Close
 


part 2 LABOR GROUP NA SUPPORTERS NI PRES. MARCOS JR., PINASISIBAK SI VIC RODRIGUEZ! (LAPID FIRE)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
part 2 LABOR GROUP NA SUPPORTERS NI PRES. MARCOS JR., PINASISIBAK SI VIC RODRIGUEZ! (LAPID FIRE)
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 22:49
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito namang isang grupo, malaking grupo ito, coalition ito ng mga manggagawa, labor groups, na tumulong, ito'y tumulong sa kampanya
00:26.0
nitong si President Marcos Jr. Pero sila ngayon ay nagpa-plano na magsagawa ng kilos protesta, mga kaibigan,
00:41.0
laban kay Executive Secretary Vic Rodriguez sa harap po ng katakotakot na kontrobersya na kinakaharap nitong dadalawang buwan na administration ngayon.
00:58.0
Ayon dito sa leader na si Terry Caterio Tuazon, siya po ang Pangulo ng Alliance of Progressive Organizations or APO,
01:15.0
e sinabi niya na itong sunod-sunod na naglilitawang eskandalo na umano ay naguugnay sa tanggapan ni Rodriguez ay nagdadala na ng pagdududah sa reputasyon
01:39.0
nitong si Rodriguez at pati na sa kanyang abilidad na tumulong sa Presidente na lutasin ang mga problema ng bansa,
01:56.0
specifically lalo naan niya itong paglutas sa talamak na korupsyon at appointment o pagtatalaga ng mga incompetent, mga walang kakayahan, mga inutil sa pamahalaan.
02:21.0
Yan ang sabi nitong organisasyong ito na tumulong kay Marcos mga kaibigan noong siya'y kumampanya.
02:32.0
Ang sabi nila, the controversies o ang mga kontrobersya at eskandalo na kumukulapol dito po sa unang buwan ng administrasyon ay masyadong hindi katanggap-tanggap
02:55.0
at maliwanag na pagtataksil sa tiwala ng publiko. Mga kaibigan, kakampi nila itong nagsasalita, hindi nila kalaban ito.
03:09.0
Ang tinutukoy niya ay itong mga naging papel o ang papel nitong si Rodriguez sa umano ay mga appointment. Kabilang na dyan itong si Christopher Pastrana na ini-appoint bilang General Manager ng Philippine Ports Authority.
03:37.0
Ito raw appointment ni Pastrana ay binawi ni BBM dahil po sa nakaka-alarmang conflict of interest.
03:55.0
Mga kaibigan, siguro may negosyo siyang mapapaboran ng Philippine Ports Authority kung siya na ang uupong opisyal. Pero binawi ito, itong appointment na ito.
04:11.0
Ang nagpa-appoint, tinuturo dito si Rodriguez. Ang kanyang kamay, siya nasa likod ng appointment nito. Ayun dito sa labor leader na veterano sa maraming protesta, mga rally, mga kaibigan.
04:37.0
Tinutukoy niya na itong posibling papel na naging papel ni Rodriguez sa pagkakatalaga rin dito kay Rafael Lotilla bilang Energy Secretary.
04:59.0
Si Lotilla ay napaulat na nakauporin bilang independent director ng Aboitiz Power Corporation. Konektado pala siya roon.
05:15.0
At ang kanyang designation sa DOE bilang kalihim, mga kaibigan, ay lumalabag sa provision ng Republic Act 7638 o tinatawag na DOE,
05:39.0
Department of Energy Act of 1992 na ipinagbabawal ang sino man na mamuno sa Energy Department kung sila ay nanggaling sa alinmang kumpanya na nag-uugnay sa kaparehong industriya.
06:07.0
Makatuwid, kung galing ka sa pribadong sektor, pagkatapos Aboitiz, pagkatapos i-appoint ka sa Department of Energy, conflict of interest yun, mga kaibigan.
06:25.0
Sa pagkat meron kang mga mapapaboran kung ikaw na kalihim ng departamentong yan, mga kaibigan.
06:35.0
Si Tuazon, itong labor leader, mga kaibigan, na presidente rin ng Philippine Association of Pre-Labor Union o PAFLU.
06:47.0
Matagal ng labor organization ito, mga kaibigan.
06:51.0
Piniliwanag niya na meron mga malisyosong report tulad ng extortion, pangungotong, pangingikil, tangkang pangingikil laban sa isang nominee sa Land Transportation Office, pinaka mataas na posisyon dyan.
07:21.0
At sa sugar importation piasko, are greatly affecting the moral, nakaka-apekto na sa moralidad ng mga diehard Marcos supporters na tulad nila.
07:39.0
At kinagalit nila ang mga kontrobersyang ito. At nananawagan kay President Marcos na agarang palitan na itong si Rodriguez ng isang merong napatunayang track record.
08:03.0
Mga kaibigan, yan ang talagang basihan. Okay naman, nanalo ka na. Ang hindi makamove on sila, itong mga tao niya, itong mga pulgas, at saka yung mga insekto, yung mga disposable ang utak, na troll.
08:29.0
Totoo itong sinasabi ko sa inyo. Ang gumagawa niyan, yung mga nakadikit kay Isko, kasi inihahanda nila yan, ikakampanya nila pagka malapit ng mag-isang taon si Isko Moreno para manawagan kay Kwan, kung hindi babagsak, within one year.
08:56.0
Ito kasing mga troll na ito na inilipat dito sa pangkat ni Isko Moreno, ito yung mga anti-Marcos, sila yung mga bumabanat sa social media kay Marcos hanggang ngayon.
09:13.0
Yung grupo ni Moka Uson, mga kaibigan, na dinalaron. Nagpunta sila kay Isko before election. Katunayan, yan si Moka Uson ay kumandidatong party list yan. Tumakbo na naman. Sumapi na naman sa party list, mga kaibigan.
09:37.0
At doon sila nagpa-endorso kay Isko Moreno. Kaya yan, yung mga Isko Moreno, yan ang anti-Marcos. Bakit pinupunit ni Kwan nung kampanya ng Campo ni Hani Lacuna yung mga poster ni Bongbong Marcos sa Maynila? Bakit pinagtatatanggal?
10:04.0
Tandanin niyo, ang tatay ni Hani Lacuna, na dating vice mayor sa Maynila, pinakulong ni Marcos yan. Hindi po political detainee yan. Nakuwento ko na ito sa isang o sa maraming pagkakataon, pero gusto kong ulitin sa inyo.
10:26.0
Ipinakulong sila ni Marcos kasama yung tatay ni Hani Lacuna. Marami sila ron, mga opisyal ng Manila City Hall. O, konsihal yata, konsihal nun si Dani Lacuna eh, mga kaibigan.
10:44.0
Kasi po, nung mga panahon na yun, martial yun. Ipinagutos ni Marcos na magkaroon ng tax mapping sa Maynila. O, kaibigan niya yung in-assign dyan. Siyempre, mikita yun, mga kaibigan.
11:07.0
Ngayon, nung ito po'y kinausap na ng mga opisyal ng Manila City Hall, aba eh, kinokotonga nila yung tao. Kaibigan ni Marcos yun. At yung kaibigan ni Marcos na yun, nagsumbong kay Marcos dahil dyan sa tangkang pangungutong sa kanya.
11:35.0
Ang ginawa ni Marcos dahil martial yun, pina-aresto sila. O, katunayan yung lolo ni Hani Lacuna, dating hakwan eh, nagtatrabaho sa National Bureau of Investigation eh, yung tatay ni Dani. Mga kaibigan, abogado rin yun.
11:58.0
O, inataki sa puso eh. Mga kaibigan eh, sa sama ng loob. Ha? Dahil si Dani Lacuna, inaresto at dinala sa krame. Mga kaibigan. Madalit sabi, ang naging kaso po ay corruption, hindi hupolitikal. O, mga kaibigan.
12:22.0
So, yan po eh. Ha? Ngayon, eto nga o. Yan o, tandaan niyo, yung mga bumabanat na yan sa mga leni, kunyari nagpapanggap sila move on na kayo, move on. Hindi, sila yun. Kasi, inanalyze ko ang mga comment eh.
12:44.0
Pag nangagaling sa mga makamarkos, hindi po walang niya eh, ang mga comments. Bagamat, medyo dispalinghado ang mga comments nila, pero hindi sila gaanong bastos.
13:00.0
Ang talagang bastos, yung kampo na yun na napunta sa kampo ni Isko nung panahon ng eleksyon. Ha? Mga kaibigan. Kasi, yun ang mga wordings eh na ginagamit din nila eh. Kung ano, yung ginamit nila sa panahon ni Duterte, ha? Eh yun din ang ginagamit nila ngayon.
13:24.0
Yung iba, kinokopya nila. Mangongopya sila kung anong sasabihin natin o kokopyayin, ibabalik naman nila sa atin o kaya dun sa mga Kwan. Eh nakita ninyo si Vice President Lenny Robredo eh, Kwan nga eh, nakipag-usap na sa DSWD diba?
13:48.0
Dahil ang talagang gusto niya ay tumulong. Walang masama sa pagtulong. Mga kaibigan. Gusto niyang maging, yung angatbuhay ay maging partner ng DSWD sapagkat ang gusto niya mapagaangang trabaho. Di ba? Eh marami naman siyang napatunayan diba sa Kwan, sa mga ganyang activities.
14:15.0
Bilang dating social worker at nung siya ay naging Vice President, eh nagawa niya ang marami. Katunayan yung, yung pabahay na hindi nagawa ng administrasyon ni Digong Nyo, nagawa ni Lenny. Private funds yun, ha? Hindi pondo ng gobyerno yun. Dahil sa mga nagtitiwala sa kanya.
14:40.0
O mga kaibigan, makikinabang ang gobyerno dyan. Anong sasabihin mo, ha? Na si Lenny eh, ha Kwan, sinisiraan diba na, ha Kwan, ha talunan, ganyan-ganito, ha? Eh wala na kayong, hindi nyo na problema yun. Di ba? Hindi nyo na problema yun. Kung gusto ni Lenny tumulong, wala kayong magagawa. Di ba? Initiative ng tao na yun.
15:10.0
Kung mamasamain mo yun, gusto mo ninyong dumihan, naiingit kayo. Kasi si Isko hindi malaman kung paano ang poposisyon. Di ba? Ano? Masasabi ba ngayon ni Isko Moreno, bayaran na ni Marcos yung utang sa BIR?
15:27.0
Eh nung election eh, di ba? Eh kailangan daw singilin yun, sabi ni Isko Moreno eh. Ba't di mo ulitin ngayon? Di ba? O yan o, sabi nitong labor leader na situasyon, tumulong ito kay Marcos.
15:50.0
Eh Kwan, nakakaapekto na ito sa moral ng mga diehard, mga nagtakamatay kay Marcos. At sila'y kinagalit nila yung mga kontrobersyang kinasasangkutan o nagsasangkot dito kay Vic Rodriguez.
16:15.0
O mga kaibigan, dati iba mga kwan eh, Lex Taliones, di ba? Ang nakinabang kaidigong niyo, di ba? Yun, nakulong yung ibang Lex Taliones nila, nakulong. Anakalaya si Aguirre, mga kaibigan, hindi nakasuhan.
16:36.0
Yung dalawa sa immigration, si Argocino at saka yung Robles ang nakulong. Sana yung Argocino na lang, kasi nabalitaan ko, yun daw Robles, matinong tao yun, nadawit lang dyan. Ba't niya pinasok yun? Siyempre may nagutos sa kanya, di ba? Yung nagutos, nakaligtas, mga kaibigan.
17:03.0
At dahil po dyan ay nananawagan itong grupo ng mga manggagawa na palitan si Rodriguez-Caracaraca ng isang may napatunayang track record.
17:22.0
At sinabi mong track record, yung malinis, di ba? Hindi mabantot. Wala naman problema yan, sino gusto niyong i-appoint? Wala problema yan. Pero sana naman, yun, sinasabi nito. Gaya rin ang malimit nating sinasabi sa pagpili ng iboboto, sapagkat yan, hindi natin inimbento yung track record.
17:50.0
Hindi natin inimbento yan, mga kaibigan, na yan ang dapat maging barometer sa pagpili ng itatalaga sa pwesto at ng iboboto. E saan galing yung track record para sa pag-appoint, para sa pagboto?
18:12.0
Yan po kasi ang nasasaad sa batas na kataniyan na dapat taglayin ng sino mang papasok magtatrabaho sa gobyerno bilang halal at appointees, hindi hangal, mga kaibigan.
18:37.0
Di ba? Nasasaad yan. O, na dapat matino, pag binasa ninyo yung 6713, ang ganda ng kataniyan, yun yung Biblia para sa mga nasa gobyerno, hindi nasusunod. Bakit? Hindi naintindihan ng tao.
19:00.0
E yun ngang mga iboboto na hindi nilalam. Tanungin mo si Robin Padilla kung alam niya yun. Kung kompleto alam niya yun. Dapat kabisado mo yan. Di ba? Kung ikaw nasa gobyerno, lalo lalo na senador ka.
19:17.0
Ito mga gago, nakakahiya na yung comments ninyo. Anong sinasabi? Ilan ba napakulongan niya ni ganon ni ganito nung siya senador? Gago! Nagpapakulong ba senador?
19:34.0
Ang senador, mambabatas yan. Gumagawa ng batas, yun ang mandato niya, hindi magpakulong. Ang nagpapakulong, husgado at saka executive, mga kaibigan. Di ba?
19:50.0
Para daw ma-preserve, maingatan yung tiwala ng 31 million, este million, million tuloy eh. 31 million, nangungungo ako ah. 31 million Pilipinos na bumoto sa kanya.
20:16.0
Yan ang sabi ng leader ng mga manggagawa na sitwasyon. Itong apo, itong samahang ito, kasama ang PAPLO at ang Lakas ng Manggagawa Labor Center ay aktibong kumampanya para kay Marcos Jr.
20:40.0
nung May 2022 Presidential Elections. Pero mukhang walang makakatibag kay Vic Rodriguez. Kahit na ika nga po, tad-tad na ng ika nga eh kontrobersi at kahihiyan ang dinala nito sa loob lamang ng dalawang buwan.
21:07.0
Eh papano mong masisibak yan? Nag-iimbestiga pa lang ang Senado, binaboy na yung imbestigasyon. Sabi ni Subiri, may walang kinalaman yan eh. Nilinis kagad.
21:22.0
Tinapos na nila yung imbestigasyon, mga kaibigan, inabsuelto nila. Eh hindi kayo nag-imbestiga para magabsuelto o magsabi na ito walang kasalanan. Di ba? Bahala ang publiko magsabi kung ito may kasalanan o walang kasalanan.
21:43.0
Pagkatapos ng imbestigasyon, gagawa kayo ng inyong recommendation, o ng findings, o ng paniwala ninyo. Eh si Tolentino may palabas-labas pa ng dokumento eh. Mga kaibigan eh.
22:01.0
Laban dyan sa mga sangkot, yung PSDBM naman. Di ba? Pero wala na rin yan. Pati si Briones inabsuelto na rin nila eh. Nila Tolentino eh. Mga kaibigan, bakit? Eh pare-pareho silang magkakasama, hindi ba, sa administration ni Digongnyo.
22:31.0
Pagkatapos ng imbestigasyon, gagawa kayo ng inyong recommendation, o ng paniwala ninyo. Eh si Tolentino may palabas-labas pa ng inyong recommendation, o ng paniwala ninyo.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.