Close
 


MIMI | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg Papa Dudut Stories Horror Music used : " The House" composed and produced by "Vivek Abhishek" Music link : https://youtu.be/2Do5iRAhbtg SUBSCRIBE us on YOUTUBE: https://youtu.be/DQQmmCl8crQ Follow on Facebook: https://bit.ly/33RWRtP Follow on Instagram: https://bit.ly/2ImU2JV FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 36:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang masayang gabi sa iyo at sa lahat ng nakikinig ng inyong programa, Papadudud.
00:06.6
Sana kung mapipili po ninyo ang aking kwento na mabasa during weekdays po para mapakinggan namin dito sa opisina.
00:14.8
Well, tawagin mo na lamang ako sa pangalang Mimi, 39 years old na sa ngayon at kasanukuyang nagtatrabaho sa isang kumpanya sa Laguna.
00:25.6
Isang papadudud story sa bungubuo ng gabi namin dito sa opisina.
00:31.3
Oo graveyard shift ako at hindi maiwasa na dalawin ang antok sa trabaho.
00:38.2
Pero dahil sa papadudud stories ay eto, nananatili kaming gising.
00:44.6
Kung bagay parang kape na namin po ito.
00:47.4
At sa ka-automatic na pagpasok namin ay icho-tune in agad namin yun sa inyong YouTube channel.
00:54.4
At matsagang nag-aabang sa inyong pag-upload.
00:59.2
Papadudud minsan pala ang buhay kapag dumating ang pagsubok ay doon mo masusukat
01:04.8
kung gaano ka katatag at kung paano mo tatanggapin at aharapin ang mga pangyayarin na dumarating sa buhay.
01:15.0
Dahil sa lumaki ako sa may kayang pamilya ay hindi ako nakaranas ng hirap at malalaking pagsubok sa buhay.
01:24.3
After I graduated in college, ay nakilala ko si Emer.
01:29.4
Mabait at very thoughtful siya, papadudud.
01:32.5
Isa siyang teacher sa isa sa mga paralan sa aming probinsya.
01:38.0
Pagkatapos ng klase niya ay lagi siyang pungupunta sa amin.
01:42.8
At hindi nakakalimutang magdala ng makakain.
01:47.2
Niayayan niya akong magsimba palagi at natuto akong makisangkot sa mga activities sa church.
01:53.3
Naging mabait at masaya ang aming pagkakaibigan.
01:58.0
Walang araw na nagkakaroon kami ng dull moments, papadudud kapag nasa tabi ko siya.
02:04.3
Pero hindi ko po akalain noon na mau-uwi sa beyond friendship ang lahat.
02:10.7
Naligaw sa akin si Emer na agad ko namang sinagot ng oo.
02:15.3
And the rest is history.
02:18.6
Hindi ako nagkamaling piliin siya bilang boyfriend ko dahil nasa kanya na ang lahat
02:23.3
nang hinahanap ko sa isang lalaking mapapangasawa.
02:28.0
Samantala isang gabi ay naisipan naming mag-celebrate ng aming montsery sa isang park
02:33.8
na malapit lang din sa mga bahay namin.
02:37.1
And I had a dreamy moment while sitting beside him.
02:42.2
Ang bilis ng oras.
02:44.2
Sa totoo lang eh, ayaw ko pang umuwi.
02:47.7
Kung pwede lang sana sa bahay ninyo na ako, matutulog para hindi na ako mawalay sayo.
02:53.3
Uwi ka sa akin ni Emer nang mapansin naming lumalalim na ang gabi at kailangan na naming umuwi.
03:00.6
Natawalamang ako sa sinabi ng aking boyfriend.
03:03.9
Ano ka ba? Bukas naman eh, check na magkikita naman tayo.
03:08.9
Mami miss kita. Alam mo Mimi?
03:12.8
Mawala ka lang ng saglit eh hinahanap na kita.
03:16.0
Katwiran niya sa akin.
03:18.7
Huwag kang mag-alala, mahal.
03:21.8
Kapag naging mag-asawa tayo, eh hindi na tayo magkakawalay pa.
03:26.9
Uwi ka ko sa kanya para mapanatag ang kanyang kalooban.
03:33.3
Eh kung magpakasal na kaya tayo, sugestyon niya sa akin.
03:38.2
Napatingin naman ako sa kanya.
03:41.0
Seryoso?
03:42.7
Hindi ako makapaniwala noon sa aking narinig.
03:46.5
Mukha ba akong hindi seryoso ha, Mimi?
03:49.4
Isipin mo, three years na tayong magkarelasyon.
03:53.7
Dapat siguro'y lumagay na tayong dalawa sa tahimik.
03:57.4
Ano, gusto mo ba akong mapangasawa?
03:59.6
Seryoso niyang tanong sa akin.
04:03.0
Oo naman, bakit naman hindi?
04:05.8
Masaya kong sagot sa kanya.
04:08.6
Dahil sa naiilawang kami noon ng street light ay kitang-kita ko ang dingning sa mga mata ni Emer.
04:15.0
So tinatanggap mo na nga yung alokong kasal sa'yo?
04:18.6
Muli ko namang inulit ang aking sagot sa kanya kanina.
04:23.2
Oo na Emer, tinatanggap ko.
04:26.5
Gusto kitang makasama habang buhay.
04:29.3
Ay naku, ang kulit mo rin no.
04:31.4
Pagkatapos noon ay nagtawanan lamang kaming pareho.
04:35.8
Pasensya ka na kung makulit ako ha.
04:38.2
Gusto ko lang makasigurado na tamang narinig ko mula sa'yo.
04:43.2
Ah Mimi, salamat ha.
04:45.6
Hindi bali, nangangako ako na magiging mabuti akong asawa sa'yo.
04:49.6
Mahal na mahal kita.
04:51.4
Paglalambing niya sa'kin.
04:53.6
Pagkatapos noon ay hinalikan niya ako sa Labi Papadudut.
04:58.3
Mahal din kita, Emer.
05:00.2
Alam mo ba, isa sa mga pangarap ko
05:03.8
ang maikasal tayong dalawa.
05:06.3
Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong
05:09.5
napagusapan natin ang kasal.
05:11.8
Buti na lang at ikaw ang naunang nagalok sa akin.
05:15.0
Sabi ko pa sa kanya.
05:17.0
Pagkatapos ay sumandal ako sa kanyang balikat at pinagmas na namin ang City Skyline
05:22.0
mula sa aming lugar.
05:24.9
Ahm, since nagpa siya na tayong magpakasal,
05:29.1
bakit hindi natin planuhin ngayon yung magiging pamilya natin
05:33.6
pagpapatuloy naman ni Emer.
05:37.1
Kailan mo ba gustong maikasal tayong dalawa?
05:39.7
Malambing na tanong ko sa kanya.
05:42.8
Kung pwede lang sana ngayon eh.
05:44.9
Pero sana ngayong taon maikasal na tayo.
05:48.0
Kahit civil wedding lang tapos saka na tayo mag church wedding.
05:51.8
Kapag nakaipo na tayo ng pera,
05:53.9
sugestyon niya sa akin.
05:56.5
Siyempre, kagad naman akong pumayag sa suggestion niya.
06:00.0
Hindi naman mahalaga sa akin kung ingrande o simple lamang ang kasal namin.
06:04.8
Ang importante ay nagmamahalan kaming dalawa.
06:08.7
Ahm, matanong kita.
06:11.3
Ilang anak ba ang gusto mo kapag naging mag-asawa na tayo?
06:14.7
Tanong pa sa akin ang aking boyfriend.
06:17.9
Mga dalawa hanggang tatlo lang mahal.
06:20.6
Mahirap kasi ang buhay ngayon.
06:22.5
Natatawa kong sagot sa kanya.
06:25.4
Sumang-ayo naman si Emer sa mga sinabi ko.
06:29.1
Tama mahal.
06:30.6
Ako nga rin ay hanggang tatlo lang ang gusto ko.
06:33.3
Kung tutuosin ay marami na nga rin yun eh.
06:36.3
Basta ako bahala na.
06:38.1
Kahit na ilan ang ibigay sa atin ang Diyos ang mahalaga,
06:41.2
magiging masaya ang lalatag nating pamilya.
06:45.1
Pagtatapos niya bago namin na pagpasyahan na umuwi na para magpahinga.
06:50.7
Ngunit sa kalagit na nang paglalakad namin ay biglang na nakipang dibdib ni Emer.
06:55.7
Siyempre nag-alala ako ng sobra at ninais kong dalihin na siya sa ospital.
07:00.6
Pero agad namang nakarecover ang aking boyfriend.
07:05.5
Wala.
07:06.6
Huwag kang mag-alala.
07:07.8
Kumirot lang ng sandali pero wala na.
07:10.2
Ayos na ako.
07:11.5
Ang wika ni Emer sa akin.
07:14.6
Sigurado ka ba mahal?
07:16.5
Nangangamba kong tanong sa kanya.
07:19.8
Oo mahal.
07:21.1
Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa noo
07:24.0
para maibsaan ng aking mga pag-aalala.
07:28.0
Papadudot naging masaya ang panahon ng
07:31.2
pagiging mag-sweetheart namin ni Emer at masasabi kong naging mabuting boyfriend siya sa akin.
07:37.0
Naging matapat kami at nangako na mamahalin namin ang isa't isa.
07:41.6
Lagi niyang ginagawang memorable ang bawat araw na magkasama kami.
07:46.5
Minsan, kinakantahan niya ako na siyang lalong nagpapakilig sakin.
07:52.2
Kaya sa tuwing kasama ko siya, ninanais kong itigil ang oras
07:56.5
para humaba ang pagsasama namin.
07:59.4
Sa kabilang banda ay naging okay ako sa kanyang pamilya
08:03.1
at ganoon din siya sa aking pamilya.
08:06.2
Kaya iisa lang noon ang hiling ko sa Diyos
08:10.4
na sana'y may kasal na kaming dalawa papadudot.
08:14.5
Samantala isang gabi ay sinama ako ni Emer sa kanilang bahay para iselebrate ang birthday ng kanyang kapatid na si Che.
08:22.5
Pag ating ko sa bahay, ay mainit naman nila akong tinanggap.
08:26.3
Katunayan, pa nga ay botong-boto sila sakin bilang future wife ng bunso sa pamilya.
08:33.0
Mimi?
08:34.7
Kumusta naman ang kapatid ko bilang diyowa?
08:37.5
Hindi ba sakit ng ulo?
08:40.1
O sisa ni Che sa akin?
08:42.4
Huwag kang magalala ate Che, mabayt si Emer
08:46.2
at kahit kailan ay hindi nagbigay ng sakit ng ulo sa akin.
08:50.3
At saka ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya ako,
08:53.8
sagot ko naman sa kanya.
08:57.0
Inakbaya naman ako ni Emer bago siya nagsalita papadudot.
09:01.3
Ate Che, kahit kailan eh hindi ako magbibigay ng sakit ng ulo kay Mimi.
09:07.4
Good boy yata ako pag ma malaki niya.
09:11.7
Sumigunda naman ang kanyang ina.
09:14.7
Mimi, sinasabi ko sa'yo na swerte ka sa anak ko.
09:18.1
Mabayt yan, mapagmahal at syempre, tapat.
09:21.9
Bukod pa dun eh, gwapo pa ang anak ko.
09:24.9
Kaya Mimi, ikaw na siguro ang pinakaswerte ng girlfriend sa mundo.
09:29.8
Sumangayin naman ako sa sinabi niya.
09:32.5
Naku, tama po kayo, tita Martha.
09:35.2
Baswerting nga po ko sa anak ninyo.
09:38.6
Ngunit naantala ang masaya namin kwentuhan
09:40.8
nang biglang manakit ang dibdib ni Emer.
09:44.0
Syempre, agad kaming nagpanik at inalalayan namin si Emer
09:47.8
papunta sa may sofa at doon namin siya pinaupo.
09:51.5
Pala ko na sanang tumawag ng ambulansya pero tumanggi si Emer.
09:56.7
Napapadalas na yang kumikirot sa dibdib mo ha.
09:59.5
Magpacheck up ka na kaya sa doktor anak.
10:02.0
Magpacheck up ka na kaya sa doktor anak.
10:04.0
Nag-aalala ng wika ng kanyang ina.
10:07.8
Wag po kayong mag-alala inay.
10:09.8
Mahawala rin po ito.
10:11.8
Ang wika ni Emer sa kanyang ina habang nagpe-pretend na okay lamang siya.
10:16.6
Nag-aalala na ako sa'yo mahal.
10:18.6
Halos maiyak kong wika sa aking boyfriend.
10:22.0
Ayos lang ako Mimi.
10:24.0
Wala kang dapat na ipag-alala.
10:26.6
Yun ang sabi niya sa akin para mawala na ang aking pangamba.
10:32.5
Ngunit hindi ko talaga maalis noon sa akin ang mag-worry dahil sa bumabagsak niyang kalusugan.
10:38.6
Hindi Emer e.
10:40.6
Hindi mo maiwasan sa akin ang mag-alala.
10:43.8
Lalo na't ganyan ang itsura mo.
10:45.8
O tinan mo ang sarili mo.
10:49.8
Emer, paanong hindi sasakit yung dibdib mo e, masyado kang tutok sa trabaho mo bilang teacher.
10:55.9
Hindi kita nakikita ng nagpapahinga.
10:59.4
Alam mo, nawawala na lang sa isa yung pag-iipon mo para sa kasel ninyo ni Mimi kung magkakasakit ka naman dahil sa overfatigue.
11:06.5
Hay nako sinasabi ko sa'yo, huwag mong abusuhin ang katawan mo.
11:11.4
Babala naman ni Che sa kapatid niya.
11:13.9
Sige na Emer, magpahinga ka na.
11:16.9
Wika ko sa kanya bago namin siya inalalayan sa kanyang kwarto at hiniyaan ng magpahinga.
11:24.1
Papadudot, hindi ko po maiwasan na kabaha noon sa tuwing naninikip ang dibdib ni Emer.
11:29.7
Kahit na madalas sabihin niya sa akin na ayos lamang siya, ay nagwo-worry pa rin ako.
11:35.2
Palagi ko nga siyang pinapaalalahanan na ingatan ang kalusugan niya at huwag masyadong magpapagod sa trabaho.
11:43.4
Buti naman at sinusunod ni Emer ang mga payo ko sa kanya.
11:47.6
Samantala'y naging masaya pa ang pagsasama namin ni Emer.
11:52.2
Habang palapit ng palapit ang araw ng aming kasal, ay hindi ko maiwasan na ma-excite.
11:59.3
Nakakadagdag sa masasayang araw namin ang madalas naming pagpividyoke at madalas niyang kantahin sa akin ang kantang Lips of an Angel na siya ko namang gustong gusto.
12:10.7
Doon ay inakala ko na wala nang katapusan ang kaligayahan ko sa piling ni Emer.
12:16.8
Pero papadudot isang araw isang tawag ang aking natanggap.
12:21.6
At hindi ko inasahang yun pala, ang magpapabago ng aking buhay.
12:29.2
Hello Mimi? Si Che eto. Umiiyak niyang wika sa kabilang linya.
12:35.7
At that point ay nakaramdam na ako ng matinding kaba.
12:39.9
O Che, napatawag ka.
12:42.2
Teka, bakit ka umiiyak?
12:44.9
Ano nangyari?
12:46.6
Si Emer?
12:47.7
Nag-aalala kong tanong.
12:49.8
Hindi na ako mapakali noon sa aking kinakatayuan at hindi ko na mapigilan noon ang bilis ng tibok ng aking puso.
12:57.8
Mimi si Emer?
12:59.8
Patay na siya?
13:01.8
Ang huling tatlong salitang binitawan ni Che ang nagpaguhon ng aking mundo.
13:07.4
Hindi ko na noon napigilan ang pagluha ko dahil sa labis ng pagdadalamhate.
13:12.7
Sa isang iglap ay nasira ang aking mga pangarap.
13:15.8
Na wala nang saisay ang aking buhay.
13:19.4
Dahil wala na ang taong bumubuo nito.
13:23.3
Pakiramdam ko ay para akong pinagsaklo ba ng langit at ng lupa.
13:28.2
Samantala, mabilis akong pumunta sa kanilang bahay at doon ko nalama na inatake pala sa puso si Emer habang natutulog.
13:35.7
Papadudut, hindi talaga ako makapaniwala noon na wala na si Emer.
13:41.0
Dalangin ko sana noon na panaginip lang sana ang lahat pero hindi pala.
13:47.4
Dahil doon ay walang araw at gabi akong hindi umiiyak dahil sa kakaisip kay Emer.
13:54.7
Matapos naman ang kanyang libing ay puno pa rin nang hinagpis ang aking puso.
14:01.0
Naging mahirap sakin ang pagmumove on, Papadudut.
14:05.5
Ang hirap tanggapin na wala na yung taong pinakamamahal ko.
14:11.2
Buti na lamang at palaging nasa tabi ko ang pamilya ko na handang tumulong sa akin sa lahat ng oras.
14:18.2
Sila ang naging sandigan ko sa panahon ng aking kapighatian.
14:24.0
Ilang buwan ang lumipas ay nagpasya na akong lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang aking trabaho.
14:31.0
At para na rin makalimutan ang masakit na pangyayari.
14:34.8
Tinatagan ko na lamang ang loob ko, Papadudut, pero walang kasiguraduhan na magiging masaya pa ako sa buhay dahil wala na ang taong minahal ko.
14:45.8
Pero may kasabihan nga tayo, Papadudut, na kapag may nawala ay meron pang mas magandang darating sa ating buhay.
14:54.3
Doon sa kumpanyang pinagtatrabawhan ko ay nakilala ko ang lalaking muling nagpatibok ng aking puso
15:01.2
at nagbigay ulit ng kulay sa aking buhay.
15:05.2
Siya si Christian.
15:07.9
Isang kadet-engineer trainee at the time ay naging mabuti kaming magkaibigan, Papadudut.
15:14.6
At dahil na rin siguro sa hindi may paliwanag na koneksyon ay nakabagayan ko siya ng loob.
15:23.2
Ngayon lang tayong nagkasabay sa pag-uwi simula nung malipad ka ng department doon sa opisina.
15:28.5
Wika sa akin ni Christian na halatang tuwang-tuwang.
15:31.8
Nagmagkasabay kami sa pag-uwi.
15:34.6
So ano, okay ka na?
15:37.0
What do you mean na okay ka na?
15:39.0
Curious kong tanong sa kanya.
15:41.8
Alam mo na yung tungkol sa namatay mong boyfriend?
15:45.5
Ah, si Emmer?
15:47.3
Naman, matagal na ako nakamove on doon.
15:50.6
Mag-iisang taon na rin yun.
15:52.9
Tanggap ko na hindi kami para sa isa't isa.
15:55.7
Sagot ko kay Christian.
15:58.1
Nice to hear from you na nakapagmove on ka na.
16:01.1
Buti ka pa.
16:02.5
Ang sabi niya sa akin bagamat nakita kong lumungkot ang kanyang mukha.
16:07.5
Bakit ikaw?
16:09.0
Hindi ka pa pa nakakapagmove on doon sa ex-girlfriend mo?
16:12.2
O sisa ko sa kanya?
16:15.0
Alatang namang nagulat sa Christian sa tanong ko.
16:18.7
Ha?
16:20.1
Sino naman yung nagkwento noon sa'yo?
16:23.2
Agad naman akong sumagot.
16:25.5
Si Roger yung kapwa mo kadet-engineer.
16:28.5
Ikinuwento niya sa akin na may girlfriend ka na
16:31.5
na nagpakasal sa ibang lalaki.
16:34.2
Mahal na mahal mo rao yung babae.
16:36.4
Ikaw, ha?
16:37.8
Hindi mo ikinuwento sa akin yun.
16:41.7
Kaya hindi ko na ikinuwento sa'yo ang tungkol doon.
16:44.6
Gusto ko sanang burahin na sa isipan ko yung mga ala-ala ni Jen sa'kin.
16:49.8
Pero tama ka hanggang ngayon.
16:52.1
Hindi pa rin ako nakakapagmove on kasi mahal ko pa si Jen hanggang ngayon.
16:56.8
Pag-amin niya sa'kin.
16:59.2
Kung sa bagay,
17:00.8
four months pa lang yung nakakaraan kaya sariwa pa rin yung sugat sa'yo.
17:07.4
Pero don't worry, Christian.
17:09.7
Makakalimutan mo rin yung ex mo.
17:12.2
Ang sabi ko sa kanya,
17:14.0
para naman gumaan ang kalooban niya.
17:17.2
Hay naku, sana nga at makalimutan ko na siya.
17:21.4
Samantala, hindi na iba sa'kin si Christian
17:24.5
at parang kapatid na ang turing ko sa kanya.
17:27.3
Kaya madalas ako magbigay sa kanya ng payo.
17:30.9
Makakalimutan mo rin yung ex mo kung ibabaling mo ang atensyon mo sa ibang babae.
17:36.4
Panahon na siguro para i-enjoy mo naman yung buhay mo.
17:40.2
Makipag-date ka sa mga girls,
17:42.6
maglibang ka,
17:43.7
at yun nga ang payo ko sa kanya.
17:46.9
Napangisin naman sa'kin si Christian.
17:49.8
Teka, bakit ba ako makikipag-date
17:51.8
at makikipagkilala si ibang mga babae
17:53.8
e nadyan ka naman sa tabi ko?
17:55.9
Papahirapan ko ba ba yung sarili ko?
17:58.1
Natatawa ang biro niya sa'kin.
18:00.7
Natawa din naman ako at napataas ng kilay.
18:04.9
Ganon?
18:06.4
Oo naman, masama ba?
18:09.0
Alam mo Mimi,
18:10.2
nakukumpleto na ang araw ko kapag ikaw ang kasama ko.
18:13.9
Masaya kang kasama e,
18:15.8
at saka mabuti kang kaibigan.
18:18.2
Masayang sagot niya sa akin.
18:20.9
Natawa lamang ulit ako at kinilig sa sinabing yun ng kaibigan ko.
18:26.3
Hay naku Christian,
18:28.4
pinapahaba mo naman ang buho ko?
18:31.5
Totoo yung sinasabi ko, hindi ako nang bubola.
18:34.6
Meron ka talagang kakaibang karisma na nagpapasaya sa sino mang makakasama mo.
18:39.6
Alam mo ang swerte ni Emmer sa'yo?
18:42.0
Puri pa sa'kin ni Christian.
18:45.4
Lumungkot na naman ang pakiramdam ko nang marinig ko ulit ang pangalan ni Emmer.
18:50.6
Siguro nga,
18:52.5
pa'y bakit lumungkot niya ang mukha mo?
18:54.6
Concern niya ang talong sa'kin.
18:57.0
Pagkatapos ay ngumiti at sinirap ako.
18:59.9
Huwag mo nang isipin si Emmer.
19:02.1
Masaya na siya sa piling ng Diyos.
19:04.6
Ang intindihin mo na lang ngayon ay yung future manliligaw mo.
19:09.1
Nakamove on na ako Christian, pero siyempre,
19:12.6
hindi mo maiiwasan ang malungkod sa tuwing maiisip mo siya.
19:17.3
Hindi ba gano'n naman kapag may minahal kang nawala sa'yo,
19:20.4
hindi mo siya makakalimutan?
19:22.9
Normal lang yun, sagot ko naman sa kanya.
19:26.4
Pero naintriga ako doon sa huling niyang sinabi.
19:29.8
Teka, ano ba yung sinasabi mong future na manliligaw?
19:33.8
Sino ikaw?
19:35.3
Natatawa kong tanong sa kanya.
19:38.2
Tada, kwela niyang sagot sa'kin.
19:41.6
Habang nagpapapogi, gesture siya sa harapan ko.
19:45.4
Lalo akong tumawa ng malakas sa ginawa niya.
19:49.5
Hindi ba may kasabihan na kapag may nawala sa'yo,
19:52.6
e meron pang mas magandang darating sa buhay natin?
19:56.3
Mawala man yung boyfriend mo, etiak na merong lalaking darating sa buhay mo
20:01.6
na better kesa sa kanya.
20:03.9
Pagkapatuloy pa niya.
20:05.8
At ako na yung Mimi.
20:07.3
Confident pa niya ang sabi sa'kin.
20:10.4
Okay, papayagan kitang manligaw sa'kin na, pero...
20:14.2
Siguraduhin mo munang nakamove on ka na kay Jen.
20:17.8
Ayokong maging rebound.
20:19.8
Natatandaan kong sabi ko sa kanya na siyang nagpahalakhak naman kay Christian.
20:25.7
Papadudot ng mga panahon yun ay medyo nakakamove on na ako kay Emer
20:30.6
pero si Christian ay kasalukuya noon na nasa hurting stage.
20:34.7
Hindi pa rin niya makalimutan ang girlfriend niya na nang iwan sa kanya.
20:39.4
Papadudot mahal na mahal pa rin ni Christian ang babaeng yon.
20:43.7
Siya namang lihim na nagpakirod sa puso ko.
20:48.0
At the time kasi ay nagkaroon na ng buwang si Christian sa puso ko.
20:53.5
Papadudot dahil sa alam ko noon
20:56.7
na hindi ako kayang mahalin ni Christian at the time
20:59.8
kaya naman pinagpatuloy ko na lamang
21:02.8
ang pakikipagkaibigan sa kanya.
21:05.5
Kaso sa tuwing nakikita ko siyang devastated
21:09.1
Dahil sa kanyang ex-girlfriend ay hindi ko maiwasang masaktan.
21:14.6
Gusto ko siyang yakapin noon
21:17.0
at sabihin sa kanya na ako na lang ang mahalin niya.
21:21.0
Pero hindi ko magawa, Papadudot.
21:23.8
Kinimkim ko ang mga nararamdaman ko kay Christian
21:27.9
pero hindi ko rin yun nakayanan.
21:31.1
Isang araw ay nagkita kami ni Christian sa office pantry.
21:34.6
Doon ay malungkot at mag-isa siyang kumakain ng meryanda.
21:38.7
Kaya nag-decide na kung samahan siya at alamin na rin
21:42.4
kung paano ako makakatulong sa problema niya
21:45.6
kung meron man.
21:47.9
Nag-awarin na ako sa iyo
21:49.5
hindi ko maiwasang mag-alala kasi kaibigan mo ko.
21:53.0
Don't worry, mapagkakatiwalaan mo ko.
21:56.1
Sabihin mo na sa akin baka makatulong ako.
21:59.4
Ano o sino ba yang bumabagabag sa iyo ha Christian?
22:03.4
Tanong ko sa kanya.
22:05.7
Uminga muna ng malalim si Christian bago nagsalita.
22:10.7
Si Jen?
22:12.7
Ha? Bakit anong meron kay Jen?
22:15.6
Akala ko ba'y nakalimutan mo na siya?
22:19.0
Umarap naman sa akin ang aking kaibigan.
22:22.0
Akala ko nga rin Mimi.
22:24.3
Kaso nagkita ulit kami ng ex ko nung isang araw.
22:27.9
Yun nasaktan ulit ako.
22:30.2
Mimi mahal ko pa rin siya.
22:32.2
Malungkot niyang kwento sa akin.
22:35.7
Pero may asawa na siya hindi ba?
22:37.9
So kalimutan mo na siya.
22:39.8
Hindi na pwede kayo magkabalikan at saka isipin mo ha masaya na sa buhay niya si Jen.
22:45.9
Guguluhin mo pa ba?
22:48.5
Tila pinag-isipan ni Christian ang sinabi kong yon kaya matagal ang inabot bago siya nag-response ulit.
22:55.8
Nasasaktan pa rin kasi ako eh.
22:58.2
Binahal ko naman siya ng buong tapat.
23:00.5
Ibinigay ko sa kanya ang lahat at pinaramdam ko sa kanya
23:03.4
na espesyal siya sa akin.
23:05.5
Nangako pa nga kami noon sa isa't isa na hindi kami magkakahiwalay.
23:10.2
Tapos iiwan lang pala niya ako.
23:12.8
Aniya.
23:14.6
Christian mag-iisang taon na sumula nang iwanan ka ni Jen.
23:18.4
Maawa ka naman sa sarili mo.
23:21.2
Siya lang bang mundo mo ha?
23:24.2
Kailan ka ba matatauhan diyan sa kahibangan mo?
23:27.7
Alam mo pinahihirapan mo lang yan sarili mo.
23:30.6
Pilit mong kinukuha ang isang bagay kahit na alam mo namang hindi na kailanman pa mapapasayo.
23:37.7
Iyon ang nasabi ko sa kanya.
23:40.7
Hindi ko naman namamalaya na tumatas na pala ang boses ko.
23:45.3
O teka, bakit parang galit ka?
23:48.7
Mas affected ka pa yata kesa sa akin ha?
23:51.5
Nagulat na wika ni Christian sa akin.
23:54.8
Oo Christian, sobrang affected ako kasi mahal kita.
23:58.7
Kahit anong klaseng pag-i-effort ko para makalimutan mo na yung si Jen na yan e bali wala pa rin sa'yo.
24:05.6
Masyado kang manhid.
24:07.6
At yun nga papadudut, umamin na rin ako sa totoo kong nararamdaman.
24:13.4
Matagal kong pinag-isipan yun at sinuri ko mabuti kung ano ba yung nilalaman ng puso ko.
24:19.5
At narealize kong si Christian na pala ang laman nun.
24:22.7
At katulad nga nang sinabi ko ay ilang beses ko yung tinago bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin na sa kanya ang lahat.
24:31.5
Mimi, I'm sorry, hindi ko alam.
24:34.0
Alatang nagulat si Christian sa aking sinabi.
24:38.2
Sige na, aalis na ako.
24:40.8
Hindi na natapos ang sasabihin ko ng pigilan ako ni Christian.
24:46.5
Please, bumalik ka sa upuan mo.
24:48.9
Mag-usap tayo.
24:50.3
Pakiusap niya sakin.
24:53.0
Nasabi ko na sa'yo ang gusto kong sabihin.
24:56.0
Ano pa ba ang pag-uusapan natin?
24:58.0
Malungkot kong sabi sa kanya.
25:00.6
Alam ko naman na kahit alam na ni Christian ang totoo ay hindi pa rin niya ako makukuhang mahalin dahil kay Jen.
25:07.7
Mimi, mahal mo ko?
25:09.6
Kailan pa?
25:10.6
Kusisa niya sa akin.
25:12.9
Matagal na Christian.
25:14.9
Kaya ako nga nakalimutan si Emer dahil sa'yo.
25:17.8
Sagot ko sa kanya habang pinipigil ang umiyak sa harapan niya.
25:21.6
Simula nang dumating ka sa buhay ko,
25:23.9
ikaw na ang tinitibok ng puso ko.
25:26.6
I know mukhang cheap na ang isang babae ang una magtatapat ng pag-ibig sa lalaki.
25:31.8
Pero I had no choice kundi gawin yun kasi...
25:35.4
napaka-manhid mo.
25:37.4
Kahit na magmukha kong cheap sa harapan mo, ayos lang.
25:42.0
At least ay nasabi ko na yung matagal ko ng tinatago.
25:45.8
Patawarin mo ako, Mimi.
25:48.0
Kung naging manhid ako, kasalanan ko.
25:50.8
Hindi ko alam na may nasasaktan na pala ako.
25:53.6
Ang sabi ni Christian at tila nagsisisi sa pagiging manhid niya.
25:59.4
Sa puntong yun ay hindi ko na napigilan pang umiyak.
26:03.4
Alam mo ba, Christian?
26:05.2
Sa tuwing nakikita kitang malungkot ay gusto kitang yakapin tapos ay sabihin na sa'yo
26:10.0
na ako na lang ang mahalin mo kaso ay...
26:12.6
hindi ko magawa kasi ayaw ko lang masaktan kasi...
26:16.2
alam ko si Jan pa rin ang mahal mo.
26:18.6
Pero sana, Christian.
26:20.4
Please kalimutan mo na siya.
26:22.4
Buksan mo sana ang puso mo sa taong tunay na nagmamahal sa'yo.
26:27.7
Bakit hindi mo kagad sinabi sa akin yung tungkol sa mga nararamdaman mo?
26:31.7
Tanong pa niya sa'kin.
26:34.0
Hindi ba't ang sabi ko sa'yo?
26:37.3
Ayaw ko lang masaktan kasi ibang nariyan sa loob ng puso mo.
26:41.1
Katwiran ko sa kanya.
26:43.4
Pero kahit na.
26:45.2
Sana sinabi mo man lang sa'kin para alam ko.
26:48.1
At hindi ako nagbumukang manhid at tanga sa harapan mo ngayon.
26:51.9
Ang sabi ni Christian.
26:54.8
Hindi ko masabi ang totoo noon kasi...
26:57.4
takot yung nananaig sa puso ko.
27:00.4
Takot akong marinig wala sa'yo na hindi mo ko kayang mahalin.
27:04.2
Nawala na si Emmer sa'kin.
27:06.4
Ayaw kong pati ikaw ay mawala pa rin sa'kin.
27:09.5
Sige, Christian.
27:11.0
Tatanungin kita ngayon.
27:12.8
Ngayong alam mo nang mahal kita, mamahalin mo ba ako?
27:16.2
Seryoso kong tanong sa kanya.
27:19.4
Hindi ko pa alam ang sagot ngayon, Mimi.
27:22.7
Pero walang makapagsasabi kung hanggang kailan to.
27:25.9
Walang makapagsasabi kung sino ang maaring iliktan ang puso natin sa mga susunod na araw,
27:31.2
buwan at mga taon.
27:33.3
Yun lamang ang sagot niya sa'kin ng araw na yon.
27:37.0
Papadudod pagkatapos noon ay hindi na muna ako nagpakita kay Christian.
27:41.8
Pakaramdam ko kasi noon ay napahiya ako ng todo sa pagtatapat ko ng pag-ibig sa kanya.
27:48.5
Pero si Christian ay patuloy niya akong sinuyo at naibalik din ang dating sigla ng aming pagkakaibigan.
27:56.3
Hanggang sa isang araw ay may ipinagtapad sa'kin si Christian.
28:00.6
Na mahal niya ako.
28:02.5
Ako dahil mahal na mahal ko siya ay pinatikim ko rin sa kanya.
28:07.0
Ang matamis kong oo matapos ang ilang buwang panliligaw niya sa'kin.
28:12.2
Papadudod naging masaya ako sa piling ni Christian.
28:15.0
Dalawang taon at anim na buwan pa ang lumipa sa isang proposal mula sa kanya ang aking natanggap.
28:21.8
At habang nakasakay pa kami sa rollercoaster, papadudod.
28:27.2
Ayaw ko na please! Nasusukan na ako!
28:30.2
Christian!
28:31.6
Tili ako ng tili at halos hysterical na dahil sa sobrang takot.
28:36.0
First time ko kasing sumakay noon sa isang rollercoaster at pakiramdam ko halos lalabas na sa aking bibig ang lahat ng kinain ko ng araw na yon.
28:46.0
Kaya mo yan Mimi! Matapang ka!
28:48.4
Sumisigaw sa excitement na wika ni Christian sa akin.
28:52.6
Tulungan niyo ako!
28:54.1
Suko na ako!
28:55.5
Halos mapaos na ako sa kakatili ng sandaling yon.
28:59.4
Ngunit parang wala lang kay Christian ang pagsakay sa rollercoaster.
29:03.8
Nakukuha pa niyang magbiro sa akin.
29:06.2
Happy 1st year anniversary love!
29:09.2
Bati pa niya sa akin with matching sigaw dahil sa sobrang excitement.
29:13.8
Tutal naman na isang taon na tayo, pakasal na tayo!
29:18.2
Kahit na halos mabaliw na ako sa rollercoaster na yon ay narinig ko ang kanyang sinabi.
29:23.7
Pero sa halip na sumagot ay tumini lamang ako.
29:27.8
Will you marry me?
29:29.4
Hirit pa niya.
29:31.2
Ewan ko talaga sa iyo. Ibang klase ka rin, no?
29:34.0
Dito mo pa napiling mag-propose ng kasal?
29:37.1
At that point ay naisip ko na matapos lang tong rollercoaster ride namin ay sasakaling ko ng bongga ang damuho.
29:45.8
Ayaw mo nun? Para kakaiba?
29:48.2
Biro pa niya sa akin sabay tawa at sigaw.
29:52.2
At yun nga, natapos din ang nakakatakot na ride.
29:56.2
Agad kong kinumpronto si Christian sa sinabi niyang yon.
30:01.0
Ano yung sinabi mo sa akin kanina?
30:03.7
Inaalok mo na ako ng kasal?
30:06.2
Oo, ano tatanggapin mo na ba?
30:09.0
Natawa na lamang ako sa sinabi niyo ni Christian.
30:12.0
Syempre, oo naman, mahal kita eh.
30:15.2
At saka ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.
30:18.6
Sagot ko sa kanya.
30:21.2
Talaga?
30:22.3
Ang swerte ko naman kung ganun.
30:24.6
Bakas na bakas sa muka noon ni Christian na masayang masaya siya sa naging sagot ko.
30:30.1
Kaya agad niyang nilabas ang kanyang munting regalo,
30:33.0
isang engagement ring at isinuot niya yon sa daliri ko.
30:37.8
Grabe.
30:39.4
Ibang klase yung marriage proposal mo sa akin ha?
30:42.6
Sa rollercoaster pa talaga?
30:45.0
Pakaramdam ko eh, tayo ang kauna-unahang gumawa noon.
30:48.3
Natatawa kong wika sa kanya.
30:51.1
Well, kilala mo naman ako. Gusto ko palagi tayong kakaiba.
30:54.9
Ano, ayos ba?
30:56.2
Romantic ba?
30:57.7
Pa-cute na wika niya sa akin sa bikindat.
31:01.0
Um, romantic naman siya pero naloka ako at hindi ko ma-imagine na sumasagot ng yes,
31:07.5
I will marry you habang tumitilid dahil sa takot ang sabi ko pa sa kanya.
31:13.4
So, ano Mimi?
31:15.0
Halika na at umuwi na tayo.
31:16.8
Bigla niyang wika.
31:18.8
Ay, uuwi na tayo.
31:20.6
Tugon ko na may panghihinayang.
31:23.3
Oo, para masabi na natin sa mga parents mo
31:26.2
na magpapakasal na tayong dalawa.
31:29.4
Doon ay napangiti na ako at nakaramdam ng sobrang excitement.
31:33.9
Okay, sige. Ikaw ang bahala.
31:36.2
Natatandaan kong sabi ko sa kanya bago kami umuwi at doon ay personal na siyang namanhikan sa mga magulang ko.
31:44.7
Nabotong-boto naman sa kanya bilang future husband ko.
31:48.6
At yun nga, papadudot na ikasal din kaming dalawa ni Christian.
31:52.9
Masasabi ko naman na masuwerte ako kay Christian dahil napakaresponsable at mapagmahal siyang asawa.
32:01.4
Sa ngayon, papadudot ay 2 years na kaming nagsasama bilang mag-asawa at patuloy pa rin kaming nananalangin
32:07.4
na sana'y biyaan na kami ng healthy baby para mas maging kompleto at lalong sumaya ang aming pagsasamang mag-asawa.
32:15.0
Nagpapasalamat ako sa Panginoon at pinagkaluwan niya ako ng mapagmahal.
32:19.4
At in fairness, ay gwapong asawa na makakasama ko for the rest of my life.
32:25.0
Papadudot na tutunan ko sa aking naranasan na kailangang maging matatag sa buhay at patuloy na magtiwala sa ating Panginoon
32:34.6
dahil mas alam niya ang lahat ng mangyayari sa ating buhay.
32:39.7
Kung may nawalaman na ay siguradong may mas magandang darating sa ating buhay
32:45.3
at ang pagsubok ay hindi binibigay sa atin kung hindi natin kakayanin.
32:49.8
Depende lang sa atin kung paano natin i-handle ang mga pagsubok.
32:54.6
Huwag tayong mawala ng pag-asa dahil sa bawat araw ay meron tayong pamilya na dapat ay pahalagahan at ingatan.
33:03.8
Hanggang dito na lamang papadudot ang kwentuhan natin at sana ay meron akong inspirasyon na naibigay sa mga nakikinig sa iyong programa sa YouTube.
33:13.6
Sana ay tumagal pa at marami pa kaming kwento na mapakinggan sa iyong programa.
33:20.2
Papadudot, gusto ko sanang batihin ang aking mga kasamahan sa opisina na lagi ring nakikinig sa iyong programa, ang Service Accounting Team at Service Admin.
33:30.5
Thank you and more power and God bless sa inyong lahat.
33:35.0
Lubos na, nagpapasalamat Mimi.
33:38.8
Maraming salamat Mimi sa pagbabahagi ng iyong kwento sa Papadudod Stories.
33:45.0
Aaminin kong nalungkot kami sa unang bahagi ng iyong kwento na namatay si Emer sa kanyang sakit.
33:53.3
Alam namin kung gaano kasakit yun sa iyo dahil minahal mo siya ng sobra.
33:59.4
Ganon pa man ay kailangan mong mag-move on, mag-move forward at anggapin ng katotohanan.
34:06.2
At yun nga ang ginawa mo.
34:08.7
You managed to move on at naging masaya na ulit ang buhay mo.
34:13.4
At totoo rin yung kasabihan na kapag may nawala sa iyo ay may darating na mas maganda.
34:19.0
Dumating sa buhay mo si Christian na siya palang future husband mo at makapagbibigay ng mas maganda sa iyong buhay.
34:26.9
Well, masasabing natin kayo talaga ang tinadhana para sa isa't isa at binabati ka namin ng congratulations.
34:34.6
God bless sa inyong mag-asawa at naway magpatuloy pa ang pagdating ng swerte sa inyong mga buhay.
34:44.0
Maraming salamat po sa inyong lahat.
35:04.1
Laging may karamay ka
35:12.6
Mga problemang kaibigan
35:19.1
Dito ay pakikinggan ka
35:25.4
Sa papadudod stories
35:29.0
Kami ay iyong kasalama
35:37.0
Dito sa papadudod stories
35:41.0
Ikaw ay hindi nag-iisa
35:49.0
Dito sa papadudod stories
35:53.0
May nagmamahal
35:57.5
Sa iyo
36:03.5
Papadudod stories
36:09.5
Papadudod stories
36:15.5
Papadudod stories
36:27.0
Papadudod stories