Close
 


HAUNTED NA TIRAHAN HORROR STORIES | True Ghost Stories | HILAKBOT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
HAUNTED NA TIRAHAN HORROR STORIES | True Ghost Stories | HILAKBOT TRUE GHOST STORIES 🔗 https://youtu.be/cnl0lTfVHg4 🔴 STORY SENDERS ► SOLID HTV+ LISTENERS Story shared via sindakstories2008@gmail.com 🔴 STORY EDITOR ► MARIA CLARA OZAWA 🔴 NARRATOR ► RED Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@SINDAKHorrorStories ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 🔴 SUPPORT THIS HORROR STORIES CHANNEL Patr
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 16:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Oras na naman na!
00:05.0
Hilakbot!
00:13.0
Itago niyo nalang po ako sa pangalang Jericho.
00:17.0
Nagsimula po akong makinig na mga horror stories sa Hilakbot TV noon.
00:22.0
At simula nga po na nag-work from home ay kasa-kasama ko na po.
00:26.0
Lalong-lalo na ang Hilakbot 24x7 at hanggang sa mapunta ko dito sa Sindak Short Stories.
00:34.0
Ikikwento ko lamang po ang aking karanasan noon ako ay nag-aaral pa sa isang sikat na college sa Palumpon, Leyte.
00:44.0
Hindi po talaga ako tiga doon.
00:47.0
Sa katunayan, nagtra-travel pa po ako mula sa bahay patungo po doon sa college school namin at 1 to 2 hours away pa po yun.
00:58.0
Kaya doon na ako nag-decide na mag-boarding house.
01:03.0
Hanggang sa ang napili ko pong gawing boarding house ay ang isang ancestral house na may malaking puno ng mangga sa gilid at talagang malapit lamang kasi ito sa eskwelahan.
01:17.0
Dati nga po, bago ako matulog ay nagpapatugtog muna ako ng paborito kong music.
01:24.0
Naka-folder lahat ng mga music ko doon base sa mga genre.
01:30.0
Gusto ko kasi na kung anong genre ang gusto kong marinig habang natutulog ay yun lang talaga yung maririnig ko hanggang sa magising ako.
01:38.0
At kumbaga hindi siya magmi-mixed up sa ibang mga kanta na naka-folder at nakasanayan ko na po yun.
01:48.0
Isang gabi nga sir Red, tinili kong makinig ng slow, sentiant blues na mga music para makatulog ako ng gusto.
01:57.0
Naging masarap naman talaga yung tulog ko nung gabing yun.
02:01.0
Pagsapit ng kinaumagahan, tinanong ako ng mga roommates ko kung bakit daw nagpaparty music ako ng madaling araw.
02:11.0
Natanong ko naman sila ng...
02:14.0
Ano? Party music? Slow music kaya yung piniplay ko last night?
02:20.0
Sabay check sa phone ko at sa blues folder lang talaga ang nakaplay.
02:25.0
Pagkatapos nun sir Red ay binaliwala ko na lamang at pumasok na ako sa eskwelahan.
02:31.0
Hanggang sa naging busy ang araw ko sa pag-aasikaso ng mga requirements ko para sa graduation.
02:39.0
Naglalakad lang ako pa uwi ng boarding house galing ng school dahil malapit lang naman ito.
02:46.0
Medyo madilim na rin nung oras na yun at normal lang naman talaga yun dahil ganoon naman talaga kahit nung mga nakaraang araw.
02:54.0
Pagdating ko sa boarding house ay nag-share yung roommate ko na itago na lamang natin sa pangalang Aaron.
03:02.0
Sabi niya, habang naliligo, tinatawag pa niya yung isa pa naming roommate na si Mike at nasa loob ng kwarto't nagbibihis.
03:13.0
Laking gulat niya raw nang pagpasok niya sa room namin ay wala naman doon si Mike.
03:19.0
Laking hilakbot din ni Aaron nang malamang maaga pala pumasok sa school ang tinatawag niyang roommate namin at wala na pala siyang ibang kasama sa boarding house ng oras na yun.
03:35.0
Kinabukasan, habang hindi pa nagsisimula ang klase ay tinanong din ako ng professor ko.
03:42.0
Sino daw yung lalaking nakaitimang damit na palaging nakasunod sa akin at nakikita daw nila ito kapag pumapasok ako sa boarding house?
03:54.0
Nagtaka naman si prof sa isinagot ko dahil sinabi kong mag-isa lang naman akong umuwi kahapon.
04:01.0
Ayon pa kay prof, hindi siya pwedeng magkamali sa nakita niya sapagkat parang anino nga daw talaga ang sumusunod-sunod sa akin.
04:19.0
Nasa ikaapat na baitang na ako nang mag-design ang pamilya ko na bumukod na mula sa aming lolo at lola sa Quezon City.
04:28.0
Nakatira kasi kami noon sa isang compound na pag-aari ng lolo o ng magulang ng daddy namin.
04:35.0
Nakahanap kasi sila ng bahay na mauupahan sa isang bayan sa Laguna na hindi naman kalayuan sa Maynila.
04:44.0
Mura at maganda pa ang lugar plus sariwa ang hangin.
04:50.0
In short, dito na po kaming lumaki ng aking kapatid.
04:54.0
Malapit sa aplaya ang bago naming tahanan. Ilang metro lamang ito sa lawa ng Laguna.
05:02.0
Merong garahe para sa isang sasakyan at maliit na hardin para sa mga bulaklak at ilang gulay na tanim ni mommy.
05:10.0
Sa likod bahay ang kusina na may bakod na kahoy na hindi lalampa sa tatlong talampakan.
05:16.0
Sa kabila lang ng bakod ang medyo malawak na sagingan na pag-aari naman ng may-ari ng bahay na aming inuupahan.
05:24.0
Kitang-kita ko ito sa tuwing magluluto sa likod bahay. May dalawang malalaking kwarto din sa taas.
05:32.0
Pag-akyat ay may pinto sa kaliwa na tanaw ang likod bahay at sagingan na siyang naging kwarto namin ang kapatid kong lalaki
05:39.0
kasama ang lola namin na nanay ni mommy na nananatili sa amin noon mula ng mga naksi mommy sa bunsong kapatid namin.
05:48.0
Ang isang kwarto naman ay ilang hakbang lamang. Tumbok na nga ang pinto pag-akyat mo ng hagdan.
05:56.0
Tanaw mula dito ang garahe at hardin na siya namang naging silid na mga magulang namin kasama ang bunso kong kapatid na babae.
06:03.0
Pagbaba naman ang hagdan, tapat naman nito ang pinto ng banyo.
06:09.0
Tahimik at matiwasay ang unang mga buwan namin. Hanggang sa isang araw ay dumating ang tito namin na isa sa mga kapatid na lalaki ni mommy.
06:20.0
Isa po siyang arkitek at may proyekto kasi sila sa kalapit bayan sa Laguna.
06:25.0
Para makatipid nga sa oras at pamasakit sa mga kapatid,
06:28.0
sa amin muna siya tumuloy.
06:31.0
Araw-araw nagigising siya ng alas 4 ng madaling araw para magluto ng almusal at maghanda para sa kanyang trabaho.
06:39.0
Pag-uwi naman niya, nagpupuyat siya para aralin at tapusin ang mga disenyo na kailangan niyang ayusin.
06:46.0
Pero isang umaga, nagising kami na siya ay natutulog pa din sa sala.
06:51.0
Pasado alas 5 na iyon.
06:54.0
Ginising siya ng lola namin at nakaramdam na mainit ito.
06:58.0
Inaapoy na pala ng lagnat at hindi daw niya kayang pumasok muna sa trabaho.
07:04.0
Tatlong araw na siyang nilalagnat pero walang makitang dahilan ng lagnat ang doktor kung saan namin siya ipinasuri.
07:12.0
Wala din siya.
07:14.0
Dito ngay naisipan ni lola na kailangan suubin ang tito namin.
07:20.0
Hindi manggagamot o albularyo ang lola, pero marunong siyang magsuub.
07:26.0
Hindi lang daw ito pang postpartum treatment na sinasabi nila.
07:31.0
Ginagamit din daw ang mga mga lab-test.
07:33.0
Pinaalis muna nila kaming mga bata doon sa bahay habang sinusuub niya ang tito namin.
07:39.0
Lumabas daw ang imahen ang isang babae at mga puno ng saging.
07:46.0
Lala na ngay naisipan ni lola na kailangan subin ang tito namin.
07:52.0
Hindi lang daw ito pang postpartum treatment na sinasabi nila.
07:57.0
Ginagamit din daw ito upang malaman at mapaalis ang kung ano manggagambala sa isang tao.
08:04.0
Natuwa daw ang babae sa kanya dahil sa kasipagang nakikita sa tito namin at nais lang daw nito na magpahinga ng ilang araw si tito.
08:15.0
Sa totoo lamang po sir Red, hindi ko na nalaman ang iba pang detalye kaugnay nito sapagkat ayaw nila kaming isaling magkakapatid sa usapan.
08:26.0
Pangmatanda lamang daw iyon.
08:28.0
Awa naman ng Diyos, gumaling ang tito namin at binigyan siya ng lola namin ng eskapular para hindi na ito maulit.
08:37.0
Ilang gabi ding nagtirik ang lola namin ng puting kandila sa likod bahay tuwing alas sa is at umuusal pa ng dasal.
08:45.0
Ilang araw matapos ang mga pangyayari, narinig kong kinausap ng lola ko ang may ari ng paupahan at sagingan sa likod namin.
08:55.0
Nandun na daw ang sagingan nung nabili nila ang lupain.
08:59.0
Nabanggit na rin ng mga karpentero nung tinatayo yung paupahan ang tungkol sa babae sa sagingan.
09:06.0
Hindi nila alam kung ito ba kaluluwa o elemento pero hindi naman daw ito nananakit ngunit madalas lamang nagmamasid.
09:25.0
This weekend lamang po nangyari ang bagay na ito.
09:31.0
Tatlong istorya po ang ibabahagi ko si Red pero kayo na pong bahala lalo ang inyong mga tigapakinig kung ako nga ba talaga ay lapitin ng mga hindi nakikita.
09:46.0
Ang una kong kwento ay naganap isang lunes ng hapon.
09:50.0
Inaantok ako nun pero hindi makatulog dahil ang iingay ng mga bata sa labas.
09:57.0
Kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng headset at nakinig na lamang sa kwento ninyo.
10:03.0
Palagi din po kasi ako nakikinig ng Hilakbo 24x7 at ng podcast.
10:08.0
Hanggang sa nakuha ko na ang antok ko nang bigla bigla si Red ay parang may kumalabit sa aking paa.
10:15.0
Nung una ay hindi ko pinansin pero ang bigat ng kamay niya.
10:20.0
Hanggang sa nakatulog na ako.
10:23.0
Nagising na lang ako nang nasa baba na ako ng double deck namin.
10:28.0
Sa second floor po kasi ako natulog noon at doon pa sa may papag.
10:34.0
Tatayo na sana ako pero hindi ko maigalaw ang aking katawan.
10:37.0
Katayo na sana ako pero hindi ko maigalaw ang aking katawan.
10:41.0
Kahit anong pilit ko na igalaw ay hindi ko talaga magalaw kahit na isang daliri o isang bahagi noon.
10:49.0
Walang nangyayari.
10:51.0
Napapagod lang ako.
10:53.0
Kaya ang ginawa ko ay nagbilang ako ng lima at binigla ko ang paggalaw.
10:59.0
Bigo ako.
11:01.0
Wala paring paggalaw sa aking katawan.
11:04.0
Habang pinipilit kong makabangon ay biglang may naaninagan ang aking mga mata.
11:10.0
May dumaang babae.
11:12.0
Mahaba kasi ang buhok niya at yung kurte ng kanyang katawan ay pang babae.
11:18.0
Nakita ko na lang na papalapit siya sa akin.
11:22.0
Doon ako nagdasal ng nagdasal pero feeling ko hindi ito tumatalab.
11:26.0
Sinasabayan pa kasi ako ng babaeng iyon hanggang sa may naramdaman akong umalog at doon na ako nagising.
11:34.0
Pawis na pawis at hingal na hingal ako.
11:37.0
Nakita ko na lamang yung tatlo kong pamangki na naglalaro sa papag.
11:42.0
Nagpasalamat tuloy ako sa kanila dahil nagising ako.
11:47.0
Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyayari sa akin.
11:56.0
Ito naman pong pangalawang kwento ay nangyayari naman sa 3rd floor sa may kwarto ni Namama.
12:03.0
Martes ito ng hapon.
12:06.0
Inaantok muli ako pero hindi na naman ako makatulog dahil sa mga bata.
12:11.0
Yung pag-iingay kasi nila ay parang may oras.
12:15.0
Talagang tuwing hapon.
12:17.0
So ang ginawa ko na naman ay kumuha ako ng headset.
12:20.0
Nagpatugtog naman ako ng mga nakakaantok na kanta hanggang sa nakatulogan ko na.
12:27.0
Nagising na lamang ako na nandun pa rin naman ako sa kwarto pero ang pinagkaiba nga lang magulo na.
12:36.0
Tatayo na sana ako pero hindi ako makagalaw at alam ko na naman na hindi ito normal.
12:43.0
Nangyayari na ito.
12:44.0
Habang pinipilit kong makagalaw na aninagan kong may naglalakad at ito rin na naman yung babae.
12:53.0
Hindi ko alam kung bakit ko siya nakikita sa tuwing naisleep paralysis ako.
12:58.0
Hindi ko alam kung may gusto yun sa akin o may nais ipahihwatig.
13:04.0
Papalapit na naman siya ng papalapit hanggang sa hahawakan na sana niya ako nang naramdaman ko lang na umaalog.
13:14.0
Nang magising ako nakita ko tuloy yung pinsan ko at inaaya na niya akong magworkout.
13:20.0
Pawis na pawis at hingal na hingal na naman ako nun.
13:29.0
Ang huling kwento ko naman po ay nangyayari sa second floor.
13:34.0
Gabi naman ito at matutulog na rin sana ako.
13:38.0
Hanggang sa nakuha ko ang antok ko ng ilang minuto matapos akong humiga at nakatulog na rin ako.
13:46.0
Pero naalimpungatan ako dahil ginigising ako ng pinsan ko.
13:52.0
Tatayo na sana ako pero hindi ko magawa.
13:56.0
Habang pinipilit kong tumayo ay tuloy pa rin ang paggising sa akin ng pinsan ko.
14:01.0
Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makabangon.
14:04.0
Hanggang sa biglang nagiba yung muka ng pinsan ko at ito na naman yung babaeng unang nagpakita sa dalawang beses na sleep paralysis ko.
14:17.0
Hindi ko talaga mawari kung ano ang gusto niya sa akin na kahit man tanungin ko siya sa aking bangungot ay hindi ko magawa dahil parang hindi ko maibuka ang aking bibig.
14:28.0
Habang pinipilit ko ngang makabangon kitang kita ko kung paano siya ngumiti sa akin.
14:34.0
Yung ngiti na hindi nakakaaliw kundi nakakatakot.
14:40.0
Abot hanggang tenga ang ngiti niyang iyon.
14:44.0
Sadyang nakakahilakbot.
14:47.0
Habang pinipilit kong gumalaw ay bigla na naman akong nakaramdam ng pag-alog at dun ako nagising at nakita ko na naman yung pinsan ko na nagmamadali dahil panalangin na.
14:59.0
Dumadalo kasi sila at hindi ko nalang din sinabi kung ano yung sinasabi kong dumadalo.
15:06.0
Tumayo na rin ako at nanalangin.
15:28.0
If you liked this scary story, hit like, leave a comment and share our episode in your social media.
15:46.0
Support our writer by following her on social media. Check the links in the description section.
15:52.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
16:01.0
Supportahan din ang ating mga brother channels ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
16:07.0
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for a weekly dose of strange facts and haunting histories.
16:12.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV positive!
16:23.0
Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ng ating bunsong channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories.
16:32.0
Subscribe na or else!
16:37.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakutan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
16:45.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!
16:52.0
Thank you for watching!