Close
 


Nasaan Ang Bangkay Ni Heneral Antonio Luna
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Isa siya sa pinakamatapang na heneral sa kasaysayan ng Pilipinas ngunit hindi nabigyang hustisya ang kanyang kamatayan. At sa kabila ng kanyang kabayanihan karumaldumal ang sinapit ng kanyang bangkay. Pero Ano nga ba ang nangyari at nasaan na nga ba ang bangkay ng magiting na Heneral? Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #philippines #history
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:34
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isa siya sa pinakamatapang na Heneral sa kasaysayan ng Pilipinas ngunit hindi nabigyang hustisya ang kanyang kamatayan.
00:07.0
Siya si Heneral Luna.
00:10.0
At sa kabila ng kanyang kabayanihan, karumaldumal ang sinapit ng kanyang bangkay.
00:15.0
Pero ano nga ba ang nangyari at nasaan na nga ba ang bangkay ng magiting na Heneral?
00:21.0
Bago natin alamin ay kailangan muna nating balikan kung sino siya at bakit siya pinatay.
00:27.0
Si Antonio Luna de San Pedro Inovisio.
00:31.0
Isang mestizo o may lahing Espanyol ay mula sa isang mayamang angkan na nagmula sa Badoc, Ilocos Norte.
00:38.0
Ngunit si Luna ay ipinanganak sa Binondo noong October 29, 1866.
00:44.0
Bundeso sa pito magkakapatid.
00:46.0
Sa edad na 15 ay nagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Ateneo na may highest honor.
00:52.0
Noong siya ay 19, habang nasa second year ng kanyang pag-aaral sa pharmacy, nanalo ang kanyang scientific paper.
00:59.0
Noong siya ay 21, nasa Spain na siya at nag-aaral ng pharmacy sa Barcelona.
01:04.0
Habang nagsusulat din sa La Solidaridad, sa ilalim ng pen name na Pag-a-ilo.
01:10.0
Kalaunan ay naging editor siya ng newspaper na La Independencia.
01:15.0
Magaling na fencer si Luna at isa ding sharpshooter.
01:19.0
Nabanggit nga sa pelikulang Heneral Luna na noon ay muntik na silang magbarilan ni Rizal dahil sa isang babae.
01:26.0
Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging matalinong scientist, si Antonio ay mainitin ang ulo at siga.
01:34.0
Minsan ay may isang manunulat na anti-Filipino na nagngangalang Mirdies na tinatawag ni Luna na Mierdas na kung itatranslate ay isang uri ng bad word.
01:45.0
Sa sobrang galit ni Luna dito ay sinundan niya ang manunulat hanggang sa isang cafe
01:50.0
at nang makaharap ito ay dinuraan niya sa mukha at pinagmumura.
01:55.0
Ang ugaling ito ni Luna ang maglalagay sa kanya sa panganib sa darating na Philippine-American War.
02:02.0
Ngunit bago naging Heneral noong Philippine-American War,
02:05.0
si Luna ang isa sa mga kumontra sa Katipunan at nagbunyag ng mga pangalan ng kaibigan niyang kasapi nito.
02:11.0
Ito ay dahil sa maigli niyang pasensya.
02:14.0
Hindi niya nakayanan ng pag-torture sa kanya ng mga Espanyol at nang sinabi din ng mga ito sa kanya na siya rin ay pinagkanuloo ng kanyang mga kasama sa rebeliyon.
02:23.0
Dahil dito, ipinatapon si Luna sa Spain at doon ay nahilig siya sa pag-aaral ng mga taktika sa pakikipagdigma.
02:31.0
Nanatili siya sa Europa hanggang sa narinig niya ang balita tungkol sa pagkatalo ng mga Espanyol sa mga Amerikano.
02:38.0
Bumalik siya sa Pilipinas at iprinisinta ang sarili kay Aguinaldo.
02:43.0
Ginawa siyang Brigadier General at Director of War ni Aguinaldo at kalaunan ay naging ganap na Heneral.
02:50.0
Ngunit, naging salungat sa intensyon ng mga ilustradong kaalyado ni Aguinaldo ang nais ni Luna.
02:57.0
Dumagdag pa sa hindi nila pagkakaintindihan ay ang kanyang mainiting ulo at maikiling pasensya.
03:03.0
Maraming naagrabyadong Heneral at sundalo si Luna.
03:07.0
Ito na ang nagtala sa kanya sa kanyang kamatayan.
03:11.0
Naghahapuna noon si Heneral Luna nang matanggap niya ang sulat mula kay President Aguinaldo.
03:17.0
Ayon sa telegrama ay may emergency conference sila sa Cabanatuan.
03:22.0
Kailangang pumunta agad ni Luna dahil ang pag-uusapan ay ang mga mahahalagang bagay na kanyang ipinalam sa Presidente.
03:29.0
Kaya naman, kasama ang 25 cavalrymen ay nagtungo si Luna sa Cabanatuan.
03:35.0
Ngunit dahil sira ang tulay papunta roon, iniwan ni Luna ang kanyang mga sundalo
03:40.0
at sinama na lang ang kanyang dalawang aide de camp na sina Paco Roman at Captain Eduardo Rusca.
03:46.0
Alas tres na ng hapon nang marating nila ang presidential resident sa Cabanatuan na isang kumbento.
03:53.0
Noong mga panahong iyon ay napapalibutan na ng mga sundalong tagakawid na may mga armas at bolo ang kumbento.
04:00.0
Sa may bungad ng kumbento ay sinalubong si Luna ng isang sundalo na dati na niyang sinabihang,
04:07.0
tuwang, sinigawan niya ito at tinanong kung sino ang nagbalik sa kanya sa servisyo.
04:12.0
Tinuro naman ng sundalo ang taas ng kumbento.
04:15.0
Dali-daling umakyat si Luna sa kumbento,
04:19.0
gulit sa daan pataas ay mayroon pa siyang sinigawang sundalo dahil sa hindi nito pagsaludo.
04:25.0
Sa taas ay natagpon niya ang brutal na kaaway na si Felipe Buen Camino.
04:31.0
Siya ang nagsabing umalis na si Aguinaldo Batungong Angeles.
04:35.0
Naugusan ang pasensya si Luna at pinagsisigawan si Buen Camino.
04:39.0
Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay may narinig na putok ng baril si Luna.
04:45.0
Bumaba siya upang tignan nito at dito na siya sinalubong ni Kapitan Hanolino,
04:51.0
ang sundalong may galit kay Luna dahil ipinahiya siya ng Heneral.
04:56.0
Nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa na nauwi sa pananaksak ni Hanolino kay Luna.
05:02.0
Naging signal ito sa mga sundalo sa paligid.
05:05.0
Ang buong sundalong mula sa kawit ay pinalibutan si Luna at tinatad ng saksak.
05:11.0
Pero kahit tuguan ay nakapaglakad pa si Luna at sumigaw ng,
05:15.0
MGA TRIDOR KAYO!
05:17.0
Ang dalawa niyang aide de camp pagkakita sa pangyayari ay agad na tumakbo papunta kay Luna.
05:23.0
Ngunit natamaan ng bala si Paco Roman na kanyang ikinamatay,
05:27.0
samantalang si Rusca ay nakatakbo sa simbahan habang may tama sa paa.
05:32.0
Walang nanagot sa pagkamatay ni Luna
05:35.0
at ang mga sundalong pumatay sa kanya ang mismong naglibing sa Heneral noong sumunod na araw.
05:41.0
Pero nasaan na nga ba ang bangkay ni Luna?
05:44.0
Katulad ng mga labi ni Andres Bonifacio,
05:46.0
naging palaisipan sa lahat kung nasaan na ang mga labi ni Heneral Luna.
05:50.0
Ayon sa newspaper column na isinulat ni Sir Ambeth Ocampo,
05:54.0
isang kilalang historian, ang mga sumusunod ang posibleng nangyari sa mga labi ni Antonio Luna.
06:00.0
Ayon kay Antonio Jimenez, isang residente mula Kabanatuan,
06:04.0
nakita niya kung saan inilibing ang Heneral kasama ang aide camp nito na si Paco Roman.
06:10.0
May dalawang libingan ang hinukay sa may bandang kanan malapit sa entrance ng sementeryo.
06:15.0
Ang kabaong ni Luna ay inilagay sa may libingan na malapit sa entrance.
06:20.0
Ang paa ng dalawang sundalo ay nakaturo sa timog.
06:23.0
Ito ang isinalaysay niya, ngunit hindi rin nagtagal dito ang bangkay ni Luna
06:28.0
dahil ayon kay Jimenez, taong 1902 o bandang 1903 ay inutusan siyang hukayin ang labi ni Luna.
06:35.0
Ang nahukayin ng mga buto ay inilagay niya sa isang box at ipinadala sa isang Jose Tombo,
06:41.0
kung saan pumagal ng isang buwan ang mga buto.
06:44.0
Sunod itong napadala kay Senyora Trinidad Tinio na siyang nagpadala kay Dr. Jose Luna, kapatid ni Antonio Luna.
06:52.0
Pagkatapos nito, saan na napunta ang buto?
06:55.0
Sinasabing nasa San Fernando La Union ito sa pangangalaga ng kanyang kapatid na si Joaquin Luna.
07:02.0
Nakatago daw ito sa ilalim ng kanyang higaan, ngunit kalaunan ay sinabing nasa Quiapo Church naman ito.
07:08.0
At may nakita ngang lapida dito na may mga pangalan, at kasama sa mga pangalan ay isang Antonio Luna Loviso.
07:17.0
Ayon kay Antonio Santiago, senior sexton ng Quiapo,
07:21.0
ang mga labi ay naka-arranged sa libingan depende sa pagkakasunod-sunod ng kanilang pangalan sa lapida.
07:27.0
Ngunit hindi alam kung nakumpirma ba ito o hindi.
07:31.0
Ang pagkahanap sa kanyang nawawalang bangkay ay makapagbibigay sana ng mas malinaw na dahilan sa kanyang paggamatay.
07:38.0
Maraming katanungan ang masasagot nito,
07:41.0
ngunit sa kasamaang palan hanggang ngayon ay hindi pa ito natatagpuan.
07:46.0
Ayon kay Nick Joaquin, isang Filipino National Artist,
07:50.0
si Luna ang isa sa mga nagnanais ng nagkaka-isang bansa at hindi katulad ng kanyang mga kasamahang ilustrado.
07:57.0
Hindi naging ambisyon ni Luna ang kapangyarihan.
08:00.0
Si Luna ay tinaguri ang henyo sa labanan at ang kanyang pagkamatay ay malaking kawalan sa revolusyon.
08:06.0
Ang mga planong inihayag niya kay Aguinaldo ay mga efektibong plano na kaya sanang maisa katuparan kung hindi siya pinatay at kinontra ng mga kapwa-ilustrado.
08:17.0
Upang lupus itong maitindihan, panoorin ang aming video tungkol kay Luna.