Close
 


PARATING NA Mga Bagong Assets Ng Pilipinas Bigay Ng U.S, Apat Na Barko At Tatlong Eroplano
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
u.s nagbigay ng bagong assest sa pilipinas bilang suporta sa modernisasyon ng afp, cyclone class naglalayag na. #westphilippinesea #marcos #biden
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 08:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Breaking News!
00:06.4
US nagbigay ng mga bagong assets sa Pilipinas bilang suporta sa patuloy na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.
00:16.4
Bumabyahi na ngayon ang dalawang Saicom-class mula US patungong Pilipinas.
00:21.9
Hinahanda na rin ang iba pang mga assets na ibigay ng US.
00:26.8
At hindi lang yan dahil pinangako ng US na taon-taon ay merong matatanggap ang Pilipinas mula sa US.
00:34.9
Ano kaya ito?
00:36.3
Lahat yan ay ating aalamin ngayon at para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti.
00:44.2
Muling pinagtibay ni US President Joe Biden ang Edclad Alliance Commitment ng Washington sa Pilipinas
00:58.4
sa opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
01:03.0
sa pamamagitan ng pagtalakay ng paglilipat ng ilang assets ng militar sa Armed Forces of the Philippines.
01:10.6
Ayon sa isang factsheet na inilabas ng White House, magpapadala ang US ng pitong bagong assets ng militar para sa Armed Forces of the Philippines.
01:20.6
Ito ay ang dalawang Cyclone-class patrol vessels na bumabyahi na ngayon mula US papunta dito sa Pilipinas.
01:28.6
Kasama sa pitong karagdagang assets ay ang dalawang Island-class patrol vessels, dalawang Protector-class patrol boat at tatlong C-138 aircraft.
01:39.6
Ang Island-class patrol vessels ay ginawa pa noong taong 1985 so hindi po ito mga bagong barko.
01:47.6
Ginagamit ito ng US Coast Guard para sa mga homeland security, panghuhuli ng illegal immigrant, drug interdiction at search and rescue.
01:57.6
May haba itong 10 feet at merong top speed na 55 kph o 29 knots at may range na abot sa 4,600 kilometers.
02:09.6
Sa armas naman kung hindi tatanggalin ng US ay meron itong 25mm chain gun at dalawang 55mm machine gun.
02:19.6
Hindi rin tayo ang unang nabigyan nito dahil na unang binigyan ng US, lima sa Ukraine, dalawa sa Pakistan at Georgia, tag-iisa naman sa Greece at Costa Rica.
02:31.6
Kabilang sa matatanggap ng Pilipinas ay ang Protector-class. Mas maliit ito kung ikukumpara sa Island-class.
02:39.6
Dumating ito sa US noong 2002 kaya medyo bago pa ito. 87 feet lamang ang haba nito at may bilis na 46 kph o 25 knots, may range na 1,700 kilometers
02:54.6
at kung hindi tatanggalin ng US ang mga armas nito ay meron lamang itong dalawang.50 caliber machine gun.
03:02.6
Hindi rin tayo ang unang nabigyan nito dahil na unang nabigyan ng US ang Uruguay, Yemen, Lebanon at Malta.
03:11.6
Ang mga bagong barkong ito ay makakatulong sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea at inaasahan na makakaharap ng mga barkong ito ang Hygiene-class ng China,
03:23.6
ang pinakamalaking Coast Guard vessels sa buong mundo. Dahil sa massive build-up ng China ay kaya ganon kalaki ang mga barkong idinidistino nito.
03:34.6
Dalawa ang Hygiene-class patrol vessels na idineploy ng China sa South China Sea.
03:39.6
Ang isa ay pagalagala malapit sa Malaysia na mahigpit namang binabantayan ngayon ng Malaysia dahil pumapasok daw umano ito sa kanilang AEC.
03:51.6
Ang Hygiene-class ay mayroong armas na 76mm canon at may helicopter. May haba ito na 541 feet at 12,000 tons displacement.
04:04.6
Ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard ay ang Teresa Magbanwa at kung ikukumpara ang laki, ang haba nito ay 318 feet.
04:14.6
At ang Hygiene-class naman ng China ay 541 feet. Hindi basihan ang laki ng mga barko dahil isa sa mga tinitingnan dito ay ang mga armaments at mga teknolohiya ng barko.
04:28.6
Samantala ang C-130H naman na ibibigay ng US ay isang 4-engine turboprop military transport aircraft na idinisenyo at ginawa ng Lockheed Martin.
04:40.6
May kakayahan itong mag-takeoff at mag-landing sa mga bakobakong kalupaan.
04:45.6
Ang C-130H ay orihinal na dinisenyo bilang isang airlift na mga troops, medivac at cargo transport aircraft.
04:54.6
Ito ay kayang magkarga ng may bigat na abot sa 42,000 pounds. Kasya ang mga sasakyan ng militar at malaking tulong ito sa mga sakuna.
05:05.6
Ang paglilipat na ito ay suporta ng US sa programang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng pagpapahusay sa maritime at tactical lift capabilities nito.
05:19.6
Sa panahon ng pagpupulong muling pinagtibay ni Biden ang bakal na pangako ng US sa Pilipinas at muling iginiit na ang US-Philippines Mutual Defense Treaty
05:31.6
ay maaaring ipatupad sakaling magkaroon ng armadong pag-atake sa sasakyang panghimpapawid o sasakyang pangdagat ng Pilipinas maging sa West Philippine Sea.
05:43.6
Malapit na rin gamitin ng Pilipinas at US ang Bilateral Defense Guideline na magbibigay ng patnubay sa mga prioridad para sa interoperability system sa lupa, sa dagat, himpapawid at cyberspace.
06:00.6
Matagal nang sinusuportahan ng US ang Pilipinas sa mga kakayahan nito sa pagtatanggol, isa na dito ang paglilipat ng assets at magkasanib na pagsasanay sa militar tulad ng kakatapos lang na balikatan exercise.
06:16.6
Binanggit naman ng International Trade Administration ng US Department of Commerce na ang mga puwersang depensa at pangsiguridad ng Pilipinas mula sa Armed Forces of the Philippines hanggang sa Philippine Coast Guard ay makakatanggap ng average na 120 to 120 million US Dollars taon-taon sa mga pondong mula sa gawad ng US.
06:41.6
Wow, good news ito ah. Ano kayang masasabi mo dito kapatid? Pakisulat naman po ang iyong komento sa ibaba.
07:11.6
Ano kayang masasabi mo dito kapatid? Pakisulat naman po ang iyong komento sa ibaba. Ano kayang masasabi mo dito kapatid? Pakisulat naman po ang iyong komento sa ibaba.
07:41.6
At hanggang dito na lang po muna ang mga bagong update natin at abangaan ang mga susunod pa nating video.
08:10.6
Maraming salamat po.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.