Close
 


LIYAH | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg Papa Dudut Stories Horror Music used : " The House" composed and produced by "Vivek Abhishek" Music link : https://youtu.be/2Do5iRAhbtg SUBSCRIBE us on YOUTUBE: https://youtu.be/DQQmmCl8crQ Follow on Facebook: https://bit.ly/33RWRtP Follow on Instagram: https://bit.ly/2ImU2JV FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 47:27
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Tunay na isa sa hindi makakalimutang memories natin ay noong tayo ay nag-aaral at naging isang estudyante.
00:09.4
Ang eskwelahan ay naging pangalawang tahanan natin at malaki ang naging ambag nito sa paghubog sa ating kung ano tayo ngayon.
00:17.0
Ang mga experience natin sa school ay napakasarap balikan lalo na kung ito ay isang masaya at nakakatawang memory.
00:25.6
Ngunit hindi lahat ng memory ay meron ang iba sa atin sa school ay masaya dahil meron ding puno ng kababalaghan.
00:34.4
Dear Papa Dudut, Hello po sa inyo at sana po ay nasa mabuti kang kalagayan sa oras na natanggap mo ang aking sulat.
00:42.8
Gusto ko kasing magbahagi ng sarili kong kwento na kapag naalala ko ay hindi ko maiwasan ang hindi kilabutan.
00:51.4
Kahit nangyari pa ito nung ako ay high school at ngayon ay 31 years old na ako, ay malinaw pa rin ang lahat.
00:59.4
Itago mo na lamang ako sa pangalang Leah.
01:03.8
Isa sa mga parte ng aking pagiging teenager ang pinakagusto ko ay ang aking high school life.
01:11.8
Doon kasi ay marami akong memories na talagang hindi ko makakalimutan.
01:17.9
Lalo na ang mga kulita namin na mga naging kaibigan ko noon.
01:23.0
Nang iba ay nakakausap ko pa rin hanggang sa ngayon.
01:27.8
High school din ako nang magkaroon ako ng first boyfriend, Papa Dudut.
01:33.4
Secret pa nga yun sa family ko kasi bawal pa akong mag-boyfriend kasi wala pa raw akong 18.
01:41.9
Pero dahil sa matigas ang ulo ko at crush ko rin kasi ang naging first jowa ko ay Pinochco na Papa Dudut.
01:50.6
Nalaman din naman yun ng parents ko at naggalit sila sa akin.
01:55.7
Sinabi sa akin ni Nanay na kapag hindi ko tinigilan ng pakikipag-boyfriend ko,
02:01.8
ay pahihintoy nila ako sa pag-aaral.
02:05.4
Siyempre ayokong mangyari yun kaya nakipag-break ako sa jowa ko noon.
02:10.9
Anyway, hindi naman love story ang ikikwento ko kaya stop na sa boyfriend-boyfriend na yan.
02:17.4
Nakikwento ko lang yun kasi natuwa ako nang maalala ko ang mga nangyari sa akin noong ako ay high school.
02:24.7
Fourth year high school ako nang kinailangan kong lumipat ng school
02:30.0
dahil nadestino si Tatay sa ibang lugar.
02:33.5
E si Nanay ay may trust issue kay Tatay dahil isang beses nang nahuli ni Nanay si Tatay na may ibang babae.
02:41.6
Kaya kung nasaan si Tatay ay nandoon din dapat kami.
02:46.8
Dahil feeling ni Nanay ay hindi na magkakaroon ng lakas ng loobang Tatay ko
02:52.7
na magloko kung kasama niya kaming lahat.
02:57.0
Kung ako ang masusunod ay ayokong umalis sa dati kong skwalahan.
03:02.0
Marami na kasi akong friends doon at gusto ko na doon na rin ako grumadway.
03:07.4
Isa pa kapag bago ka sa school ay panibagong pag-a-adjust na naman
03:12.4
at panibagong pakikipagkaibigan.
03:16.1
Nakakastres din yung walang kausap sa first day of school
03:20.1
pero wala rin akong choice noon
03:22.8
kundi ang sumunod sa gusto ng parents namin.
03:27.0
Sa unang araw ko sa bago kong school ay dalawa kaming transferee at babae din siya kagaya ko.
03:33.8
Tahimik kami ng una at parang walang gustong lumapit sa amin para i-welcome kami.
03:39.3
Kaya ang ginawa ko ay ako na ang lumapit sa isa pang transferee para makipagkilala.
03:46.4
Ang pangalan niya ay Melanie.
03:49.0
Kami ang naging magkaibigan papa Dudut.
03:51.7
Nagustuhan ko kasi ang pagiging tahimik niya.
03:56.0
Kapag may ibang tao pero nagiging maingay na kapag kaming dalawa na lamang.
04:02.4
One week na kaming magkaibigan at palaging magkasabay kumain sa kantin tuwing recess.
04:09.7
Nang ininvite niya ako sa bahay nila.
04:13.3
Meron kasi kaming assignment na hindi niya maintindihan kaya gusto niya naturoan ko siya.
04:18.6
Nilang friends na kami ni Melanie ay pumayag ako pero dumaan muna kami sa bahay namin para magpaalam sa nanay ko.
04:28.5
Pumayag naman si nanay dahil hindi rin ganong kalayo ang bahay ni Melanie sa bahay namin.
04:35.3
Habang nasasala kami ni Melanie sa kanilang bahay at abala sa paggawa ng assignment,
04:41.4
ay lumapit ang isa niyang kapatid na lalaki na bata pa.
04:44.8
Siguro ay 8 years old lamang siya.
04:48.7
Tinanong niya si Melanie kung may nakita na ba itong multo sa bago nitong school.
04:53.9
Napansin ko na pinalakihan ni Melanie ng mata ang kapatid niya at pinaalis niya ito.
04:59.4
Isunumbong pa ni Melanie ang kapatid niya sa nanay niya kaya pinapasok muna yung batang kapatid niya sa kwarto.
05:08.3
Bakit ka tinanong ng ganun ang kapatid mo?
05:10.9
Nakakakita ka ba ng multo?
05:13.5
Curious kong tanong kay Melanie.
05:17.1
Hindi ah.
05:18.9
Wala kong ganun kakaihan.
05:21.0
Kinakwentohan ko kasi yun palagi ng nakakatakot kaya akala yata ay meron akong third eye.
05:27.6
Tugon sa akin ni Melanie.
05:30.8
Pinaniwalaan ko ang sinabi ni Melanie papa dudot.
05:34.6
Sa kafeeling ko ng time na yon ay hindi ko nang magpapasok muna.
05:38.0
Isang araw ay nagkaroon kami ng vacant dahil hindi nakapasok yung isa naming teacher para sa isang subject.
05:44.8
At normal na siguro na kapag walang teacher ay masayang-masaya ang mga estudyante.
05:51.5
Kanya-kanya kami ng mga umpukan at nakisaleng kami ni Melanie sa umpukan
05:57.6
ng mga kaklase namin na nagkawekwentuhan ang kataat nakutatakot.
06:01.6
Ang naging topic nila ay mga kwentong katatakutan sa aming school.
06:07.8
Syempre dahil sa wala kaming kwentong ganun ni Melanie dahil sa bago pa lamang kami sa school na yon,
06:14.0
ay nakinig lamang kami papa dudot.
06:18.4
May kanya-kanyang kwento ang mga kaklase namin pero ang iba ay halos puro.
06:23.6
At may mga kaklase namin na nagkawekwentuhan ng kataat nakutatakot.
06:27.6
May kanya-kanyang kwento ang mga kaklase namin pero ang iba ay halos puro kalokohan lamang.
06:33.3
Pero may isang kwento ang class president namin na talagang nagbigay sakin ng kilabot.
06:40.8
Kayong dalawa Melanie at Leah,
06:43.2
bago lang kayo rito sa school kaya mabuti na alam niyo na
06:46.3
na kailangan ay magingat kayo doon sa CR ng mga babae.
06:50.4
At huwag kayong magpapaabot ng gabi sa CR na yon.
06:53.5
Ang sabi sa amin ni Aileen, ang aming class president.
06:58.0
Iisa lang ang CR para sa mga babae sa school na yon, papa dudot.
07:02.8
Pero malaki naman kahit papaano.
07:06.7
Meron yung sampung cubicle isang beses pa lamang ako
07:10.8
na nakakapunta doon noong time na nagkwekwentuhan kami ng mga kaklase ko.
07:17.6
Bakit anong meron sa CR na yon?
07:20.3
Ang nagtatakakong tanong.
07:23.3
Merong nagmumulto sa CR for girls.
07:27.2
Maraming nang naka-experience ng nakakatakot sa CR na yon.
07:32.0
Kaya magingat kayong dalawa.
07:34.0
Bago pa naman kayo dito.
07:36.4
Baka sa inyo magpakita o magparamdam.
07:39.2
Parang nananakot na sabi pa ni Aileen.
07:43.5
Sinabi sa amin ni Aileen na merong pinatay na teacher sa CR na yon
07:47.4
kaya dapat ay magingat kami.
07:51.0
Matagal na raw nangyari ang krimen na yon,
07:52.8
papa dudot baka ang araw hindi pa kami pinapanganak.
07:56.8
Isang dalagang guro raw ang nag-CR doon ang gabi na.
08:01.5
Sira daw ang banyo sa may faculty room
08:04.2
kaya napilitan ng guro na gamitin ang CR parang sa mga babaeng estudyante.
08:10.0
May tinapos pa raw kasi itong gawin sa skwelahan
08:12.8
kaya kahit ganong oras ay naroon pa ito.
08:16.9
Habang nasa CR daw ang guro ay pumasok doon ang isang janitor
08:20.4
na matagal nang may gusto sa magandang teacher.
08:23.9
Pinagsamantalahan daw ng janitor ang guro at dahil sa takot
08:29.4
na baka magsumbong ang guro ay pinatay pa ito ng janitor
08:32.7
pagkatapos gawa ng kahalayan.
08:36.1
Ulit-ulit daw na inumpog ng janitor ang ulo ng guro sa gilid ng toilet bowl
08:42.1
hanggang sa bawian na ito ng buhay.
08:46.9
Dahil sa wala pang CCTV sa labas ng CR
08:50.2
ay hindi agad nahuli kung sino ang gumawa ng krimen na iyon.
08:55.6
Makalipas ang isang linggo matapos mamatay ng guro sa CR
08:59.1
ay natagpuan naman ang janitor sa CR din ayon
09:03.1
na wala ng buhay.
09:06.0
Uminom pala ito ng lason at may iniwan itong sulat na hinamin ito
09:10.9
na ito ang pumatay sa guro at hindi nakinaya ng konsensya niya
09:15.2
kaya mas pinili nitong kitliin ng sariling buhay.
09:18.8
Simularang doon ay naging madalas na ang pagpaparamdam sa banyo na iyon para sa mga babae.
09:25.3
Ang sabi pa ng iba naming kaklase ay maraming estudyante ang nagsasabi
09:30.9
na nakakarinig sila ng babaeng umiiyak sa isa sa mga cubicle.
09:36.4
Meron din daw sinapian doon at bigla na lamang nagwala.
09:41.3
Nagpakilala pangaraw ang sinapian sa pangala ng janitor
09:45.5
kaya marami ang naniniwala na hindi na umalis ang kaliluan ng guro at janitor sa CR na iyon
09:51.5
kaya tinawag nila iyon na Hunted CR.
09:55.4
Habang kinekwento iyon ni Aileen sa amin ay naiimagine ko na ang nangyari
09:58.8
at hindi lang awa ang naramdaman ko
10:01.9
kundi takot na rin papadudot.
10:05.3
Totoo man o hindi ang kwento ni Aileen ay parang babala na rin iyon
10:09.0
na palagi tayong mag-iingat dahil hindi natutunan sa mga babae
10:13.2
palagi tayong mag-iingat dahil hindi natin alam
10:16.9
kung sino sa mga taong nakakasalamuhan natin
10:20.5
ang may hindi magandang binabalak na gawin sa atin.
10:25.3
Naging paranoid tuloy ako pagkatapos kong marinig ang kwento ni Aileen
10:31.1
hindi dahil sa CR kundi sa mga tao na nasa paligid ko.
10:36.7
Sa tingin mo eh totoo kaya yung kwento ni Aileen tungkol sa CR for Girls?
10:41.6
Tanong ko kay Melanie habang naglalakad na kami pa uwi mula sa school.
10:46.8
Feeling ko totoo.
10:49.1
Diba kasi ang pakiramdam ko nung isang beses na nagpunta ko sa CR na yon?
10:54.0
Ang bigat sa pakiramdam?
10:56.3
Ang turan pa ni Melanie.
10:59.6
Teka, akala ko ba hindi ka nakakakita ng multo?
11:03.8
Tanong ko.
11:06.1
Inamin na rin sa akin ni Melanie
11:08.0
na nakakakita siya ng multo pero mas madalas
11:12.0
na makaramdam lamang.
11:14.3
Hindi niya nang sinasabi sa akin ng totoo kasi baka mawirduhan ako sa kanya lalo na
11:19.6
at kakikilala pa lamang naming dalawa.
11:23.9
Ayaw niya rao na mawala ng kaibigan dahil sa kakaibang kakayahan na yon papadudod.
11:31.2
Bakit naman kita lalayuan dahil lang dun?
11:34.0
Ang cool nga eh, meron akong kaibigan na may third eye
11:37.8
ang nakangiti kong sabi kay Melanie.
11:41.2
Para siguro sa iyo cool
11:43.6
pero para sa akin, hindi.
11:47.5
Ang hirap kaya na gusto kong maging normal ang araw ko tapos biglang may magpapakita sa akin na kaluluwa.
11:54.3
Bata pa lang ako eh, meron na ako nito.
11:57.3
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay.
12:00.1
Ang turan ni Melanie.
12:02.8
Nakuha ko ang point ni Melanie papadudod.
12:06.0
Ang hirap nga siguro na nakakakita ka ng multo.
12:10.1
Nakakakilabot din siguro yung kakausapin ka pa ng mga ito at magpapatulong kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula.
12:18.7
Pero ang sabi ni Melanie ay wala pa naman siyang experience na kinausap siya ng isang kaluluwa.
12:26.1
Anggat maaari rao kapag may nakita o naramdaman siyang multo
12:30.6
ay hindi niya pinapaalam sa mga multo
12:33.9
na meron siyang third eye
12:37.6
at makagambalain siya ng mga ito.
12:41.0
Lalo na yung kailangan ng tulong
12:43.9
o naghahanap ng hustisya sa pagkamatay nila.
12:47.2
Kaya kung siya raw ang papipiliin ay mas gusto niya na wala siyang ganong kakayahan.
12:54.4
Sinabi sa akin ni Melanie na hanggat kaya ko ay huwag ako magpupunta sa CR para sa mga babae sa school.
13:01.3
O kung hindi ko maiwasan ay huwag ako magtatagal doon at huwag din ang gabi at mag-isa ako.
13:08.2
Gaya ng sinabi niya ay iba talaga ang pakiramdam niya sa CR na yon sa school at baka may mangyari sa amin na hindi maganda
13:15.4
kapag nandon kami ng madalas.
13:18.0
Kaya medyo naniniwala rao siya sa kwento ni Aileen tungkol sa lugar na yon sa aming school.
13:24.0
Ngunit hindi siya sigurado kung ganun ba talaga ang eksaktong nangyari.
13:29.3
Huwag ko nalang daw sabihin kina Aileen at sa kahit na sinong kaklase namin ang kakaiba niyang kakayahan
13:36.4
dahil iniiwasan niya na maging iba ang tingin sa kanya ng lahat.
13:40.9
So baka yun pa ang pagsimulan para mabuli siya.
13:44.8
Ganun daw kasi ang nangyari sa dati niyang skwelahan.
13:48.6
Nang malama na bukasang third eye niya ay binuli siya at nawalan pa siya ng mga kaibigan.
13:54.4
Nung unang beses daw na pumasok si Melanie sa CR na yon ay parang medyo madilim ang paligid.
14:00.4
Huwag pa yon sa mabigat na pakiramdam na nafee feel niya.
14:05.0
Sa totoo lang ay mahirap na hindi magpunta sa CR na yon paapadudud.
14:09.3
Yun lang kasi ang nag-iisang CR para sa mga babae at para na rin sa lahat ng estudyante sa school na yon.
14:16.8
Siyempre bago umuwi ng bahay ay yon ang madalasit ang bayan ng mga estudyante mabae para mag-freshen up.
14:24.1
Mahirap din naman na magpigil ng ihi at baka magkasakit pa kami sa bato.
14:28.8
Iniisip ko rin na basta hindi gabi o kaya ay hindi ako mag-isa kapag nagpunta ako ng CR for Girls
14:35.2
ay walang masamang mangyayari sakin
14:37.9
at hindi magpapakita sakin yung kanuluwa
14:41.1
ng babae at janitor.
14:44.5
Kakatapos lang namin noon na kumain sa kantin ng lunch ni Melanie.
14:50.2
Napasarap ang kain ko dahil sa dalang ulam ni Melanie na ginataang langka.
14:55.7
Eh bihira akong makakain noon tapos favorite ko pa.
14:59.9
Hindi kasi kagaya ni nana ay ang mama ni Melanie na magaling magluto.
15:04.4
Sinanay kasi ay marunong lamang at mga simpleng luto ang ulam na alam.
15:10.8
Busog na busog tuloy ako tapos naparami rin ang paginom ko ng tubig.
15:16.4
Kaya naman habang nasa gitna na kami ng klase ay nakaramdam ako na kailangan ko ng umihi.
15:22.4
Nagpaalam ako sa teacher namin na magpupunta sa CR at pinayaga naman niya ako.
15:28.4
Ma'am, pwede ko po bang isama si Melanie?
15:32.0
Tanong ko sa aming guro.
15:34.8
Ang totoo ay natatakot ako na magpunta sa CR ng mag-isa dahil sa kwento ni Aileen
15:40.0
at sa sinabi na rin ni Melanie.
15:43.8
Leah, hindi pwede.
15:46.7
Baka mamaya hindi naman sa CR ang punta ninyo at sa kantin.
15:50.2
Alam ko na yung mga ginagawa ninyo.
15:52.5
Kaya dalawa-dalawa kayong magpunta ng CR.
15:55.7
Ang sabi ng teacher namin.
15:59.0
Wala na ako nagawa kundi ang magpunta sa CR ng mag-isa.
16:02.6
Magpaso ko ay hindi ako natakot dahil may dalawang istudyante
16:06.4
sa loob na naghuhugas ng kamay sa lababo na nasa harapan ng malaking salamin.
16:13.2
Nagmamadali akong pumasok sa pinakaunang cubicle pero hindi ako tumuloy
16:18.3
dahil sobrang dumi ng bawl.
16:20.9
Kaya sa pangalawang cubicle ako nakapuesto.
16:24.5
Habang umiihi ako ay narinig ko pa ang tubig sa gripo kaya alam ko
16:29.1
na hindi pa ako nag-iisa sa CR.
16:32.0
Ngunit nang mawala ng tunog ng tubig na lumabas sa gripo ay nakaramdam na ako ng takot.
16:38.7
Lalo na nang marinig ko ang yabag ng sapatos ng dalawang babae na lumalabas ng CR.
16:45.7
Ang tagal ko pa namang umihi dahil sa damin ng nainom kong tubig kanina.
16:50.8
Talagang grabe ang pagsisisi ko kung bakit uminom ako ng marami.
16:55.6
Napilitan tuloy ako na gumamit ng CR sa school nayon papadudut.
17:01.9
Nang matapos na ako sa pag-ihi at nakatayo na ako ay narinig ko ang paglagaslas ng tubig mula sa gripo.
17:10.2
Nawala ulit ang takot ko kasi meron na akong kasama at hindi na ako nag-iisa.
17:17.6
Kampante akong lumabas ng cubicle pero gano'n na lamang ang takot ko nang makita ko
17:23.5
na walang tao sa CR pero nakabukas yung isang gripo.
17:28.0
Ang akala ko pa naman ay may pumasok na tao papadudut pero mukhang bumukas ng mag-isa ang gripo.
17:35.6
Sa sobrang takot ko ay hindi ko na naisipan pa na patayin yung gripo at tumakbo na ako palabas ng CR.
17:42.0
Grabe ang hingal ko nang makabalik ako sa classroom.
17:46.5
Nakita ko si Melanie na nagtatakas sa itsura ko nang bumalik ako sa aming room.
17:51.3
Pagkalis ng teacher namin ay doon na niya, ako kinausap.
17:54.6
Bakit parang takot na takot ka kanina pagbalik mo?
18:01.6
May nangyari ba sa CR? ang tanong ni Melanie sa akin.
18:07.2
Yung isang gripo, bumukas kahit na walang tao.
18:11.5
Hindi ko lang sure kung may nagbibiro ba sa akin o talagang gawain ang isa sa mga multon na naroon.
18:17.6
Natatakot kong tugon.
18:20.4
Sorry kung hindi kita nasamahan kanina ha.
18:23.6
Hindi naman kasi pumayag si mami.
18:25.8
Ang sabi ni Melanie.
18:28.6
Okay lang naintindihan ko.
18:30.9
Pero hinding hindi na talaga ako papasok sa CR na yun nang ako lang mag-isa.
18:35.2
Bahala nang pumutok ang pantog ko.
18:37.6
Ang napapailingkong wika.
18:40.9
Sa nangyari na yun ay talagang naniwala na ako na merong something sa CR for Girls sa school papadudut.
18:48.0
Minsan nga ay inaaya ko si Melanie na magpunta kami ng CR para malaman niya kung nandun pa rin yung kalaluan ng teacher at janitor doon.
18:56.9
Sabi ko ay baka magpakita sa kanya tapos ay i-describe niya sa akin ng itsura.
19:01.9
Para na rin malaman namin kung totoo ba ang kwento ni Aileen.
19:06.3
Malay ba namin na meron talaga doong multo pero iba naman pala at hindi talaga teacher at janitor.
19:13.9
Ngunit ayaw pumayag ni Melanie sa gusto kong ipagawa sa kanya.
19:18.7
Hindi kasi siya marunong magpaalis ng multo o kaluluwa kaya delikado.
19:23.9
Baka kapag nalaman ang mga kaluluwa na nasa CR na nakakakita si Melanie ay hindi na siya tigilan ng mga yon.
19:32.8
Hindi ko alam papadudut.
19:35.8
Pero kahit natatakot ako sa mga multo ay curious pa rin ako sa kung ano nga ba talaga ang itsura nila.
19:43.6
Kagaya ba sila nang ipinakita sa movies at TV na nakakatakot ang itsura?
19:49.6
O kagaya lang din natin sila na normal na mga tao?
19:54.4
Pagkakataon ko na sana dahil meron akong kaibigan na kagaya ni Melanie kaya nga lang ay hindi ko naman siya pwedeng pinitin kung ayaw niya.
20:03.0
Baka maging reason pa yon para magalit siya sa akin at masira ang aming pagkakaibigan na nagsisimula pa lamang.
20:11.8
Hanggat maaari ay hindi na ako nagpupunta nang ako lamang mag-isa sa CR papadudut.
20:18.7
Dapat ay meron akong kasama nasasamahan ako sa loob hanggang sa makalabas.
20:24.4
Ayaw ko naman nang mangyari yung biglang bumukas ang gripo.
20:28.7
Tao man o multo, ang gumagawa noon ay nakakatakot pa rin para sakin papadudut.
20:34.7
Isang hapon ay nakita naman namin sina Aileen at nag-uumpukan sa classroom.
20:41.7
Wala pa kasi ang teacher namin para sa next subject kaya kanya-kanya na naman ang ginagawa ang mga kaklasi namin.
20:49.8
Nagkakwentuhan sila tungkol sa CR for girls.
20:53.6
Ang sabi ni Aileen ay may isang 2nd year high school ang pinakitaan ng gurong pinatay sa CR.
20:59.6
May kasama naman daw ang estudyante nang pumasok sa banyo kaya nagtataka sila kung bakit nagpakita pa rin sa estudyante yung multo ng teacher.
21:08.9
Abang nakaupo rao sa toilet bowl, yung babae ay nakita nito, sa itaas yung pinatay na guro na nakasilip dito.
21:18.4
Kahit na hindi pangaraw tapos ito, sa ginagawa ay napatayo na at napatakbo palabas ng cubicle.
21:25.8
Kawawa rao yung babae nakakita sa multo kasi dalawang araw nang hindi makapasok kasi nilalagnat at parang ayaw nang bumalik sa school na yon sa sobrang takot.
21:36.8
Ayon pa kay Aileen ay last week lang yun nangyari.
21:41.3
Totoo ba yan? Bakit wala kami nabalitaan na may ganyang nangyari? Ang turan ko kay Aileen.
21:48.0
Siyempre, pag tatakpan niyo ng school, hindi nila hahayaan na malaman natin kasi baka umalis tayong lahat dito sa sobrang takot.
21:58.8
Saka parang binayarad din yung estudyante na yon at yung kasama niya para hindi na magsalita pa ang wika pa ni Aileen.
22:07.9
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Aileen o hindi, Papa Dudot.
22:12.4
Alam ko at naniniwala ako na may something talaga sa CR na yon pero ang kwento ni Aileen ay medyo nakapagdududa.
22:22.8
Naging instant investigador tuloy kami ni Melanie.
22:26.4
Pintahan namin ang apat na classroom ng mga 2nd year high school at tinanong namin sa mga naroon kung meron ba silang kaklase na absent dahil sa nilalagnat.
22:37.0
Meron ba silang kaklase na absent dahil sa nilalagnat?
22:41.4
Meron daw absent pero hindi sila sure kung absent ang mga ito dahil sa merong lagnat.
22:47.6
Wala rin kaming napalan ni Melanie sa ginawa namin yon dahil wala rin kaming nakuhang impormasyon.
22:54.9
Mas mabuti siguro na huwag na lang tayong maniniwala sa mga kwento ni Aileen tungkol sa CR kasi mas lalo lang tayong matatakot sa gestion pa ni Melanie.
23:05.9
Oo nga parang gumagawa na lang si Aileen ang kwento para matakot tayo pagsangayon ko.
23:13.9
Ang importante ay alam natin na merong multo sa CR kaya dapat tayo magingat sa lugar na yon ang sabi pa ni Melanie.
23:22.5
Dahil sa inisip namin ni Melanie na hindi totoo ang huling kwento ni Aileen ay inisip namin na safe pa rin na magpunta sa CR for girls basta meron kaming kasama.
23:33.6
Kaya sa tuwing isa sa amin ni Melanie ang kailangan na magpunta sa CR ay sinasamahan ng isa.
23:40.6
Ganon ang ginawa namin at wala naman kaming naging problema.
23:45.2
Hindi rin sinasabi sa akin ni Melanie kung meron ba siyang nakikita o nararamdaman kapag dandong kami dahil matatakot lamang daw ako.
23:54.5
Mas mabuti daw na wala akong alam.
23:57.7
Pero kuminsan ay pinipilit ko pa rin siya ang sabihin at sinabi niya na may nakikita siyang babae na nakasuot ng teacher's uniform.
24:07.3
Palagi raw itong nakatayo sa may pinakadulong cubicle.
24:11.8
Malungkot ang mukha ng babaeng teacher na parang nais nitong may makausap.
24:16.4
Ramdam daw niya kaya hindi ito pinapansin ni Melanie at baka raw kapag nalaman.
24:21.6
Nang kaluluwang yon, ang kakayahan niya ay natatakot siya na hindi na siya nito tigilan.
24:28.0
So totoo pala na merong kaluluwan ng isang babaeng teacher sa CR na yon?
24:32.5
Ang namamangha kong sabi kay Melanie,
24:35.7
Oo meron talaga.
24:38.3
Yung sa janitor ang hindi ako sure kasi hindi ko siya nararamdaman dito.
24:43.9
Pero malay mo sa mga susunod na punta natin sa CR ay magpakita na sa iyo yung janitor ang turan ko.
24:50.9
Leah, sa totoo lang ay ayaw ko nang nakakakita ng mga gano'n.
24:56.8
Feeling ko ay nangihina ako na hindi ko maintindihan.
25:02.6
Saka kapag sobrang negative ng emotion ang isang janitor,
25:06.8
Ito ay mas mabigat sa pakiramdam yun.
25:09.2
Sinabi ko lang sa iyo ang nakita ko kasi alam ko kung gaano mo gusto makakita ng multo kahit matatakotin ka.
25:17.2
Pabirong sabi pa ni Melanie.
25:19.4
Medyo nahiya ako kay Melanie dahil sa sinabi niya ngayon papadudod.
25:24.8
Nang malaman ko na sobra pala siya ng mga isang dito na maaari na ako.
25:30.9
Nang malaman ko na sobra pala siya ng mga isang dito na maaari na ako.
25:34.0
Nang malaman ko na sobra pala siya ng mga isang dito na maaari na ako.
25:39.6
na kakakita siya ng multo ay naawa naman ako sakadya.
25:42.3
kaya pala kapag napunta kami sa CR ay parang nanghihina siya paglabas namin.
25:48.2
Simula noon ay hindi ko na muling kinunid pa si Melani na magpunta kami sa CR for Girls para lang makakita siya ng multo.
25:57.1
Inalayo na rin namin ang sarili namin kay Aileen dahil sa naging madalas na ang pagkakwento niya ng kanyang kwentong katatakutan doon sa CR.
26:07.7
Bahala ng iba kung maniniwala sila kay Aileen basta kami ni Melani ay hindi na.
26:14.0
Sa loob ng dalawang buwan na magkakilala kami ni Melani ay mas lumaling ang aming pagkakaibigan.
26:22.2
Naging komportable na kami sa isa't isa at naiintindihan ko na rin ang kanyang kakayahan.
26:29.3
Dati ay gusto kong nakakakita siya ng multo.
26:33.0
Nang nagtagal ay hindi na.
26:35.2
Ako na nga lang ang nagiiwas sa kanya sa mga lugar na sa tingin ko ay merong kaluluwa.
26:44.5
Pero isang araw malungkot na nagpaalam sa akin si Melani na kailangan na niyang umalis sa school.
26:51.4
Dahil sauuwi na sila ng pamilya niya sa probinsya.
26:56.2
May sakit pala ang lola niya at natatakot sila na mawala ito nang hindi nila nakakasama.
27:03.2
Naunawaan naman ang paralan ng kalagayan ni Melani kaya pinayagan pa rin po itong mag-transfer.
27:09.2
Sobra kong nalungkot noon papadudut.
27:12.8
Kung sino pa kasi yung nagiisakong kaibigan sa school ay mapapalayo pa sa akin.
27:19.3
Tapos medyo malayo pa yung probinsya ni na Melani kaya hindi kami basta makakapagkita kahit pa bakasyon.
27:27.3
And expect ko na rin kasi na sabay kami gagraduate ni Melani sa isang school kaya ganon ako kalungkot.
27:34.1
Nang malaman ko ang paglipat ng kaibigan ko ng paaralan.
27:38.8
Tinapos lang ni Melani ang first grading at umalis na rin siya.
27:42.8
Grabe ang iniyako sa last day niya sa aming school.
27:47.0
Gusto ko pa nga sana siyang ihatid kahit sa may bus station pero hindi kaya dahil madaling araw ang oras ng kanilang pag-alis.
27:56.6
Simula ng umalis ni Melani ay naging mapag-isa ako sa school.
28:00.8
Kahit anong pilit ko kasi na makipag-friends sa iba ay hindi ko kaya kasi si Melani lamang ang gusto kong kaibigan.
28:09.2
Para sa akin kahit isa lang siya na kaibigan ko ay sapat na yun sa akin papadudut.
28:17.2
Mabuti na lamang at may cellphone na ng panahon na yun kaya nakakapag-text at nakakapag-tawagan kami.
28:24.4
Hindi nga lang palagi kasi wala akong sariling cellphone noon at nakikigamit lamang ako sa kapatid kong babae na isang college student.
28:33.6
Halos dalawang linggo rin ang tinagal bago ko nakamove on na hindi ko na talagang kaklase ang kaibigan kong si Melani.
28:43.1
Sabi rin kasi ni Melani ay dapat masanay kami dahil wala pa kaming kontrol sa mga nangyayari.
28:50.4
Kapag daw nakatapos na kami ng pag-aaral at nagtatrabaho na ay pipiliin niya na magtrabaho ng malapit sa akin para magkakasama pa rin kami dalawa.
29:01.3
Isa pang sinabi sa akin ni Melani ay mag-iingat ako sa CR para sa mga babae sa school.
29:07.6
Alam ko naman daw ang gagawin ko para hindi ako mapahamak kapag kailangan kong magpunta doon.
29:15.2
Dahil sa wala na si Melani ay wala na rin akong palaging mahila kapag kailangan kong magpunta sa CR sa school.
29:23.0
Palagi ko rin sinisigurado na may kasabay ako sa CR na yon kapag papasok ako.
29:28.8
Syempre naniniwala ako sa mga sinasabi sa akin ni Melani tungkol sa nakikita niya roon dati.
29:34.8
Nagkaroon kami ng camping at ginanap yon sa mismong school.
29:38.5
Malawa kasi ang school ground kaya magandang magtayo ng tent.
29:42.3
Isang gabi lang naman ang camping at sinakto na Saturday night para makapagpahinga lahat ng sasali bago maglunes.
29:50.4
Isa ko sa sumama sa section namin dahil hindi pa ako nakaka-experience na mag-camping sa school papadudut.
29:58.1
Nagkataon din na ang kasama ko sa tent ay ang advisor namin na itatago ko na lamang sa pangalang Ma'am Elsa
30:06.6
at ang dalawakong kaklase na babae.
30:10.6
Pagkabina noon at kami lang dalawa ni Ma'am Elsa ang nagsiset up ng tent.
30:16.0
Yung dalawa namin kasama ay sumama sa mga grupo ng estudyante at guro na nangunguhan ng mga kahoy para sa bonfire kapag madilim na.
30:26.0
Tinanong ko si Ma'am Elsa kung gaano na siya katagal na nagtuturo sa school na yon.
30:32.0
Ayon sa kanya ay 12 years na rin.
30:34.9
Dalaga pa siya ay doon na siya nagtuturo.
30:38.3
Nang malamang ko na matagal na siyang guro sa school na yon ay naisipan kong itanong sa kanyang tungkol doon sa mga multo sa CR para sa mga babae.
30:48.7
Ma'am Elsa, may question po ako sa inyo.
30:53.4
Totoo po ba na merong hinalay doon sa CR for girls tapos pinatay?
30:58.0
Janitor daw po ang may gawa?
31:00.4
Tanong ko sa advisor namin.
31:03.6
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang sagot sa tanong mo Leah.
31:07.6
Narinig ko na rin ng kwentong yan at sabi ay sobrang tagal na niyang nangyari.
31:12.7
Yung mga gurong pwede na naabutan ng pangyayaring yan ay wala na rito kaya walang makakapagpatunay
31:20.6
Kung totoo ba ang nangyari o hindi?
31:24.0
Tugon ni Ma'am Elsa Papadudut
31:27.6
Bakit may nagpakita ba sa iyo ng kaluluwa sa CR ng babae?
31:32.0
Dugtong natulong pa niya sa akin.
31:35.5
Hindi po ako nakakita yung friend ko po na lumipat na ng school, si Melanie po ma'am, ang sabi ko.
31:43.0
Yung kwento ng kababalaghan sa CR na yan ang pinapaniwalaan ko.
31:49.6
Pero hindi naman lahat.
31:51.8
Yung iba kasi parang masabing kulang sila ay gumagawa ng kwento.
31:56.4
Sambit ni Ma'am Elsa.
31:59.3
Inamin sa akin ni Ma'am Elsa na may naging experience din siya sa tinagariang Haunted CR sa paaralang yon.
32:06.7
Seven araw noon ng gabi ay nasa school pa sila ng co-teacher niya dahil gumagamit sila ng kompyuter para itaib ang mga exam,
32:14.5
para sa periodical exam.
32:16.8
Daraw na lamang daw sila na nasa faculty room ng time na yon, Papadudut.
32:22.0
Nagpaalam ang kasama niya ang guru na gagamit ng CR at masakit pala ang tiyan nito.
32:28.4
Sakto na habang nasa loob ito ng CR ng faculty ay nakaramdam din si Ma'am Elsa ng kailangan niyang gumamit ng banyo.
32:36.5
Ang pwede nalang niyang banyo na gamitin ay yung para sa mga estudyante.
32:40.8
Aware na si Ma'am Elsa sa kwento tungkol sa Haunted CR pero
32:44.7
ng time na yon ay hindi pa siya naniniwala.
32:47.4
Ang dahilan niya ay hindi totoo ang mga multo dahil
32:50.4
kung totoo dapat ay nakakita na siya.
32:54.1
Nagpunta si Ma'am Elsa ng mag-isa sa Girls CR.
32:58.1
Wala raw siyang takot na nararamdaman kahit na wala siyang kasama.
33:03.0
Ang pinakahuling cubicle ang pinasuka niya.
33:07.0
After niya ay naghugas na siya ng kamay sa may lababo.
33:11.6
Habang naghugas siya ng kamay ay may narinig daw siyang umiiyak na babae.
33:17.4
Nung una ay hindi niya pinansin kasi ang akala niya ay merong pusa sa labas.
33:22.8
Pero nang masiguro niya na iyak talaga yun ang babae ay doon na siya natigilan.
33:27.7
Nanggagaling daw ang iyak sa isa sa mga cubicle.
33:31.0
Inisa-isa niyang i-check ang cubicle pero wala raw siyang nakitang babaeng umiiyak papadudut.
33:37.5
Doon na raw siya nakaramdam ng kakaiba kasi ayaw pa rin huminto ng naririnig niyang iyak ng babae.
33:44.2
Kinilabutan na raw siya ng sobra kaya napatakbo na siya.
33:48.8
Panabas ng CR at hindi pa siya nakakalayo ay narinig ba niya ang malakas
33:55.2
na pagsarado ng mga cubicle ng CR na yon.
33:59.6
Hindi lang yun ang naging experience ni Ma'am Elsa sa kinakatakutang banyo.
34:05.0
Umaga naman daw na mangyari yun.
34:08.1
Nagkaklase siya ng isang babae niyang istudyante ang nagpaalam na pupunta sa CR.
34:14.1
Pinayagan niya ito pero nagpasama pa ito sa dalawa pa nitong kaklase ng mga babae rin.
34:20.2
Ayaw daw sanang payaga ni Ma'am Elsa dahil baka hindi naman talaga magpupunta sa CR.
34:26.2
Pero naawan na rin siya at baka naman talagang magsis-CR ang tatlo.
34:30.4
Pero halos kalahating oras na raw ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik ang tatlo.
34:35.5
Kaya nag-decide si Ma'am Elsa na i-check ang mga ito sa CR.
34:40.9
Hindi nakita ni Ma'am Elsa ang tatlong istudyante sa CR.
34:44.8
Palis na sana siya nang may narinig siyang nag-flash ng toilet sa pinakadulong cubicle.
34:51.5
Naisip niya na wala siyang makikitang nakakatakot sa lugar na yon dahil umaga naman.
34:56.8
Kaya walang takot na pinuntahan niyang cubicle sa dulo papadudut.
35:03.2
Bago pa raw niya yung katukin ay nag-flash ulit kaya naisip niya na naroon ang isa sa mga istudyante niyang nagpaalam sa kanya
35:12.4
na magpupunta ng banyo.
35:15.3
Pero nang katukin daw ni Ma'am Elsa ang pinto ng cubicle ay bumukas yon.
35:21.1
Dahil hindi pala nakalak, nakita niya na walang tao sa loob ng cubicle.
35:28.0
Nagtaasa ng balahibo niya sa sobrang kilabot
35:31.5
at kahit na hindi pa niya nakikita ang tatlong istudyante niya ay bumalik na siya sa classroom.
35:37.2
Dati raw ay hindi talaga siya naniniwala sa mga kwentong katatakotan sa banyo na yon sa school.
35:45.9
Kailangan pala raw muna na siya mismo ang maka-experience bago siya maniwala.
35:51.9
Bago matapos ang kwentuhan namin ni Ma'am Elsa ay nilinaw niya ng kwento na may pinatay na guru sa CR na yon ay hindi siya sigurado kung totoo
36:02.3
ngunit ang mga nagpaparamdam ng kaluluwa sa lugar na yon ang talagang pinapaniwalaan niya.
36:11.6
Naging ok naman ang aming camping at sobra ko nag-enjoy noong nag-bonfire na kami.
36:17.2
Nagkwentuhan kasi kami about sa life.
36:19.6
Naging open forum yon at mas nakilala ko pa ang mga kaklasiko dahil sa activity na yon.
36:26.3
Ngunit ng lights out na at oras na ng pagtulog ay parang biro na nakaramdam ako ng tawag ng kaligasan.
36:35.6
Hindi na ako nahiyang gisingin sa Ma'am Elsa at nakiusap ako sa kanya na baka pwede niya akong samahan sa CR sa faculty room.
36:43.0
Nakulia, sarado ang faculty room ngayon.
36:47.0
Nakakahiya kung gigisingin pa natin yung teacher na may hawak ng susi, ang sabi sa akin ni Ma'am Elsa.
36:54.0
E di ma'am wala akong choice kundi gamitin yung haunted CR, ang kinakabahangkong wika.
37:00.9
Nagpresenta si Ma'am Elsa na samahan ako kasi gagamit din pala siya ng CR.
37:05.9
Nagpasalamat ako kay Ma'am Elsa kasi akala ko talaga ay mag-isa akong magpumunta sa haunted CR Papadudut.
37:13.3
Bago kami pumasok sa CR ay nagdasal muna kami ng dalawa.
37:18.0
Umingi kami ng gabay at proteksyon sa Diyos.
37:21.3
Pagkasabay kami pumasok sa CR at ang dalawang nasa unahan na cubicle ang tigisang ginamit namin ni Ma'am Elsa.
37:30.3
Nagkwekwentuhan pa kami ng dalawa para kahit mapaano ay mawala ang takot namin.
37:36.2
Kuro mga nakakatawa ang ikinagkwento ni Ma'am Elsa.
37:40.3
Pero hindi pa rin mawala sa utak ko ang mga kwentong narinig ko tungkol sa CR na yon Papadudut.
37:47.5
Maya maya habang nagsasalita si Ma'am Elsa sa katabing cubicle ay may napansin akong anino na parang naglalakad-lakad pabalik-balik sa tapat ng cubicle ko.
38:00.3
May space kasi yung ilalim ng pinto mula sa sahig kaya kapag may naglalakad sa harapan ng cubicle ay makikita ko ang anino noon Papadudut.
38:09.6
Hindi ako nakagalaw sa sobrang takot. Alam ko kasi na hindi yon si Ma'am Elsa dahil nasa kamilang cubicle siya.
38:20.2
Hindi rin pwedeng may pumasok na tao dahil mainga yung pinto ng CR at dapat ay narinig namin na bumukas yon pero wala Papadudut.
38:30.9
Ma'am, may tao po yata. May nakikita po kong anino na dumadaan sa harapan ng cubicle ko.
38:39.0
Ikaw po ba meron ding nakikita? Pinilit kong makapagsalita kahit natatakot ako ng time na yon.
38:47.2
Wala akong nakikita pero relax ka lang, nandito lang ako. Bilisan mo na lang tapos sabay tayong lalabas ng cubicle at ng CR, okay?
38:56.5
Mahinahong sabi ni Ma'am Elsa.
39:00.1
Ramdam ko na pinipilit lang din ni Ma'am Elsa ang maging mahinahon at matapang ng time na yon pero ang totoo ay kagaya ko rin siya na natatakot.
39:12.0
Tinapos na namin ni Ma'am Elsa ang business namin sa CR at sabay kaming lumabas ng cubicle.
39:18.0
Nagmamadali kaming maghugas ng kamay at nang palabas na sana kami ng banyo ay napasigaw si Ma'am Elsa na parang may nakita siya na hindi ko nakita.
39:27.5
Nagtaka ako kasi nakita ko kung gaano siya katakot habang nakatingin sa pinto.
39:33.2
Paulit-ulit kong tinatanong si Ma'am kung may nakita ba siyang kung ano pero ang sabi niya lang ay umalis na kami sa lugar na yon.
39:42.0
Inawakan ni Ma'am ang kamay ko at halos hilahin na niya ako palayo sa haunted CR papadudut.
39:49.1
Nang makalayo na kami sa CR ay tinanong ko ulit si Ma'am kung meron ba siyang nakita kaya siya sumisigaw.
39:57.2
Ang sabi sa akin ni Ma'am Elsa kaya siya napasigaw sa takot ay dahil nang palabas na kami ng banyo ay meron siyang nakitang anino ng isang lalaki na mabilis na dumaan sa harapan ng pintuan.
40:10.8
Akala niya rin kung ano ang mangyayari sa aming dalawa at naisip niya na baka hindi na kami makalabas ng buhay ng banyo.
40:19.5
Sinabihan ako ni Ma'am Elsa na huwag nang ikwento ang nangyayari sa ibang tao dahil baka raw kasi hindi rin ako paniwalaan lalo na at may namamahala sa school
40:30.2
na hindi na gugustuhan kapag meron nagpapakalat ng nakakatakot na kwento tungkol sa Haunted CR.
40:37.4
Nakuha ko ang point ni Ma'am Elsa pero ikinuwento ko pa rin ang nangyayari kay Melanie nang magkausap kami sa cellphone.
40:46.0
Nagpasalamat siya sa Diyos kasi yun lang ang nangyayari sakin.
40:49.9
Dapat daw ay hindi na lamang ako nagpunta sa CR ng ganung oras kahit pa meron akong kasama.
40:56.4
Isa pa sa hindi ko makakalimutang pangyayari na na-experience ko sa Haunted CR nayon ay noong kakatapos lang namin ng PE.
41:07.1
Nagpaunahan kami sa pagtakbo ng mga kaklasiko kaya pagod na pagod kaming lahat.
41:12.8
Dahil sa pawisan kami ay nagpunta kami ng CR at wala akong takot noon kasi marami kami
41:18.6
at naisip ko na kung sakaling may multong magpapakita o magpaparamdam ay hindi ako gaano matatakot kasi nga ay marami kami.
41:28.0
Nakapila kami sa dalawang lababo na naroon para maghilamos.
41:32.4
Ang iba ay may kanya-kanyang pwesto sa cubicle.
41:35.6
Maingay ang ilan kaya naging parang palengke ang banyo.
41:40.2
Turn ko na sa lababo at naghilamos ako.
41:43.5
Nang biglang may malakas na sumigaw.
41:46.6
Nagkagulo at nagkatakbuhan paano ay lumabas mula sa huling cubicle ang isa naming kaklasi na babae
41:53.3
na nanlilisik ang mga mata habang walang tigil ang kanyang pag-iyak.
41:58.3
Sigaw siya ng sigaw papadudut.
42:01.3
Bakit daw walang tumulong sa kanya.
42:04.3
Tapos bigla siyang papalahaw ng sobrang lakas.
42:08.8
Ang sumubok na lumapit sa kanya ay sinasaktan lang ng kaklasi namin.
42:15.2
May narinig ako na sinasapian daw ang kaklasi namin.
42:19.5
Tinawag ng ibang aming advisor at dumating naman siya.
42:23.8
Agad kasama ang dalawang guro na lalaki.
42:27.8
Pinagtulong nga nilang madala sa klinik ang kaklasi naming iyon.
42:31.2
Hindi na nga lang namin alaman kung paano ba.
42:34.5
Napaalis yung sumapi sa kanya kasi mahigpit na pinagbawalang kami na sumunod.
42:40.9
Sa kanang maipasok yung kaklasi namin sa klinik ay sinarado nilang pinto at bintana.
42:47.6
After three days ay pumasok na ulit sa school ang kaklasi namin na pinaghinalaan na sinapian.
42:54.9
Normal na ulit siya at ayon sa kanya ay walang siyang naalala sa mga nangyari.
43:01.2
Sa takot ko na baka magaya ako sa kaklasi kong iyon, ay hindi na talaga ako nagpunta pa sa CR na iyon papadudud.
43:10.8
Maraming pagkakataon na tinities ko na lamang ang tawag ng kalikasan at sa bahay ko na lamang nilalabas ang lahat.
43:18.9
Nakasurvive naman ako ng ganon ang aking ginagawa, nakagraduate ako sa school na iyon nang walang masamang nangyari sa akin.
43:27.8
Pagkatapos ng college ay bumalik na sa lugar na iyon si Melanie para magtrabaho.
43:33.2
Namatay na pala ang lola niya.
43:35.5
Siya lang ang umalis sa kanila at naiwanan doon ang buong pamilya niya.
43:40.8
Gusto naman daw niyang tuparin ang pinangako namin sa isa't isa na kapag nagkatrabaho kami ay umalapit lang kami sa isa't isa.
43:49.3
Para madali lang kaming magkikita kapag gusto namin.
43:53.9
Until now ay friends pa rin po kami ni Melanie Papadudud.
43:58.5
Naikasal na siya last year at buntis na siya ngayon.
44:01.2
Siyempre hindi pwedeng hindi ako ninang ng first baby niya dahil ako ang best friend niya.
44:07.6
Nung huling beses kung tinanong si Melanie kung open pa ba ang third eye niya ay inamin niya sa akin na mahigit tatlong taon na siyang hindi nakakaramdam at nakakakita ng multo.
44:18.3
Masiya siya kasi sa wakas ay parang nawala na ang kakayahan niya ngayon na hindi niya ginusto.
44:25.0
Thank you pala ulit sa pagbabasa ng aking sulat papadudud isang malaking karangalan para sakin na ang favorite DJ ko ang nagbasa ng aking kwento ng katatakutan.
44:36.7
Lobos na nagmamahal, Leah
44:40.8
Walang masama kung maniniwala tayo sa mga kwento o kasabihan, lalo na kung malagay sa kapahamakan ng ating buhay kapag ginawa natin ang isang bagay o pinuntahan ang isang lugar.
44:53.0
Palagi rin tayong mag-iingat kahit nasaan tayo.
44:57.0
Noon pa man at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang masasamaang loob na tila walang mga puso.
45:05.4
Kung gumawa ng kasamaan sa kapwa, maging mapagmatsyag tayo palagi sa ating paligid lalo na kung nasa isang lugar tayo na alam nating delikado.
45:16.4
Ngunit mas mabuti kung mawawala na ng tuluyan ang mga taong halangang kalua.
45:22.4
Wala na sigurong matatakot na maglakad ng mag-isa sa dilim kapag iyon ay nangyari.
45:28.0
At wala na rin sigurong lugar na magiging kanlunga ng mga kaluluwang naging bigdima ng mga galitong klase ng tao.
45:36.5
Hanggang sumuli ako po ang inyong si Papa Dudut, maraming salamat po sa inyong lahat.
45:57.6
Kung may karamay ka at mga problemang kaibigan, dito ay pakikinggan ka.
46:18.3
Sa Papa Dudut Stories, kami ay iyong kasama.
46:30.6
Dito sa Papa Dudut Stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
46:41.1
Dito sa Papa Dudut Stories, may nagmamahal sa'yo.
46:53.6
Papa Dudut Stories
47:01.6
Papa Dudut Stories
47:08.6
Papa Dudut Stories
47:23.1
Papa Dudut Stories


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.