Close
 


BOY SCOUT CAMPING HORROR STORY "Dating sementeryo ang aming paaralan" | HILAKBOT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
BOY SCOUT CAMPING HORROR STORY "Dating sementeryo ang aming paaralan" | HILAKBOT 3 TRUE GHOST STORIES 🔗 https://youtu.be/iymGrZwkj8Q 🔴 STORY SENDER ► MICK Story shared via sindakstories2008@gmail.com 🔴 STORY EDITOR ► PRINCESSa_KA_Akoy_DUKHA 🔴 NARRATOR ► RED Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@SINDAKHorrorStories ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 🔴 SUPPORT THIS HORROR STORIES CHANNEL
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 19:19
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
ORAS NA NAMAN NA
00:05.0
HILAGBO
00:13.0
Magandang araw po sa lahat, lalong lalo na sa inyo Sir Red.
00:18.0
Mahilig po talaga ako makinig na mga nakakatakot at laking tuwa ko nang ma-discover ko po kayo sa YouTube at sa podcast.
00:27.0
Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Mick at ako po ay Laki sa Tagig.
00:33.0
Hiling ko lamang po sana ay makasama po ang tatlong nakakahilakbot na naranasan kong ito sa inyong segment o kaya sa channel.
00:46.0
Ang una ko pong kwento ay nangyari nung ako ay nasa grade school pa lamang.
00:52.0
Gusto ko munang bigyan ng konteksto yung lugar.
00:55.0
Sa hiwalay na classroom, naka-assign yung mga officers including yung dalawang kasama ko.
01:02.0
Mula sa classroom na iyon, matatanaw mo sa bandang kaliwa ang flagpole ng school ground na may layong 80 metro sa aking pagkakaestima.
01:13.0
Habang sa bandang kanan naman, matatanaw mo yung open stage.
01:19.0
May kalayuan din from flagpole o punta dun sa open stage.
01:25.0
Nung panahon na iyon, meron po kaming overnight sa school dahil sa aming boy scout activity.
01:32.0
Isa ako sa tatlong napiling officer ng guru namin at dahil officer kami, maaga po kaming pinapapunta sa eskwelahan.
01:41.0
Tandang-tanda ko nga po na dapat ay alas 4 daw ng hapon ay naruroon na kami para makapaglibot sa buong paaralan at masiguradong wala ng ibang taong tingalabas sa eskwelahan.
01:55.0
Bandang alas 5.30 na iyon ng hapon nang matapos kami sa paglilibot.
02:01.0
Naalala ko nga ng panahon na iyon na kulay asol pa ang langit at ang kapaligiran ay sadya talagang napakatahimik.
02:10.0
Magdidilim na iyon at talagang masasabi kong magiging peaceful at ligtas ang aming boy scout.
02:19.0
Pabalik at malapit na rin kami sa classroom.
02:23.0
Nang muli ay napatingin ako sa likod dahil namamangha talaga ako sa kulay ng paligid.
02:30.0
Hindi ko po mawari at hindi ko mabigyan ng eksplenasyon pero para po siyang kinolor grade.
02:37.0
Ganun yung nakikita ko.
02:39.0
So napatingin ako sa bandang flagpole at doon ko nga po nakita ang isang babae.
02:46.0
Nasa tapat po siya ng flagpole.
02:48.0
Kinalapit ko kaagad yung dalawa kong kasama at itinuro yung babae.
02:53.0
Nakita rin ito ng isa ko pang kasamang officer at patakbo tuloy namin pinuntahan yung babaeng iyon.
03:01.0
Sinigawan ko pa nga po siya para lumingon sa amin.
03:06.0
Bigla namang tumalikod ng babae at tumakbo naman siya papuntang stage.
03:11.0
Nagtakalamang po talaga ako doon dahil medyo may pagkairi yung galaw niya.
03:17.0
Hindi rin kasi normal siya red yung pagwasiwas ng palda at yung damit na suot-suot niya.
03:23.0
Parang nasa ilalim po siya ng tubig tumatakbo.
03:30.0
Hindi ko rin po naaninagan yung paa niya at hindi ko rin po talaga maipaliwanag kung bakit hindi ko nga din talagang masyadong pinagtuuna ng pansin yun noon.
03:38.0
Alam namin na hindi na rin namin siya maaabutan kaya sinabi ko sa kasama ko na salubungin na lamang namin siya sa open stage.
03:47.0
Ang estima ko kasi ay doon siya pupunta.
03:52.0
Elevated ng open stage kaya parang pader ang harapan nito.
03:57.0
Limang metro ang agwat ko sa babae at iniisip ko na liliko pa ito para dumaan sa gilid ng stage.
04:04.0
Pero doon ako nang hilakbot.
04:07.0
Bigla po siyang dumeretsyo sa gitna at kitang kita ng dalawa kong mga mata sir red ang pagtagos niya sa mismong stage.
04:21.0
Otomatikong natigilan po talaga ako dahil sa nakita ko.
04:26.0
Bigla rin akong nilukob ng kung anong panlalamig.
04:29.0
Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko at umabot pa nga hanggang batok.
04:35.0
Literal na naging istatwa ako at doon ko lang naisip na hindi tao ang babaeng yun.
04:42.0
Hanggang sa nagulat ako dahil may malamig na kamay na tumapik sa balikat ko at paglingon ko ay isa na pala sa mga kasama ko ito.
04:51.0
Doon na rin ako nahimasmasan.
04:53.0
Natanaw ko rin sa sobrang layo ng isa ko pang kasama dahil kumakaripas siya ng takbo sa sobrang takot.
05:00.0
Dito ko na realize sir red kung sino talaga ang tunay na kaibigan.
05:06.0
Akalain mo nga naman na nakbo rin siya pero binalikan pa niya talaga ako.
05:12.0
Nang sinabi niya na tumakbo na rin kami doon ko lang ulit na alala.
05:18.0
Nang sinabi niya na tumakbo na rin kami doon ko lang ulit na alala na may paapala ako kaya sabay kaming kumaripas ng takbo na akala mo ay mga snatcher sa kiyapo.
05:30.0
Nang maabutan namin yung isa naming kasama nakita namin na umiiyak siya habang nakikipagusap sa aming guru.
05:38.0
Sinabi din namin kung ano ang nangyari at nakita ko sa reaksyon ng aming teacher na naniniwala siya sa amin.
05:47.0
Ikwinento pa niya sa amin na normal lang daw iyon dahil bago pa daw pala itayo ang paaralan namin doon ay dati itong pinatag lamang na simenteryo.
05:59.0
Gayon na lang ang panghihilakbot ko sir red matapos kong marinig ang revelasyon na iyon.
06:05.0
Sinabihan pa kami ng aming guru na huwag na lang muna namin ikwento ang nangyari sa mga kaklasi namin at baka maging sila ay matakot din.
06:14.0
Hindi ko talaga ikwinento sa mga kaklasi ko ang nangyari dahil pagkaalis na pagkaalis ng guru namin ay tumakas ako at minabuti ko na lamang na umuwi ng bahay since walking distance lang naman ito.
06:27.0
Andun kasi yung takot ko noon sir red na baka mamaya'y balikan o sundan ako nung babae sapagkat sinigawan ko siya nung akin siyang tinatawag.
06:44.0
Ang pangalawang kwento ko naman po ay nangyari naman nung ako ay nagtatrabaho na.
06:51.0
Tatlo kami ng ka-office mate ko. As in yung mga super close friends ko na.
06:57.0
Pare-pareho po kaming naofera ng trabaho pero ito ay matatagpoan sa Cebu.
07:03.0
Around 20 na po yung mga edad namin ng panahon na iyon.
07:08.0
Siyempre medyo adventurous pa nga yung mindset namin kaya tinanggap namin ng offer.
07:14.0
Ang isa pa kasing maganda doon sa offer sir red ay sagot ng bagong company namin,
07:20.0
yung first month ng hotel lodging,
07:23.0
ang deposit,
07:24.0
o kaya ang advance payment para sa rerentahang bahay.
07:29.0
Napagkasundoan na lamang namin na isang bahay na lang ang hanapin at doon na kami magsasama-sama.
07:35.0
Hanggang sa nakahanap na nga po kami ng bahay na nasa loob ng mapunong bahagi ng isang subdivision.
07:42.0
Ang location po ng bahay ay para kang nasa tuktok na ng maliit na burol
07:47.0
at literal na parang maghahike ka ng tatlumpung metro sa sementadong daan bago tuluyang makarating sa bahay.
07:55.0
Niyaya ko pa nga doon ang aking mga ka-opisina na takbuhin yung paakyat na daan at pagdating ko sa taas,
08:01.0
medyo nagtaka ako na dalawa lang kaming nakarating sa tuktok.
08:06.0
So bumalik kami ng kasama ko at doon namin nakita na napadaosdos na pala pababa na parang gulong yung ka-oficemate ko na medyo may katabaan.
08:17.0
Sobrang laugh trip po yung part na yun,
08:20.0
pero wala sa hinagap na yung sayah na naramdaman namin ng sandaling iyon ay mapapalitan pala ng hilakbot pagkagat ng dilim.
08:31.0
Sunong gabi nga si Red ay nawalan pa ng kuryente,
08:35.0
kaya minabuti kong buksan na lang ang pinto para kahit papaano ay pumasok yung malamig na hangin sa kwarto.
08:43.0
Habang nakahiga ako ng patagilid sa kama,
08:46.0
tanaw ko na nakabukas din ang pinto ng kwarto ng mataba kong kasama.
08:51.0
Pinipilit ko na matulog ng mga oras na iyon,
08:54.0
pero dahil nainitan na ako sa patagilid na pwesto,
08:58.0
tinangka kong humiga muna talaga.
09:01.0
Pero naramdaman ko na parang may pumipigil at nakaharang sa likod ko.
09:09.0
Hindi ko rin po talaga malaman kung ito ba yung nagiging dahilan kung bakit biglang hindi na rin ako makahinga.
09:17.0
Tamad ko pang kinapakapalitan,
09:19.0
nang isang kamay ang nakaharang sa likod ko para tanggalin iyon,
09:23.0
pero laking pagtataka ko dahil wala akong mahawakan.
09:28.0
Sa sobrang pagkairit ako nga,
09:31.0
idinilat ko na ang aking mga mata at kueneres ako na makahiga talaga ng todo.
09:38.0
Ito na nga din yung hindi ko malilimutan na nangyari at hanggang ngayon nga'y pinagsisisihan ko
09:44.0
kung bakit pinilit ko talagang humiga.
09:48.0
Paano ba naman kasi Sir Red?
09:51.0
Pagkahiga ko ay sumambulat ang napakaitim na mukha nang hindi ko alam kung anong klaseng nilalang.
10:00.0
Halos nagdikit na nga talaga ang ilong namin sa sobrang lapit
10:04.0
at parang pilit pa niyang nilalapat yung palad niya sa mukha ko.
10:07.0
Tatlong segundo ayun at kung tititigan nga talaga,
10:12.0
nakakatakot din ang kanyang mga mata.
10:16.0
Unti-unting kumukurba at alam ko nang humingiti na ang kanyang labi.
10:22.0
Para ba nga siyang nangiinis pa sa akin?
10:26.0
Sa sobrang tarantako ay tinangka kong sumigaw pero halos walang bago na sumigaw.
10:31.0
Kasabay nga nun yung pagbigat din ng aking katawan na parang may nakadaga na isang sakong bigas.
10:38.0
Dahil wala akong magawa, pinikit ko na lamang ang aking mga mata at sinabi ko sa sarili ko,
10:45.0
ito na yata ang katapusan ko.
10:49.0
Nang maramdaman ko na malapit na akong maubusan at mapatiran ng sarili ko,
10:54.0
bigla ay narinig ko ang malalim na pagbigkas ng nilalang na iyon ng
11:00.0
hahahaha
11:03.0
at biglang gumaan ang pakiramdam ko na para bang nakaahon akong muli mula sa malalim na dagat.
11:10.0
Bumalikwas kaagad ako ng tayo at bigla-bigla ay tumakbo sa kwarto ng kasama ko.
11:16.0
Halos banggain ko siya na parang toro sa bayapos na parang sawa dahil sa takot na naranasan ko.
11:24.0
Tinanong naman niya ako kung anong nangyari dahil kitang kita din niya ang labis na pamumutla ko
11:31.0
at sinabi ko na lamang sa kanya ng malakas na,
11:34.0
at sinabi ko na lamang sa kanya ng malakas na,
11:37.0
00:00.0
11:38.000 --> 11:46.000
11:46.0
Paramiha ng surepton
11:53.0
hindi kasi talaga mapangalanan kung anong klasing nila lang yun
11:58.0
mukha lang kasi niya at ang kanyang nakakatakot ng ngiti ang nakita ko.
12:03.0
Tumagal din naman kami ng halos apat na buwan sa bahay na iyon
12:07.0
at laking pasasalamat ko na wala na rin pong kakaibang nangyari matapos
12:12.0
ang bangungot na iyon.
12:23.0
36 years old na ako ngayon sir red
12:26.0
at ang huling kwento ko ay nangyari naman noong nakaraang taon
12:30.0
buwan ng hunyo
12:32.0
sa sibu pa rin po ako ngayon at nagkataon
12:35.0
na dinalaw din po ako ng tropa ko kasama ang kanyang asawa
12:40.0
sila po yung mga kakilala ko na noong college pa
12:43.0
niyaya nila akong maggala
12:46.0
naisip ko din na dalhin sa bantayan island ang dalawang ito
12:50.0
dahil alam kong sobrang ganda
12:52.0
at madami pang pwedeng puntahan doon at tiyak magugustuhan nila
12:57.0
Nang makatapak na nga kami sa isla
12:59.0
nangontrata na agad ako ng tricycle para puntahan ang aming lodging
13:04.0
hinatid kami ng tricycle driver at nang makarating na kami sa lodging
13:09.0
wala naman talagang kakaiba
13:11.0
hindi rin naman kasi ako yung tipo ng tao na naghahanap ng multo
13:16.0
at ang tanging nasa isip ko lang talaga noon sir red ay mag enjoy kasama ang mga tropa
13:22.0
mainit naman talaga sa isla kaya nagyayana rin ako na mag check in
13:26.0
medyo may kalumaan na yung lodging na pinuntahan namin pero hindi ko rin naman masasabing pangit siya
13:34.0
fast forward
13:36.0
hinatid na kami ng staff ng lodging sa aming kwarto
13:39.0
at yung una kong napansin
13:41.0
medyo isolated ito kumpara sa ibang mga rooms
13:46.0
sinabi nung staff na ito lang daw ang room na may dalawang kama
13:50.0
kaya no choice kami
13:51.0
hala nga naman kasing magtabi-tabi kami sa iisang kama diba
13:56.0
ano ako? referee? third wheel?
14:00.0
but anyway
14:02.0
ibinigay na sa akin yung susi ng kwarto
14:05.0
pagkabukas ko nga ng pinto
14:08.0
agad naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na siyang nakapagpatayo ng aking mga balahibo
14:16.0
nilibot ko kaagad ng tingin ng loob ng kwarto at doon ko nga nakita na binuksan na pala yung aircon in advance
14:26.0
gumala na kami kaagad at nang mapagod ay nagyayana yung babaeng kasama namin na magpahinga
14:33.0
pinili ko yung kama na malapit sa pinto at doon naman sila sa kama na malapit sa CR
14:39.0
hindi sila sanay na matulog ng may ilaw kaya pinapatay nila ito
14:45.0
medyo namamahay din ako noon sir Red kaya di ako agad nakatulog
14:50.0
alam ko na tulog na yung mag-asawa dahil malakas na rin yung hilik ng aking tropang lalaki
14:56.0
nakatalikod ako sa pwesto ko doon sa mag-asawang iyon at balot na balot din ang kumot dahil malamig
15:04.0
maya maya pa
15:06.0
napansin kong tumigil yung hilik ng tropa kong lalaki
15:11.0
naramdaman ko rin na lumubog yung kutsyo ng aking higaan sa bandang paanan
15:16.0
at maya maya naramdaman ko na may humawak sa paako
15:22.0
hanggang sa naawi ako sa isipin na baka maaaring yung tropa kong lalaki ito at may hinahanap lamang na gamit sa kanyang bag
15:31.0
nasa bandang paanan kasi ng kama ko ang lahat ng aming mga gamit
15:35.0
maya maya
15:37.0
naramdaman ko naman na may biglang humawak ng mariin sa braso ko at dahil nakatagilid ako nahirapan akong gumalaw
15:46.0
bad trip na idinilat ko ang aking mga mata para tanungin kung anong problema ng tropa ko
15:52.0
o baka gusto kasi niyang magyayadi ng inuman habang tulog yung asawa niya
15:57.0
pero napatulala na lamang talaga ako si Red nang makita kong nakaangat ang kumot ko na parang may tao na nakaupo sa loob
16:09.0
as in literal na nataranta talaga ako si Red at hindi ko alam kung anong gagawin ko
16:15.0
syempre kapag ikaw ay nakakita ng nakakatakot isa sa mga pwede mong gawin ay mag talukbong ng kumot
16:22.0
pero ano ang gagawin mo kung yung kinatatakutan mo ay nasa loob mismo ng kumot mo
16:30.0
halos mabaliw ako sa takot kaya ang ginawa ko ay hinigpitan ko ang hawak sa kumot at idiniin ito sa kanyang dibdib
16:38.0
inisip ko na kahit anong mangyari ay hinding hindi ko titignan kung anuman ang nasa ilanim ng kumot ko
16:45.0
isinigaw ko na rin ang pangalan ng tropa kong lalaki at talagang nilakasan ko ang boses ko hanggang sa nakita kong naalimpungatan siya at nalaglag na parang dahon ng aking kumot
16:57.0
biglang nawala yung kasa kasama kong nakatalukbong doon kanina
17:03.0
nang talungin na ako ng aking tropang lalaki kung bakit ko daw siya pinatawag at sinisigawan
17:09.0
hindi ko sinabi sa kanya ang totoo baka si magkatakutan lang kami lalo at yung asawa niya ay matatakutin
17:20.0
ang palusot ko na lamang ay mag inuman na lamang kami sa labas dahil hindi na rin naman ako makakatulog ng oras na yun
17:39.0
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakutan na ito, hit like, leave a comment at ishare ang ating episode sa inyong social media
18:07.0
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media, check the links sa description section
18:14.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog Horror Stories, series, and news segments
18:22.0
Suportahan din ang ating mga brother channels ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog Horrors
18:28.0
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories
18:34.0
At sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive
18:42.0
Mga Solid HTV Positive, ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating bunsong channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories
18:53.0
Subscribe na or else!
18:58.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at only takutan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio
19:06.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog Horror Stories sa YouTube!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.