Close
 


ANO ANG PAGKAKAHALINTULAD NINA MAYOR LIM AT FVR PAGDATING SA TRABAHO (LAPID FIRE)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ANO ANG PAGKAKAHALINTULAD NINA MAYOR LIM AT FVR PAGDATING SA TRABAHO (LAPID FIRE)
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 21:08
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Walang preno kung bumadikos. Malalim at makatwirang komentaryo. Mag-ingat ang mga politikong gumagawa ng kalokohan at baka kayo ay tama ng...
00:15.0
Lapid fire!
00:17.0
Ngayong araw na ito, bago natin pag-usapan itong mga isyo ngayon, ginugunita po ang ikalawang kamatayan, araw ng kamatayan, second death anniversary ni Manila Mayor Alfredo Lim.
00:41.0
Mga kaibigan, tayo po ay nakikiisa sa paggunitanayan sa ikalawang death anniversary ni Mayor Alfredo Lim.
00:54.0
At bukas naman ang libing ni dating presidente Fidel V. Ramos. Mga kaibigan, itong dalawang ito, si Mayor Lim at si Fidel Ramos, meron silang pagkakahalintulad pagdating sa pagtatrabaho.
01:15.0
Mga kaibigan, itong dalawang ito, ano man ang kapintasan ni Fidel Ramos, responsabling tao yan si Ramos. Nasubaybayan natin yan, mga kaibigan.
01:32.0
Napakasipag na taon yan si Ramos. Yan madaling araw pa, nagsisimula ng magtrabaho yan, naghahanda na yan para sa kanyang pagtupad ng tungkulin.
01:48.0
Yan ang hindi mo makikita sa maraming naging presidente ng Pilipinas, mga kaibigan, yung pagiging responsable at sobrang sipag ni Ramos.
02:04.0
Meron nga pagkakataon, alam niyan sa umaga, sa umaga pa lang, kasi nalalaman natin ang mga balita noon dahil kung anong nangyayari sa Malacanang noon dahil malimita nating nakakahalubilo yung mga mataas na opisyal sa administration ni Ramos.
02:28.0
Katunayan, ako po ay anim na beses nakasama sa pagcover ng mga pagbiyahi, estate, visit at official visit ni Ramos sa iba't ibang bansa.
02:44.0
O mga kaibigan, ngayon ay si Ramos, talagang maaga pa lang, gising na yan. At umaga pa lang, kailangan nasa lamesa na niya. Ito ang kaibahan ni Ramos sa lahat.
03:00.0
Si Ramos, ang administration niya di ba walang gulo? Hindi naging magulo administration ni Ramos. May mga ang gusto magpagulo noon yung mga nagsisipsip sa kanya. Katulad yung nagsusulat ng column na binanggit natin, gusto magkaroon ng charter change.
03:22.0
Kaya tama si Almonte, si General Almonte, nabasa ko kanina yung kanyang eulogy kay dating presidente Ramos, na ito si Ramos, hindi ito nasilaw ng mga ujok para umagaw ng kapangyarihan.
03:52.0
Nung panahon ng EDSA, mga kaibigan, hanggang sa katapus-tapusan ay nanatili si Ramos sa panig ni Cory Aquino, mga kaibigan. Yan ang isa sa mga katangian ni Ramos, hindi swapang pagdating sa kapangyarihan.
04:16.0
Mga kaibigan, nagintay siya ng kanyang pagkakataon. Ayun ma, nagsasalitaan ngayon sa social media lang. Wala yan, mga pinagsasabihin ninyo, paninira sa patayan.
04:31.0
Hindi niyo ba alam, masama rin yan. Lalo ka sa lukuyang pinaglalamayan yung tao, kung ano-ano sinasabi nung iba sa social media, talagang mga walang hiya eh.
04:45.0
Mga walang edukasyon eh. Kaya alam ninyo, kung walang gagawin, laban dyan sa mga hayop na troll na yan, na pinagkakakitaan.
04:53.0
Tsaka yung mga umuupan yan. Sabi ko nga sa inyo eh, magiging barometro dito sa administrasyong ito, kung gagawa ng matino ito o hindi, kapag yung mga troll na yan, nagpatuloy.
05:10.0
Kung sa bagay, hindi lang siya may troll eh. May troll din ang pangkat ni Duterte. Kasi may binabalak yan eh, mga kaibigan eh.
05:19.0
Itong si Iscoyocot Moreno, may troll din yan. Kasi yung troll ni Digong niyo, pinapunta dyan yung kalahati eh. Ang kasama si Mocauson eh.
05:34.0
Hanggang ngayon, aktibo sila. Kasi hindi sila makabalimbing eh. Naghahanap ng paraan kung paano sila aarkilahin nitong kasalukuyang administrasyon.
05:46.0
Yan lang yan eh. Puro mga ano yan, mga animal yan, mga kaibigan yan, mga troll na yan. Hindi nila nalalaman ng mga pangyayari.
05:57.0
Salita lang ng salita. Kung ano-ano mga sinasabi, malalayo sa pinag-uusapan. Ano po?
06:04.0
Ngayon, si Ramos, umaga pa lang yan. Ang instruction niyan, kailangan pag dilat ng mata niya, ay nasa lamesa na niya ang mga sinasabi ng mga opinion makers.
06:25.0
Ano yung opinion makers? Yan yung mga kolumnista sa dyaryo. Lahat ng dyaryo, walang pinipili yan si Ramos.
06:37.0
Mga kaibigan, kaya sabi ko nga sa inyo eh, linggo-linggo nagpe-press ko niyan si Ramos sa Malacanang.
06:44.0
At alam naman yan ng marami. Naka-televised yan eh. Oh, yun lang mga iba, walang alam, di ba? Hindi nila inabot.
06:53.0
Meron nga kaninang ini-interview sa TV, bata eh. Kapapanganak lang pala niya nung presidente si Ramos. Ngayon, dalagan eh.
07:05.0
Mayingit 20 anyos na siya eh, mga kaibigan. Kaya dumalaw daw siya dun sa, nababasa niya lang si Ramos, pero niyaya niya magulang niya na bago sila umuwi,
07:18.0
ay dumaan sila dun sa wake o sa burol ni dating presidente Fidel Ramos. Si Ramos, may mga depekto rin niya kasi wala namang taong walang depekto.
07:32.0
Pero kung sa kabutihan ng bayan, sa katahimikan, si Ramos ang champion dun, mga kaibigan. Kahit ano pa sabihin ninyo.
07:43.0
At si Ramos ay naging makatotohanan sa kanyang ipinaglaban na hindi siya naging suwapang sa kapangyarihan.
07:58.0
Di ba, sinasabi nga natin yung isang kolumnista na babae, pinipilit sa kolumn niya eh, kuwan eh, magkaroon ng charter change, di ba?
08:11.0
Kasi nakapuesto yung asawa niya eh, mga kaibigan eh, ayaw na nilang matapos eh.
08:17.0
Kamukha itong mga nasa gobyerno ngayon, tsaka yung nakaraang administrasyon, ito yung mga ayaw nang umalis sa gobyerno
08:24.0
kasi wala silang alam na hanap buhay, walang alam na kuwan sa pagbabanat ng buto, mga kaibigan, di ba?
08:37.0
Tsaka masarap ang buhay sa gobyerno eh, wala kang gagastusin diya, ultimong pagkain ng aso mo eh, isasandal mo sa gobyerno, di ba?
08:48.0
Sa madalit sabi, yan si Ramos, mga kaibigan, sa umaga pa lang, kinakailangan pag upo niya sa lamesa niya, babasahin na niya ang mga sinasabi ng opinion makers.
09:04.0
Pati ang radyo, kasama ang mga komentarista sa radyo, ha? Kumukuha ng merong taga-transcribe niyan, nagtatranscribe sa malakanyang, na kung ano yung sinabi ng komentaristang ito kahapon patungkol sa mga major issues.
09:28.0
Kumukuha ng kapayraso sa sinabi nun at itatranscribe yun, ha? Isusulat yun, kasama yun sa mga binabasa ni Ramos araw-araw, mga kaibigan.
09:42.0
At si Ramos po, napakasipag niyan, ha? Bukod sa yan eh, nagja-jogging, alam niyo, kailangan niya ng exercise.
09:52.0
Sapagkat si Ramos, isa lang ang kidney niya eh, ang ano niya eh, oo, yung kidney, di ba? Mga kaibigan, isa lang yun eh.
10:02.0
Kaya kailangan niya pinapawisan lagi, ganyan daw yung mga isa lang ang kidney.
10:08.0
So si Ramos po, nakikinig, ibig sabihin, kung ano ang sinasabi ng publiko.
10:16.0
Dahil itong mga commentators, mga kolumnista, iyan ang nasa level na nakakahalubilo ng mga tao eh, ng karaniwang tao.
10:28.0
Kaya kailangan niyang mabasa, hindi niya itinuturing na kalaban yung mga kuha na pumupo na sa gobyerno.
10:39.0
Kaya nga sa panahon ni Ramos, mga kaibigan, eh, tinawag ko yung mga opinion makers, yung mga nagko-komentaryo,
10:52.0
tsaka yung mga kuha na, ano tawag mo rito, mga kolumnista.
10:58.0
Kasi, ano eh, yun yung height nung administration na inabot ko na talagang ang presidente, alam mo yung ginagawa?
11:10.0
Mga kaibigan, pati sa abroad eh, nakakasama namin ng mga matatandang kolumnista.
11:19.0
Regardless kung ano yung partido niya. Kaya sa panahon ni Ramos, walang loyalist, walang kulay, walang kurista, walang loyalist,
11:31.0
sapagkat lahat diyan ay in-entertain ni Ramos.
11:38.0
Di ba, pati nga yung mga rebelde, di ba, kinakausap ni Ramos, binibigyan sila ng pagkakataon.
11:45.0
Nakikwento ko nga yung pag-surrender sa atin ng mga, o yung pag-tulong natin sa pag-surrender ng mga rebelding MNLF.
11:57.0
O, mga kaibigan, wala sa kanya nun. Nakarinig ba kayo na sa panahon ni Ramos na ito, kurista ito, ito, loyalista ito, wala hoon ng ganun.
12:08.0
Sa panahon ni Ramos, hindi sila nagbabrand. At sa panahon ni Ramos, wala akong nakitang bastos na cabinet member o public official.
12:21.0
Kasi pag bastos ka, hihiyain ka ni Ramos sa harap ng media. Halimbawa, nagpa-press conference yan, may naitanong laban sa isang official na nando doon ha, kahit nandoon.
12:37.0
Mga kaibigan, makakatikim kay Ramos. Mapapansin mo, biglang mawawala eh, tatakbo eh. Wala akong nakitang bastos, isa lang ang bastos. O, dalawa meron.
12:48.0
Yun si Chito Villanueva, yan, may kabastusan yun. At saka yung si Ruben Torres. Mga kaibigan, yun, dalawang yung bastos pareho yun.
12:59.0
O, pero yung karamihan, hindi. Yung kabastusan nila, hindi nila maipakita kay Ramos. Mga kaibigan, lihim na kabastusan ang ginagawa nila.
13:12.0
O, pero si Ramos kasi ayaw nung arugante. O, ganun din si Lim eh, ayaw yun eh, mayayabang sa mga kasama, ha, sasama sa kanya, mayabang. Ayaw ni Lim yun.
13:24.0
Ayaw ni Ramos yun. Maraming pagkakapareho yan si Lim at saka si Ramos. Kaya lang nakakalamang si Ramos, sapagkat si Ramos ay naging presidente ng Pilipinas.
13:39.0
At saka talagang ang makikita mo siya, ha, pagkatapos nung EDSA, wala na sa kanya. Ito pagkatapos lang ng EDSA, wala na kay Ramos yung politika eh.
13:50.0
Katunayan, mga loyalists, kinakausap niya rin niya parang walang nangyari, ha, mga kaibigan. Ganun siya eh.
14:01.0
At yun naman ang tama, maraming dapat napulutin ang mga opisyal na namumuno sa Pilipinas kay Ramos.
14:12.0
Yung maganda, pulutin mo. Kung sa palagay mo, pangit. Yung iba, eh wag mo pulutin. Pero yung alam mo na talaga makakabuti sa administration mo, eh yun itularan mo.
14:25.0
Hindi ba? Kaya gusto nga natin magtagumpay ang gobyerno eh. Bakit? Kasi pag nagtagumpay, magtatagumpay ang mamamayang Pilipino at ang ating bansa.
14:35.0
O pulutin ninyo yung sipag ni Ramos, ha, tsaka yung pamumulitika, wala sa kanya yun, mga kaibigan.
14:46.0
O, meron pa nga eh, sa panahon ni Ramos, ito ah, defense secretary pa lang yan, di ba? Katatapos lang ng EDSA revolution yun, mga kaibigan.
15:00.0
Eh siyempre, ang katarantaduhan nang gagaling sa paligid yan eh. Hindi naman doon sa presidente mismo eh.
15:09.0
Kaya lang, ang problema, nalalason, nalulunod, ha, natatangay ng mga sulsol itong mga nauupong presidente, di ba?
15:22.0
Hindi ka tulad ni Ramos na hindi mo pwedeng paikutan, mga kaibigan. O merong pagkakataon nung defense secretary yan, mga kaibigan, naging guest yan sa United Nations Walkers Club.
15:40.0
Ang aking laging topic sa aking programa noon, o malimit na nagiging topic ko noon, ay yung immigration, na ang dating namumuno ay si Tita Miriam, mga kaibigan.
15:57.0
Noong panahon ni Presidente Cory Aquino, o eh, meron diyan mga military. Kasi si Miriam may kapatid yan na colonel eh, na miembro ng Reform the Armed Forces Movement.
16:15.0
At yung mga military, pinaglalagay ni Miriam sa immigration, Bureau of Immigration and Deportation pa, pangalan. Ano yan? Commission on Immigration and Deportation, yung pampangalan dati niyan.
16:33.0
CID pa, mga kaibigan. E di laging nating pinupuna, binabatikos, yung pong mga military appointees diyan po sa Commission on Immigration, mga kaibigan.
16:50.0
At isang araw, naging panauhing tagapagsalita si Ramos ng United Nations Walkers Club diyan sa Manila Hilton. O eh, nagtanong ako doon. Si Ramos kasi, ano yan eh, action man, mga kaibigan. Titignan mong ganyan yan.
17:09.0
Pagka ikaw, napaulat ka sa katarantaduhan, eh gagawang ka ng aksyon ni Ramos. Katulad nitong naging guest siya, nagtanong ako eh. Ang daming tao. Jampak yan eh. O eh mga tinatanong nila, puro sa usual.
17:28.0
Siyempre ako eh, kasalukuyan noon na binabatikos ko yung immigration sa panahon ni Miriam. Mga kaibigan, maraming katarantaduhan nangyari. O ngayon, eh tinanong ko sa kanya.
17:44.0
Kako, nasa saligang batas po natin na ipinagbabawal sa sino mang active members ng Armed Forces of the Philippines ang humawak ng anumang civilian post. Eh kako, bakit ho dito sa immigration ay pinapahintulutan yan?
18:11.0
Ba na si Ramos? Kasi hindi niya alam yun. Diba dahil hindi niya under yung CID, national defense ang hawak niya. Eh pero under niya yung military. Di ba mga kaibigan? Kaya, ang sabi ni Ramos, hayaan po ninyo. Tama po niyang sinasabi ninyo.
18:33.0
Hayaan po ninyo at aalamin natin ang tungkol dyan. Eh wala pa isang linggo mga kaibigan eh. Hindi ko na makita yung mga military doon eh. Doon sa CID nang wala eh. Eh kasi bawal yun. O double compensation yun eh.
18:52.0
At very specific ang constitution doon eh na sino mang member ng Armed Forces of the Philippines na nasa active service ay hindi maaaring humawak ng anumang position sa civilian office ng gobyerno.
19:14.0
Kaya si Ramos kahit ganoon siyempre marami ding issue kay Ramos pero kailanman hindi mo nakita ng benga. Wala siyang pinili. Eh kasi lahat tayo nakatira sa Pilipinas eh. Di ba? Lahat tayo Pilipino eh.
19:33.0
O hindi niya pinipili kung ikaw ay loyalist, kung ikaw ay kuwan, kung ikaw ay kurista. Wala sa kanya yun. Ha? Hindi mo pwede sabihing ako niya ay nasa EDSA. Ayan gagamitin mong kapital.
19:49.0
O kaya maraming ano mga kaibigan na mga nasa magkabilampanig ang hanggang ngayon humahanga kay Ramos dahil doon. O mga kaibigan. At yan si Mayor Alfredo Lim pareo sila ng karakter pagdating sa ganoon.
20:11.0
Hindi sila namumulitika ng kulay. Wala sa kanila yun mga kaibigan. Kasi wala namang maitutulong yan eh. Ang may gusto lang yan itong nakaraang administrasyon para mawala yung atensyon ng publiko sa kanila.
20:28.0
Mga kaibigan. Humahanap sila ng ginagawa nilang kumot para pagtakban yung sarili nila. Mga kaibigan. At ang masama kung ano yung ginagawa nila, yun ang ibinibintang nila sa iba.
20:58.0
Ingat ang mga politikong gumagawa ng kalokohan at baka kayo ay tama ng...
21:04.0
LAPID FIRE!