Close
 


Malakipas Ang 80 years Natagpuan Sa Pilipinas Ang Barko Ng Japan Na Pinalubog Ng U.S Noong WWII
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ang videong ito ay tungkol sa paglubog ng Japanese ship noong WWII, na natagpuan na sa karagatang sakop ng pilipinas, pinalubog ito ng U.S gamit ang mga torpedoes na pinakawalan ng Submarine USS Sturgeon, na ikinamatay ng maraming Australian na prisoners of war mula sa battle of rabaul sa pagitan ng Japanese at Australian.. #MontevideoMaru #Japaneseship #westphilippinesea #USSubmarine
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 06:06
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Makalipas ang walong taon natagpuan na ang kinaruroonan ng barko ng Japan na pinalubog ng US noong World War II, at para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti.
00:31.0
April 6 nang simulan ng paghahanap sa nasabing barko ng isang maritime archaeologist group na Silent World Foundation gamit ang kanila mga high-tech na kagamitan.
00:44.0
Ang Montevideo Maru ay isang Japanese transport ship na pinalubog ng US noong World War II na nagresulta sa pagkalunod ng 1,054 na katao at mahigit siyang naraan na sakay nito ay mga Australyano na mga bilanggunang digmaan ng the Battle of Rabool sa New Britain sa pagitan ng Japanese at Australian.
01:09.0
Ang mga prisoners of war at mga sibilyan na sakay nito ay dinadala mula sa Rabool patungong Hainan, China.
01:17.0
Bago ang digmaan sa pagitan ng Japan at Australia, ang barko ay nagpapatakbo bilang isang passenger o cargo vessel na naglalakbay sa pagitan ng Japan at Brazil at nagdadala ng mga emigrante ng Japon.
01:34.0
Ang Montevideo Maru ay isa sa tatlong barko kasama ang Santos Maru at La Plata Maru ng shipping line Osaka Shoshin Kaisha na itinayo para sa kanilang trans-Pacific na servisyo sa South America.
01:50.0
Ang 7,267 tons na barko ay itinayo ng Mitsubishi Shoshin Kakuki Shipyard sa Nagasaki at inilunsad noong 1926.
02:02.0
Ito ay may haba na 430 feet at may taas na 56 feet. Ito ay pinapatakbo ng dalawang Mitsubishi Soldier 6060 na six-cylinder na diesel engine na naghahatid ng kabuang 4,600 horsepower at may bilis na 410.5 knots o 26.9 kilometers per hour.
02:25.0
Sa isang interview noong October 2003 sa isa sa nakaligtas na crew na si Yoshiaki Yamaji noong June 22, 1942, ilang linggo matapos ang pagbagsak ng rabul sa mga Hapones, maraming mga bilanggo na Australia ang pinasakay mula sa daungan ng rabul patungo sa Hainan, China.
02:46.0
Ang barko ay nagpatuloy lang sa paglayag nang walang escort at nang makita ito ng American Submarine na USS Sturgeon malapit sa Hilagang Baybay ng Pilipinas noong Honyo Atrenta,
02:59.0
ang barko ay hinabol ng submarine ngunit hindi ito nakapagpaputok dahil ang barko ay naglalakbay ng pinakamabilis at hindi pa ganun kahay tiknon ang submarine ng US.
03:12.0
Bumaga lamang ito ng humigit kumulang 12 knots sa hating gabi.
03:17.0
Ayon sa tripulante na si Yoshiaki Yamaji, ang barko ay bumagal upang makipagtagpusa na sa isang escort na dalawang destroyer.
03:27.0
Hindi omano inakala ng US na ang barko ng Japan ay may dala palang mga kaalyado nito na mga prisoners of war at mga sibilyan.
03:36.0
Bigla na lamang pinakawalan ng US ang apat na torpedo sa Montevideo Maru bago mag umaga noong July 1 na naging sanhe ng paglubong ng barko sa loob lamang ng 10 minuto.
03:49.0
Ayon kay Yamaji, ang mga Australiyanong nakakulong noon na sakay ng barko ay kumakanta ng old lang sign sa kanilang mga kasamahan.
03:57.0
Dagdag pa nito ilan sa mga prisoners of war ay may hawak na mga piraso ng kahoy at gumagamit ng mas malaking piraso bilang balsa.
04:07.0
Malamang nasa 80 o 100 katao lahat ang nakalutang noon.
04:12.0
Ang paglubog ng barko ay itinuturing na pinakamasamang sakuna sa dagat sa kasaysayan ng Australia.
04:20.0
Ang isang nominal na listahan na ginawa ng gobyerno ng Japan noong 2012 ay nagsiwalat na may kabuoang siyam naraan na bilanggo at nasa 100 sibilyan at crew ang namatay sa paglubog ng Montevideo Maru.
04:35.0
Kabilang sa mga namatay ang 35 mga marino mula sa Norwegian merchant ship at 20 Japanese crew naman ang nakaligtas mula sa orihinal na 88 gwardya at tripulante ng barko.
04:49.0
Natuklasan ang kinaruroonan ng Montevideo Maru sa lalim na mahigit 4,000 na kilometro sa karagatang sakop ng Pilipinas sa hilagang kanluran ng Luzon Island.
05:01.0
Sinabi ng punong ministro ng Australia na si Anthony Albanis na umaasas yang ang balita ay magdadala ng sukat ng kaginawahan sa mga mahal sa buhay na nagpapanatili ng mahabang pagbabantay.
05:15.0
Sinabi naman ang director ng Silent Ward Foundation na si John Mullians sa isang pahayag na ang site ay hindi maaabala dahil ito ay isang libingan ng digmaan.
06:01.0
Thank you for watching!