Close
 


NAWAWALA SI LOLA (Part 2) | Kwentong Aswang | True Story
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
NAWAWALA SI LOLA (Part 2) | Kwentong Aswang | True Story JOIN Xethennial Membership: https://www.youtube.com/channel/UCZ6nWtA2u9KS3EreDzMrYew/join - Unique Badge and Emoji sa live chat at comment section - Shout-out sa new members/renewed members sa simula ng video Email: mkn.thelmo@gmail.com mga kwento ni Thelmo channel: https://www.youtube.com/c/mgakwentoNiThelmo Xeth Tagalog Horror Animation: https://www.youtube.com/c/XETHTagalogHorrorIllustration Sir Xeth channel: https://www.youtube.com/c/ThelmoFiles Facebook Account: https://web.facebook.com/xeth.helmo.3 Facebook Page: 1. https://www.facebook.com/Mga-kwento-ni-Thelmo-328269211396623/ 2. https://www.facebook.com/ProyektoHelmo Instagram: https://www.instagram.com/xeth_helmo/ #PinoyHorrorStories #TagalogHorrorStories #MgaKwentoNiThelmo
Mga Kwento Ni Thelmo
  Mute  
Run time: 25:17
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Mga puweto ni Thelmo
00:17.0
Kahit na yun man ang huling pagkikita nila kay Lola Inday
00:21.0
ay matagal-tagal din bago ito tuluyang nawala
00:26.0
Pero dito muna tayo sa bago pa nila na balitaang nawala si Lola Inday
00:32.0
Hindi na tapos ang pananalasa ng mga ganitong nilalang
00:36.0
pero ang nakapagtataka sa mga nangyayari ay
00:40.0
bukod sa mga nananalasang mga ganitong uri
00:43.0
ay tila ba merong kumakalaban sa mga ito?
00:48.0
Gaya na lamang nang nangyari sa isang kabaranggay ni Latiyose
00:53.0
Kalaliman umano ng gabi nang magkagulo ang lahat ng naroorong kamag-anak
00:59.0
Meron silang anim na taong gulang na anak nun, babae
01:04.0
Nag-aaway umano noon ang mga magulang na mga batang ito
01:08.0
Samantalang ang dalawang kapatid naman ang batang babae
01:12.0
ay nakatoka na maghugas ng tinggan at ang isa ay magigib
01:19.0
Ayon sa batang babae
01:22.0
Habang nakadapa siya at naglalaro ay merong isang dalaga umano
01:26.0
ang bigla na lamang dumungaw sa bibintana nila
01:30.0
Tinawag siya
01:33.0
Ne! Gusto mo laruan?
01:36.0
Ito oh! Halika dito
01:40.0
Merong pinakita ang dalaga na isang ang laruan noon na
01:44.0
hindi ko na maalala kung anong klase
01:47.0
Hindi ko na maalala yung pagkakakwento ni Lola Gemma
01:52.0
Nang lumapit ang bata ay bigla na lamang itong hinatak ng dalaga
01:57.0
palabas ng bintana
02:00.0
At nang sumigaw ang bata ay saka naman nakita ng kapatid nitong
02:04.0
nasa igiban ang kapatid na hinahatak nga ng nilalang nayon
02:09.0
At kitang kita niya umanong pagkahatak na pagkahatak sa kapatid niya
02:14.0
bigla na lamang itong nawalan ng malay
02:19.0
At nang magsimula ng maglakan ang babae habang buhat-buhat ang kapatid niya na ito
02:25.0
ay unti-unti itong naging kawangis ng isang aso
02:31.0
na naglalakad gamit lamang ang dalawang paa
02:36.0
Dito na nagkagulo
02:38.0
Sumigaw na itong binata at siya namang labas ng kanyang tatay at nanay
02:45.0
Ang kanyang tatay ay merong dalang itak
02:48.0
at ang kanyang namang ina ay tumakbo sa pinakamalapit na kapitbahay
02:53.0
para humingi ng tulong
02:56.0
Dali-dali namang sumunod ang binata sa kanyang ama
03:00.0
Mabuti na lamang at hindi gaanong mapuno ang lugar nila dahil
03:04.0
kahit mabilis ang nilalang
03:07.0
ay nakikita pa rin nila ang dinadaanan ito
03:11.0
Hanggang sa ito na
03:12.0
sa dulo
03:14.0
kung saan sana ay papasok na ang nilalang sa gubat
03:18.0
bigla na lamang umanong may lumabas doon
03:22.0
at gaya ng nakita nila Lola Gemma
03:26.0
kawangis din ito ng nilalang
03:29.0
Ang buwang akala nga ng mga kaanak ng nakuhang bata ay kasama nito ng nilalang nayon
03:35.0
at yun na ang katapusan ng bata pero
03:38.0
laking gulat nila
03:39.0
nang bigla na lamang nitong inambahan ng nilalang na kumuha sa bata
03:44.0
dahilan para tumilapon ang batang babae palayo sa kanilang dalawa
03:50.0
At sa gulat nila
03:52.0
nagpambuno ang dalawang nilalang na ito
03:55.0
nagpaikot-ikot hanggang sa may inilabas na patalim
03:59.0
itong nilalang na nagligtas sa bata
04:03.0
Dito na nagngangangawang parang aso ng nilalang
04:06.0
Dito na nagngangangawang parang asong baliw ang kumuha sa batang yon
04:12.0
Nagpumilit itong umatras at lumayo
04:15.0
at muli silang naghabulan
04:18.0
Hindi maintindihan na mga kaanak ng bata ang nangyari pero
04:23.0
dalawa lamang ang ibig sabihin nun
04:27.0
Iniligtas
04:29.0
o talagang nagagawan sila sa pagkain
04:32.0
Pero kung nag-aagawan man
04:34.0
ang nakapagtataka ay kung bakit
04:38.0
mas pinili ng nilalang na huling dumating
04:41.0
ang habulin ang isang nilalang na kumuha sa bata
04:45.0
kesa ang tumigil doon
04:47.0
at pagkainteresan ang batang walang kamalay-malay noon sa lupa
04:52.0
Diba?
04:54.0
Mapapaisip din talaga kayo
04:57.0
Pinagamot naman ang bata at bukod sa galos
05:00.0
ay wala itong ibang naging karamdaman
05:03.0
Maliban na lamang doon sa pagtampong
05:06.0
o pagkawala niya ng malay dunot ng dasal o bulong
05:09.0
na ginawa sa kanya ng nilalang na muntik na siyang mabiktima
05:15.0
Nangyari pa ito ng ilang beses
05:18.0
Mga hindi natuloy na pangunguhan ng mga nilalang
05:22.0
Pero kahit ganun ay may mga pagkakataon pa rin talaga na merong nabibiktima
05:27.0
Bagamat halos puro hayop na lamang ang nagagalaw ng mga nilalang na ito
05:32.0
ay hindi pa rin na wala ang takot ng mga tao sa paligid
05:39.0
Kasagsagan ang init ng panahon nun
05:42.0
Nang kumalat naman sa lugar nila Lola Gemma
05:45.0
ang mga kumalat na katawan ng mga hindi kilalang mga tao
05:51.0
Unang nakita ay ang katawan ng isang dalagang
05:54.0
na hanap sa gilid ng pangpang ng isang maliit na sapa
05:59.0
Ang hindi nila maintindihan ay
06:01.0
yung medyo deformed o mano ang pagkataon nito
06:05.0
Kumaga, may mga parte ng katawan niya na mabalahibo
06:10.0
kagaya ng braso, ng leeg
06:13.0
May mga malalaki siyang ngipin at may ibang ngipin naman na normal
06:18.0
Ang leeg niya ay parang napaso na hindi maintindihan
06:22.0
Ang kalahati ng mukha niya ay halos parang maskara na ibang-iba sa forma ng kabilang katawan nito
06:31.0
Pagkatapos noon ay meron pang isang katawan na pinilit o manong ilibing
06:36.0
pero nahalukay naman ang isang aso
06:39.0
dahil tila mababaw at minadali lamang ang paglibing
06:44.0
Ganun na ganun din ang itsura ng deformities
06:47.0
Yung isa pang nakita ay meron namang mga latay sa katawan
06:51.0
at ang latay ay tila latigo
06:54.0
tapos may pasupasupa ang mga ito
06:56.0
Isinangguni nila ito sa kinauukulan
06:59.0
Mas naging mapagmatsyag ang mga tao noon pero
07:03.0
Ang napapansin nila
07:05.0
Matapos ang tatlong insidente ng mga taong pinatay na may kakaibang anyu sa katawan
07:11.0
Kasabay nito
07:13.0
ay ang biglaang pagkawala ng mga kakaibang nakawan at patayan ng mga hayop
07:20.0
As in biglaan talagang nawala Sir Seth
07:23.0
Sabi pa nga ng aking lola Gemma
07:26.0
ay mula nang makita ang pangatlong bangkay
07:29.0
Tila ba o maliwalas na rin ang gabi
07:32.0
Ramdam na ng mga tao yung gaan ng hangin
07:36.0
Na ultimong yung mga hayop
07:38.0
Mapaibon man, manok, pato, kalabaw at aso
07:43.0
Tahimik na
07:45.0
Kampanting-kampantin na
07:47.0
Hindi katulad ng mga ulo sa isang isa
07:49.0
Kampanting-kampantin na
07:52.0
Hindi katulad ng mga una na halos hindi makatulog ang mga aso nila
07:56.0
Sa kakaalulong ng mga disoras ng gabi
08:00.0
Kung sa iba
08:02.0
Nagsisimula na ang katahimikan at pagiging kampante
08:06.0
At dumadami na rin ang taong nasa labas kahit gabi
08:10.0
Naging iba naman ito para kilalola Gemma
08:14.0
Lalong-lalo na sa kanyang amang si Tatay Gomez
08:19.0
Isang araw ay pumunta ang kapatid ng Tatay Gomez nila
08:22.0
Na tawagin na lamang nating Tia Irene sa kanila noon
08:26.0
Ito yung tiyahin na nasa katabing bahay lamang ni Lola Inday
08:31.0
Hindi naman nag-aalala yung mukha nito pero
08:34.0
Pumunta lamang ito para magtanong kung nagawi na ba doon si Lola Inday
08:39.0
At inga
08:41.0
Yung huling pagkakita nila Lola Gemma ay mga ilang linggo na rin ang nakakalipas noon
08:46.0
Matapos noon ay hindi naman na bumalik ang kanilang Tia Irene
08:51.0
Kinaisip nila na baka nahanap o nakabalik naman na itong Lola Inday
08:58.0
Hanggang sa isang araw
09:00.0
Ito na naman
09:02.0
Meron na namang pagpapakita ng isang sinasabing aswang
09:07.0
Bagamat ang pagpapakita nito ay kakaiba
09:09.0
May mga bit-bit itong mga maliliit lamang na hayop kagaya ng mga biik, mga manok, pato o kung ano pa
09:18.0
Pero niminsan
09:20.0
Walang napapabalita ang nawalan ng hayop sa barangay nila Lola
09:25.0
Maging sa karating barangay
09:28.0
Kasabay nito
09:30.0
Ay ang pagdalaw ni Tio Jose sa bahay nila Lola Gemma
09:34.0
At kagaya ng kanilang Tia Irene ay hinahirap na
09:37.0
At kagaya ng kanilang Tia Irene ay hinanap nito si Lola Inday
09:42.0
Alaman daw kasi ni Tio Jose na itong si Tia Irene ay masama ang pakiramdam
09:47.0
Ilang araw na ang nakalilipas
09:50.0
Dahil hindi na niya ito nakikitang naglalaku ng mga paninda
09:55.0
Pinuntahan niya ito kaya nalaman niya
09:58.0
Hinanap niya si Lola Inday para daanan pero wala ito doon
10:04.0
Sa tatlong araw na pabalik-balik ni Tio Jose
10:07.0
Sa bahay ni Tia Irene
10:09.0
Para bigyan ito ng lugaw o ano na hindi naman kinakain ang pinsan niya
10:15.0
Ay wala ding sinyalis na naroroon si Lola Inday sa kabilang bahay
10:21.0
Ang sagot lamang ni Irene ay hindi niya rin alam
10:26.0
Dito na naalala ng Tatay Gomez ni Lola Gemma
10:30.0
Na noong nakaraan lamang din
10:32.0
Mga mahigit isang linggo na ang nakalilipas ay
10:35.0
Na wala din itong si Lola Inday
10:38.0
Kaya nasaan yun diba?
10:41.0
Sa pagkakataon na yun ay nagsimula na silang maghanap
10:45.0
Hindi nila pinasama ang Tia Irene ni Lola Gemma
10:49.0
Dahil nga hindi ito halos makabangon at makalabas nun
10:52.0
Nilalag na dito
10:56.0
Habang tumatagal
10:58.0
At habang paunti-unti na lamang ang mga kaanak na natatanungan nila
11:03.0
Na nakumpirmang wala si Lola Inday
11:06.0
Ay mas lalong kinabahan ang Tatay Gomez ni Lola
11:11.0
Dito ay napapaisip siya
11:14.0
Meron siyang naaalalang nakapagbagabag ng kanyang pagkatao
11:19.0
Pero napakaimposible nun
11:23.0
Maraming taon na ang nakalipas
11:26.0
At maayos naman ang lahat
11:29.0
Kung ano yun
11:30.0
Mamaya
11:32.0
Malalaman nyo
11:35.0
Halos ang mga kamag-anak na kalapit ni Lola Inday
11:39.0
Ang tulong-tulong na naghanap sa kanika nilang mga lugar
11:43.0
Gaya nga nang sabi ko ay hiwa-hiwalay ang mga ito
11:47.0
Kaya nagkanya-kanya silang hanap
11:49.0
Ultimong sila Lola Gemma, sila Wilson
11:53.0
Mga pinsan nito ay may manakanakang
11:56.0
Nagiikot-ikot para man lang makatsamba sa Lola nila
11:59.0
Ipinagsangguni na rin nila ito sa mga may otoridad
12:04.0
Hanggang sa isang partikular na gabi nun
12:07.0
Ayon sa kanilang tihus eh
12:10.0
Bigla umanong kumahol si Chippy
12:14.0
At merong nagsisisigaw at nagtatawag sa bahay nila
12:18.0
At nang tingnan nila ito
12:21.0
Ito ay si Lola Yoli
12:24.0
Si Lola Yoli naman ay ang kapatid ng asawa
12:28.0
Ni Lola Inday
12:30.0
Si Lolo Yusyo
12:32.0
Medyo ka-close talaga kasi sila
12:34.0
Simula ng dalaga pa lamang ang mga ito
12:37.0
Nakarating sa kanya ang balita
12:40.0
Ng pagkawala ni Lola Inday noong hapon din nayon
12:43.0
Kaya naman dumerecho siya dun, kaya ito ginabi
12:47.0
Wala naman siyang kaalam-alam na may sakit din si Tia Irene
12:51.0
Kaya naman ang masilip niyang walangang katao-tao
12:54.0
Ang bahay ni Lola Inday
12:56.0
Saka ito dumerecho sa bahay ni Irene
13:00.0
Habang papalapit umano ito sa bahay
13:03.0
Pansin niyang walang kailawan sa loob
13:07.0
Pero bukas ng konti ang bintana
13:10.0
At meron ding awang ang pintuan
13:13.0
Inisip niya pa nga noon na baka lamang
13:16.0
Nagsilip o naghanap si Irene sa Lola Inday niya
13:19.0
Hanggang sa may narinig siyang ingay sa loob Sir Seth
13:23.0
Para umano itong nagkakalkal ng kung ano
13:27.0
At tunog humihingal pa na aso noon
13:31.0
Kaya naman sa pag-iisip nito
13:34.0
Na dahil nga naiwang hindi buong sarado ang bintana at pintuan
13:39.0
Ay nakapasok ang aso o pusa sa loob
13:43.0
E noong mga panahon na yon, wala pang refe
13:46.0
Alam na mga taga-probinsya yan
13:49.0
Ditakip lang yung ulam
13:51.0
At swerte ka pa kung may basket kang pangsabit o panghanging
13:55.0
Doon sa taas ng bubungan nyo o kisamin nyo
14:00.0
Subali ito na nga Sir Seth
14:03.0
Kumuha si Lola Yoli ng pamalunon
14:06.0
Una niyang nakita ay yung putol na sanga
14:10.0
Maliit lang
14:12.0
Pagbukas niya sa loob,
14:15.0
Pagbukas niya Sir Seth
14:17.0
Nabutan pa niya na umiwas yung hayop sa pinto
14:21.0
Yung tipong lumiko sa bandang kanan niya
14:25.0
Sobrang dilim o mano
14:28.0
At nangangamoy maasim sa loob ng bahay nito
14:31.0
Naakala mo may kung anong panis doon
14:35.0
Napasabi pa si Lola Yoli noon na ano bang iniipon ni Irene noon
14:40.0
Kaneng baboy
14:42.0
At wala naman siyang alagang baboy
14:44.0
Ganon nga kasi ang amoy sa loob
14:47.0
Nang idako niya ang tingin niya sa pinuntahan ng hayop na yon
14:52.0
Sa gilid
14:54.0
Dito na siya humiyaw
14:57.0
Dahil kahit may kadiliman
15:00.0
Nakita niyang hindi hayop ang tumakbo papunta sa parte na yon
15:07.0
Dahil doon banda
15:10.0
Nakaupo ng pabukaka si Irene
15:12.0
Ang mga kamay nito ay nakalapat din sa may sahig
15:16.0
Ang mga mata niya ay tila mata ng pusang nagbabaga kapag tinatamaan ng liwanag
15:23.0
At ang laway nitong parang tumatagas na tubig sa may taluan
15:29.0
Bagamat natakot ay nakita niyang maluhaluha si Irene
15:34.0
At para itong palakang lumundag at ibinato ang sarili sa may bintana
15:39.0
Saka ito nawala
15:42.0
Ito na ang naging hudyat ni Lola Yoli na tumakbo palabas noon
15:46.0
Nanginginig-ninig ang paang tinahak ang daan papunta sa tiyose ni Lola Gemma
15:52.0
At humingi ng tulong
15:55.0
Ikinwento nito ang nangyari
15:58.0
Naging palaisipan noong una pero
16:01.0
Lahat sila
16:03.0
Ay merong naalala sa nakaraan ni Lola Yoli
16:06.0
Ay merong naalala sa nakaraan ni Lola Inday
16:11.0
Nakaraan
16:13.0
Na hindi nila inakalang totoo
16:18.0
May kanya-kanya na umanong pamilya ang tatay Gomez ni Lola Gemmanon
16:23.0
Pati na ang dalawa pa nitong kapatid
16:26.0
Maliban sa panganay nilang si Irene na noon mga panahon na yon ay wala doon sa isla
16:33.0
Itong si Lola Inday at Lolo Yusho
16:36.0
Ay kilalang may katapangan noong kapanahonan
16:40.0
Bagamat walang dugong manggagamot o ano
16:43.0
Ay naging kasangguni sila ng mga Pinoy noong digmaan
16:47.0
Pero nagkaroon ng haka-haka noon na noong nasa late 40's na nga sila
16:52.0
Kung saan naman may kanya-kanya ng buhay ang kanilang mga anak
16:56.0
Ay nahawaan umanong ng pagkaaswang si Lola Inday
17:01.0
Marami ang nakakita sa kanya na nagbabagong anyo
17:05.0
At umabot din ng ilang buwan na nawala ito
17:10.0
Na siyang pinagtakpan ng kanyang asawa
17:13.0
At sinabing palagi na lamang itong wala dahil kung saan-saan pumupunta
17:18.0
Ganun na lang ang palaging dahilan ni Lolo Yusho
17:22.0
Ilang buwan noong naging mailap si Lola Inday
17:26.0
Walang lahing aswang sila Lola Gemma Surseth
17:29.0
Sadyang hinawaan o nahawaan lamang umanong si Lola Inday noon
17:34.0
Dahil dati din itong tumador at kung saan-saan umiinom
17:40.0
Namatay naman ang isyo na ito
17:43.0
Lalo pa at makalipas ang ilang buwan ay balik normal si Lola Inday
17:48.0
Namuhay sila ni Lolo Yusho nang matiwasay
17:51.0
At walang ka-isyo-isyo sa lugar nila
17:55.0
Pero isang beses noon
17:58.0
Meron umanong nakita ang tatay Gomez ni Lola Gemma
18:03.0
Isang pangyayaring isinarili at itinago niya ng napakahabang panahon
18:11.0
Namatay si Lolo Yusho noon
18:14.0
Dahil nga sa tinambangan umanay ito ng kung sino mga tao o hayop
18:18.0
Dahil sa kawawa nitong gutay-gutay na katawan
18:22.0
At dahil pangalawa sa nakakatanda at panganay na lalaki
18:26.0
Ang tatay Gomez ang nagimbistiga
18:28.0
At sa tulong ng kanyang kumparing may koneksyon sa mga may katungkulan
18:33.0
Ay nakagawa sila ng leads noon
18:36.0
Wala ang ibang tinuturo ang imbistigasyon kundi yung huling nakabangayan umano ng kanyang tatay Yusho
18:43.0
Nang masabi niya ito sa kanyang nanay Inday
18:46.0
Ay kitang kita niya umano ang panggagalaiti nito
18:52.0
Mabuti na lamang umano
18:54.0
At nasabi ito ng tatay Gomez
18:56.0
At nasabi ito ng tatay Gomez niya ng palihim
19:00.0
Dahil hindi pa naman siya sigurado
19:03.0
Pero itong kanyang nanay Inday ay talagang nakapagsalita ng
19:09.0
Kaya pala yung amoy ng bangkay ng tatay mo
19:12.0
Pamilyar!
19:14.0
Kaamoy pala ng damuhong mga yon
19:18.0
Ang mga nasasabing pumatay umano sa Lolo Yusho
19:21.0
Ay ang isa sa kumparin itong nasasangkot sa mga iligal na negosyo
19:27.0
Huling nakaalitan kasi ito ng Lolo Yusho niya
19:30.0
Tapos ay nagpangabot sila
19:34.0
Ang malala ay naging amano sa amano umano ang pag-aaway nila
19:38.0
Kaya walang kalaban-laban itong kumparin niya
19:42.0
Napahiya ito
19:44.0
Kaya siguro tinambangan na lamang ang ama ni tatay Gomez noon
19:48.0
Magmula ng malaman ni Lola Inday
19:51.0
Ang kung sino ang pusibling pumatay sa kanyang asawa
19:56.0
Dito na umano tila nag-iba ang aura ni Lola
20:01.0
Hindi na ito mapakali
20:03.0
Tila ba nanginginigot, nagva-vibrate ang katawan nito
20:09.0
Pinakiramdaman ito ni tatay Gomez noon
20:12.0
Hanggang sa isang gabi
20:14.0
Matapos ang libing at wala na mga tao sa bahay nito
20:19.0
Pansamantala namang doon muna na malagi ang tatay Gomez ni Lola
20:24.0
At siya nga
20:26.0
Nakita niyang lumundag ang kanyang ina sa bintana
20:31.0
Hahabulin niya pa sana ito ng tawag pero
20:34.0
Pagkasilip niya sa bintana
20:37.0
Ay hindi na si Lola Inday ang nakita niya
20:39.0
Kundi isang halimaw na tumatakbo ng napakabilis noon
20:44.0
Pero ang kasuotan nito
20:47.0
Ay suot ng kanyang ina noong gabi din yon
20:53.0
Makalipas lamang ang ilang araw Sir Seth
20:56.0
Tatlong bangkay ang natagpuan
20:59.0
Kabilang nadito ang katawan ng kumpare ni Lolo Yusho
21:03.0
Ang kanyang ina
21:04.0
Kung ano ang nangyari sa katawan ni Lolo Yusho
21:07.0
Ay tila ganon din ang nangyari sa katawan ng kumpare niya
21:12.0
Magmula noon ay hindi na umimik ang tatay Gomez ni Lola
21:16.0
Hindi man lamang nalaman ng mga kapatid niya
21:19.0
O ibang kaanak kung ano ang koneksyon
21:22.0
Ng pagkamatay ni Lolo Yusho
21:25.0
Kung ano ang nangyari sa katawan ni Lolo Yusho
21:28.0
Ay tila ganon din ang nangyari sa katawan ng kumpare niya
21:31.0
O ibang kaanak kung ano ang koneksyon
21:34.0
Ng pagkamatay ng kumpare ni Lolo Yusho
21:37.0
Sa pagkamatay din mismo nito
21:42.0
Tinagotago ito ng tatay Gomez
21:45.0
At halos makalimutan na magmula ng insidenteng yon
21:49.0
Wala nang naulit
21:51.0
Tahimik na ang buhay ng kanyang ina
21:55.0
At makalipas nga ang ilang buwan
21:57.0
Ay siyang paglipat naman ang kanyang kapatid na si Irene
21:59.0
Sa lupain ng kanyang ina para magsilbing kasama nito hanggang tumanda
22:05.0
Ang kakaiba lamang nun
22:07.0
Diba nga
22:09.0
Sa unang bahagi ay nasabi ko na
22:11.0
Pinaghukay sila Lola Gemma ng mga luya doon sa may bakura ni tiya Irene
22:16.0
Kasi ganito yun Sir Seth
22:19.0
Napapaligiran ng mga pangontra sa aswang ang bahay ng tiyahin niya
22:24.0
Noong mga panahon na yon
22:26.0
Pero magmula nga din ang nagkasakit ang tiyahin nilang ito
22:31.0
Unti-unti din nilang napansin
22:34.0
Lalong lala na si Tiyose
22:37.0
Na nagkanda walaan na yung mga ganong tanim
22:41.0
May hinukay
22:43.0
May sinunog
22:45.0
May sinira
22:47.0
Ilang araw nilang hinintay si Irene na bumalik pero
22:51.0
Tila ba naging mailap ito
22:53.0
At parang alam na natunugan na ang nangyayari sa kanya nun
22:58.0
Hindi makapaniwala maging ang Tiyo Jose ni Lola
23:02.0
Dahil talagang parang normal na sinat lamang ang nakikita nila dito sa pinsan
23:08.0
Hindi niya naman aakalain na magiging aswang ito
23:13.0
Naghalugog na sila
23:15.0
Hinanap nila ang lugar na dapat hanapan
23:18.0
Kahit sana bankay lamang ng kanilang lorong
23:21.0
O ni Irene
23:23.0
Gawa ng tanggap na nila kung may namatay man ang isa sa mga yon
23:28.0
Gusto lamang makahanap ng kasagutan ng ama ni Lola Gemma
23:32.0
Kung anong nangyayari
23:34.0
Pero gusto sana nilang panatilihin kahit papano na mananatiling sikreto ito ng pamilya
23:41.0
Dahil talagang alam mo naman
23:43.0
May mga taong sadyang mapanghusga
23:46.0
Kahit na iisa lamang ang aswang ito
23:49.0
Kahit na iisa lamang ang aswang sa pamilya
23:52.0
Ay talagang katatakutan ang buong angkan
23:56.0
Kapag may napapabalitaan sila ng mga nakakaranas o nakakainkwentro ng ganitong nilalang
24:03.0
Ay kaagad-agad silang pumupunta
24:06.0
Halos hindi na nga nakakatulog ang kanyang ama
24:09.0
Dahil may mga madaling araw nadadating si Tiyo Jose
24:12.0
At dadaanan itong tatay ni Lola Gemma
24:14.0
Kapag may mga pakita o balita sa mga ganitong klaseng nilalang
24:21.0
Nagdaan ang mga araw na ganon ang nangyayari
24:25.0
Maraming palaisipan
24:28.0
Maraming siguro
24:30.0
Bakit nawawala si Lola Inday?
24:33.0
Bakit nagandawalaan ang mga karanasan sa aswang sa lugar nila?
24:39.0
At tumigil ang pangbibiktima sa lugar na iyon
24:42.0
Paano at bakit naging aswang si Irene?
24:47.0
Alam kong malikot ang ating mga isipan mga kagiliw
24:51.0
Tingnan natin kung ano ang magiging kasagutan
24:55.0
Sa susunod
24:58.0
na kabanata
25:12.0
SUBSCRIBE!