Close
 


Pork Giniling
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

Mindoreñang Mangyan
  Mute  
Run time: 10:51
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
At para naman sa aming pananghalian ngayon, magluluto ako ng pork giniling.
00:04.4
Sobrang frozen nga ni tong karne kaya ibababad ko muna dini sa tubig.
00:08.4
Inutos nga rin nung nanay ko nalutuin na rin ngayon at nang madalhan daw sila ng pagkain dun sa may bundok.
00:13.1
Napakaaga nga nilang umalis kanina dini sa bahay at mag-auling daw sila dun ng bao.
00:17.6
Noong nakarang araw nga ay nagkupras daw sila kaya napakaraming bao ngayon at nang mapakinabangan nga ni ay uulingin.
00:24.2
At dahil tapos na nga ni yung anihan ng palay dini sa amin ay mga trabahong bundok naman ang inaatopag nga ni yung mga magulang ko.
00:30.5
Kako nga ni sa kanila hindi wari alam ang salitang pahinga, kumagag na nang kumagag,
00:34.9
naiinip sa buhay kapag walang mga inapagagawa.
00:37.2
Pero alam nyo kahit papaano ay nakakatuwa-tuwaan na dahil medyo masarap-sarap nga yung paulam natin ngayong dadalin sa kanila.
00:42.9
Dati-rati nga nung mga bata pa kami kapag nagadala lamang kami ng ulam sa kanila ay ginisang sardinas
00:47.6
o kaya hindi na minsan niluluto at tinapigaan na nga lamang ng kalamansi.
00:51.3
Kaya nga for today's ulam, aring atipapagluto natin sila ng masarap-sarap na pork giniling.
00:56.2
Sa pagluluto nga nari, una nagisang muna ako din yan ng sibuyas at bawang at hinuho ko nga itong giniling na baboy.
01:02.1
Naglagay na nga din ako din yung mga pampalasang sangkap, laurel, paminta, toyo at saka kaunting asin.
01:07.7
Papakuloan ko nga lamang muna ito ng mahigit 15 minutes para maluto-luto naman yung karni.
01:12.7
Habang nageintay nga ni akong kumulo din, abay nagulat naman ako dini sa biglang tumawag,
01:16.9
abay baka si Papa Bear niyo yan.
01:18.8
Na-starstruck naman ako din eh, garinip pala ako yung pakiramdam kapag nakakausap mo yung mga idol mo din sa pagbablog.
01:24.7
Masaya rin lang talaga ako na nakakausap ko na nga ni sila ngayon.
01:27.9
Dati-dati nanonood lang ako ng vlogs nila at hindi ko nga akalaan na followers na rin nga natin sila ngayon.
01:33.2
Natense nga ako bigla sa pakikipag-usap kay Papa Bear at nalimutan ko akong ano ba gagagag yung isusunod ko.
01:38.0
Siguro mga isang minuto ko pa bago ko naalala.
01:40.4
Ayan nga't nilagay ko na yung tomato sauce at saka itong mga carrots.
01:43.6
Nagdagdag nga din pala ako dito ng banana ketchup para naman mayroong tamis anghang.
01:47.9
Mga sampung minuto palalambutin lamang natin yung carrots kaya tinakluban ko na nga muna.
01:52.4
Makalipas nga ilang minuto, ayan nga't medyo malambot na din yung carrots kaya naman isunood ko na nga't ilagay itong patatas.
01:58.9
Tinakluban ko na nga muna ulit para mas mabilis maluto at ayan, napaka ganda nga nun takip ko na ngayon.
02:04.0
Talagang kasyang-kasyang na ano, hindi na dikawad.
02:06.6
At makalipas nga't limang minuto ang pagpawakulo, ayan nga't paluto na kaya naman ilagay ko na yung bell pepper,
02:11.7
yung green peas, at saka yung itlog ng pugo.
02:14.5
Eto talaga yung mukhang mahirap pero napakadali din lamang naman lutuin.
02:18.2
Dati rati nga niya ay hindi kami nakakapagluto kapag mga ordinary yung araw lamang.
02:22.0
Nakakatikim lamang nga niya kami ng garining kapag may mga paponsyonan sa kapitbahay.
02:25.8
Ako pihado mamaya kapag dinalan nga ng pagkain doon sina tatay,
02:28.6
mga gayon lamang yan ay abaw, anong sarap ikan yan, pang mayamang ulam lamang ika yan ay.
02:32.9
Alam nyo ka minsan yung tatay ko ay ayaw din yung mga garining ulam, yung mga derikado,
02:36.3
at ang gusto nga lamang nun ay yung mga nilaga.
02:38.4
Ang bala ko nga sanang lutuin din sa giniling ay sasyanghay ko,
02:41.5
ay dilalo na nga akong nagreklamo yun kapag pinirito lamang.
02:44.5
At dahil wala na rin naman siyang ibang no choice,
02:46.7
at ayan nga, luto ng ating pork giniling.
02:49.6
At dahil minus gis, bago mag alas 11 na nga ay ginaya ko na nga re-araw mga pagkain
02:53.6
na ipapadala doon sa bundok.
02:55.2
I-tano na nga rin ang inutusan ko na magdala doon sa hulo at nang makakain na nga agad sila
02:59.1
dahil medyo maaga pa nga nung umala sila kanina at pahadong gutom na gutom na nga rin yung mga yuon.
03:03.4
Pinalarga ko na nga din kaagad din si Tano dahil medyo malayo-layo nga din aring hulo dito sa may amin.
03:08.0
Mahigit 30 minutos nga rin ang lakarin simula din niya sa amin hanggang doon.
03:11.9
Pinadala ko nga sa kanya yung cellphone at nangka ako yung makapagvideo-video
03:15.0
at nang maypakita ko nga rin sa inyo kung paano nga ba naguuling ng bao dito sa amin.
03:19.1
Pagkarating nga ni Tano din sa hulo ay naabutan niya nga na nagpapalalim ng hukay din si tatay.
03:23.9
Kaya siya na nga muna yung humalili at nang makakain na nga din sila.
03:26.9
Ini nga sa amin sa Mindoro ay napakarami din pwedeng pagkohaan na hanap buhay basta nga ni masipag ka lamang at madiskarte.
03:33.6
Magayon nga lamang din yung tatay ko e basta daw hindi ka pili sa trabaho ay buhay ka na.
03:37.8
Pero alam nyo sa lahat talaga yung mga magulang ko ang biggest plex ko sa buhay.
03:41.6
Kapag naalala ko nga yung mga pinagdaanan namin nung una e grabe talaga yung hirap na dinanas nila.
03:46.5
Matulad nga nitong lupa na ito hindi rin namin ito pag-aari pinapaintindi nga lamang ito kay tatay.
03:51.6
Sa pagkakaalam ko nga na yung mahigit sampun taon na nga din itong iniintindi niya.
03:55.4
Kaya alam nyo gawang malaking parte na nga rin sa buhay namin ering lupang-ari dahil marami na nga rin e rin na itulong sa amin.
04:00.6
Dahil kapag wala nga kaming maibaon, wala kaming maipamasahe ay nagtitiba at nanunungkit nga lamang ng nyug diyan.
04:05.9
Alam ko nga nun kapag walang-wala kami diyan ay mapunta nga lamang dyan yung nanay at tatay ko tapos maniniba sila ng saging.
04:11.6
Tapos kapag ibinenta hati pa nga sila doon nung may-ari.
04:14.4
At alam ko nga nun hindi rin sila nawawal-ano ng trabaho at bukod nga sa pagpapalayan,
04:19.1
aring at minsan na hindi rin sila nakaungkot sa bundok.
04:21.9
Aring at sa nakikita nyo, garini nga pala ang proseso ng pag-uuling ng bao.
04:26.4
Nang makapagdupo nga gamit yung palabanan nyo, gaisa-isa na nga rin nilagay yung mga bao.
04:31.4
Dati rin nga nung mga bata pa kami hindi lamang uling na bao yung ginagawa namin, pati nga yung pag-uuling ng mga punong kahoy.
04:37.5
At yun din nga yung isa sa mga iniiyakan ko nun,
04:40.0
Pagka layo-layo, baga naman yung lalakari namin, tapos magpuputol nga kami ng mga malalaking puno.
04:44.8
At yung pinaka-ayaw ko talaga nung panahon na nag-auling pa kami yun,
04:48.0
nagpulot na nga kami ng mga uling tapos nilalagay sa sako, edi gamantay paso-paso ang kamay.
04:52.6
Kaya minsan kapag bumabalik nga sa aking balintatao yung mga bagay na yun ay grabe,
04:56.8
parang anong hirap nga ako nung mga pinagdaanan na yun at kako ay ayoko na nga niyong balikan.
05:01.8
Kaya sobrang thankful din nga kami sa Lord at kahit papaano nga hindi na namin kailangang gawin yun bago kumain.
05:07.5
At ayan, umapog na nga na yung mga apoy dun sa uling na baong, ngayon naman ay tatakluban na.
05:12.4
Mga tatlong arawin pa nga ni uli-ari bago hanguin,
05:15.1
kaya ayan, tinatakluban nga ng maayos, nilagay na nga din yung mga kahoy,
05:18.8
tapos sa ibabaw nga yung mga saha ng saging.
05:21.2
At para na nga din hindi sumingaw at hindi mamatay agad yung apo,
05:24.3
e tinatabunan pa nga yan ng lupa.
05:26.4
At pag nakalipas nga uli ang tatlong araw,
05:28.5
saan nga yan bubuklatin at hahanguin na.
05:30.5
Sa susunod kong video, ipapakita ko nga sa inyo kung paano maghango ng uling na bao.
05:35.4
Bandang pahapon naman ay lumarga naman kami papunta ng bayan
05:38.8
dahil mamimili nga pala ako ng mga gagamitin namin para sa aming outing bukas.
05:42.8
Bago nga kami pumunta ng bayan,
05:44.8
ay dumerecho na rin nga muna kami dito sa may pagilingan ng palay.
05:48.4
Wala na naman nga kaming maaisaing at kailangan nga magpagiling at nang maging bigas.
05:52.8
Malamat na nga din lamang sa Diyos at kahit papaano nga ay meron pa rin kaming na ipapagiling.
05:57.5
Dati-rati din nga ay naubusan din talaga kami ng pampagiling,
06:00.6
yung tipong kakaanin mo lamang tapos kailangang ibenta lahat dahil kailangang ipambayad sa utang.
06:05.5
Ngayon din talaga ang realidad ng buhay ng isang magsasaka
06:08.4
kaya salamat na lamang sa Diyos nga at kahit papaano nga hindi tayo inapagkulang.
06:12.7
At para nga maka minus-minus din kami din sa abayaran namin sa pagpapagiling,
06:16.5
ay binenta na nga namin yung pinakang ipanong palay.
06:19.2
At ayan nga makatapos gilingin ay naging bigas na,
06:21.8
mahigit 209 pesos nga pala yung pinagbayaran ko din sa gilingan.
06:25.7
Dumerecho na nga rin kami dito sa Mayema Supermarket
06:28.3
para bumili nga ng mga kakailanganin bukas para sa aming pagliliguan sa ilog.
06:32.1
Syempre kapag outingan talaga hindi mawawala din yung pag-iho-ihaw
06:35.5
kaya ayan bumili na nga ako ng barbecue marinade, marinade?
06:38.7
At saka ng toyo at saka banana ketchup.
06:40.9
Sa tuwing nagmamarinate nga ako ng karne, binababad ko yan sa Sprite
06:44.4
kaya ayan kumuha na nga ako.
06:45.8
Itong 1.5 na yung nakuha ko dahil walang available na mismo.
06:49.1
Kumuha na nga din ako ng mga iba pang pangsamya
06:51.3
katulad ng luya, bawang at saka ng sibuya.
06:53.9
Plastic ka kaunti lang yung ginawa ko at wala pa nga masyadong budget.
06:57.1
Eto namang asa ako parang maglilihi kung makapag-utos
06:59.6
na bumili nga ako ng squid ball kikim at saka ng hotdog.
07:02.8
First time ko nga lang makabili nitong chicken nuggets na ito
07:05.6
kaya kumuha lang ako ng isa at titikman ko muna kung masarap nga baga.
07:09.1
Mag-garlic buttered shrimp nga rin pala ko
07:11.3
kaya naman kumuha ko ng buttered Ian at saka nitong Eden cheese melt.
07:14.5
Sarap!
07:15.2
Sobrang init din naman talaga ng panahon ngayon
07:17.2
kaya naman naisipan kong magbuku pandan salad ako ngayon.
07:20.4
Kaya kumuha na nga ako din ang sago ng Mr. Gulaman
07:23.2
itong all-purpose cream na dalawa at saka itong Jersey na buku pandan condensed milk.
07:27.2
Namili na nga rin ako nitong iba't ibang klase ng kindi
07:29.7
at kahapon nga yung mayroong pumunta sa akin at magpakindi nga daw ako sa mga mag-aalay na bata.
07:34.4
Magbabayad na nga kami din
07:35.8
ay nagulat pa nga ako dito sa ninang Emma namin
07:38.0
na may ari ng Emma Supermart at binigyan nga si Ate Kiona ng gatas.
07:41.7
Nakakatuwa naman ako at nakaminus-minus nga ako sa pagbili ng gatas.
07:45.6
Yun lamang naman yung mga pinamili namin din
07:48.0
at dumerecho na rin kami kaagad ng palengke.
07:50.4
I-bili nga lang kami nitong mga pangihawin namin
07:52.6
katulad nitong bangus at saka nitong liyempo.
07:55.4
Dahil minsan din lang naman kami mag-outing at makalabas-labas man lamang nga ng hawan
07:59.0
aring at bibili din ako nitong mga swahe pang garlic butter shrimp.
08:02.4
Mag-aadobo din nga daw kami
08:04.0
kaya yan kumuha na nga rin ako nitong isang buong mano.
08:06.8
Pinataddad ko na nga rin din sa palengke
08:08.7
at ng pagdating sa bahay ay lulutuin na nga laang.
08:11.2
Syempre mas magana nga din kumain kapag mayroong mga prutas-prutas
08:14.4
kaya yan kumuha na nga ako ng pakwan at saka nitong mga manggang kalabaw.
08:18.3
Kumuha na nga din ako nitong mga pangihawing talong
08:20.6
at pagkatapos nga nun ay binayara na din namin.
08:23.4
At bago nga kami umuwi sa bahay
08:25.3
ay dumaan na din kami dito sa may LBC
08:27.4
para kunin nga yung mga items na pinadala sa amin.
08:30.4
Na-excite na nga rin talaga akong buksan nito at galing ito sa MQ Kitchen.
08:33.9
At pag gawin ko naman din sa bahay
08:35.6
ay sisimulan ko na nga gawin aring aking buko pandan salad.
08:38.8
Syempre ang una ko munang ginawa din
08:40.5
ay nagtabnaw na nga ako nitong mga gulaman.
08:42.8
Papakuloan ko lamang ito at pagkatapos ay palalamigin bago gayatin.
08:46.8
At habang nagpapatigas nga ako din ang gulaman
08:49.2
ay sinunod ko na nga rin agad di salang itong mga sago.
08:52.0
Naglagay nga din ako din ang kaunting mantika para hindi magdikit-dikit
08:55.2
at pagkatapos yung malambot na nga hinangok ko na para palamigin.
08:58.5
At pagkatapos ko nga ma-prepare lahat
09:00.4
ay nagumpisa na nga din akong gawin itong aking salad.
09:02.8
Pagkalagay ko nga din yung gulaman
09:04.4
ay sinunod ko na nga rin kaagad
09:05.9
aring mga buko at pagkatapos itong mga sago na maliliit.
09:09.2
Eto din nga ang jersey na buko pandan yung ginamit ko
09:11.8
para naman lasang lasay yung buko pandan.
09:14.3
Dalawang Nestle all-purpose cream na nga din yung nilagay ko
09:16.9
para naman talagang creamy.
09:18.8
Kahapon nga ay birthdayhan doon sa pinsan ko
09:20.6
at nagpadala nga ng garnis sa bahay at ako'y nasarapan
09:23.0
tapos ako'y nabitin kaya kako gagawa din ako ngayon.
09:26.0
Kaya ay hanura-urada nga ay napagawa din ako ng biglaan
09:28.9
at talaga namang tamang-tama din ito sa panahon ngayon
09:31.2
at napakatindi pa rin talaga ng inip.
09:33.3
At bago ko pa nga makakalimutan
09:34.9
aring at hinabol ko pa aring cheese
09:36.6
talaga namang kula nga ang salad kapag walang cheese
09:38.9
at aring nga din ay isa sa panagpapalinamnam.
09:41.1
At arin na nga lahat yung aking pinagagawang buko pandan salad
09:44.0
at pinaglalagay ko na nga din dini sa mga plasticware
09:46.5
at pagkatapos ay pinalamig ko na nga dini sa refrigerator.
09:50.0
At pagkatapos ko na mga magawa yung buko pandan salad
09:52.8
aring at sinunod ko na nga din i-marinate aring liempo.
09:55.8
Naglagay na nga ako din yung barbecue marinade
09:57.9
at pagkatapos aring mapuran at saka itong kalamansi.
10:00.9
Nilagyan ko na nga din pala nitong bawang, sibuyas, paminta
10:04.6
at naglalagay rin pala ako dito ng honey
10:06.8
para ito na din yung pampabalansin ng lasa.
10:09.2
Mas masarap talaga itong ihawin kapag medyo matagal yung ima-marinate
10:12.6
kaya naman magdamag ko na nga itong ima-marinate
10:14.8
at bukas na nga lamang ito iihawin dun sa portuna.
10:17.6
At pagkatapos ko naman din magluto ay sa wakas ay makakahihahay
10:21.0
at makakapagpahinga-pahinga na rin sa wakas.
10:23.5
Oops!
10:24.1
Kemerot ek-ek lang pala yun.
10:25.6
Hindi pala tayo pwede magpahinga kasi nanay tayo.
10:28.5
At arin na nga lamang yung pahinga ko
10:30.4
nanay's duty naman tayo for today's video.
10:33.3
Ika nga nang iba'y mapapagod pero hindi susuko.
10:36.2
At yun lamang for today's video.
10:38.2
Maraming salamat po sa inyong panonood.
10:40.8
God bless!