Close
 


NILAGAY SA KALDERO ANG KANYANG ULO
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 06:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Asawa ng isa sa pinakamayamang angkan at businessman sa Hong Kong, matagumpay na modelo.
00:06.5
Ngunit papaano nang matagpuan ang kanyang katawan ay hiwa-hiwalay na.
00:12.1
Ang ibang parte ng sosyalera ay nakasilid pa sa predyeder, samantalang ang iba naman ay nailuto na.
00:19.4
Ipinanganak si Abby Choi ng taong 1994.
00:23.1
Ito ay sa mayamang pamilya. Ang mga magulang nito ay may-ari ng isa sa pinakmalaking negosyo ng konstraksyon sa bansa ng China.
00:32.5
Unang nakilala itong bilang isang mayamang babae at talaga namang sosyalera at influencer pa sa bansa nila.
00:40.3
Nang ikalabing 4 ng Pebrero ay na-interview pa ito sa isang sikat na magazine kung saan siya ay pinangalanan na isa sa pinaka-sosyalerang babae sa bansa nila.
00:52.5
Nang ikadalawampu at isa ng Pebrero taong 2023, naitala at na-report ng kanyang mga mahal sa buhay na nawawala ang sosyalera na si Abby.
01:03.7
Nang ikadalawampu at apat ng parehong buwan, natagpuan ang walang buhay naman ito na katawan.
01:09.8
Ang masaklap ay nawawala ang ulo niya.
01:13.1
Ang kanyang labi ay nadiskubri sa isang ilang nanayon sa Tai Po sa Hong Kong.
01:18.4
Kung karimarim-marim na sa pandinig ninyo ang nangyari nang matagpuan ang katawan nito, ay hiwa-hiwalay na.
01:26.0
Ang ibang parte ng sosyalera ay nakasilid sa prejuder samantalang ang iba naman ay napakuluan.
01:33.2
Agad na naglunsad ang mga otoridad sa Hong Kong ng malawakang imbestigasyon tungkol sa kasong ito at agad nainaresto naman ang pito sa mga sospek sa nangyari sa sosyalera.
01:45.2
Kasama na dito ang kanyang dati na mister.
01:48.6
Kasama rin sa mga inaresto ay ang kanyang dating bayaw at maging ang mga magulang ng kanyang dati na asawa.
01:55.2
Kasama na rin ang sinasabing kabit ng kanyang dating byanang lalaki.
02:00.0
Magbigong sunduin nitong si Abichoy ang kanyang anak mula sa eskwelahan na nito ay pinapasukan.
02:06.4
Tulad naman ang araw-araw na nito na ginagawa, ay nag-alala na agad ang mga mahal nito sa buhay.
02:12.6
Ayon sa imbestigasyon, huling nakita ito na sumakay sa kanyang sasakyan na minamaneho naman ng kanyang dating bayaw na siya namang kapatid ng kanyang dating asawa na nagsisilbi naman na driver niya.
02:26.4
Nakita sa pinangyarihan ang panggiling ng karne na dekoriyente at isang lagari.
02:32.5
Kwento na ngayon ay ang asawa na ni Abby sa otoridad.
02:36.2
Pinakasalan ni Abby ang dating mister na si Kwang Kung Sji, nang itong si Abby ay labing walong taong gulang pa lamang.
02:43.8
Ang dalawa naman ay nagkaroon ng dalawang supling sa tatlong taon nila na pagsasama.
02:50.4
Bago pa nito, pinakasalan ang kasalukuyan nitong mister na si Chris Tam, na siya namang anak ng may-ari ng malalaking restoran sa bansa ng Hong Kong.
03:00.7
Kahit pa nakipaghiwalay na sa dating asawa, ay maayos pa rin naman ang relasyon nito sa mga kamag-anaka nito.
03:07.3
Lumabas sa embestigasyon na away sa ari-arian ang naging ugat ng sinasabing karimarim-marim na krimen na nangyari kay Abby.
03:15.4
Bago daw nakipaghiwalay itong si Abby, sa unan nitong asawa ay bumuli ito ng mamahaling apartment na ipinangala noon sa bayanan nito na lalaki.
03:24.9
Ang apartment ay matatagpuan sa pinakamagandang lugar sa Hong Kong kung saan pawang pinakamayayaman lamang ang nagmamay-ari.
03:33.0
At dahil binabawi na ni Abby ito mula sa dating biyanang lalaki, ay ikinagalit niya ito.
03:38.8
Kaya naman plinalong nito natapusin na ang dati na manugang niya.
03:43.3
Kasama sa nakita ay ang pinakulo ang ribs nito, kasama na ang kanyang ulo.
03:48.2
Sa DNA naman lumabas na ito nga ay ang pagmamay-ari ng nawawala na sosyalera na si Abby.
03:54.8
Inaresto naman ang 47 taong gulang na si Cho Wing na sinasabing kabit ng kanyang dating biyanang lalaki sa pagtatago nito sa dating asawa ni Abby na si Alex.
04:06.9
Bago rin ito ay tinulungan niya sana upang ito ay makalabas sana sa bansa ng Hong Kong.
04:13.2
Sa ngayon patuloy pa rin na hinahanap ang nawawalang katawan at mga kamay maging ang binti nitong si Abby.
04:21.1
Kinasuha naman ng mga salarin sa salang pamamaslang, di rin sila pinapayagang makapagpiansa.
04:27.1
Nakatakda ang kanilang paglilitis ng ikatatlo ng Mayo ng taong 2023.
04:32.8
Hiniling ng ina nitong si Abby Choi na huwag payaga ng korte na ibenta ng dating biyanan nito ang pinag-aawayan na pag-aari at ibalik ito sa pangalan ng kanyang namayapa na na anak.
04:44.9
Dahil ito naman daw ay ang siyang tunay na nagmamay-ari nito at pinagbayaran ni Abby ang apartment na ito ng buhay niya.
04:53.6
Nang taong 1993, inalis ang parusang kamatayan sa Hong Kong.
04:57.9
Kaya naman ang pinakamataas na parusa na maaaring makuha ng mga sospek ay ang habang buhay na pagkakabilanggo.
05:05.5
Mga katinagalog ko, naniniwala po ba kayo sa kasabihan na lahat ay pantay-pantay pagdating sa kabilang buhay?
05:13.2
Walang mayaman, walang mahirap, walang pangit at wala rin maganda, walang kilala at kahit gaano ka pa kasikat sa buhay ngayon, pantay-pantay pa rin tayo paglisan natin sa mundong ito.
05:26.2
Kung oo o hindi, ay isulat lamang ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama na ito ay ating basahin.
05:34.1
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.
05:43.3
Pagkakilalaan ng mga katinagalog ko, magkakita ko sa mga katinagalog ko.
05:49.6
Pagkakilalaan ng mga katinagalog ko, magkakilalaan ng mga katinagalog ko.