Close
 


part 3 VETERAN BROADCASTER NA SI WALDY CARBONELL, INARESTO SA KASONG LIBEL! (LAPID FIRE)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
part 3 VETERAN BROADCASTER NA SI WALDY CARBONELL, INARESTO SA KASONG LIBEL! (LAPID FIRE)
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 17:21
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Inaresto naman itong veteranong broadcaster na si Walde Carbonell kahapon po ng umaga habang nagja-jagging sa Kwane, malapit ito sa Kwane, sa Mowai, sa Pasay City.
00:28.0
Dahil sa kasong cyber libel. Pito yata yun, anim na cyber libel case laban sa kanya.
00:40.0
At ayon dito sa balita, mga kaibigan, ang nag-demanda sa kanya e itong isang mayor sa Ilocos.
00:53.0
Mga kaibigan, yung sa Pidig, Ilocos Norte, ang pangalan nung nag-demanda, ayon na rin po ito sa Kwane, sa isang video noong October 30, 2021, last year pa, si Mayor Eduardo Guillen.
01:22.0
Eh mahirap namang tayo magsalita tungkol dyan, tungkol sa kaso, mga kaibigan, ganito na lang kasi ang daming nagtetek sa atin.
01:39.0
Ang totoo niyan, nakausap ko kahapon, siguro mga magtatanghali na, nakausap ko si Kwane, si Ginuong Waldy Carbonell, si ka Waldy, at pati na yung isang kasama nila.
01:58.0
Nung siya arestuhin, alam ba ninyo kung sino kasama? Ang kasama ko ay si Ginuong Johnny Dayang. Eh sino ba yung Johnny Dayang? Eh veteranong newsman niyan.
02:15.0
Kaibigan ng tatay ko yun, mga kaibigan, si Johnny Dayang, kasamahan nila yun sa Federation of Provincial Press Clubs. Yan mga magkakasama nung araw, Johnny Dayang, Bobby Dacer, yan sila, isang grupo yan.
02:34.0
Ngayon, nakausap ko rin si Mr. Dayang, naging publisher yan ng mga malalaking pahayagan, at siya ay President Emeritus ng PAPI, o ng Publishers Association of the Philippines Incorporated.
02:57.0
Yan, isamahan ng mga publisher yan. Kasama niya yun, mga kaibigan, nung arestuhin siya. Ang question lang dito, kasi hindi natin alam ang detalye ng kaso, ang question lang muna natin ay bakit siya inaresto sa araw ng linggo?
03:22.0
Ang kasong libel, mababang kaso lang yan. Sana kung murder ang kaso niyan. Arestuhin mo kahit anong oras, kahit natutulog yan. Sa pagkakalam ko, hindi ko nalang igigigiti ito kasi may mga walang hiyang nasa media.
03:44.0
Merong kasunduan yan na nilagdaan ng ilang agency ng gobyerno, DILG, Department of Justice, o PNP, nasa ilalim ng DILG yan, mga kaibigan, patungkol ito sa pagaresto ng media practitioner.
04:09.0
Di ko na i-elaborate, pero kasama dun yung hindi dapat arestuhin ang isang mamamahayag sa kasong libel ng biernes ng hapon, sabado at linggo. Pero yan, ginawa yan nung kaibigan ni Isko Moreno kay Jerry Yap.
04:37.0
Tatandaan niyo yung kaibigan natin si ka-Jerry na kolumnista, publisher ng pahayagang hataw at nakasama natin sa ating programa, naging katandem natin, mga kaibigan. Ginawa rin kay ka-Jerry yan sa Maynila sa utos ni Erap.
05:02.0
Yan. E sino ba vice mayor ni Erap nun? Si Isko Moreno, mga kaibigan. At ang umuli, classmate pa ni Isko. At bali ba, inabangan sa airport si ka-Jerry. Inaresto nila. Ang masama, holiday na mga kaibigan.
05:24.0
Eh kuha pa, mahal na araw nung arestuhin si ka-Jerry Yap. Hindi nangingilin, basta arestuhin. Ngayon, inarestuhin ito araw ng linggo. Eh pwede mo namang arestuhin ng lunis yan. Bakit mo itinapat ng linggo?
05:42.0
Eh bali ba kahapon, linggo, ngayon eh ano ngayon? Piesta opisyal sapagkat araw ngayon ng mga bayani, mga kaibigan. Eh kilala niyo naman si, madalas ko nababanggit din si Kawalde, di ba? Si Kawalde, wala pa ako sa media. Media man na yan.
06:05.0
Broadcaster na yan at yan ay publisher din ng periodiko. Eh nung panahon ni Marcos, ako nag-uumpisa na sa radyo, mga kaibigan. Ang mga kilalang komentarista nung araw, yan si Nawaldi Carbonell. Nung mga panahon na iyon.
06:31.0
Panahon nung ni Marcos, mga kaibigan. O eh, ako Marcos eh, sila nun oposisyon. Marcos tayo pero kapag may mali nun, mayroong mga issue, sumasama rin ako sa mga oposisyon.
06:51.0
Kasi nun, kahit magkakaiba kayo ng backhood, hindi nagdi-discriminate pagkakuan eh, magkakasama rin kami sa likod ng mikro, pagka wala na sa mikropono, nagkakasama-sama rin kami. At yan si Nawaldi Carbonell, napakahaba na ng ipinuhunan niya sa pakikipaglaban. Ganong kahaba na.
07:15.0
Panahon pa lang ni Marcos na marami pang takot lumaban, eh lumalaban na sila. Wala nang martial law. Nakakapag-broadcast na sila. Pero ganon pa man, yung martial law, yung lifting, eh sa bibig lang yan eh. Mga kaibigan eh, for public consumption lang yan eh.
07:37.0
Dahil yung mga hindi na dapat ginagawa, nagagawa pa rin nila nun kahit wala nang martial law. Diba? Pinayagan ng media na makabalik kasi yun ang simbolo ng demokrasya, yung mayroong pamamahayag.
08:07.0
Magkakasama kami nun, siya kasama siya dun. O yung mga dumulog sa Korte Suprema, ito yung offshoot ng mga nagsusulong ng FOI bili. Diba? Nang freedom of information.
08:27.0
Eh offshoot yan nung aming ginawa nung araw. Nung panahon na ni Presidente Cory Aquino na nakaupo, yung sa GSIS na ayaw kaming bigyan ng listahan ng mga nakautang sa panahon ng kampanya ng SNAP eleksyon,
08:50.0
na mga oposisyon na miyembro ng Batasang Pambansa. Oposisyon pero pinautang ng GSIS. O mga kaibigan, dahil sa marginal note ni First Lady. O eh nung panahon na ni Presidente Cory nagagawa na sa pwesto mga damuho na ma-appoint. Ha?
09:18.0
O ngayon, e kwano? Nabulgar ngayon yung sila nakautang sa GSIS. Eh pagkatapos si First Lady ang nakapirma sa marginal note. Wala naman silang kwan. Yung kanilang pagutang, wala silang collateral o kapalit ng pagutang.
09:43.0
Meron kang ipiprendang property. Wala. Kasi hindi naman sila miyembro ng GSIS. Mga kaibigan, iyang perang yan, pera ng mga government employees. Sila merong karapatang umutang. Pero lalaki ng ipinautang sa kanila.
10:06.0
Madalit sabi, kilala ko yan si Kawalde. Kasama pa ng tatay ko yan. Kasi nung araw, oposisyon ka. Pagka may okasyon ng mga komentarista, mga broadcaster, magkakasama yan. Nagtitipon-tipon sila. Hindi pinag-uusapan dun kung sino ang pinapaboran mo. Eh katunayan yan, ha? Sasabihin ko sa inyo, totoo.
10:33.0
Nagalit sa akin yan nung araw. Si Kawalde, hindi naman galit na. Siyempre, magagalit ka dahil sa ako'y Marcos, kinwestiyon ko yung ginagawa nila noon na hunger strike. Pero gano'n lang yan. Pinupo na lang natin.
10:55.0
Eh nagsumbong pa yan sa tatay ko eh. Pero pagkatapos noon eh, naging magkaibigan na kami. Ulit. O, mga kaibigan. Kabago-bago ko noon sa radyo. O, pati yan sina Jomari Mercader nung araw. Magkakasama sila noon dahil sila yung mga oposisyon noon eh. O, si Jomari, ewan ko kung buhay pa yun. English magkomentaryo yun. Eh, mistiso yun eh.
11:25.0
O, yan yung si Walde Carbonell ang laging namumuno, nagpapasimuno ng mga kilus protesta laban sa administrasyon ni Marcos noon. Mga kaibigan, nung presidente pa si Marcos, siya yung nagsimula nung hunger strike.
11:47.0
Diyan sa harap ng U.S. Embassy. O, kinukuwento ko sa inyo ang background. Talagang si Walde ay makabayan niyan. O, mga kaibigan. Ha? Diba yan eh, nagpunta pa ng Dabao yan eh. At hinamon ng Nandro, si Duterte. Eh, sabi hindi nga lumabas. Diba? Si Duterte.
12:15.0
O, mga kaibigan. Dun mismo sa teritoryo niya. Nagpunta yan. Kasama yung ibang media practitioner dito sa Maynila. Iyan eh nung pagkatapos mapatay si Jumpala. O, mga kaibigan.
12:32.0
At ngayon, eh dito sa kasong ito, hindi ako makakapagkomentaryo dahil hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit nasampa yung kaso sa husgado. Kasi pag sinampa sa husgado, magbababa ng warrant of arrest ang husgado.
12:54.0
O, kailan ba lumabas yung warrant of arrest? Diba? Itignan mo yan. Kailan lumabas ang warrant of arrest? Matagal na ba yan o bago? Pagka immediately lumabas yung warrant of arrest.
13:11.0
Ano ba ba ngayon nilabas ng husgado nung biyernes, halimbawa tapos linggo siya inaresto, eh alam na this. Halatang-halata na yun harassment yun. At may kinalaman sa ginawang pagaresto kay Walde kung lumabas ng biyernes yun tapos isinilbi ng linggo, eh maliwanag yun.
13:36.0
May kinalaman dun yung complainant, mga kaibigan, tinrabaho, ginastusan, kaya masipag yung police mag-serve ng warrant of arrest.
13:50.0
O mga kaibigan, nasabi ko lang kung ganoon ang sitwasyon. Pero kung yung warrant of arrest matagal na, may pagkukulang dun yung inaresto. Bakit? Hindi ka siguro nagpiansa.
14:09.0
Eh hindi natin alam kung alam niyang nasyutansya ng warrant of arrest. O may nagsasabi matagal na raw yung warrant of arrest. Mahirap yun eh. Yung pag may warrant of arrest ka, eh dapat magpiansa ka kagad. Kung alam mo, eh paano kung hindi mo naman alaman.
14:30.0
Di ba? Hindi natin alam masalimukot pa yung kasong yan. Ngayon, ang balita natin, si Ka Walde kanina yata, o kahapon ba, o kanina, eh dinala sa ospital dahil tumaas ang blood pressure, eh 170. O mga kaibigan, mga ganoon eh, ang BP.
14:57.0
O pagkatapos, eh dyan na siya bali hanggang bukas kung mapipiansahan bukas, mga kaibigan. Kasi si Walde meron na palang history na na-stroke. O kaya ano ho, kaya may ano siya talaga, may merong comorbid, di ba, comorbidity.
15:23.0
O delikado pa nga yan dahil baka mamaya eh, ma-COVID yan. Di ba? O may ano siya eh, alta presyon eh, mga kaibigan. Antayin ho natin na luminaw ito. Kasi hindi ko alam eh kung paano tayo magsasalita.
15:41.0
Pero yung defector ito, yung araw ng linggo, magtaka kayo. Ha? Mababang kaso lang yan, libel. Hindi ho yan, ano, hindi ho yan mabigat na kaso. O para isilbi mo ng araw ng linggo. Libel lang yan eh. Wala namang pinapatay dyan. Wala namang ninanakaw dyan eh.
16:05.0
Ang may problema eh hindi po yung KWAN, yung dinidimanda ng cyber libel. Ang may problema tayong malaki eh, ito pa isa.
16:18.0
Ang narinig ko ha, ang narinig ko sa ibang nagsabi sa atin, yung issue na di umano yung sa mayor ng KWAN, ng PIDIG sa Ilocos Norte, may kaso na yan sa ombudsman. Ngayon binanggit ni Waldy Carbonellata sa kanyang programa yung kaso, mga kaibigan.
16:46.0
At yun ang ginamit na basian para siya i-dimanda. E paano mong paparesto yung tao may basis yung kanyang sinasabi. Pero tayo po, wala namang oras na mga kaibigan.
17:16.0
Dito'y wala ang pagkukunwari.