
parang wala siyang nakikita noon.
08:07.0
Pero sa hindi inaasahan
08:10.0
nang masulyap siya sa gilid ng kanyang paningin
08:13.0
sa kaliwang bahagi kung nasaan ang lababo
08:16.0
at ang malalaking salamin noon
08:19.0
ay doon niya nakita ang nakaternong maong na jakit at pantalon
08:23.0
ang nanlilisik na mga titigat
08:26.0
halos sunog na muka ng isang lalaki
08:29.0
kaya doon na siya kumaripas ng takbo
08:32.0
at hindi na nagawang isarado pa ang zipper niya.
08:35.0
Ngunit,
08:37.0
sa kanyang paningin
08:39.0
meron din isang araw na habang buong araw maulan
08:42.0
hanggang pag-uwi namin galing sa worksite.
08:45.0
Karanasan naman ito ng isang kasama namin sa building
08:49.0
na tawagin na lamang nating Dela Rosa.
08:53.0
Mga bandang alas 9 na ang gabi
08:56.0
at ang pwesto naman ng kuwarto niya ay nasa third floor
08:59.0
ng lumang building noon.
09:01.0
Ngunit,
09:03.0
hindi na nagawang isarado pa ang zipper niya.
09:06.0
Pagbukas mo ng bintana,
09:09.0
bubungan naman ang kantin namin na nakapwesto sa first floor
09:12.0
ang bubungad sa iyo.
09:15.0
Hindi naman lahat pero
09:17.0
sadyang may kapilyuhan talaga ang mga Pinoy
09:20.0
paminsan-minsan
09:22.0
kahit pa sa ibang bansa.
09:26.0
Sa halip na pumunta ng banyo si Dela Rosa para umihi noon
09:30.0
ay naisipan ito na sa bintana na lamang umihi.
09:33.0
Kawa nang
09:35.0
sasabay lang naman sa daloy ng tubig ulan
09:38.0
pabagsak sa bubung ng kantinyon.
09:41.0
Binuksan niya ang bintana at umihi doon.
09:47.0
Habang umihi
09:49.0
naisipan niyang tumingin sa kanang pahagi ng bintana.
09:54.0
Sa pagkakataon na iyon
09:56.0
meron siyang nakitang isang lalaking nakaupo
09:59.0
sa lagayan ng makina ng Oxblit type aircon
10:03.0
na nakasabit sa likodbanda ng mga bintana noon.
10:09.0
Naka-jacket ito Sir Seth
10:11.0
nakatingin sa malayo pero
10:14.0
hindi niya naaaninag ang mukagawa ng
10:18.0
refleksyon lang ng mga ilaw galing sa mga bintana
10:21.0
ang tumatama sa lalaking iyon.
10:24.0
Iyan naman naisipan si Dela Rosa
10:27.0
kaya naman naisipan niyang tawagin ng ilang beses ito
10:30.0
gawa ng nag-aalala din siya.
10:33.0
Nababasa ito ng ulan
10:35.0
tsaka delikado ang ginagawa niyang pagpwest doon sa aircon na iyon.
10:42.0
Sa pagkakakala na may problema ang isang katrabaho namin na ito
10:47.0
pero kahit na anong tawag niya ay parang hindi siya nito naririnig.
10:52.0
Kaya naman lumabas siya sa kwarto at tumungo sa kwarto
10:56.0
kung saan naman banda nakapwesto
10:58.0
ang naturang lalaki para kamustahin
11:01.0
at baka kailangan ito na makausap.
11:05.0
Pero bago kumatok ay naisip niya na baka
11:08.0
kailangan din ito ng privacy at mapag-isa.
11:11.0
Kaya naman naglakad na lamang siya pabalik sa kanyang kwarto noon.
11:16.0
Sumilip ulit siya sa bintana.
11:19.0
Nandun pa rin yung lalaki pero
11:21.0
hinayaan niya na lamang ito
11:23.0
saka natulog na lang.
11:27.0
Kinabukasan walang pasok.
11:30.0
Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya sa hallway.
11:34.0
Naguusap ang mga katrabaho namin
11:36.0
kasama ang isa sa inaakala niyang katrabaho namin
11:40.0
na nasa labas ng bintana noong nakarang gabi.
11:44.0
Nagkwento ito.
11:46.0
Nasa kalakasan umano ng ulan noong gabi
11:49.0
habang kausap ang kanyang misis sa video call
11:53.0
ay naramdaman niyang may kumakalos ko sa bintana.
11:57.0
Sa pagkakalang baka hindi niya nalak ng maayos at baka
12:01.0
pumasok ang tubig ulan.
12:03.0
Hinawi niya ang kortina ng bintana na iyon sabay silip.
12:08.0
Pero natulala umano siya.
12:11.0
Dahil bumulaga sa kanya
12:13.0
ang mukha ng isang lalaki na
12:16.0
halos sunog ang buong parte ng mukha noon.
12:21.0
Magmula noon halos lahat ng bintana na nakaharap sa buong ng kantin
12:26.0
sa nasabing floor
12:28.0
nakasara na.
12:30.0
Pinaglalagyan nila ng karton at tinip
12:33.0
dahil sa takot na baka sumilip
12:36.0
at makaharap ang halos sunog na mukha
12:39.0
ng multong lalaking iyon.
12:46.0
Huling karanasan
12:48.0
kwento naman po ito ng kaibigan ko na tawagin na lamang natin sa pangalang JC
12:52.0
na sa fifth floor naman kung saan siya banda nakakuwarto.
12:57.0
Balihardiflex na po pala sirsat ang nakapagitan
13:00.0
o nagsisilbing pader na mga kuwarto noon.
13:03.0
Tapos ang bintana niya ay nakaharap naman sa malawak na taniman na mga repolyo.
13:11.0
Isang gabi
13:13.0
habang nakaigana siya
13:15.0
patay ang ilaw
13:17.0
at ang kama niya ay nakadikit malapit sa bintana.
13:19.0
Naisipan niya na i-off muna ang aircon at buksan ang bintana para makalanghap ng natural na hangin
13:26.0
habang nagpapaantok.
13:29.0
Pero ang bukas ng bintana ay galing paaan hanggang dibdib niya lang.
13:35.0
Habang nakatihaya sa pagkakahiga
13:38.0
nagpapaantok at nagsiselfon siya
13:42.0
walang ano-ano
13:44.0
nakaramdam siya ng parang may kaibigan
13:47.0
nakaramdam siya ng parang may kalakasang hangin na pumasok sa bintana
13:53.0
kasabay ng pakiramdam na parang may kung ano na dumagan sa bandang dibdib niya
14:00.0
na dahilan para tumunog ang spring ng kanyang higaan
14:04.0
dahil sa dumagdag na bigat na iyon.
14:09.0
Pinakiramdaman niya saglit
14:12.0
nang mapagtanto niyang gumalaw ang kung ano na dumagan na hindi niya nakikita nun
14:19.0
dahil sa gulat ay nagpumiglas ito sa pagbangon
14:23.0
sabay bukas ng ilaw at dalidaling sinara ang bintana.
14:30.0
May isang araw din po na may dumating na bagong trainee
14:34.0
at ang kwarto naman ito ay pangatlo galing sa kanya
14:38.0
bali may nagitnaan silang isang bakanting kwarto at halos pitong taon nang hindi nilalagyan ng tao
14:45.0
sa hindi namin malamang dahilan.
14:49.0
Gawa ng mahilig sa music ang nasabing trainee na iyon
14:53.0
kada uwi galing trabaho at walang pasok
14:56.0
ay nagsasound trip ito kumbaga
15:00.0
makalipas ang halos isang buwan
15:03.0
dahil nagkapalagayan niya na ng loob ang bagong trainee na ito
15:07.0
ay naitanong ng kaibigan ko kung saan niya nabili ang speaker niya
15:11.0
gawa ng maganda ang sound ng quality
15:14.0
at malakas ito
15:16.0
sumagot naman ang trainee na
15:19.0
mayilig po talaga ako sa sound, bye
15:22.0
at inorder ko sa isang shopping site
15:25.0
bye po ang ibig sabihin sa Japanese word na senpai or senior sa trabaho
15:31.0
ngitingiti naman ang kaibigan ko na nagtanong nang
15:35.0
buti hindi nagagalit yung katabi mo
15:39.0
na ang tinutukoy ng kaibigan ko
15:42.0
ay yung kwarto na nakapagitan sa kanilang dalawa
15:47.0
dapat papiru lang yun sir sir pero
15:50.0
sumagot ba naman ang trainee na
15:53.0
yun nga lang laging galit mga pay
15:56.0
lalo na mga alas 11 ng gabi o hindi kaya alas 2 na madaling araw
16:01.0
kinakalampag niya ang pader naming dalawa
16:06.0
nagalala lang mukha nito na baka
16:09.0
maireport siya sa company dahil sa ingay
16:13.0
pero tumingin ng seryoso ang kaibigan ko
16:16.0
sabay ngiti ng nakakaloko at pabulong na sumagot ng
16:21.0
matagal nang walang tao sa pagitan nating kwarto
16:27.0
dahil sa aming mga karanasan dito sa Japan
16:30.0
pagdating sa mga ligaw na kaluluwa
16:33.0
naging malinaw sa akin kung bakit gano'n kakilala
16:37.0
ang isang Japanese movie na daring
16:41.0
si Sadako at Kayako
16:44.0
dahil sa aming mga iilang karanasan
16:48.0
sa Multo
16:50.0
sa Funato
17:01.0
Mapagpalang araw sa iyo Sir Seth
17:04.0
at sa mga solid na listener ng programa nyo
17:07.0
lalong-lalong na sa lahat ng mga taga Bicol na nakikinig
17:11.0
at sa aking magandang asawa
17:13.0
ay Anjali
17:14.0
Nox
17:16.0
tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang Liwo
17:19.0
tubong Bicol at kaya ay naninirahan dito sa Bulacan
17:24.0
ang karanasan namin
17:26.0
ay nangyari taong 2017
17:30.0
namamasukan ako noon bilang production operator
17:33.0
sa isang pabrika na hindi ko na po papangalanan
17:36.0
sa kadaylanang ayokong makasira
17:39.0
sa reputasyon ng kumpanyang aking pinasukan
17:45.0
bali ilalarawan ko po muna
17:47.0
ang lugar na pinangyarihan ng kababalagan
17:50.0
ang lugar na pinangyarihan ng kababalagan
17:52.0
sa isang pabrika
17:54.0
dalawang makina yung hinahawakan ko
17:57.0
sa bandang kaliwa ko naman ay ang makina ng aking katrabahong si Jeron
18:02.0
toto niyang pangalan nito
18:04.0
tubong Albay Bicol naman siya
18:08.0
sa bandang kanan ay isa ng malaking pader
18:11.0
tapos ang kabila noon ay production line
18:14.0
sa bandang harapan naman ay isang bakanting lote
18:18.0
at sa isang pabrika
18:19.0
sa bandang harapan naman ay isang bakanting lote
18:22.0
bali pinakalikod na po ito ng pabrika
18:25.0
kaya medyo madilim na sa may bandang yun ng aming pwesto
18:29.0
at ilang ilaw lamang ang nakakabit dito
18:34.0
dalawa lamang po kami sa bandang pwestong yun
18:37.0
night shift ang schedule ng pasok namin
18:41.0
so ang nangyari
18:43.0
bandang alas 11 ng gabi sa kalagitna ng aming pagtatrabaho
18:47.0
bigla akong tinawag ng aking kasamang si Jeron
18:50.0
sa kabila ng kanyang pwesto para magpatulong
18:54.0
ganun po talaga pag marami ang gagawin niya
18:57.0
obligado ko siyang tulungan
19:01.0
medyo nagkukentuhan pa kami ng una
19:04.0
at habang hinihintay naming matapos yung minimix namin ay
19:08.0
bigla kaming nakarinig at nakaramdam ng may gumagalaw sa may pwesto ko
19:14.0
sabay pa kaming napatingin doon sa pinanggagalingan ng mga kaliskos
19:19.0
at doon ay kitang kita namin ang isang lalaki na
19:24.0
kamukhang kamukha ko
19:28.0
kitang kita namin siya na kawangis ko mula ulo hanggang pa
19:33.0
ultimong ang kasuotan nito
19:36.0
katulad na katulad ng suot ko
19:40.0
grey na t-shirt
19:43.0
maong na pants
19:46.0
nagkatinginan kami ng kasama ko sa kabilang pwesto ng walang imiganon
19:52.0
pakiramdam ko ng mga oras na iyon
19:55.0
nagsitayuan ang mga balahibo ko sapatok
19:58.0
lalo na nang biglang humarap sa amin ang nilalang na iyon
20:03.0
hindi kami makagalaw sa kinatatayuan namin
20:08.0
halos tumagal ng ilang minuto
20:11.0
hanggang sa nawala na lamang ang nilalang na kawangis ko
20:17.0
nang patapos na ang ginagawa namin ay nagyayang magkapi si Jeron
20:21.0
at dito ay nagtanong siya sa akin ng
20:25.0
Paddy, nahiling mo ito?
20:29.0
Pre, nakita mo iyon?
20:33.0
tumangon ako sabay tingin sa kanya
20:36.0
na parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari
20:40.0
para bang namalikmata lamang kami pero
20:43.0
imposible gawa ng dalawa pa kaming nakakita noon
20:49.0
noon din ay sinabihan ako ng aking kasama na magingat kasi
20:53.0
dahil sa kasabihan na may masamang mangyari kapag nagpakita ang kawangis mo
20:59.0
kung hindi ako nagkakamali
21:02.0
eto ang tinatawag nilang doppelganger
21:05.0
nanalangin po ako ng mga oras na iyon na sana lang ay walang mangyaring masama
21:11.0
kinuwento namin sa foreman ko ang nangyari
21:14.0
at doon ay nagkwento siya tungkol sa dating operator na
21:18.0
pinalitan ko sa pwesto
21:21.0
kakapasok lamang umano ng taong ito
21:25.0
nakalimutan ko na yung pangalan nung pinalitan ko dahil sa hindi nabanggit ng aking foreman
21:30.0
at hindi rin kami nagpapangabot dahil siya nagresign ito kaagad
21:36.0
nagkataong panggabi din umano ito
21:39.0
nang biglang may nagpakita dito habang nasa kalagitaan ng trabaho niya
21:46.0
isang babaeng nakabaliktad mula sa bubong at sa bandang pwestong iyon
21:53.0
nakatitig ito sa kanya
21:56.0
mahaba ang buhok nitong nakalawlaw
22:00.0
at ang kabay nitong parang gusto o manong abutin yung trabahador na iyon
22:08.0
napatakbo ang taong ito
22:10.0
sabay nagpaalam sa foreman namin para umuwi at hindi namuling pumasok pa
22:18.0
sa kabuti ang palad ay wala namang nangyaring masama sa akin nun
22:22.0
pagkalipas ng mahigit isang taon
22:25.0
nagresign ako sa pabrikang pinapasukan ko dahil umuwi ako ng Bicol
22:31.0
nasa edad 27 anyos ako nang mangyaring ito
22:35.0
ang ipinagtataka ko lang
22:38.0
sa pagkakaalam ko ay hindi nagkakaroon ng multo sa isang lugar na maingay
22:44.0
maingay sa pwesto namin
22:46.0
tunog pa lang ng makinang ginagamit
22:51.0
dito na nagtatapos ang kwento ko Sir Seth
22:54.0
pasensya na kung hindi ganung nakakatakot
22:58.0
maraming salamat po