Close
 


Paano Nabisto Ang Pinaka Perpektong Bank Robbery
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #crime #truecrime #robbery
Moobly TV
  Mute  
Run time: 13:55
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
January 13, 2006, Buenos Aires, Argentina. Ang grupong ito ay nanunood ng TV habang kumakain.
00:07.8
Pinapanood nilang isang robbery na nagaganap sa Banco Rio, isa sa pinakamalaking financial institution sa bansa.
00:14.6
Nasa labas na ng bangko ang mga pulis at napapaligiran na nila ito.
00:18.6
Imbis na mabahala, natatawa lang ang grupo habang kumakain ng pizza. Bakit?
00:24.2
Dahil ang grupong ito ang nagnakaw sa Banco Rio, at sa mga oras na iyon,
00:28.7
hindi pa rin alam ng mga pulis na nakuha na nila ang pera at wala na sila sa loob.
00:33.9
Sa madaling salita, ilang oras lamang ang nakalipas. Nagawa ng grupo ang perfect heist, sana.
00:41.3
Kung paano, pag-usapan natin.
00:43.3
Nagsimula ang lahat kay Fernando Araujo, isang artist na kakahihulay lang sa kanyang girlfriend.
00:49.1
Isang araw, biglang pumasok sa isip ni Araujo ang nangyayaring robbery sa isang Banco Saramayo noong 1999.
00:56.3
Hindi maganda ang ending ng robbery na ito. Dahil noong papatakas na ang mga robbers,
01:01.1
nagputukan sila ng mga pulis kung saan namatay ang isang robber at dalawang hostage na ginawa nilang shield.
01:07.2
Naiisip ni Araujo na naiwasan sana ito kung hindi na lumabas ang mga robbers at bigla na lang na wala.
01:14.0
Pumasok sa isang tunnel na ginawa nila at tumakas.
01:17.5
Sinabi niya ang kanyang naisip sa kanyang matalik ng kaibigan na si Sebastian Bolster,
01:22.2
na agad namang sumang-ayon sa kanya. Pero hindi nito sineryoso si Araujo.
01:27.1
Magkababata si Bolster at Araujo at parehong lumaki sa north suburbs ng Argentina.
01:32.9
Kung may pagkawirdo si Araujo, dahil ito sa palagi niyang pag-wee-weed at kung minsan ay nagbebenta pa siya nito,
01:39.7
iba naman ang hilig ni Bolster.
01:41.5
Isa siyang magaling na mekanik na nagre-repair ng mga sirang makina sa motor o jet skis.
01:46.8
Sa galing ng mechanical skills ni Bolster,
01:49.2
nakagawa nga siya ng plano para sa isang mumurahing helicopter na binalak niyang asembolin sa garahe niya.
01:55.5
Lumipas ang ilang buwan at hindi pa rin maalis sa isip ni Araujo ang naisip niyang escape plan para sa isang robbery.
02:02.9
Nagtrabaho siya bilang martial arts teacher at tuwing libre ay nanonood ng bank robberies.
02:08.4
Lahat ng content na ganito, pelikula, documentaries at TV shows.
02:13.6
Nakahiligan din niyang magbasa tungkol dito at nakinig pa nga sa kantang Bank Robber ng The Clash.
02:19.5
Mula sa past time, naging research na ang ginagawa ni Araujo.
02:23.2
Seryoso na siya sa bank heist na gagawin.
02:25.9
Pinag-aralan niyang mabuti lahat ng bank heists na nabasa at napanood niya
02:30.5
upang malaman kung saan sila nagkamali at kung ano ang ginawa nilang tama.
02:35.3
Upang sa huli, maplano niya ang tinatawag niyang The Perfect Heist.
02:40.1
Makukuha nila ang pera ng walang nasasaktang sibilyan at nang hindi sila mahuhuli ng mga polis.
02:46.5
Nang nakabuna ng plano si Araujo, binalikan niya ang kababatang si Bolster.
02:51.8
Noong una, ayaw sumali ni Bolster sa gagawin ni Araujo.
02:55.6
Marangal siyang namumuhay at kung nahuli sila, mawawala lahat ng kanyang pinaghirapan.
03:00.7
Subalit may galit na rin si Bolster sa mga bangko.
03:03.8
Dahil naranasan na ng kanyang ama at lolo na mawalan ng malaking halaga ng pera sa bangko.
03:09.4
Pero bago tuluyang sumali si Bolster, ginusto niyang mangako si Araujo
03:13.2
na walang masasaktang sibilyan sa gagawin nila at hindi sila magdadala ng mga armas.
03:18.4
Agad naman itong siniguro ni Araujo.
03:21.4
Ito ang plano ni Araujo.
03:23.2
Napili niyang nakawan ang Banco Rio, isa sa pinakamayamang financial institution sa Argentina
03:29.0
kung saan marami sa mga clients ay ang mga elites ng Argentina.
03:32.8
Papasok sila sa bangko gamit ang isang tunnel mula sa ilalim ng bangko.
03:37.0
Dahil madalas ang pagulan at pagbaha, maraming storm tunnels ang Buenos Aires
03:42.0
na nilalabas ang tubig mula sa syudad papunta sa mga ilog.
03:46.3
Napakahalaga ng tunnel na ito dahil dito rin sila tatakas pagkatapos ng robbery.
03:52.1
Subalit may isang problema pa.
03:54.2
Dahil bangko ang papasokin nila, siguradong mahigpit ang security systems nito
03:58.8
at pag na-trigger nila ang alarm, siguradong mabilis na re-responde ang mga pulis.
04:03.5
Kaya naman, naisip ni Araujo na gawin ang heist sa umaga
04:07.7
kung saan naka-disable ang mga alarms ng bangko dahil nasa loob naman ang mga empleyado nito.
04:13.4
Dito napatanong si Bolster,
04:15.1
kung umaga natin gagawin at may mga empleyado sa bangko,
04:18.5
paano natin maie-execute ang plano nang hindi nila nalalaman?
04:22.2
May sagot na rin si Araujo dyan.
04:24.1
Naisipan niyang gumawa ng isang diversion kung saan magpo-focus ang mga otoridad at mga empleyado.
04:29.4
Gagawa sila ng isang pegging robbery sa main floor ng bangko
04:33.1
habang nagnanakaw sila sa basement.
04:35.5
Ang target ni Araujo ay ang deposit boxes na nasa basement.
04:39.5
Sa mga panahon iyon, malaki pa ang pagkadismayan ng mga tao sa mga bangko ng Argentina
04:44.4
dahil noong 2001, nag-collapse ang banking system ng bansa
04:48.3
at maraming Argentines ang nawalan ng pera.
04:51.3
Kaya naman, imbis na i-deposit ang kanilang pera sa bangko mismo,
04:55.0
nilalagay na lang nila ang kanilang yaman sa safety deposit boxes
04:58.5
kung saan sila lang ang pwedeng maka-access.
05:01.7
Si Araujo ang mastermind ng heist
05:04.1
habang si Bolster naman ang engineer.
05:06.6
Subalit dahil gagawa pa sila ng pegging robbery,
05:09.4
kailangan nila magdagdag ng tao.
05:11.6
Dito sumali sa grupo si Nadoc at Beto,
05:14.9
dalawang veteran robbers at dating miyembro ng Superbanda,
05:18.7
isang grupo ng mga armadong magnanakaw
05:21.1
na sinugod ang mga bangko ng Argentina noong 1980s at 90s.
05:25.1
Para matustusan ang gasto sa heist,
05:27.3
binenta ni Araujo ang kanyang sasakyan,
05:29.6
pero kulang pa rin ito.
05:31.0
Kumuha sila ng financer sa pangalang Luis Mario Vitiete Sillines,
05:35.6
isang sikat na magnanakaw mula sa Uruguay,
05:38.8
na kilala din bilang the Spider-Man of Buenos Aires.
05:42.5
Malaki ang prep work na gagawin ng grupo
05:44.8
at kadalasa nito ay tatrabahuin ni Bolster.
05:47.8
Gabi-gabing pumapasok sa storm tunnel si Bolster
05:50.6
at sinimulang gumawa ng daanan papunta sa ibaba ng bangko.
05:54.1
Gumamit siya ng hydraulic shovel para dito
05:56.7
at natapos niya ito pagkaraan ng ilang buwan.
05:59.4
Ngayon ay may entrance at exit na ang grupo.
06:02.3
Tinabaho na ni Bolster ang tools na gagamitin ang grupo
06:05.5
sa pagbukas ng mga safety deposit boxes.
06:08.2
Nagrenta ng isang deposit box si Bolster sa isang bangko
06:11.4
at inalam ang brand nito.
06:13.2
Bumili siya ng deposit box at nagsimula siyang mag-eksperimento
06:16.9
kung ano ang magandang paraan upang mabuksan nito
06:19.8
nang hindi gumagawa ng ingay.
06:22.3
Sa huli, napagdesisyonan na jackhammer ang kanyang gagamitin.
06:26.3
Pagkakuha nila ng pera at ano pang mga bagay na nasa safety deposit boxes,
06:30.8
napagdesisyonan ng grupo na gumamit ng zodiac boats
06:34.1
dahil dadaan naman sila sa tubig na nasa drainage tunnels.
06:37.7
Ang problema lang nito ay madaling na uubos ang tubig sa drainage
06:41.7
kaya mahihirapang umabante ang kanila mga zodiac boats.
06:45.1
Kaya naman, upang mapanatiling mataas ang water levels ng drain sa heist,
06:49.8
gumawa ng wooden dam si Bolster at naresolban nito ang problema.
06:55.0
Habang abala ang engineer,
06:56.7
naghanda naman ng mga laroang baril, maskara,
06:59.8
at mga disguise ng ibang miyembro ng grupo.
07:02.9
January 13, 2006,
07:05.3
dumating na ang araw na pinakahihintay ni Araujo.
07:08.3
Ngayon ay isasagawa na ng grupo ang kanyang masterpiece.
07:12.5
Ang unang ginawa ng grupo ay magpunta sa isang coffee shop
07:15.6
upang uminom ng kape.
07:17.2
Habang nandoon, naglagay sila ng glue sa kanila mga daliri
07:20.7
at pinatigas ito upang hindi sila magiwan ng fingerprints.
07:24.4
Umaga pa lang ay nagpunta na si Bolster sa drain
07:27.4
at pumuesto na para sa heist.
07:29.6
Nakaset up na ang kanyang wooden dam
07:31.8
upang panatilihing mataas ang water levels ng drain.
07:35.0
Nagnakaw din ang grupo ng dalawang sasakyan
07:37.5
upang palabasin na getaway cars.
07:39.7
Kasama ng isa pang getaway van na minamaneho ni Julian,
07:42.9
isang bagong miyembro ang driver ng grupo.
07:46.4
Unang pumasok sa bangko si na Doc at Beto.
07:49.5
Agad na inilabas ni Beto ang kanyang toy gun
07:52.1
at pinaalam sa buong bangko na isa itong robbery.
07:55.4
Mula sa garahe ng bangko,
07:56.9
pumasok naman si Vitiete at isa pang panibagong miyembro sa pangalang Luis.
08:01.1
Pinart nila ang ninakaw na sasakyan sa garahe
08:04.0
upang magmukhang getaway car.
08:06.0
Ang panghuling pumasok kayang mastermind ng grupo na si Araujo.
08:09.9
Siya ang nagmaneho sa isa pang ninakaw nila na sasakyan
08:13.1
at inilagay ito kung saan makikita ito ng pulis
08:16.2
at magmumukhang getaway car.
08:18.3
Pumasok sa bangko si Araujo na may suot na baseball cap,
08:21.8
ski mask, blonde na wig, at sunglasses.
08:25.2
Sa katunayan, sa sobrang kakaiba ng kanyang disguise,
08:28.7
hindi siya nakilala agad ni Beto.
08:31.0
Noong kumpleto na sila sa taas,
08:32.8
agad nang bumaba si Doc sa cleaning room
08:35.2
kung saan naghihintay ang panghuling miyembro ng grupo,
08:37.9
ang engineer na si Bolster.
08:39.9
Isang manipis na pader lamang ang nasa harapan ni Bolster
08:43.0
at nang magiba ito ni Doc,
08:44.7
nakapasok na din sa loob ang engineer.
08:47.2
Ngayon ay nagsimula na ang dalawang oras na mayroon sila
08:50.1
para sa heist.
08:51.5
Si Luis at Beto ang naka-assign na magpakalma sa hostages
08:55.1
upang hindi ito magingay.
08:56.8
Si Vitiete naman ang magiging negotiator ng grupo.
09:00.3
Habang si Doc at Bolster ang magsasagawa
09:02.9
ng pagnanakaw sa mga safety deposit boxes.
09:05.9
Di nagtagal, dumating na ang mga polis eksena.
09:08.9
Agad nilang pinalibutan ang Banco Rio
09:11.2
at nakita ang mga getaway cars na itinanim ng grupo.
09:14.5
Dito na lumabas si Vitiete at nagpakilalang si Walter.
09:18.3
Nakipag-usap siya sa mga polis at pinalaya ang security guard
09:21.9
upang alisin ang baril na daladala nito.
09:24.3
Di kalaunan ay nagpalabas na naman ng hostage si Vitiete.
09:28.5
At habang ginagawa niya ito,
09:30.3
nakikita ng mga polis na natatakot at kinakabahan
09:33.6
ang nagpakilala sa kanila na si Walter.
09:36.7
Sa katunayan, parte ito ng strategy ng grupo
09:39.9
upang akalain ang mga otoridad
09:41.8
na dahan-dahan na nilang natatalo ang mga robbers
09:44.6
at maging kumpiyan sa sila.
09:46.4
Habang abala ang mga polis kay Vitiete aka Walter,
09:50.1
mabilis namang kumikilo si Bolster sa basement.
09:53.1
Pagkapasok niya ng Banco,
09:54.8
agad niya ang inasemble ang jackhammer.
09:57.3
Umabot ng 20 minutes ang pag-asemble niya,
10:00.0
pero noong natapos na,
10:01.4
mabilis na ang kanyang pagbukas ng mga safety deposit boxes.
10:05.4
Nang maayos na ang sitwasyon sa taas,
10:07.6
bumaba na si Doc at si Araujo
10:09.7
at pinasok sa isang bag ang lahat ng mga nakuha ni Bolster.
10:13.2
Unang bumaba si Luis sa tunnel
10:15.1
at nagsunod-sunod na ang bawat isa sa grupo.
10:18.3
Bago sila tuluyang umalis,
10:20.1
nagspray sila ng sabon sa kanilang pinagnakawan
10:22.9
bilang depensa sa DNA testing
10:25.0
at nag-iwan ng mga buhok
10:26.8
na nakuha nila mula sa isang barbershop
10:29.3
upang mas malito pa ang mga polis.
10:31.7
Pagdating ng grupo sa tunnels,
10:33.5
agad nilang kinarga ang kanilang nakaw at mga tools sa Zodiac boats.
10:37.3
Habang papatakas na ang grupo,
10:39.5
abala pa rin ang mga polis sa loob ng Banco.
10:42.1
Nakapwesto na ang mga polis
10:43.7
dala ang kanila mga baril sa perimeter ng Banco,
10:46.4
subalit natatakot pa rin silang pasukin ito.
10:49.1
Sinabihan sila ni Vitiete na may dala ang grupo na baril
10:52.7
at handang makipagbarilan sa kanila,
10:55.1
kahit hindi naman totoo.
10:56.6
Siyempre, ayaw na mga polis na matulad sa nangyari
10:59.6
sa Ramalyo robbery kung saan namatay ang dalawang hostages.
11:03.0
Subalit, noong wala nang sumasagot sa kanila mula sa loob ng Banco
11:06.9
at hindi na nila makontak ang nagpakilalang si Walter,
11:10.2
napagdesisyon na nilang iraid na ang Banco.
11:13.4
At pagkapasok nila,
11:14.9
nagulat sila sa kanilang nakita.
11:17.5
Nakahanda na ang mga polis sa isang matinding shootout
11:20.5
pero pagkapasok nila,
11:21.9
wala na ang mga robbers sa Banco.
11:24.3
Nahanap nila ang mga hostages
11:26.0
na nakakalat sa tatlong floors ng Banco
11:28.5
at lahat sila ay safe
11:30.0
at wala kahit isa sa kanila ang nasaktan.
11:33.0
Nalito ang mga polis sa kanilang nakikita.
11:35.5
Subalit noong bumaba sila sa basement,
11:37.7
doon lang nila napagtanto ang ginawa ng mga robbers.
11:40.9
Mula sa 400 na safety deposit boxes ng Banco,
11:44.2
bukas na ang 143 nito at wala nang laman.
11:48.3
Ang tanging naabutan lang ng mga polis
11:50.5
ay isang battery pack,
11:52.0
ilang mga toy guns na ginamit ng robbers
11:54.2
at isang note na nagsasabing,
11:56.0
In a neighborhood of rich people,
11:57.8
without weapons or grudges,
11:59.5
it's just money, not love.
12:01.9
Sa mga oras na iyon,
12:03.2
nasa bahay na ang grupo,
12:04.8
pinapanood ang mga polis,
12:06.3
binibilang ang kanilang pera at kumakain ng pizza.
12:09.4
Kinaumagahan,
12:10.4
kinuha ni Bolster ang lahat
12:11.8
ng nakuha nilang credit card sa safety boxes
12:14.5
at ikinalat ito sa mga lugar na malayo
12:16.6
sa exit route ng grupo.
12:18.4
Dahil dito,
12:19.5
mas nalito pa ang mga polis
12:21.3
at wala silang kahit anumang lead
12:23.2
kung sino talaga ang mga robbers.
12:25.3
Kaya ang tanong,
12:26.5
paano nahuli ang grupo?
12:29.2
Ilang linggo matapos ng heist,
12:31.0
nahuli si Beto ng mga polis
12:33.0
habang nagmamaneho kasama ang kanyang girlfriend.
12:35.8
Normal lang naman ito.
12:37.0
Anong problema?
12:38.1
Ang problema sa ginawa ni Beto
12:39.9
ay sa totoo,
12:40.9
may asawa na siyang tao.
12:42.5
At noong mahuli ng kanyang asawa
12:44.3
ang kanyang pangangaliwa,
12:45.7
binuking ng asawa ang partisipasyon ni Beto
12:48.3
sa heist na ginawa ng grupo.
12:50.6
Pagkatapos magtagumpay ng heist,
12:52.7
sinabihan pala ni Beto ang kanyang misis
12:54.7
tungkol dito
12:55.7
at ngayong galit na ito,
12:57.2
wala nang takas ang grupo.
12:59.3
Nakita din ang misis ang mga kagrupo ni Beto
13:01.9
nang minsan silang nagtipon sa bahay nila.
13:04.5
Di nagtagal,
13:05.6
nahuli din ng mga polis ang ilan pang membro ng grupo
13:08.5
na si Naaraujo,
13:09.7
Bolster
13:10.5
at si Doc.
13:11.3
Si Viete lamang at si Luis
13:13.2
ang hindi nahuli ng mga polis
13:15.2
dahil hindi ito namukaan ng asawa ni Beto.
13:18.1
Matanda na ang mga individuals
13:20.0
na sangkot sa robbery sa Banco Rio
13:22.0
noong 2006
13:23.4
at lahat sila ay lumaya na.
13:25.3
Kahit ano pang strategy ang ginawa ng grupo,
13:27.8
mali at isang malaking kasalanan pa rin
13:30.3
ang ginawa nilang pagnanakaw sa Banco Rio.
13:33.6
Ang ninakaw nila ay pera
13:35.1
at ari-ari ang pinaghirapan ng mga kliyente ng Banco
13:38.1
at sa huli,
13:39.1
karapat dapat lamang silang makulong
13:41.3
dahil sa kanilang kasalanan.
13:44.1
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan,
13:46.1
huwag kalimutang magsubscribe sa Bubly Youtube Channel
13:48.9
at pindutin ang notification bell.