Close
 


ALULONG HORROR STORY "Hindi tao ang nakikita ng aso kapag umaalulong" | HILAKBOT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ALULONG HORROR STORY "Hindi tao ang nakikita ng aso kapag umaalulong" | HILAKBOT TRUE GHOST STORIES 🔗 https://youtu.be/XcpP3Wy9uyk 🔴 STORY SENDER ► IVYoutiful Story shared via sindakstories2008@gmail.com 🔴 STORY EDITOR ► MARIA CLARA OZAWA 🔴 NARRATOR ► RED Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@SINDAKHorrorStories ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 🔴 SUPPORT THIS HORROR STORIES CHANNEL
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 17:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
ORAS NA NAMAN NA
00:05.0
HILAKBOT
00:14.0
Magandang araw po sa lahat at lalong lalo na sa bumubuo ng Team Hilakbot
00:19.0
at muli ito po si Ivy Beautiful
00:22.0
Isa po ako sa mga nagbahagi na ng mga kwento dito sa inyong channel
00:27.0
lalong lalo na ang aking mga kahihilakbotang karanasan nung ako ay nasa abrod
00:34.0
This time, magbabahagi naman po ako ng patungkol sa mga nangyari sa akin noong bata pa ako sa Pilipinas
00:45.0
Ang unang kwento ko po ay nangyari sa bahay namin sa Bicol
00:50.0
8 years old pa lamang po ako nang lumipat po kami mula sa Sukat patungo ng Bicol
00:57.0
Sa katunayan po ay hindi talaga ako sanay sa buhay probinsya
01:02.0
pero eventually ay naka-adjust din naman ako
01:07.0
Marami pong kinikwento sa akin ng lola ko, mga auntie, mga pinsan at iba pang mga kakilala ko sa Bicol
01:15.0
kaugnahin ng mga kababalaghan
01:18.0
Ang lugar po namin sa Bicol noon ay medyo mabundok, makahoy pa at wala pa nga po talagang maayos na supply ng kuryente
01:28.0
Pagpatak nga po ng alas 8 ng gabi, karamihan po sa mga tao na naroon ay kung hindi tulog ay naroon lamang sa kanilang mga bahay at nananahimik
01:41.0
Noong una ay hindi ko po talaga iniisip na makakawitness din pala ako ng mga paranormal
01:48.0
Gabi po noon, nasa labas ako kasi manghang-mangha talaga ako sa mga grupo ng alitap-tap na nakikita ko sa taas ng puno
01:59.0
Ito po yung puno na nasa labas ng bahay at malapit lamang din po ito sa sala
02:05.0
Sa Maynila po kasi ay wala talagang ganun, dito lang po talaga ako nakakita sa probinsya
02:12.0
Gaya po ng nabanggit ko kanina, dahil gabi na, tahimik na sa labas at ang tanging mga ilaw na nasa labas lamang ng bahay ang nagbibigay ng liwanag sa paligid
02:25.0
Bawat bahay po doon sa lugar namin noon ay may mga alagang aso bilang proteksyon nila sa mga magnanakaw at maging bantay na rin sa bahay kung sakaling aalis yung may ari
02:38.0
So ayun na nga po, sa malayo pa lang naririnig ko na po ang alulong ng mga aso, papalapit po ito ng papalapit
02:51.0
Sabi po nila, kapag ganoon ang ugali ng mga aso, may nakikita daw ang mga ito
02:58.0
Ito yung mga bagay o mga nilalang na hindi po nakikita na mga taong walang third eye
03:09.0
So ako naman po inasume ko na lang na wala lang yun o dahil nagkakatahulan lamang siyempre ang mga aso
03:17.0
Pero sa hindi kalayuan, sa gawin ng kalsada, may nakita po kong dumaraan na babae
03:25.0
Siluwet lamang po siya ng babae at naglalakad sa kalsada
03:30.0
Yung kalsada po namin doon dati ay pataas sapagkat pabundok na po yung lugar namin
03:36.0
Hanggang sa napukaw ang atensyon ko kasi yung mga aso namin ay nagsimula ng umalulong
03:44.0
Hindi po ito yung normal na ginagawa ng mga alaga namin at talagang eksakto pa nung medyo dumadaan na sa aming harapan yung babae
03:57.0
Nakatingin yung mga alagang aso namin doon sa dumara ang babae at panay pa rin talaga ang kanilang pag-aalulong na palakas pa ng palakas na naghatid sa akin ng hilakbot
04:12.0
Napatitig pa nga ako sa dumara ang babae kasi mukha namang walang problema as in normal lamang yung kanyang bulto
04:22.0
Pero anino lang talaga siya, yun nga lang kahit madilim sa bahaging iyon, tila baga makikita mo rin kasi yung outline ng siluwet
04:32.0
Napaka vivid pa po ng memorya ko patungkol rito
04:37.0
Nagulat din po ako kasi napansin ko na parang hindi naglalakad yung babae, parang nga po siyang nagho-hover
04:47.0
Yun bang parang naka-hoverboard as in dere-derecho lang siyang nagpa-pass by sa tapat ng bahay namin
04:55.0
Kung naglalakad kasi siya, dapat medyo tumatalbog o kaya naman ay may up and down na motion ang kanyang katawan
05:04.0
Punong-puno talaga ako ng pagtataka dun
05:08.0
Dahil sa kilabot at lalong-lalo na sa mga nadidinig ko na naglalakas ang alulong ng mga aso namin, tumakbo na ako papasok ng bahay
05:21.0
Akala ko ay yun lang ang mararanasan ko dun
05:25.0
Nasundan pa po sa mismong bahay din namin
05:28.0
Nangyari naman nung undas
05:31.0
High school ako nito at 14 years old ko hindi nakakamali
05:36.0
Halos lahat nga po ng mga relatives ko nun ay nagtungo po sa sementeryo para doon mag-spend ng magdamag
05:45.0
Parang reunion na rin po kasi yun dahil nagsidatingan din yung iba pa naming kamag-anakan
05:51.0
Ako po si Maarte, nagpaiwan sa bahay dahil ayoko po talagang sumama
05:58.0
Natapat din kasi na umulan noong undas na yun at tiyak maputik sa sementeryo
06:05.0
Yung ante ko naman sa kabilang bahay ang naiiwan sa kanila para at least may bantay din kahit papaano ang tindahan
06:13.0
Kapag po naiiwan sa bahay ang katulad ko
06:16.0
Kapag undas, meron po kaming mga ritual na ginagawa katulad ng pag-aalay ng mga pagkain
06:24.0
Parang naging kultura na nga po o mandatory kumbaga yung biko tsaka adobo tapos mga candy, tubig, sigarilyo, tabako at maging yung mga nga nga na mga matatanda
06:38.0
So nagluluto po ako nun at inaalay ko sa altar yung ilan bago mag alas 6 ng gabi
06:46.0
Matapos nun ay magsisindi ng kandila sa labas ng bahay at pag patak ng alas 6 ng gabi dapat ay magdadasal na sa altar
06:55.0
Sa katunayan po si Red ang dami pa pong dapat gawin
07:00.0
Kung tutusin nga ay may regret pa nga ako na sanay sumamon na lang pala ako sa simenteryo kaso nandun at nangingibabaw talaga yung pandidiri ko sa putik
07:11.0
So nang matapos ko na nga po yung ritual kumbaga sa yumaon naming mga kamag-anakan, nanood na ako ng magandang gabi bayan
07:21.0
Nagkahulan na naman yung aso sa amin at nagulat ako sa pag-aakalang may magnanakaw
07:28.0
Usually kasi kapag ganoong panahon ay nagkakaroon talaga ng mga nakawanang manok at maging yung mga sisiyaw na mga ito at talagang sinasamantala nila habang walang tao sa bahay
07:40.0
Kaya nagmadali akong tumayo at plano kong lumabas sana para tingnan kasi lagot ako kay mama kung nabawasan ang kanila mga alagang manok
07:49.0
Pero bago po ako makalabas ng bahay, napalingon ako sa bintana ng kwarto ni na mama
07:57.0
Yung bintana po namin ay gawa sa kawayan, yun bang parang grills na pa xx, kaya talagang maaaninag o makikita ang paligid sa labas
08:08.0
Doon nga sir Ren ay may namatan akong matanda, nang galing siya sa likod ng bahay namin
08:16.0
Naglakad siya sa gilid ng bahay para makapunta sa harapan
08:22.0
If may i-imagine po ninyo yung bahaging ito, nakita ko siya na dumaan sa may bintana sa labas ng bahay, so bandang room ni la mama
08:34.0
So sinundan ko siya, ako po naman ay nasa loob ng bahay, pumunta ako sa room ko nakatabi ng room ni na mama at nakita ko nga siya doon sa may bintana
08:45.0
Yung room po ni mama ay nasa gawing likod ng bahay at ang room ko po ay nasa harapan lamang po ng bahay na tinutuluyan namin, kaya ibig sabihin malapit na siya doon sa tapat ng bahay namin
08:59.0
Pumunta po ako sa tapat at nakita ko po yung matanda, nagsindi ako ng kandila sa tapat ng bahay kahit may ilaw pa naman
09:09.0
May ilaw naman po akong iniwan sa balkonahe pero ito lamang yung mababang watts at medyo dim pero naaninag ko yung matanda
09:19.0
Kuba siya, naglalakad ng mabagal at yung kamay niya ay nasa likuran niya
09:27.0
Dahil nga sa pagkakuba, hindi ko na rin po nakita ang kanyang ulo, nakapalda po siya na parang yung malong na ginawang tapis
09:38.0
Sa totoo nga sir Red, kinikilabutan ako habang naiimagine ko na naman ang itsura niya at habang tinatype ko ang kwento na ito
09:46.0
Kahit 32 years old na po ako, fresh na fresh pa rin sa memory ko ang nangyaring iyon dahil mismong sa tapat ko nakita o nasaksihan yung pagdaan ng weirdo o misteryosong matanda
10:07.0
Parang ewan lang talaga, dinaanan lang po ko ng matanda as inilagpasan lang
10:15.0
Sinundan ko siya hanggang sa bakuran namin at nakita kong papunta siya sa bahay ng anti ko
10:21.0
So akala ko si lola lamang namin niyon at pauwi na dahil dun siya tumutuloy sa bahay ng anti ko
10:28.0
Same kasi ni nanay, kuba na rin po yun pero nakakalakad pa naman at hindi po siya ganung manamit
10:36.0
Hindi ko talaga mawari si Red pero lahat na yata na mga overthinking kumbaga ay pumasok na sa isipan ko
10:45.0
Hanggang sa dumating ako sa punto na tinawag ko yung matanda
10:53.0
Puminto siya pero di naman siya lumingon
10:56.0
Hindi po ako pinansin pero mabagal at tuloy tuloy lang po siyang naglakad papunta sa bahay ni anti
11:05.0
Nawala na po siya sa paningin ko after ilang minuto
11:08.0
Kasi hindi rin naman na siya abot ng ilaw sa banda dun
11:12.0
So ako naman ay pumasok na rin sa bahay
11:14.0
Kinuha ko kaagad yung flashlight para puntahan si anti
11:18.0
Medyo malayo din po kasi yung bahay ni anti pero natatanaw naman mula sa amin
11:24.0
So pagdating ko po sa bahay nila
11:27.0
Tinatawag ko na agad si mama kasi magkasama si mama at si nanay na umalis papunta kanina sa sementeryo
11:34.0
So since nandito na si nanay dapat kasama niya na si mama
11:40.0
Nagtataka na lang yung anti ko
11:43.0
Kung bakit daw ako nagtatawag kinamama e wala pa naman daw sila at hindi pa dumarating
11:49.0
Iginiit ko tuloy kay anti na bakit pinabayaan si nanay na umuwi ng mag-isa
11:57.0
Sa gulat ni anti
12:00.0
Umuwi mag-isa
12:02.0
Wala pa nga sila dito at si mama mo
12:05.0
Bukas pa darating yung mga yun di ba magdamag sila sa sementeryo
12:14.0
Nagsalubong tuloy ang kilay ko
12:17.0
Nagtaasan din ang balahibo ko sa batok
12:21.0
Sinabi ko tuloy kay anti na kaya ako nagtungo sa bahay niya
12:25.0
Ay dahil nakita ko nga si nanay na naglakad sa gilid ng bahay
12:30.0
At ganoon na lang yung pag-aalala ko dahil madilim at walang ilaw sa kanyang daraanan
12:37.0
So ang akala ko tuloy ay nakarating na siya sa bahay ni anti
12:42.0
Napatanong muli si anti kung saan ko nakita yung matanda at saan daw galing
12:47.0
Kaya sinabi ko na galing sa likod ng bahay namin
12:50.0
Na dumaan sa gilid hanggang sa nakita kong papunta siya sa direksyon ng bahay nila
12:56.0
Dumaan pa nga siya sa tapat ng bahay namin at nilagpasan lang ako
13:01.0
At ganoon na lang din yung pag-gaya ko sa paraan ng paglalakad ng matanda
13:08.0
Tinatawag ko pa nga ang sabi ko kay anti
13:12.0
Kaso hindi naman ito lumingon
13:14.0
Derederecho lang ang lakad kaso mabagal lamang
13:17.0
Sabi ni anti habang nakakunot ang noo
13:20.0
Imposibling si nanay daw yun kasi wala pa daw nga si nanay at kasama si mama sa sementeryo
13:27.0
Sabi pa tuloy ni anti
13:30.0
At tsaka ano namang gagawin ng lola mo dyan sa likod ng bahay namin, isagingan niyan
13:37.0
At sinabi pa niya pagkatapos
13:40.0
Pasalamat daw ako dahil hindi daw lumingon yung matanda
13:44.0
Nung tinawag ko
13:47.0
Sabagal ng lakad ng matanda dapat pa nga naabutan ko siya sa daanan nung sinundan ko siya
13:53.0
Kaso wala na akong naabutan
13:56.0
Kaya ibig sabihin right in front of my eyes
14:01.0
Nakita ko literal na nawala sa dilim yung matanda
14:07.0
Tumili talaga ako sa labis na kilabot matapos nun
14:10.0
Hanggang ngayon nga si Red ay parang nafeel ko ang lahat ng kilabot na iyon kapag naaalala ko
14:18.0
Hindi talaga ako makapaniwala na may mai-encounter akong ganoon
14:23.0
I'm just so very thankful sa sarili kong isip na nag-dismiss din nung mga nangyari kasi inisip kong si nanay yun
14:32.0
Kaya ang lakas talaga ng loob ko kaya sinundan ko pa
14:34.0
Di ko alam kung anong aabutin ko kung naisip ko kaagad na imposibleng si nanay ito
14:41.0
Hindi kaya't multo? Maligno? Or the worst astuwang?
14:50.0
Paano din kung lumingon yung matanda sa akin nung pagkakataon na tinawag ko siya at mabuti na lang talaga hindi
14:57.0
Baka kung ano pa ang makita ko talagang itsura niya na siyang ikapapanaw ng aking ulirat
15:28.0
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito, hit like, leave a comment at i-share ang ating episode sa inyong social media
15:37.0
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media
15:42.0
Check the links sa description section
15:45.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell.
15:48.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga solid viewers!
16:18.0
Mga solid HDV positive, ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na suportahan ng ating Bunsong Channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories
16:34.0
Subscribe na or else!
16:39.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio
16:46.0
It's your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa Youtube!