Close
 


TILDE | HORROR STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg Papa Dudut Stories Horror Music used : " The House" composed and produced by "Vivek Abhishek" Music link : https://youtu.be/2Do5iRAhbtg SUBSCRIBE us on YOUTUBE: https://youtu.be/DQQmmCl8crQ Follow on Facebook: https://bit.ly/33RWRtP Follow on Instagram: https://bit.ly/2ImU2JV FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 31:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Siya nga pala, ako si Clotilde. Pero Tilde na lang ang itawag niyo sa akin, isang matandang dalaga, at tenderan ng mga prutas dito sa Cavite City.
00:15.0
Ako yung pangkaraniwang dalagang matanda na mataray, istrikta, masungit at suplada. Pero sa kabila naman noon ay masasabi kong nagtatago ang isang maawain, masipag at mapagmahal na babae.
00:35.0
Sa kabilang banda, hindi ko kagustuhang maging dalagang matanda. Noong kabataan ko ay mayroon akong inibig noon na lalaki. Tawagin niyo na lamang siya bilang Nilo.
00:50.0
Kaistorya, sobra kong minahal si Nilo at inakala ko noon na siya na ang mapapangasawa ko, kaso nagkamali ako.
01:01.0
Sa kabilang banda, medyo nawirguhan sa akin si Nilo dahil sa kakaiba kong kakayahan na wala sa pangkaraniwang mga tao.
01:10.0
Ako ay mayroong third eye kung saan nakakakita ako na mga bagay na hindi niyo nakikita tulad ng multo, maligno, engkanto, kapre, at mga masasamang espiritu.
01:28.0
Pero tulad din ng ibang taong nabihayaan ng third eye, sanay na ako at deadman na lang ako sa mga nakikita ko.
01:37.0
Ayaw ko rin kasing magpahalata sa ibang tao na mayroon akong third eye kasi ayaw kong mapagkamalang baliw.
01:47.0
Mabalik tayo sa istorya. Nang magkakilala si Nilo at ang puso kong kapatid na si Clarita ay naging hudyat yun ng kasawian ko.
01:59.0
Sa madaling sabi, nagkaibigan si na Clarita at Nilo at sila'y nagtanan habang ako naman ay iniwang nasasaktan at luhaan.
02:12.0
Hindi na nagpakita noon ang dalawa sa akin at maging sa mga kamag-anak namin.
02:19.0
Samantala, kasabay ng kanilang pagtatanan ay siyang pag-usbong ng galit at pagkamuhiko sa kanilang dalawa.
02:28.0
Oo, kaistorya. Halos isumbako ang kapatid ko dahil sa ginawa niyang pang-aahas sa akin at dahil sa ginawa niya,
02:37.0
muntik nang masira noon ang buhay ko. Buti na lamang at marami ang dumamay sa akin at tinulungan nila akong bumangon.
02:49.0
Oo, kaistorya. Nakabangon ako pero hindi ko na noon natanggal ang puot sa Clarita at Nilo.
02:58.0
Hanggang sa lumipas nga ang labing dalawang taon at isang pangyayari ang hindi ko inaasahan noon na magaganap.
03:08.0
Madaling araw noon at mahimbing akong natutulog nang biglang mapanaginipan ko ang aking kapatid.
03:15.0
Humihingi ito ng tawad sa akin. Pero dahil sa matigas noon ang aking puso ay hindi ko siya makuhang patawarin at sa halip ay ipinagtabuyan ko pa siya sa aking panaginip.
03:32.0
Hanggang sa nagising ako nang biglang may naramdaman akong humawak na malamig na kamay sa aking paa.
03:40.0
Napabangon ako ng di oras at iginala ko ang aking paningin sa nooy madilim kong kwarto. At doon ko nga nakita ang aparisyon ni Clarita.
03:53.0
Nagulat ako noon kaistorya sa aking nasaksihan.
03:57.0
Sa kabilang banda, mabilis namang nawala ang aparisyon habang ako ay hindi na nakatulog dahil gulong-gulo ang aking isipan noon.
04:09.0
Pusible kayang patay na ang aking kapatid?
04:14.0
Kinaumagahan agad na bumisita naman ang isa sa mga kaklaus kong kamag-anak, si Berto.
04:21.0
At sa kanya ko nga nakumpirma, napatay na si Clarita.
04:27.0
Eh teka, bakit parang baliwala lang sa iyo ang pagamatay ng kapatid mo?
04:33.0
Usisa pa sa akin ang aking pinsan nang mapansin niyang parang hindi ako nalungkot sa pagpano ng aking kapatid.
04:43.0
Hindi naman sa binabaliwala ko yun, pero ano pa ba ang magagawa ko?
04:48.0
Oras na niya eh. Alam nga namang maglupas ay ako dito sa kakaiyak.
04:53.0
Kung sana naging mabuting kapatid lang yang si Clarita, eh baka iyakan ko pa siya.
04:59.0
Kaso hindi eh.
05:01.0
Katwiran ko kay Berto.
05:05.0
Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi mo pa rin napapatawad ang kapatid mo?
05:10.0
Malungkot na tanong niyo sa akin.
05:12.0
Agad ko namang sinabi sa kanya ang aking side.
05:15.0
Pagkatapos niya akong traidorin?
05:18.0
Pagkatapos niyang sirain ang buhay ko dahil sa pang-aagaw niya sa lalaking minahal ko at higit pa sa buhay ko?
05:26.0
Sa palagay mo, mapapatawad ko pa ang babaeng yon?
05:31.0
Pero Tilde, may labing dalawang taon na rin na nakalipas.
05:36.0
Ibig sabihin niya, hindi naman siya ang mga kapatid mo.
05:39.0
May dalawang taon na rin na nakalipas.
05:42.0
Ibig sabihin ba noon eh hindi ka pa rin nakakabangon hanggang ngayon?
05:47.0
Usisa pa niya sa akin.
05:50.0
Napabuntong hiningan na lang ako bago ko siya sagutin.
05:54.0
Oo. Mahirap kalimutan yun, Berto.
05:59.0
Eh, maiba tayo.
06:01.0
Saan daw nilibing ang magaling kong kapatid?
06:05.0
Sa North Cemetery daw.
06:06.0
Ano, hindi mo ba dadalawin?
06:10.0
Napatingin na lamang ako kay Berto at matagal bago ko siya sagutin.
06:15.0
Para ano pa?
06:17.0
Magtitirit lang ako ng kandila tapos tutunga nga ng ilang oras?
06:22.0
Nako, sayang lang ang oras ko.
06:25.0
At saka, sayang din ang pamasahe tapos wala naman akong mapapala.
06:30.0
Paliwanag ko sa kanya.
06:31.0
Napailing lamang noon ang aking pinsan.
06:34.0
Ikaw talaga, Tilde.
06:37.0
Kung ako sayo, patawarin mo na ang kapatid mo.
06:40.0
Tutal naman, patay na siya.
06:43.0
Hindi matatahimik yun sa kabilang buhay.
06:46.0
Sabi pa niya sa akin.
06:49.0
Samantala, biglang pumasok noon sa isip ko si Nilo.
06:54.0
Eh siya nga pala.
06:56.0
Ano naman ang nangyari sa asawa niya?
06:58.0
Susunod na ba siya kay Clarita?
07:01.0
Sarkastik ang tanong ko kay Berto.
07:05.0
Hmm, sabi kasi ni Tata Celo, eh naghiwalay daw si Clarita at Nilo noon
07:11.0
nakaraang dalawang taon kaya wala si Nilo nang mamatay si Clarita.
07:16.0
Kwento naman ng aking pinsan.
07:20.0
Nakaramdam ako ng kaunting ligaya sa puso ko noong marinig kong nakarma
07:25.0
ang mga agaw kong kapatid.
07:28.0
Nagkaanak ba sila?
07:31.0
Curious kong tanong kay Berto.
07:34.0
Ang balita ko eh isa lang daw ang anak nila, lalaki.
07:39.0
Nakalimutan ko yung pangalan eh.
07:42.0
Bale, nasa pangangalaga daw ito ng nanay niya.
07:46.0
Kaso, namatay nga si Clarita kaya ayun,
07:50.0
pansamantalang nasa pangangalaga daw ni Nana Pencha,
07:53.0
yung batang yon.
07:55.0
Si Nilo naman eh, hindi na maahagilap.
07:58.0
Kwento pa nito.
08:01.0
Buti na lang talaga at hindi mo siya napangasawa kasi
08:05.0
kung hindi eh, ikaw siguro ang nasa kalagayan ngayon ni Clarita.
08:09.0
Tinubos niya ang paghihirap na dapat eh sa iyo.
08:13.0
Dogtong pa ng aking pinsan.
08:16.0
Insan, matuto kang magpatawad.
08:20.0
Kung ang Diyos nga marunong magpatawad,
08:23.0
ikaw pa kaya na tao lang.
08:26.0
Tilde, patawarin mo na si Clarita para na rin sa ikaluluwag ng pakiramdam mo.
08:32.0
Dagdag pa niya sa akin.
08:35.0
Hindi ko na lamang yun pinansin at iniba ko na lamang ang usapan.
08:41.0
Samantala, alas 5 na ng hapo ng magpasyaseperto na umuwi sa kanila.
08:47.0
Pagkaalis niya, napapuntong hiningan na lamang ako.
08:52.0
Oo, may naramdaman akong kaligayahan sa nangyari sa aking kapatid
08:57.0
pero ewan ko ba, bigla rin ako na konsensya noong mag-isa na lamang ako sa bahay.
09:04.0
Hanggang sa sumapit ang alas 10 ng gabi.
09:08.0
Bakit na ako noon patungo sa aking kwarto para manood ng TV
09:14.0
nang bigla ako may matanaw na anino sa itaas at nakaharap sa akin.
09:21.0
Napatras ako ng dahandahan itong bumaba habang nagsimula na rin itong bumuo ng imahe.
09:29.0
Mamayang kaunti ay nanlaki ang mga mata ko.
09:35.0
Nang si Clarita ang pinoon yun.
09:39.0
Pagkatapos ay nakita kong itinuturo niya ang pinto.
09:45.0
Napasigaw na lamang ako sa takot ng biglang may kumatok ng malakas.
09:51.0
Paglingat ko, wala na ang multo ni Clarita.
09:57.0
Dali-dali ko namang tinungo ang pinto at pinuksan niyon.
10:03.0
Tumambad sa akin ang isang batang lalaking may sukbit na backpack sa kanyang likod.
10:10.0
Mami! Masayang sigaw nito sa akin.
10:14.0
Nagulat at naguluhan naman ako sa kanyang sinabi.
10:18.0
Tek-teka, anong sabi mo?
10:21.0
Ang sabi ko po ay, Mami! Mami!
10:25.0
Inulit pa niya iyon na parang nangasar.
10:29.0
Mami ka dyan, hindi kita anak.
10:32.0
Teka, sino ka bang bata ka ha?
10:35.0
Nagtataka kong tanong sa bata, natansya ko ay nasa walo o siyam na taong gulang na.
10:42.0
Ako po si Jojo, anak po ni Clarita.
10:47.0
Pakilala pa nito sa akin.
10:49.0
Kayo po ang tita ko na mama ko na ngayon.
10:54.0
Nagulat ako lalo sa kanyang sinabi.
10:57.0
Teka, di ba nakatira ka kinanana Penchang?
11:02.0
Osisa ko.
11:04.0
Lumayas po ako kinalola Penchang kasi po pinapalo po nila ako.
11:09.0
Pumunta naman po ako kinalolo Celo at sabi po niya puntahan ko daw po kayo dito sa Maragondon.
11:16.0
Kaya eto po ako.
11:19.0
Pag-amin ng bata sa akin na sa edad niyang iyon, ay matatas na siyang magsalita.
11:26.0
Teka, huwag mong sabihin sa akin na mag-isa ka lang pumunta dito.
11:32.0
Umiling naman si Jojo sa aking tanong.
11:35.0
Hindi po, kasama ko po si Kuya Bobby, kaso umalis na po siya.
11:41.0
Iniwan na lang po niya ako rito sa tapat ng bahay niyo.
11:46.0
Sandali, saan ka na ngayon titira?
11:50.0
Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
11:54.0
Eh di sa inyo po, kayo na po ang mag-aalaga sa akin.
11:59.0
Masayang wika ni Jojo.
12:02.0
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng bata.
12:06.0
Aba, aba, aba.
12:08.0
Hindi ako mag-aalaga sa iyo.
12:11.0
At saka, ayaw ko ng bata dito sa bahay.
12:14.0
Kung gusto mo, umuwi ka doon sa tatay mo magaling.
12:17.0
Siya ang mag-aalaga sa iyo, hindi ako.
12:22.0
Ayaw ko po kay itay.
12:24.0
Pinapalo lang po niya ako.
12:26.0
Katwiran sa akin ng bata.
12:29.0
Patay na po ang mami ko, kaya kayo na po ang papalit sa kanya.
12:34.0
Anak niyo na po ako.
12:36.0
Dagdag pa niya.
12:39.0
Pagkatapos noon ay mabilis pumasok sa loob ng bahay ang bata kahit na hindi ko pa siya pinatutuloy.
12:47.0
Pinagmasdan ko ang bata.
12:50.0
Para bang at-home na at-home siya sa bahay ko.
12:54.0
May pagkataklesa ang personality nito pero mukha naman siyang mabait.
13:00.0
Pero ayaw ko pa rin siyang alagaan noong mga panahon na iyon kay istorya.
13:05.0
Isa sa mga ayaw ko noon ang mag-alaga ng bata.
13:09.0
Maiksila kasi ang pasensya ko, bukod sa ayaw ko talaga ng magulo at ng makulit.
13:17.0
Pero noong mga panahon iyon ay tila pinaglaruan ako ng tadhana.
13:22.0
Dahil bukod sa binigyan ako ng batang alagain, ay ibinigay pa sa akin yung anak ng dalawang taong kinamumuhian ko.
13:32.0
Ngunit sa huli, dahil sa may konsensya rin naman ako, kaya napilitan na rin akong kupkupin ang batang si Jojo.
13:41.0
Kaso kay istorya, aminado ako na sobra talaga akong nahirapan sa pag-aalaga sa batang iyon.
13:49.0
Dahil bukod sa wala akong karanasan sa pag-aalaga ng bata, ay may katikasan din ng ulo itong si Jojo.
13:57.0
Katulad noong minsang nagdala si Jojo ng kuting sa loob ng bahay.
14:03.0
E kabilindilinan ko noon na huwag magdadala ng kahit anong hayop sa loob ng bahay.
14:10.0
Siyempre, pinatapon ko iyong kuting, pero hindi sumunod sa akin si Jojo.
14:17.0
Bagamat hindi naman siya sumasagot sa akin, pero sa halip na sundin ako, ay tumakbo lang ito sa loob ng kuwarto niya at nagkulong kasama noong kuting.
14:28.0
Noong pinapagalitan ko na at anong papaluin ko ang bata, saka naman nagpakita sa akin ang kaluluwa ng kapatid ko.
14:39.0
Ganon nga kay istorya, hindi ko madisiplina si Jojo dahil palaging humaharang ang kanyang multong ina.
14:50.0
Minsan tuloy, sa inis ko sa bata ay sa kaluluwa ni Clarita ko ibinaling iyon.
14:57.0
Sabi ko pa nga, kung ayaw niyang disiplinahin ko ang anak niya, siya ang magdisiplina.
15:04.0
Nagbanta pa akong pahaalisin na ang bata.
15:08.0
O di kaya'y nagbabanta ako na dadalhin ko si Jojo sa ampunan.
15:12.0
Pero palagi akong pinapakiusapan ng aking kapatid sa panaginip na huwag ko raw pabayaan ang kanyang anak.
15:20.0
Siyempre, umiiras sa akin ang aking konsensya, kaya sa huli ay wala rin akong nagagawa kundi ang magpasensya na lang sa sakit ng ulong dala sa akin ng batang iyon.
15:33.0
Pero isang araw ay nakagawa ng kasalanan si Jojo sa akin na siyang naging dahilan para mawala ang aking pagtitimpi at masinturon ko ang bata.
15:46.0
Mami! Masakit po! Huwag po! Aray ko po!
15:52.0
Pagmamakaawa sa akin ng aking pamangkin.
15:56.0
Talagang mananakit siyang puwit mo sa palo ka.
15:59.0
Galit ko pang sabi sa kanya at nagpatuloy lamang sa pamamalo.
16:05.0
Hanggang sa makarinig ako ng tila na basag na baso o plato sa kusina.
16:12.0
Napahinto ako at naramdaman ko ang presensya ng kaluluwa ni Clarita sa aking likuran.
16:20.0
Ngunit hindi ako nagpahalatang natatakot at sa halip ay dinuro ko na lamang ang bata.
16:27.0
Napakasalbahe mo talagang bata ka. Ewan ko ba kung bakit ako nagtya-tyaga sa pagkaalaga sa iyo.
16:34.0
Kung tutusin e, dapat talin kita sa bahay ang punan e.
16:38.0
Pananakot ko sa kanya.
16:41.0
Nagpatuloy lamang sa akin.
16:43.0
Nagpatuloy lamang sa pagiyak si Chojo.
16:46.0
Habang nararamdaman ko naman ang lamig sa aking likod na siyang nagpataas sa aking balahibo.
16:55.0
Kunit sa halip na magbasindaks sa multo ni Clarita, ay pinaringan ko pa siya.
17:01.0
Sa totoo lang e, ayaw kong mag-alaga ng bata?
17:06.0
Kanino ka ba talaga nagmana?
17:07.0
Sa nanay mo? Ha?
17:09.0
Sa nanay mong tridor at mga agaw?
17:12.0
Alam mo, ngayon ko lang napagtanto na parehong-pareho kayo ng ugali ni Clarita.
17:19.0
Sigurado ako, paglaki mo, katulad ka rin niya. Ahas!
17:25.0
Bakit kasi hindi ka pa sumama sa nanay mo e?
17:28.0
Tang sa ganun e, wala akong alagain at alagayin.
17:31.0
Sa puntong iyon, ay hindi ko na nakontrol pa ang aking emosyon.
17:37.0
Kaya po ba kayo galit na galit sa akin dahil kay mami?
17:41.0
Umiiyak na tanong sa akin ni Chojo.
17:45.0
Oo, galit ako sa nanay mo.
17:48.0
Muhing-muhi ako sa kaniya.
17:51.0
Hanggang sa mamatay siya, e kinasusunod ako.
17:54.0
Isama mo na rin ang tatay mo, yung mga magulang mo.
17:58.0
Sila ang may kasalanan, kaya ako ganito.
18:02.0
Pagdiliin ko.
18:04.0
Kaya po pala hindi niya ako mahal.
18:08.0
Uy ka ni Chojo, bago siya tumakbo palayong sa akin at nagkulong ito sa kanyang kuwarto.
18:15.0
Kaistorya, inaamin ko na nakonsensya rin ako sa ginagawa kong pagtrato noon kay Chojo.
18:21.0
At napagtanto ko rin na wala namang kinalaman ng bata sa galit ko noon sa mga magulang niya.
18:28.0
Sinikab kong magpatawad noon at kalimutan ang lahat.
18:32.0
At dahil sa tulong ni Chojo,
18:35.0
hindi ko na magkontrol pa ang aking emosyon.
18:38.0
Kaya po ba kayo galit na galit sa akin dahil kay mami?
18:41.0
Kalimutan ang lahat.
18:43.0
At dahil sa tulong ni Chojo at sa kasiyahang ibinibigay niya sa akin,
18:48.0
ay nakalimutan ko rin ang lahat ng galit ko kina Clarita at Nilo.
18:54.0
Kaistorya, doon ko napatunayan na tama pala ang sinasabi ng karamihan na nakakagaan ng loob
19:03.0
kapag wala kang binibitbit na anumang galit o sama ng loob sa dibdib mo.
19:09.0
Samantala, simula noon ay itinurin ko ng parang tunay na anak si Chojo.
19:16.0
Nagkamali din ako sa naging impresyon ko noong una sa bata.
19:21.0
Ang inaakala kong salvaje at makulit ay mabait, masunurin, malambing at magalang na bata pala.
19:32.0
Sadyang masiyahin lang at mapagbiro si Chojo.
19:36.0
Na siya namang gusto ko dahil sa pamamagitan niya ay nawawala ang lahat ng pagod ko kaistorya.
19:44.0
Sa pamamagitan ni Chojo ay napagtanto ko na masarap pala talagang maging ina
19:51.0
at napatunayan ko na ang pinakamasayang parte sa buhay ng isang ina
19:56.0
ay makita na nagpupunga ng maganda ang ginagawa mong pagpapalaki sa anak mo.
20:02.0
Kaistorya, naging masaya na ang mga sumunod na pangyayari sa buhay ko simula ng mapunta sa pangangalaga ko si Chojo.
20:12.0
Dahil sa batang yun, natuto akong maging responsable, mapagmahal, matyaga at maging pasensyosa.
20:22.0
Oo, mahirap maging isang ina pero ang katumbas naman ng pagihirap mo ay maging isang ina.
20:30.0
Ang katumbas naman ng pagihirap mo ay saya.
20:34.0
Kapag nakikita mong masaya naman ang anak mo, sa piling mo at napapalaki mo siya ng maayos.
20:43.0
Kumusta naman ang pagiging nanay mo sa kanya?
20:46.0
Tanong sa akin ni Berto.
20:48.0
Nang minsang napadalaw siya sa aming bahay.
20:52.0
Kaluluto ko lang noon ang halayang ube na siyang paborito naman ng bata.
20:56.0
Pinagmamas na namin ang pinsan ko si Chojo habang masaya ito sa pagkain at panonood ng TV.
21:05.0
Heto, masaya?
21:07.0
Alam mo ba Berto, ngayon ko lang napagtanto na masarap palang maging nanay?
21:13.0
Sinserong sagot ko noon kay Berto.
21:16.0
Ibig bang sabihin yan eh magpapakananay ka na kay Chojo?
21:21.0
Usisa sa akin ng aking pinsan.
21:23.0
Tumango ako bilang sagot sa kanya.
21:27.0
Oo naman.
21:29.0
Sa totoo lang sa ilang buwang pagsasama namin ni Chojo eh natutuhan ko na siyang mahalin at ituring na para kong sariling anak.
21:38.0
Berto, napamahal na sa akin ang batang yan.
21:43.0
Kung ganoon eh napatawad mo na si Clarita.
21:47.0
Gusto niyang makasiguro.
21:50.0
Oo.
21:51.0
Dahil kay Chojo.
21:53.0
Kinalimutan ko na ang lahat ng galit ko sa kapatid ko.
21:57.0
At saka wala na rin naman si Clarita kaya bakit pa ako magkikimkim ng galit sa kanya?
22:04.0
Tama yung sinabi mo sa akin dati na nakakagaan pala ng pakiramdam yung pagpapatawad.
22:11.0
Iyon naman ang aking sagot kay Berto.
22:15.0
Napangiti naman ang aking pinsan.
22:17.0
Alam mo Tilde, simula nang dumating si Chojo eh malaki na ang ipinagbago mo.
22:23.0
Sabi pa niya sa akin.
22:26.0
Agad naman akong sumangayon sa kanya.
22:29.0
Mas sumaya at mas nagkaroon ang kulay ang buhay ko.
22:34.0
Tama pala yung sinabi ni inay dati sa akin na ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang babae eh yung maranasan niya.
22:42.0
Kung paano maging isang ina.
22:46.0
Oo, maaaring mahira pero sa huli masarap pala sa pakiramdam lalo na kapag nakikita mo yung anak mo na lumalaking masaya at mabait.
22:59.0
Dagdag ko pa sa aking pinsan.
23:03.0
Kaistorya sa paglipas na mga araw ay isang pinakamahalaga.
23:08.0
Kaistorya sa paglipas na mga araw ay lalo kong pinamahal si Chojo na itinuring ko ng parang tunay na anak.
23:18.0
At bilang tumatayong ina ay ibinigay ko sa kanya ang lahat ng pangangailangan niya.
23:24.0
Pinag-aral ko siya, pinakain, inalagaan at ibinigay ang lahat ng pangangailangan niya.
23:33.0
Siyempre, natutuwa din si Clarita at nagpapahayag siya ng pasasalamat sa akin sa tuwing dinadalaw niya ako sa panaginip.
23:43.0
Samantala, naging masaya ang mga bonding moments namin ni Chojo at inakala kong wala ng katapusan iyon.
23:52.0
Pero isang gabi, isang tao ang hindi ko inaasahang magpapakita sa akin.
23:59.0
Sinilo
24:02.0
Bakit ka nagbabalik? Seryosong tanong ko kay Nilo.
24:08.0
Matagal ko rin kasing hinanap ang anak ko, Tilde. Buti, nasa iyo lang pala si Chojo.
24:15.0
Hmm, Tilde, kaya ako pungunta rito kasi gusto kong bumawi sa anak ko.
24:21.0
Gusto kong punan lahat ng pagkukulang ko sa kanya.
24:24.0
Gusto ko sanang magpakaama sa kanya.
24:28.0
Nahihiya niyang wika sa akin.
24:32.0
Ilalayo siya sa akin?
24:35.0
Hindi ko matanggap yung sinabi sa akin kay historia.
24:39.0
Ayaw kong mawala sa akin si Chojo dahil itinuring ko na siyang anak at dahil naranasan ko nang maging masaya kapiling ang bata.
24:49.0
Ayaw ko na itong mawala.
24:51.0
Pero narealize ko rin na wala akong karapatan sa bata.
24:56.0
Kung sa bagay, ano pa bang magagawa ko?
25:00.0
Anak mo siya.
25:02.0
Ako?
25:03.0
Tiyahin lang naman ako.
25:05.0
Wala akong karapatan sa bata.
25:09.0
Sa kabilang banda, napansin ni Nilo na nasasaktan ako pero hindi na lamang siya kumibo.
25:15.0
At talagang disidinon na siya.
25:17.0
Iuuhi ko siya sa probinsya namin.
25:20.0
Pero kung gugustuhin ni Chojo eh madalas ka naming dadalawin dito.
25:27.0
Sabi pa niya sa akin.
25:29.0
Tilde, malaki ang utang na loob namin ni Clarita sa iyo.
25:34.0
Paano ba kami makakabayad sa iyo?
25:38.0
Huwag mo nang isipin kung paano ka makakabayad sa iyo.
25:41.0
Ang sa akin lang eh mahalin mo sana si Chojo tulad ng pagmamahal na ibinigay ko sa kaniya.
25:47.0
Ang sabi ko naman kay Nilo.
25:51.0
Makakaasa ka Tilde.
25:54.0
Iyo naman ang binitawang pangako ni Nilo sa akin.
26:00.0
Kaistorya ang pagbabalik ng tunay na amatay.
26:03.0
Gustuhin ko mang ipaglaban ang pagmamahal ko kay Chojo.
26:07.0
Pero alam kong wala naman akong karapatan na hadlangan iyon.
26:11.0
Kaya naman,
26:13.0
hindi ko naman magkakaroon.
26:16.0
Kaya naman,
26:18.0
hindi ko naman magkakaroon.
26:21.0
Kaya naman,
26:23.0
hindi ko naman magkakaroon.
26:26.0
Kaya naman,
26:28.0
hindi ko naman magkaroon.
26:30.0
Alam kong wala naman akong karapatan na hadlangan iyon.
26:34.0
Dahil kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo,
26:37.0
ay si Nilo pa rin ang tunay na ama nito.
26:41.0
Kaya sa pagalis ni Chojo,
26:44.0
ay siya namang pagluha ko.
26:47.0
Labis akong nangulila sa itinuring ko ng anak.
26:51.0
At kapag nagpapakita o nagpaparamdam sa akin si Clarita,
26:55.0
palagi kong sinasabi sa kanya,
26:57.0
nabantayan niya palagi si Chojo.
27:01.0
Kaistorya,
27:03.0
tiniis ko ang sakit na iyon.
27:06.0
At sa halipay iniisip ko na lamang nakasama na ng bata ang kanyang ama.
27:11.0
Nagpatuloy ako sa buhay kahit na parang nawalan iyon ang kulay at sigla.
27:17.0
Puro mga multong kasi ang nakikita at nakakasama ko sa bahay.
27:21.0
Kabilang na ang multong ni Clarita.
27:23.0
At kung magpatuloy iyon,
27:26.0
baka mawala na ako sa katinuan dahil sa sobrang lungkot at stress.
27:32.0
Hanggang isang araw,
27:34.0
nangyari ang isang himala.
27:37.0
Bumalik si Nilo sa bahay kasama ang kanyang anak na si Chojo.
27:44.0
Madidistino pala ako sa Cebu.
27:47.0
Kung pwede sana eh,
27:49.0
iiwan ko muna sayo ang anak ko.
27:50.0
Walang problema sa akin yun, Nilo.
27:53.0
Uwi ka ako naman sa kanya.
27:56.0
Huwag kang magalala,
27:58.0
magpapadala ako ng perang pangsustento sa mga pangangailangan ng anak ko.
28:02.0
Pangako naman niya sa akin.
28:05.0
Tilde, sa totoo lang,
28:08.0
ayaw ko pang iwanan ang anak ko pero kailangan ko magtrabaho para na rin sa kanya.
28:13.0
Sa iyo ko siya iiwan kasi kampanti ako na maaalagaan ng maayos ang anak ko.
28:17.0
Dagdag pa niya.
28:21.0
Makakaasa ka sa akin, Nilo.
28:24.0
Ako naman ang nangako noon sa kanya na
28:28.0
iingatan at mamahalin ko si Chojo na para kong sariling anak.
28:34.0
Malaki na ang utang na loob ko sa iyo
28:37.0
kaya sobra-sobra rin ang pasasalamat ko sa iyo,
28:41.0
Aniya.
28:42.0
Uhm, siya nga pala.
28:44.0
Sorry ha, sa mga nagawa ko sa iyo dati.
28:49.0
Napangiti ako sa sinabing iyo ni Nilo.
28:53.0
Napatawad na kita roon
28:55.0
at saka nakalimutan ko na rin iyon, Nilo.
28:59.0
Matagal ng panahon iyon kaya dapat na nating kalimutan.
29:03.0
Iyon naman ang paggaranti ako sa kanya.
29:07.0
Kaistorya na ito ay
29:09.0
sa kanya.
29:11.0
Kaistorya,
29:13.0
hindi mapantaya ng kasiyahan ko nang muling mayakap ko ang anak-anakan kong si Chojo.
29:19.0
At mas natuwa pa ako nang muli kong makasama siya
29:22.0
dahil kailangan ni Nilo pumunta noon ng Cebu.
29:26.0
Doon ay nanumbalik ang sigla at saya ko
29:29.0
at naging maganda na
29:31.0
ang mga sumunod na nangyari.
29:34.0
Sa ngayon, kaistorya ay lumalaki na si Chojo
29:37.0
at ako pa rin na nag-aalaga sa kanya.
29:40.0
Si Nilo naman ay nagtatrabaho sa ngayon sa Dubai
29:44.0
pero hindi naman siya nagkukulang sa pagsustento sa anak niya.
29:48.0
Samantala, tumigil na rin sa pagpaparamdam si Clarita.
29:53.0
Malamang ay natahimik na ang kanyang kaluluwa
29:57.0
nang patawarin ko sila ni Nilo
29:59.0
at nang makita niyang maayos na ang buhay ng kanyang anak.
30:04.0
Palagi kong pinagdarasal ang kaluluwa ng kapatid ko
30:08.0
at kung may maibabalik lang na panahon
30:11.0
mas gugustuhin kong makasama ng matagal si Clarita.
30:15.0
Sa kabilang banda,
30:17.0
hindi ko sinabi sa bata na may third ay ako
30:20.0
o nakakakita ako ng multo.
30:23.0
Ayaw kong matakot si Chojo
30:26.0
at sasabihin ko sa kanya ang totoo kapag
30:29.0
nasa hostong gulang na siya.
30:33.0
Pero kaistorya,
30:35.0
kahit hindi nang galing sa akin si Chojo
30:38.0
ay sinikap ko talagang maging mabuting ina sa kanya
30:42.0
at sa tingin ko naman ay nagtagumpaya ko.
30:46.0
Dahil lumaking mabait,
30:48.0
magalang,
30:50.0
masipag at responsable ang pamangkin ko.
30:54.0
Hanggang dito na lamang ang sulat ko.
30:57.0
Sana'y kapulutan ito ng inspirasyon.
31:00.0
Muli ay maraming salamat at magandang gabi po
31:05.0
sa inyong lahat.
31:07.0
Lubos na nagpapasalamat,
31:09.0
Tilde.
31:13.0
Maraming salamat, Tilde,
31:15.0
sa pagbabahagi mo ng iyong kwento.
31:17.0
Nakakatuwang malaman na kahit masakit ang iyong nakaraan
31:21.0
ay minabuti mo na mag-move on
31:24.0
at maging isang mabuting ina.
31:26.0
Nagawa mong maging isang mabuting inas
31:29.0
sa pamamagitan ng pagtanggap
31:31.0
at pagturing mo kay Jojo bilang iyong anak.
31:35.0
Isang inspirasyon ang hinatid mo sa amin, Tilde.
31:39.0
At sana'y magpatuloy pa ang pagdating ng swerte
31:42.0
at masayang pangyayari
31:45.0
sa iyong buhay.