* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ito si Roger the kangaroo ng Australia.
00:03.3
Sumikat siya nung nag-viral ang picture na ito noong 2015.
00:07.9
Binansag ang pinakamaskuladong kangaroo sa mundo,
00:11.5
may taas na 6 feet and 7 inches at timbang na 89 kilograms.
00:17.6
Sa kasamaang palad ay pumanaw na si Roger noong 2018 sa edad na labing dalawa.
00:24.8
Alam niyo ba na sa Australia ay mas marami pa ang kangaroo kaysa sa mga tao?
00:30.6
Nasa 50 million ang populasyon ng mga kangaroo habang 26 million lamang ang mga tao.
00:37.0
Sa sobrang dami nila, minsan hindi maiiwasang mapaaway sila sa mga tao.
00:42.4
Ang isang ito ay nagulat noong tinamaan ng malapakyaw na kamao.
00:47.1
Tila ba hindi niya alam ang kanyang gagawin at tumakbo na lang palayo?
00:52.8
Pero paano kaya kung kasing laki ni Roger ang nakalaban ng lalaki?
00:57.3
Hindi kaya siya magdadalawang isip?
01:00.6
Ang kangaroo ay pambansang hayop na sumisimbolo ng Australia.
01:04.9
Ngunit bakit itinuring itong salot at pambansang peste ng ilang mga Australiano?
01:10.2
Dahil dito ay 2 million na kangaroo ang pinapatay doon bawat taon,
01:15.4
at umabot pa nga ito ng 5 million noong 2015.
01:21.6
Ang kangaroo ay endemic o ibig sabihin ay natural na makikita sa bansang Australia.
01:27.9
Ang kangaroo ang pinakamaliking marsupials o mammals na may pouch kung saan nakalagay ang kanilang supling.
01:35.2
Ayon sa National Geographic, nasa 50 million ang dami ng kangaroo sa Australia noong 2019,
01:42.2
samantala nasa 25 million lamang ang populasyon ng bansa sa parehong taon,
01:47.5
kaya halos doble ang dami ng mga kangaroo kumpara sa tao.
01:51.9
May nag-joke pa nga na kung sasakupin ang mga kangaroos ang bansang Timor-Leste,
01:57.0
na may populasyon na 1.3 million lamang,
02:00.2
ang isang tao ay makikipaglaban sa 38 na kangaroos.
02:13.3
Dahil sa sobrang dami nila ay nagdadala ito ng kaguluhan sa balansing ekologiya ng Australia.
02:19.8
Ano ang pinsalang hatid ng mabilis nilang pagdami?
02:22.9
At bakit itinuturing na threat ang mabilis na pagdami ng mga marsupials na ito?
02:31.5
Dahil sa halos hindi makontrol na pagdami, kasama pa ng ibang mga hayop na kumakain din sa lugar,
02:38.0
hindi na sumasapat ang biyaya ng lupa para sa kanila.
02:41.8
Kaya naman, inirereklamo ng mga magsasaka ang mga herbivore na kangaroo na kaagaw ng kanilang alaga sa pagkain.
02:49.4
Bukod pa rito, nasisira din ng mga kangaroo ang kanilang pananim.
02:54.0
Itinuturing silang kakumpetensya ng ibang alagang hayop gaya ng sheep na mas malaki ang ambag sa industriya ng Australia.
03:02.1
Ang karne at leather kasi na nakukuha sa mga kangaroo ay tinatayang nagkakahalaga lamang ng $100 million,
03:10.0
samantalang ang karne at wool na nagmumula naman sa mga sheep ay bumubuo sa industriyang nagkakahalaga ng $5.2 billion.
03:19.5
Dahilan ng mga aksidente
03:21.6
Bukod pa rito, hindi lamang sa pananim ang hatid nilang pinsala.
03:25.6
Ayon sa mga kumpanya ng insurance sa Australia,
03:28.5
kangaroo ang itinuturong salarin sa 80% ng mahigit 20,000 na insidente ng banggaan ng hayop at sasakyan kada taon.
03:38.0
Sa kabuoan, mahigit sa $6 million ang karagdagang nagagastos para sa insurance kada taon dahil sa kangaroo-related accidents.
03:47.3
Kaya naman, itinuturing ang mabilis na pagdami ng mga kangaroo bilang plague proportions.
03:53.0
Hindi lamang peste, kundi salot na maituturing.
03:56.3
Sa gitna ng mga panganib at pinsalang hatid ng kangaroo, ano naman kaya ang ginagawa ng gobyerno para solusyonan ito?
04:04.2
Ang solusyon ng gobyerno
04:06.0
Paano nila pinipigil ang pagdami ng hayop na simbolo ng kanilang bansa?
04:11.0
May tatlong method na isinasagawa para makontrol ang populasyon ng mga kangaroo.
04:16.2
Calling, Fertility Control, at Environmental Modification
04:21.8
Ang calling o pagpatay sa mga kangaroo ay maaaring sa paraan ng shooting, capture darting na sinusundan ng lethal injection, at panghuli ay poisoning.
04:31.8
Ang pagpatay sa pamamagitan ng shooting ay nire-regulate ng gobyerno para maiwasan ang animal cruelty.
04:38.6
Kailangang sa ulo babarilin ang kangaroo para mabilis itong mamatay at hindi na maghirap pa.
04:44.4
Kung ang kangaroo ay may anak, dapat ding patayin ang kanyang anak upang hindi na mag-suffer.
04:50.5
Fertility Control
04:51.9
May sinasagawa ring fertility control sa pamamagitan ng sterilization at paggamit ng mga contraceptives.
04:59.1
Bagamat sa kasalukuyan ay naisasagawa lamang ito sa mga nahuhuling kangaroo, kaya patuloy ang pag-aaral para maka-develop ng fertility control na maaaring ihalo sa pagkain.
05:11.0
Environmental Modification
05:13.2
Ang panghuling method ay environmental modification kung saan nililimitahan ang suply ng damo at tubig sa mga tirahan ng kangaroo.
05:21.8
Sinusubukan din ang pagdadala ng mga predator gaya ng dingo or wild dog para makontrol ang pagdami ng kangaroo.
05:31.4
Isa pang hakbangay ang pag-inganyo sa mga Australian na kumain ng karne ng kangaroo.
05:36.9
Porsigido ang gobyerno na pigilin ang pagdami ng kangaroo na itinuturing na ngang peste.
05:42.8
Pero lahat ba ay sangayon sa salut label na ito?
05:46.2
Bawat taon ay nasa 2 million kangaroos daw ang pinapatay sa Australia.
05:51.2
At ayon pa sa PETA, noong 2012 ay umabot pa nga daw sa 5 million kangaroos ang kinatay doon.
05:58.5
Kaya tinutuligsa ng organisasyong PETA ang ginagawa ng gobyerno laban sa mga kangaroo.
06:05.0
Nakakatawa dawng isipin na 4 million years nang naninirahan ang mga kangaroo sa Australia
06:10.7
at sasabihin ng mga experts na sila pa ang nakakasira sa environment.
06:15.6
Ang dapat dawng sisihin ay ang mga tao at napakalawak nitong mga farms ng tupa at baka,
06:21.8
mga hayop na hindi naman native sa bansa.
06:24.9
Ang mga kangaroo ay itinatanging simbolo ng pag-unlad dahil sila ay pinaniniwala ang natatanging hayop na hirap gumalaw paurong.
06:33.3
Kaya sa pagkontrol ng kanilang populasyon, sana ay makatarungang pagtrato pa rin ang laging isulong.
06:40.0
Kung nagustuhan niyo po ang content natin ngayon, mag-comment ng big yes!
06:44.4
Shoutout nga pala dyan kay Ms. Gladys Oliverio, from Manlayag, Bungtud, Danau City.
06:50.0
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta sa aming page.
06:54.3
Ingat po kayo lagi and God bless!
06:56.9
This is your Ati O from Our Republic. Hanggang sa mali and stay awesome!