Close
 


Bakit Bawal Manganak At Mamatay Sa Lugar Na Ito?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa Svalbard ay bawal magsilang ng sanggol. At mas lalong hindi pwedeng mamatay ang isang tao dito dahil bawal maglibing. Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS* #awerepublic Bakit Bawal Manganak At Mamatay Sa Lugar Na Ito? - https://youtu.be/V5hN3afi5J0
Awe Republic
  Mute  
Run time: 06:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Welcome sa Svalbard, isang lugar kung saan mas marami pa ang polar bear kaysa mga tao.
00:06.4
Kahit sino ay pwedeng tumira at magtrabaho dito dahil hindi na kailangan ng visa.
00:12.4
Meron ngang nasa 100 na mga Pinoy ang nakatira dito.
00:16.0
Malaki daw ang sweldo dito.
00:18.0
Ayon sa isang Pinoy, ang sweldo niya sa Svalbard ay katumbas ng sweldo ng isang senador sa Pilipinas.
00:25.0
Nasa batas ng Svalbard na required ang mga taong magdala ng baril, ipinagbabawal rin ang pusa sa Svalbard.
00:32.6
Pero ang mas nakaagaw ng pansin sa amin sa Svalbard ay hindi pwedeng magsilang ng sanggol
00:39.0
at lalong hindi rin pwedeng mamatay ang isang tao dito dahil bawal maglibing.
00:44.8
Bakit kaya?
00:45.8
Iyan ang ating pag-uusapan ngayon.
00:49.0
Sa pagitan ng Norway at North Pole ay matatagpuan ang Svalbard,
00:54.0
isang arkipelago na matatagpuan sa Tuktok ng Mundo, isang liblib na lugar na teritoryo ng bansang Norway.
01:02.0
Noong 2021, nasa 2,900 katao ang nakatira dito.
01:07.0
Ang kapital nito ay ang Longyearbyen.
01:10.0
Dito nakatira ang halos lahat ng residente ng Svalbard.
01:14.0
Kung magsisearch ka sa Google ng interesting facts tungkol sa Svalbard,
01:18.0
ay bubungad sa'yo ang napakaraming listahan.
01:21.0
Isa nga sa mga interesting facts ay hindi pwedeng magsilang ng sanggol sa Svalbard.
01:27.0
Sa Svalbard kasi ay meron lamang isang ospital pero walang maternity clinic.
01:32.0
Wala silang sapat na gamit at pasilidad kaya hindi ligtas ang manganak dito.
01:37.0
Kaya ang mga buntis dito ay umaalis na isang buwan bago sila manganak.
01:42.0
Maramihan sa mga nagbubuntis ay pumupunta sa mainland Norway para doon manganak.
01:47.0
Ang gasto sa pangananak ay covered naman ng health insurance,
01:51.0
pati ang renta sa hotel o anumang matutuluyan para sa pangananak.
01:55.0
Mayroon namang naitalang mga insidente ng pangananak sa Svalbard sa di maiiwas ang pagkakataon.
02:01.0
Noong 2006, isang sanggol ang napaaga ang pagsilang sa nakatakdang paglabas nito.
02:07.0
At noong 2009, isang kambal ang ipinanganak sa ospital.
02:11.0
Mga garanding inilipad patungong mainland para sa kanilang kaligtasan.
02:17.0
Kung ipinagbabawal ang simula ng buhay, ipinagbabawal din ang pagtatapos nito sa Svalbard.
02:23.0
Dahil sa lugar na ito, ang tao ay hindi rin pwedeng mamatay.
02:27.0
Sa Svalbard ay merong tinatawag na Svalbard Death Law.
02:31.0
Ayon sa batas na ito, itinuturing na iligal ang mamatay sa Svalbard.
02:36.0
Dahil sa sobrang lamig kasi ng lugar na ito, hindi nadidecompose ang labi ng tao.
02:41.0
Kaya ipinagbabawal ang paglilibing dito.
02:44.0
Sabi nga, kung naghihingalo ka na at inasahang susunduin na ni kamatayan,
02:49.0
dapat simulan mo ng maglakbay paalis ng Svalbard.
02:53.0
Mayroon namang maliit na sementeryo, pero noong 1950s ay ipinagbawal na ang paglilibing dito.
02:59.0
Ito ay dahil natatakot silang maaring buhay pa ang flu virus na kumitil sa buhay ng Pitong Menero ilang dekada na ang nakalipas.
03:13.0
Ang Svalbard ay isang visa-free destination.
03:16.0
Kaya bukod sa mga turista, marami rin iba't ibang nasyonalidad ang piniling magtrabaho dito.
03:22.0
Hindi na rin kailangan ng residence permit para tumira dito.
03:26.0
Mayroon din mga Pinoy na nakipagsapalaran at umasenso na sa Svalbard.
03:30.0
Isa na rito si Efren Regato.
03:33.0
Ngayon ay may regular na siyang trabaho.
03:35.0
At mayroon pa nga siyang maliit na cleaning business dito na nakapagbibigay na rin ang trabaho sa iba pang Pinoy.
03:42.0
Ayon kay Efren, ang kanyang sweldo sa Svalbard ay katumbas daw ng sweldo ng isang senador dito sa Pilipinas.
03:50.0
Pero syempre, kahit na malaki ang sweldo, mataas din ang cost of living sa Svalbard.
03:55.0
Sa kasalukuyan ay meron ang nasa 100 na Pinoy ang naninirahan sa Svalbard.
04:03.0
Tuwing tag-init, apat na buwan na hindi lumulubog ang araw sa Svalbard.
04:07.0
At pagsapit naman ang taglamig, halos apat na buwan din na hindi sumisikat ang araw at napakadilim ng paligid 24-7.
04:16.0
May isang lugar din sa Norway na hindi nasisikatan at lumulubog ang araw sa loob ng ilang buwan.
04:22.0
Mari nyo pong panoorin ang video para dito. Ilalagay namin ang link sa description at comment section.
04:30.0
Alam nyo ba? Mas marami pa ang polar bears o oso kesa sa mga tao sa Svalbard.
04:36.0
Tinatayang nasa 3,000 ang polar bears dito kumpara sa 2,900 lamang na mga tao.
04:43.0
Minsan ang mga oso ay pumupunta sa syudad kung saan may mga tao dahil na rin sa gutom.
04:50.0
Kayo naman, para sa safety ng mga tao, nasa batas ng Svalbard na required ang mga taong magdala ng baril sa tuwing pupunta sila sa labas ng syudad.
05:00.0
Inire-rekomenda rin na magdala ng flare guns ang mga tao.
05:04.0
Ngunit ipinagbabawal ang pagdadala ng baril sa loob ng shops, restaurants at ibang public buildings.
05:12.0
Ipinagbabawal rin ang pusa sa Svalbard. Ito ay para maproteksyonan ang local fauna o mga hayop dito, lalo na ang mga ibon.
05:24.0
Matatagpuan din dito ang tinatawag na Svalbard Global Seed Vault.
05:29.0
Ito ay mistulang dambuhalang safety deposit box na naglalaman ng 930,000 varieties ng food crops.
05:37.0
Tinatawag itong The Doomsday Vault dahil nakalagay dito ang mga backup ng mga butong maaaring itanim sa panahonang problema at para may makain pa rin ang mga susunod na henerasyon.
05:49.0
Kakaibang mga batas, kanlungan ng mga buto, kaharian ng mga oso, ang lahat ng ito ay nagbibigay ng wonder at beauty sa Svalbard.
05:59.0
Kaya naman kahit bawal ditong manganak at mamatay, buhay na buhay naman ang turismong nagbibigay sigla at saya sa buhay ng iba't ibang nasyonalidad na naninirahan dito.
06:11.0
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!