Close
 


ACTUAL VIDEO: Mga Barko Ng Pilipinas At US Nagsama Sa WPS, China Nagbabala Sa Pilipinas Dahil
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
here's the latest update about balikatan military exercises 2023. joint forces of U.S and Philippines #militaryexercises #westphilippinesea #china
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 08:43
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Breaking News
00:07.5
Nag-iwan ng babala ang China sa Pilipinas sa isyo tungkol sa Taiwan at sa mga EDCA sites sa bansa.
00:14.3
Ayaw umano ng China ng gulo pero hindi nila isasantabi ang posibilidad ng paggamit ng puwersang militar.
00:22.1
Nagsama-sama naman ang mga barko ng US at Pilipinas sa palawan para sa isang pagsasanay.
00:28.7
Yan ang mga bagong aalamin natin ngayon at para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig ng mabuti.
00:41.0
Inihayag ng Naval Forces West na ang mga barko ng Pilipinas at Amerika na kalahok sa balikatan exercises ngayong taon
00:49.0
ay pumasok na sa Joint Operational Area ng Puerto Princesa Palawan Base Western Command.
00:55.8
Kinilala ang mga barkong ito bilang Missile Frigate ng Philippine Navy na BRP Jose Rizal, Landing Deck BRP Tarlac at USS Mackin Island ng US Navy.
01:07.8
Ang USS Mackin Island ay isang amphibious assault ship aircraft carrier.
01:12.8
Meron itong karagang mga AV-8 Harrier F-35 Lightning II Stealth Strike Fighter, Viper Attack Helicopter,
01:20.6
V-22 Osprey, Super Stallion Helicopter, Venom Helicopter at nakabase ito sa San Diego, California.
01:28.9
Sinabi sa isang payag ni Naval Forces West Commander Allan Javier na ang nasabing mga sasakyang pangdagat ay magkikita sa paligid ng Durhaman Island
01:38.6
at magsasagawa ng mga pagsasanay sa komunikasyon habang ito ay nasa ruta para sa amphibious raid sa dalampasigan ng barangay sa Marinyana, lalawigan ng Palawan,
01:49.9
bago umalis ang mga barko ay nagpresenta ng kanikanilang mga briefing at nagsagawa ng tabletop exercise, dagdag ni Javier.
01:58.9
Sa mayigit 17,000 na pinagsamang tropa mula sa Armed Forces of the Philippines at Militar ng US,
02:05.4
magkakaroon ng apat na malalaking kaganapan ang balikatan exercise ngayong taon.
02:10.9
Ito ay ang tinatawag na Command Post Exercise, Cyber Defense Exercise, Field Training Exercise at Humanitarian Civic Assistance.
02:20.9
Nauna ng sinabi ni AFP Chief Andres Centino na ang balikatan exercises sa taong ito ay napapanahon dahil mabilis na sinubaybayan ang pagpapahusay ng mga kakayahan para sa maritime security at domain awareness.
02:35.4
Gayun din ang konsepto sa pagtatrabaho ng mga bagong nakuhang kagamitan at sistema ng armas sa ilalim ng programang modernasasyon at aplikasyon ng mga bagong nabuong doktrina
02:47.9
na ang layunin ay magpakita ng isang kapanipaniwalang postura ng depensa.
02:53.4
Ang mga kalahok na pwersa ay magpapahusay sa kanilang magkasanib na kakayahan sa maritime security,
03:00.9
amphibious operation, live fire exercise, urban operation, aviation operation, counterterrorism, humanitarian assistance at disaster response.
03:12.9
Kasama rin sa pagsasanay ang Joint Logistic Over the Shore o GLOTS.
03:18.4
Ang mga pagsasanay sa GLOTS ay ang pagpapakita ng kanilang mga kakayahan sa pag-offload at backload ng mga kargamento ng US at amphibious bulk liquid transfer system.
03:30.9
Ilipat ang mga mission essential cargos mula sa dagat patungo sa baybayin kapag ang mga port facility ay hindi na magagamit, nasira o dahil sa mga aktividad o kalamidad mula sa pagbomba ng kaaway.
04:18.9
Nag-iwa naman ng babalaang China sa Pilipinas pagdating sa isyo ng Taiwan at karagdagang EDCA sites sa bansa.
04:26.4
Git ng China malinaw sa kanila ang tunay na intensyon ng Estados Unidos pagdating sa mga lokasyon ng mga bagong EDCA sites.
04:35.4
Sa isang pahayag ni Chinese Ambassador Huang Ziliang sinabi nito na ayaw nila ng gulo sa Taiwan Strait pero hindi nila isasantabi ang posibilidad ng paggamit ng pwersa.
04:47.4
Sinabi rin nito na kung totoong nagmamalasakit ng Pilipinas sa mga OFW sa Taiwan, dapat daw tutulan ng Pilipinas ang kasalinlan ng Taiwan sa halip na anyay palakihin ang apoy doon.
05:17.4
Yan ang payo ng China sa gitna ng pahintulot ng Pilipinas na makagamit ng karagdagang pasilidad ang Amerika sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
05:37.4
Ang usapin ng China at Taiwan ay hindi dapat anya pakialaman ng ibang mga bansa. Dagdag pa nito ay ginagamit lang daw ng Amerika ang Pilipinas para sa kanilang sariling enteres.
05:50.4
Ayon sa ambasador ng China, wala dapat umanong makialam sa isyo sa Taiwan dahil isa itong internal na problema.
05:58.4
Bagamat matagal ng may sariling gobyerno ang Taiwan at matagal na itong binuboto ng mga Taiwanese, itinuturing ng China na isang rebeldeng probinsya ang Taiwan.
06:09.4
Sinabi ng China na ang mga bagong EDCA site sa bansa ay magpapalala ng umanos sa tensyon sa rehyon.
06:16.4
Bagamat China ang may gusto ng gulo sa Taiwan Strait, ay hindi anya isasantabin ng kanilang bansa na gumamit ng dahas.
06:29.4
... Oppose Taiwan independence rather than stoking the fire by offering the US access to the military bases near the Taiwan Strait if you care about the 150,000 overseas foreign workers."
06:47.4
Dati nang sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga EDCA sites ay hindi gagamitin sa mga opensiba
06:53.4
pero ibang usapan na daw kung mayroong mga bansang magtatangkang atakihin ang Pilipinas.
06:59.4
Planong atakihin ng China ang Taiwan at dahil sa mga EDCA sites sa Pilipinas ay mahihirapan sila.
07:06.4
Ang ilang mga base ng militar kasi nito kung saan isa sa mga aatake sa Taiwan ay nasa South China Sea kung saan nakaharap naman doon ang isang site ng US.
07:17.4
At ang ibang mga sites naman ng US ay mahigit 400 nautical miles lang ang lahayo sa Taiwan at hindi rang kalayuan sa China.
07:26.4
Kaya't ikinagalit ng China ang pagpayar ng Pilipinas sa mga pasilidad ng US.
07:33.4
Kung walang EDCA sites malapit sa West Philippine Sea, magagawa ng China ang mga gusto nito,
07:39.4
patuloy na bubulihin ang Pilipinas, makakagawa ng artificial island at makapagtayo ng mga base ng militar nito.
07:48.4
May mga ilan pa rin sa Pilipino na tutol sa mga EDCA sites sa bansa dahil madadamay daw ang Pilipinas o gagawing battleground.
07:57.4
So ano nga ba ang dapat gawin ng Pilipinas upang huwag madamay?
08:01.4
Magpapabuli na lang ba? Hayaan na lang nasa kupin ng China ang mga isla at di makapangisda ang mga Pilipino sa lugar?
08:09.4
Hindi takot ang China sa militar ng Pilipinas dahil alam kasi nito na kulang sa kagamitan ng Pilipinas.
08:16.4
Pero ngayong dumating na ang US upang depensahan ang bansa laban sa panghaharas nito sa Philippine Coast Guard at sa mga mangingisda sa West Philippine Sea,
08:26.4
sinabi naman ng China na isa daw itong provokasyon.
08:30.4
At bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang reaksyon mo?
08:35.4
E-commento lamang po ang inyong mga sagot sa ibaba at huwag kalimutang pidutin ang like at mag-subscribe.