Close
 


KYLIE | HORROR STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg Papa Dudut Stories Horror Music used : " The House" composed and produced by "Vivek Abhishek" Music link : https://youtu.be/2Do5iRAhbtg SUBSCRIBE us on YOUTUBE: https://youtu.be/DQQmmCl8crQ Follow on Facebook: https://bit.ly/33RWRtP Follow on Instagram: https://bit.ly/2ImU2JV FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 25:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang pagsunod sa paalaala ng nakatatanda sa atin ay hindi naman masama, lalo na sa mga lugar na hindi tayo pamilyar.
00:10.0
Pwede kasi na makapaghatid iyon sa atin ng kapahamakan at pwede rin namang maiiwas tayo sa kung ano man ang panganib na naghihintay sa atin.
00:25.0
I'm Kylie, 36 years old, nakatira dito sa Batangas.
00:31.0
Masugid kaming tagapakinig ni mga kaibigan ko sa inyong YouTube channel.
00:37.0
Pare-pareho kasi kaming mahilig sa drama, mga paradyo, telebisyon o YouTube man.
00:44.0
At pare-pareho rin kaming nakikinig kapag tungkol sa katatakutan ng kwento na inyong ineere.
00:53.0
Matagal na nga rin naming gusto magbahagi ng aming kwento.
00:56.0
Kaya lang, nagtuturoan pa kami kung sino ba sa amin ang gagawa ng sulat para ipadala sa inyong YouTube channel.
01:06.0
Sigurado kasi kami na may ilang mga kaistorya natin ang pwedeng makarelate sa parting ito ng buhay namin.
01:16.0
Hayaan niyong simulan ko ang kwento ko sa kung paano ko ba nakilala ang mga kaibigan ko na sina Sharon at Denise.
01:25.0
Noon paman kasi ay mahilig na akong umakyat ng bundok.
01:30.0
Dati ay kasa-kasama ko ang daddy ko sa pagakyat.
01:34.0
Kasi bata pa lang ako, isinasama na niya ako sa mga ganoong activity niya.
01:41.0
Noon nga ay narinig ko pa si mami na sinasabihan si daddy na huwag akong isama kasi baka mapagod lang daw ako sa pagakyat ng bundok.
01:53.0
Totoo naman kasing nakakapagod ang ganoong gawain kaistorya.
01:58.0
Lalo na at si daddy yung tipo na hindi ako kinakarga madalas kapag pataas o pababa kami ng bundok kahit sinasabi ko na pagod na ako.
02:11.0
Grade 3 pa lamang kasi ay isinasama na niya ako kapag may mga akyat bundok sila ng mga kaibigan niya.
02:19.0
Tapos pinapaalalahanan niya ako na huwag raw akong masyadong magpapabuhat sa kanya.
02:26.0
Bago niya kasi ako isama, tinatanong niya kung gusto ko raw ba talagang sumama sa pagakyat ng bundok.
02:34.0
Siyempre dahil gusto kong makapamasyal, sumasama talaga ako.
02:40.0
Si mami kasi hindi mahilig umakyat ng bundok noon, kaya ako lang ang madalas na isinasama ng daddy ko.
02:51.0
Noong bata pa nga ako, mabilis akong mapagod at hingalin kaistorya.
02:57.0
Sabi naman ni daddy sa umpisa lang yun, pero kapag nasanay na ako, hindi ko na raw mapapansin ang pagod na iyon.
03:06.0
Sinaman niya na rin ako sa pagdadyaging niya para raw mas tumibay ang baga ako sa mga ginagawa naming pagakyat ng bundok.
03:16.0
O diba, bata pa lang ako, grabe na ang pagsasanay na ginagawa sa akin ng daddy ko na para bang isasali ako sa international marathon.
03:29.0
Pero lahat ng iyon ay para lang sa hobby namin pareho.
03:33.0
Pinakabanding na rin namin yun hanggang sa makarating ako ng high school.
03:39.0
Grabe, ang ganda dito daddy.
03:43.0
Nagustuhan mo ba?
03:46.0
Tanong ni daddy.
03:48.0
Sobra, ang ganda ng tanawin saka napakapresko ng hangin.
03:54.0
Kaagad naman nasagot ko.
03:57.0
Pumikit ka anak, uwi ka ni daddy.
04:01.0
Bakit po?
04:03.0
Nagtataka namang tanong ko.
04:06.0
Basta, tura naman niya.
04:10.0
Sumunod na lang ako sa sinabi ni daddy.
04:15.0
Mas nararamdaman mo na ba ang hangin ngayon?
04:19.0
Tanong niya.
04:21.0
Mga pagtangon naman ang isinagot ko sa kanya.
04:24.0
Ang isinagot ko sa kanya.
04:27.0
Kapag nawala na ako at naramdaman mo may malamig na hangin yumakap sa iyo,
04:33.0
tandaan mo na mga yakap ko iyon.
04:37.0
Yakap na tanda ng pagmamahal ko sa iyo.
04:41.0
Sabi ni daddy.
04:43.0
Kaistorya, hindi ko alam kung bakit iyon naasabi ni daddy noon.
04:49.0
Akala ko ay humuhugot lamang siya ng lines
04:52.0
kasi medyo malalim din magsalita ang daddy ko.
04:57.0
Hanggang sa nalaman ko na lang na may stage 3 lung cancer na pala siya.
05:03.0
Hindi nila kaagad ipinalam sa akin ni mommy.
05:07.0
Narinig ko lang iyon sa pag-uusap nila sa kwarto nila
05:10.0
nang mapadaan ako para uminom ng tubig.
05:15.0
May therapy na pala si daddy pero naka-outpatient lang siya.
05:20.0
Kaagad akong pumasok noon sa kwarto ko at tahimik na umiyak.
05:26.0
Hindi ko na kasi alam kung ano pa ba ang dapat kong isipin.
05:30.0
May cancer ang daddy ko at ayokong mamatay si daddy.
05:36.0
Ayokong mawala ng daddy.
05:38.0
Kaya naman mula noon palagi ako nagdadasal na sana malampasan ni daddy ang pagsubok na iyon.
05:47.0
Sana ibigyan pa siya ng Diyos ng mas mahabang oras para makasama namin ni mommy.
05:54.0
Hindi ko rin ipinalata sa kanila na alam ko na ang tungkol sa sakit ni daddy.
06:01.0
Pero mas naging malambing at maasikaso pa rin ako sa tatay ko.
06:06.0
Gusto kong makita at maramdaman niya ang presensya ko para mas lalo pa siyang lumaban sa buhay.
06:16.0
Kaya lang kaistorya habang tumatagal ay nakikita ko ang pagbabago sa daddy ko.
06:23.0
Nangangayayat siya, lumalalim ang eye bags at nagiging sakitina.
06:31.0
Hanggang sa kinakailangan na siyang i-confine sa ospital.
06:34.0
Palaging nandon si mommy at ang tita ko naman ang madalas kong kasama sa bahay namin.
06:42.0
Hanggang sa mga oras na iyon hindi ko pinapahalata sa kanila na alam ko na ang tungkol sa sakit ni daddy.
06:53.0
Ang sinasabi lang kasi nilang dahilan kung bakit nasa ospital si daddy ay dahil nabalian lang daw ito ng tuhod.
07:02.0
Pero sigurado ako noon na tungkol sa sakit niya na kanser ang dahilan kung bakit wala na siya sa bahay.
07:11.0
Nasa fourth year high school na ako kaistorya nang dalhin ako ni mommy sa ospital at ipakausap kay daddy.
07:20.0
Kita ko ang sobrang pangihina ni daddy pati na ang pagpayat niya.
07:25.0
Sinabi na rin nila sa akin ang tungkol sa sakit ni daddy at doon ko na hindi napigilan ang sarili ko na umiyak at yakapin ang mahigpit ang daddy ko.
07:38.0
Sinabi ko sa kanila na matagal ko nang alam ang tungkol sa sakit ni daddy.
07:44.0
Naluha na rin si mommy at sinabi niya na napakatatag ko raw kasi hindi nila alam na alam ko na ang tungkol kay daddy.
07:54.0
Hindi raw sila makapaniwala na nagawa kong itago ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko dahil sa bagay na nalaman ko noong una pa lang.
08:05.0
Sinabi ko na ginawa kong hindi ipaalam yon sa kanila para mas lumaban si daddy.
08:12.0
Gusto ko na maging inspirasyon niya ako para magpatuloy siya sa buhay.
08:18.0
Gusto ko na manatili siyang matatag para sa akim.
08:23.0
Pero hindi nagtagal sumuko na rin siya at iniwanan niya na kami ni mommy.
08:32.0
Kaistorya alam ko naman na ayaw pa sanang sumuko ni daddy pero katawan niya na rin ang sumuko dahil sa sakit niya.
08:42.0
Gusto kong magalit sa kanya kasi nagbitaon siya ng pangako na kailanman ay hindi niya kami iiwan ni mommy.
08:50.0
Pangako na hindi niya nagawa pang tuparin.
08:54.0
Naramdaman ni mommy na labis akong nasaktan sa pagkawala ni daddy.
09:00.0
Sinabi niya sa akin na hindi gusto ni daddy na iiwan kami pero sadyang maikli lang daw ang buhay.
09:07.0
At kung mananatili kaming malungkot, malulungkot din si daddy.
09:13.0
Kaya naman kahit mahirap, pinilit kong mag move on.
09:17.0
Kaya lang mula nang mawala si daddy, hindi na rin ako umaakyat pa ng bundok.
09:24.0
Pakiramdam ko kasi, malulungkot lang ako kapag ginawa ko yun.
09:30.0
Si daddy ang nagturong sa akin kung paano umakyat ng bundok.
09:35.0
Siya ang kasama ko sa bawat matatarik na daan.
09:39.0
Siya ang nagparamdam sa akin na bawat pagod na nararamdaman namin sa pagakyat ng bundok,
09:45.0
kapalit ang preskong hangin at napakagaan na pakiramdam.
09:52.0
Pero ngayong wala na siya, wala na rin dahilan pa para gawin yon.
10:00.0
Kaistorya nang makagraduate ako ng college at magkaroon ng trabaho ay inatake ako ng depresyon.
10:08.0
Hindi ko alam kung paano yung nagsimula at kung bakit.
10:12.0
Hanggang sa payuhan ako ng isang psychologist na gumawa ng mga activity na gusto kong gawin pero matagal ko nang hindi ginagawa.
10:23.0
Ang pagakyat ng bundok kaagad ang unang pumasok sa isip ko.
10:29.0
Ilang beses ko pa yun na pinag-isipan pero sa huli, nag-desisyon ako na gawin ulit yon.
10:38.0
Nag-file ako ng leave sa trabaho para sumama sa mga grupo ko na umaakyat na ng bundok.
10:46.0
Nakita ko lang din sila sa Facebook kaya ako napasama sa kanila.
10:53.0
At doon ko nga nakilala sina Sharon at Denise.
10:58.0
Napansin daw nila kasi na malungkot at ahimik ako kaya madalas nila akong kausapin.
11:04.0
Noong una, medyo umiiwas pa ako kasi nahihiya din talaga ako.
11:11.0
Hanggang sa nakapalagayan ko na sila ng loob at nang makarating kami sa tuktok ng bundok ay hindi ko napigilan ang sarili ko na maluha.
11:23.0
Ayos ka lang? Tanong ni Denise. Marahan akong tumango bilang tugon.
11:31.0
Bakit ka umiiyak? Tanong naman ni Sharon.
11:36.0
Namimiss ko lang kasi ang daddy ko.
11:40.0
Tugon ko kasunod ang pagpunas ng mga luha kong muling nagbabantang lumandas sa pisingi ko.
11:48.0
Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko na ikwento sa kanila ang tungkol kay daddy.
11:54.0
At doon na nga ako dere derechong naluha.
11:57.0
Lalo na nang sabihin ko sa kanila na iyon ang unang pagkakataon na nakaakyat ulit ako ng bundok mula nang mawala si daddy.
12:08.0
Alam mo, sigurado akong sobrang proud sa iyo ang daddy mo. Kasi hanggang ngayon, sobrang strong mo.
12:17.0
Wika ni Denise.
12:18.0
I agree. Kita mo nga oh. Nagawa mong labanan ng lungkot na nararamdaman mo at nakaakyat ka pa dito sa bundok.
12:27.0
Sabi naman ni Sharon.
12:30.0
Naisip ko na tama ang mga sinabi nila.
12:34.0
Ayaw kasi talaga ni daddy na nalulungkot ako.
12:38.0
Kaya nga hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa sakit niya kasi alam niya na mahihirapan akong tanggapin iyon.
12:45.0
Nang matapos na kami sa aming pagkokwentuhan, pumunta muli ako sa may matarik na bahagi ng bundok.
12:53.0
Ipinikit ko ang mga mata ko at doon ko naramdaman ang malamig na hangin na yumakap sa akin.
13:04.0
Sigurado ako na si daddy iyon.
13:08.0
Nang pababana kami ng bundok ay naiwan ang grupo namin ni Denise at Sharon.
13:14.0
Balit tatlo pa kaming grupo noon na umakyat at pababana ng bundok.
13:19.0
Nagdramahan pa nga kasi kami kaya medyo nahuli ang grupo namin.
13:24.0
Dahil kami ang nahuhuli, rinignamin ang mga ingay at sigawan na ginagawa ng dalawang grupo na naunasan.
13:33.0
Kahit anong mangyari, huwag niyong sasabayan ang ingay na ginagawa ng mga naunang grupo.
13:39.0
Paalaala sa amin ang tour guide na si Kuya William.
13:45.0
Baka may magampala tayong mga bantay dito sa bundok kapag nagingay din kayo.
13:51.0
Dugtong pa niya.
13:53.0
Patuloy ang sigawan ng dalawang grupo na naunasan.
13:57.0
Yung iba sa kanila ay nagpapalitan pa ng malulutong na pagmumura.
14:03.0
Ang sakit sa tenga lalo na kapag dinudugtongan nila ng malakas na tawanan.
14:10.0
Isang oras na kami naglalakad pababa nang mapagdesisyonan naming magpahinga muna.
14:17.0
Pagpahinga muna at magpahinga muna,
14:20.0
Isang oras na kami naglalakad pababa nang mapagdesisyonan naming magpahinga muna.
14:27.0
Nainis kami lalo sa mga naunang mga grupo dahil nakita namin ang mga kalat na naiwan nila sa dinaanan nilang bahagi ng bundok.
14:38.0
Mabuti na lang at may dalang plastic bag si Kuya William.
14:42.0
Kaya naman tinulungan namin siyang magpulot ng mga kalat na iyon.
14:46.0
Kaistorya ng mga sandaling iyon ay bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na pag-alulong ng aso.
14:59.0
Ang taas ng araw pero grabing makahorror yung alulong ng aso.
15:04.0
Takot na wika ni Denise.
15:08.0
Mukhang may mga nagalit na mga bantay.
15:11.0
Sabi naman ni Kuya William.
15:14.0
Sino po ba yung mga bantay? Dito po ba sila sa bundok nakatira?
15:20.0
Tanong ko.
15:22.0
Hindi mga tao ang tagabantay ng bundok na ito.
15:26.0
Wika ni Kuya William.
15:30.0
Paanong hindi mga tao?
15:33.0
Tanong ni Denise.
15:34.0
Mga elemento sila na nakatalagang panatilihin ang katahimikan sa bundok na ito.
15:41.0
Kung hindi tayo magbibigay ng respeto sa kanila, hindi rin nila tayo rerespetuhin.
15:48.0
Makahulugang wika ni Kuya William.
15:53.0
Kaistorya dahil medyo umambun noon ay nagpatila muna kami sa bundok na ito.
15:59.0
Hindi namin napansin na bigla na lang nawala sina Kuya William sa malapit sa amin.
16:06.0
Ilang beses naming tinawag ang pangalan niya, pero wala kaming Kuya William na nakita o narinig sumagot.
16:15.0
Nakapagtatakang wala ring signal ang mga cellphone namin, kahit noong una ay meron naman.
16:22.0
Baba na tayo habang hindi pa ulit umuulan?
16:26.0
Sugestyon ni Denise.
16:30.0
Ayaw sana namin kaya lang isang oras na kami halos na naghihintay sa pagbabalik ni Kuya William.
16:37.0
Kaya naman, nagdesisyon na kaming simulang baybayin ang pagbaba ng bundok.
16:43.0
Pare-pare, hindi namin nakatalagang magbibigay.
16:47.0
Ang masama pa doon, inabot na kami ng gabi sa kung saan mang parte ayun ang bundok na kinalulunanan namin.
16:56.0
Narinig niyo ba yun?
16:58.0
Tanong ni Denise.
17:00.0
Yung mga sit-sit na parabang may tumatawag?
17:05.0
Nasaan naman ito?
17:07.0
Nasaan naman ito?
17:09.0
Nasaan naman ito?
17:10.0
Tanong ni Denise.
17:12.0
Yung mga sit-sit na parabang may tumatawag?
17:17.0
Shhh! Huwag nyo na lang silang papansinin.
17:21.0
Basta dere-derecho lang tayo sa paglalakad.
17:24.0
Saway ko sa sinasabi ni Sharon.
17:28.0
Naaalala ko kasi noon ang sinabi ni Daddy.
17:32.0
Kapag naligaw daw ako sa bundok, huwag kong papansinin ang mga kakaibang nakikita o naririnig ko.
17:42.0
Mabaglaro daw ang mga nilalang na nakatira sa bundok.
17:47.0
Madalas na pinaglalaruan ang mga ito ang ating paningin at pandinig.
17:54.0
May bahay!
17:57.0
Turo ni Sharon.
17:59.0
Tara, lapitan natin.
18:02.0
Huwika ni Denise.
18:04.0
Teka, paano kung masasamang tao ang nakatira dyan?
18:09.0
May pag-aalinlangan na huwika ko.
18:13.0
Napaisip na rin sila noon hanggang sa may lumabas na matandang babae na may hawak na lente.
18:21.0
Nakailaw yun sa amin na parabang inaasahan niyang darating kami.
18:26.0
Naliligaw ba kayo mga neng?
18:30.0
Tanong ng matandang babae.
18:33.0
Oo po, pababa na po kami dapat ng bundok pero bigla pong nawala ang kasama naming tour guide.
18:42.0
Tugon ko.
18:44.0
Pumasok muna kayo dito nang makapagpahinga kayo.
18:49.0
Mahirap nang abutan kayo ng dilim dyan dahil baka kung ano pang mangyari sa inyo.
18:55.0
Anayaya sa amin ang matanda.
18:58.0
Saglit kami ng tinginan bago kami nagdesisyon na pumasok na sa loob ng maliit niyang bahay.
19:07.0
Bumungad sa amin ang lamesa na malapit sa may bintana.
19:12.0
Pinagtimpla kami ng tsaan ang matandang babae na nagpakilalang si Tandang Gloria.
19:19.0
Ang kwento niya matagal na siyang nakatira sa bundok at marami raw talagang naliligaw sa parting iyon ng kabundukan.
19:29.0
Mapanganib daw magpatuloy sa paglalakad ng ganoong oras.
19:34.0
Pwede kaming mapaglaruan ng mga kakaibang elemento.
19:38.0
O kaya naman, masamang tao ang makita namin sa daan.
19:42.0
Kaya naman, pumayag na kaming doon na lamang magpahinga sa loob ng maliit na bahay niya.
19:50.0
Pinaglatag niya pa kami ng banig at nakapagtataka na kahit hindi ako sanay na matulog doon,
19:57.0
ay naging presko ang aking pakiramdam.
20:01.0
Para bang nakahigalang ako sa malambot na kama ko sa bahay.
20:06.0
Kinabukasan kaistorya, mataas na ang araw nang magising kaming tatlo ni na Sharon at Denise.
20:13.0
Ipinaghanda pa kami ng almusal ni Tandang Gloria.
20:17.0
Mainit na kape at saging.
20:21.0
Nang matapos kami sa aming pagkain, inayos na namin ang aming gamit at inihatid kami ni Tandang Gloria
20:29.0
sa isang shortcut na pababaraw ng bundok.
20:32.0
Mas madali at mabilis daw na daan iyon at hindi kami maliligaw pa.
20:38.0
Isang maliit na kuweba iyon na kailangan naming kapangin.
20:43.0
Noong una, nag-alinlangan talaga kaming tatlo kasi wala namang kaming nadaanan na ganoon.
20:50.0
Wala ring nabanggit si Kuya William tungkol sa shortcut na iyon.
20:54.0
Pero dahil sa pangungubinse sa aming ni Tandang Gloria, pumasok na kami sa makipot at masikip na kuweba na kasya lamang ang aming mga katawan at dalangbag.
21:07.0
Mabuti na lang at walang klostrofobik sa aming tatlo, kaya nagawa namin gumapang sa kuweba na iyon.
21:14.0
Kaistorya, nagulat na lang kami nang makita namin ang nilabasan naming lagusan ay ang lugar kung saan nagsimula kami bago kami umakyat ng bundok.
21:27.0
Gradually, nilabasan namin ang mga katawan at dalangbag.
21:33.0
Nang makita namin ang nilabasan naming lagusan ay ang lugar kung saan nagsimula kami bago kami umakyat ng bundok.
21:43.0
Grabing shortcut yun! Ang bilis!
21:47.0
Bulalas ni Denise.
21:50.0
Napailing at tuwantuwa kaming nagpatuloy sa paglalakad nang mapapitlag kami dahil sa humahangos na paglalakad palapit sa amin si Kuya William.
22:03.0
Saan kayo galing?
22:06.0
Namimilog ang mga matang, tanong niya.
22:10.0
Ha? Ikaw ang saan galing Kuya William?
22:14.0
Kunot noong, tanong ko.
22:17.0
Oo nga, iniwan mo kami dun tapos hindi mo na kami binalikan, sabi naman ni Sharon.
22:26.0
Hindi ako umalis.
22:28.0
Lagtatakang nga ako kung bakit bigla nalang kayong nawala sa pwesto nyo.
22:33.0
Hinanap ko kayo, pero nang lumakas ang ulan, bumaba muna ako ng bundok.
22:40.0
Tatlong araw ako nagbalig-balig sa taas ng bundok para hanapin kayo, sabi ni Kuya William.
22:49.0
Oo ka kuya, three days ka agad talaga? Natatawang sabi ni Denise.
22:57.0
Ibig sabihin, hindi nyo alam na tatlong araw na kayong nawala?
23:03.0
Namimilog ang mga matang, tanong ni Kuya William.
23:08.0
Hindi nga Kuya William, seryoso pa yung sinasabi mo?
23:13.0
Tanong ko naman.
23:15.0
Oo, tatlong araw na kayong nawala.
23:19.0
Nareport ko na rin to sa barangay kaya hindi ko kayo binibiro.
23:23.0
Seryoso pang sagot ni Kuya William.
23:28.0
Kaistorya, napatunayan naming hindi kami pinagtitripan ni Kuya William
23:34.0
nang makaungsap namin ang team leader ng kanilang grupo,
23:38.0
pati na rin ang ibang barangay tanod sa lugar na iyon.
23:42.0
Tatlong araw na araw kaming nawala at pinaghahanap.
23:47.0
Akala pa nila may masamanang nangyari sa amin.
23:51.0
Ikinuwento naman namin ang nangyaring paggaligaw namin sa mundok
23:55.0
at pagtulong sa amin ni Tandang Gloria.
23:59.0
Binalikan pa namin ang shortcut na dinaana namin
24:03.0
pero nakapagtatakang sarado na iyon
24:07.0
at parabang walang bakas na dumaan kami doon.
24:13.0
Hindi namin alam, kaistorya, kung sabay-sabay ba kami na nakinip
24:17.0
na mga kaibigan ko na sina Denise at Sharon.
24:21.0
Ang alam lang namin, maswerte kami na isang mabait na bantay ng mundok
24:28.0
ang nakakita at tumulong sa amin para makabalik kami sa tunay na mundo.
24:37.0
Hanggang dito na lamang din po ang sulat kong ito.
24:41.0
Maraming pangyayari sa buhay natin ang sadyang mahirap ipaliwanag.
24:47.0
Minsan kasi mapaglaro ang ating isipan at imahinasyon.
24:55.0
Pero pwede rin maging mapaglaro ang mga elementong hindi natin nakikita.
25:02.0
Ang isipan at imahinasyon,
25:05.0
Pwede rin maging mapaglaro ang mga elementong hindi natin nakikita.
25:11.0
Kagaya na lamang nang nangyari sa ating letter sender na si Kylie.
25:17.0
Nalito na sila sa mundo ng panaginip at realidad.
25:22.0
Kaya naman, tandaan natin na kung gusto nating bigyan tayo ng respeto
25:28.0
ng ibang tao o nila lang,
25:29.0
dapat marunong din tayong magbigay ng respeto sa kanila.