Close
 


Bumisita Kami Sa Nabili Naming Lupa
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode

Mindoreñang Mangyan
  Mute  
Run time: 12:35
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ito palang video ko na ito ay nung last Saturday ganapa namin.
00:03.4
Maaga nga akong gumising diyan dahil naghahanda ako ng mga pagkain na dadalhin namin para sa liguan namin sa ilom.
00:09.2
Aring ang manok munang lulutuin ko at adobohin ko lamang sa gata.
00:13.0
Kapag nag-aadobo nga ako, piniprito ko muna yung manok.
00:15.6
Ewan ko pero para sa akin, ari, mas masarap.
00:18.2
At nung maprito ko nga yung manok ay mag-aumpisa na nga din akong magluto.
00:21.3
Ayan, ginisa ko na nga muna yung sibuyas, bawang, luya at nilagay ko na nga din yung mga sili.
00:25.7
Nung masangkot ako nga yung mga sibuyas, bawang, luya ay nilagay ko na nga din aring pinirito kong manok.
00:30.2
Syempre, hindi mawawala diyan yung paminta, toyo at naglagay nga din ako ng kaunting tubig.
00:34.4
Tinakluban ko nga muna at papakuloan ko lamang arin mga kaunting minuto.
00:38.2
Makalipas nga ang tatlong minuto at medyo iga na nga din yung sabaw ay nilagay ko na nga din itong gata.
00:43.1
Nagdagdag na nga din ako diyan ng Knorr Chicken para naman lasang-lasa yung manok.
00:47.3
Eto talaga yung adobo version na gustong-gusto ko dahil napakalinam nam nga kapag ginagata.
00:51.7
Naglagay na nga din ako ng dahon ng sili para naman sipang-sipa.
00:55.0
Yung tipong amoy pangalamang nito ay magugutom ka na talaga.
00:57.7
At ayan na nga, luto ng ating adobo sa gata.
01:01.5
Pagkatapos ko naman magluto ng adobo sa gata,
01:04.0
ay sunod ko namang lutuin itong napakadali at napakasarap na Shrimp Salvatore.
01:08.4
Una, ginisa ko nga muna yung bawang hanggang lumabas yung kanyang aroma.
01:11.7
At pagkatapos, nagtunaw na nga din ako diyan ng butter.
01:14.2
Optional lang naman yung butter, pwede kayong gumamit diyan ng margarin.
01:17.3
At nung matunaw na nga yung butter, ay nilagay ko na nga din itong mga suwahe.
01:20.6
Binalatan ko na nga yan at mas madali na rin kainin.
01:23.3
Nagdagdag na nga rin pala ako diyan ng paminta at saka ng kaunting asin.
01:26.8
At pagkatapos, hinalo-halo ko nga lang hanggang sa mag-iba na yung kulay.
01:30.1
At kapag ganito na nga kulay orange, ay nilagay ko na nga din itong mayo.
01:33.6
Eto nga yung kapag in-order mo sa restaurant ay ginto yung presyo,
01:36.6
pero kayang-kayang mo namang gawin sa bahay, makakatipid ka pa.
01:39.7
As masarap nga din itong shrimp kapag hindi masyadong overcooked.
01:42.6
At ayun kapag malapit na nga maluto, ay nilagay ko na nga din itong cheese.
01:46.1
Mga ilang minutong pakukuloan ko nga lamang ito hanggang sa matunaw nga yung cheese.
01:50.1
At kapag tunaw na nga, ay pwede na rin nga yung hanguin.
01:52.8
Napakasimple at napakadali din lamang nitong lutuin mga mare.
01:55.6
At talaga namang kapag natikman nyo, arey, nakaw, mabawa, bulos talaga kayo.
01:59.3
At arey na nga, luto na ang Shrimp Salvatore.
02:01.9
At pagkatapos ko nga maluto lahat, ay di kumain na nga kami.
02:05.1
Kain po tayo mga mawe.
02:06.9
Thank you, Lord, sa blessings.
02:09.0
Habang nagkakain pa nga ni Dian,
02:10.8
ito namang si Ati Queen yung hindi naman lalatang excited.
02:13.2
At ipagsuot nga agad ng swimsuit at ngal-ngal na.
02:16.7
Ito namang alas 9 ng umaga, ay lumarga na nga din kami papunta ng Portuna.
02:21.2
Dahil bawal pa nga din magliguan ng dagat dito sa amin sa Mindoro,
02:24.3
kaya yung mga tao ay dito talaga dumadayo sa ilog.
02:27.2
Mahigit kalhating oras lang din yung naging biyahe namin at nakarating na nga din kami dito.
02:31.7
Dahil sobrang tindi rin talaga ng init ng panahon ngayon,
02:34.5
kaya napakaraming ang dumadayo dito para magliguan.
02:37.6
Hindi rin lang talaga sa napakagandang ilog yung dinarayo dito sa Portuna,
02:41.2
pati na nga rin itong napakahabang tulay.
02:43.5
Dahil Sabadong nga nung araw na yun ay sobrang dami talaga ng tao ngayon
02:46.7
at punong-punong na nga ng mga tao yung mga cottages.
02:49.4
Yung ibang mga dumadayo dito ay hindi nila alam na mayroon pang mas magandang spot din doon sa bandang taas.
02:55.0
Nung bata pa nga ako ay dito rin talaga kami tumira,
02:57.3
kaya naman alam na alam ko na nga rin yung pasikot-sikot sa lugar na ito.
03:00.3
Ito nga ang Barangay Fortuna, yung pinakadulong-dulong barangay na dito sa aming bayan.
03:04.5
Balibar katahan na nga kami diyan at kasama namin yung mga kapatid nung tatay ko at saka yung mga pinsan niya.
03:09.7
Bukod nga sa pag-a-outing at pagliliguan namin ngayon sa ilog ay mayroon talaga kaming mahalagang pakay ngayon,
03:14.4
pero mamaya ko na nga babanggitin yun sa inyo.
03:17.0
Bago nga kami makarating doon sa resort na aming pupuntahan ay dalawang ilog nga yung tinawid namin.
03:22.0
Medyo mataas nga yung tubig ng ilog ngayon kaya naman basang-basana nga agad kami,
03:25.6
di pa kami nakakarating.
03:27.0
Mahigit 15 minutos din yung nilakad namin bago pa nga kami makarating dito sa may bungisngis resort
03:31.8
at pagkarating nga namin ay angat sinalubong na rin kami ng may-ari.
03:35.2
Yung ibang dumadayo nga dito sa ilog ng Portune hanggang hangin bridge lamang yung alam nila
03:39.3
kaya kayo mga mare alam nyo nasususunod yung inyong pupuntahan dini.
03:42.7
Apakaganda at napakatahimik din lamang talaga nitong lugar na ito.
03:45.9
Kaming alam ang buong pamilya yung narito at walang ibang bisita.
03:49.1
Pagkarating na pagkarating nga namin dito ay nag-intindi na nga rin kami para sa aming pagkain.
03:53.4
Aring nga nga asaw ko nagpakanan na sa pag-iihaw na rin aking minarinita karne kagabi.
03:57.7
Habang nag-iihaw nga ng liempo ay sinabay na nga din namin aring mga hotdog para nga sa mga batuta.
04:02.7
Pagkatapos nga makapag-iihaw-iihaw din yung mga iba pa namin pang ulam ngayon ay dinaghanda na nga din kami
04:08.0
para sa aming pananghalian.
04:09.7
At arin na nga lahat yung aming pagkain ngayon pang boodle bite.
04:13.1
Kain po tayo mga mawit.
04:14.9
Thank you lord sa lahat ng blessings.
04:18.3
Pagkatapos namin kumain diyan, aripal at pinaliguanan ni dadi niya itong si Atik Yuning.
04:23.1
Sabi ko nga ni tama tama ng paliguan at medyo naubong nga niyaan ngayon kaya ayan inaliwalo na nga lamang ni dadi niya.
04:29.1
At eto na nga yung dahilan kung bakit din kami bumisita dito sa Portuna para nga nibisitahin itong nabili namin lupa.
04:35.4
Medyo malapit nga ito doon sa resort na pinagliliguan namin kanina at katabi lamang.
04:39.6
Sinamahan nga kami na bumisita dito nung Ninong Rico ko at saka ni tatay.
04:44.3
Alam nyo nung mabili nga namin ito hindi ko alam na mayroon pala itong bahay nakasama kaya nung malaman ko inatuwa talaga ako.
04:50.4
Nung nalaman nga nung tatay ko na binibenta daw ito ay sinabi nga agad sa akin na bilhin daw namin.
04:55.2
Kaya nga doon kahit hindi ko pa uli na bibisita ay sabi ko kay tatay ay siya sige kung gusto mo ay.
04:59.7
Isa din nga sa dahilan kung bakit gustong gusto nga itong bilhin ng tatay ko ay dahil sila nga yung may-ari nito nung una.
05:05.5
Kaya sobrang mahal na mahal din talaga nung tatay ko itong lugar na ito dahil malaking parte nga ng buhay nila ay pag-aari nila ito.
05:11.3
Pero sa katunayan na hindi ko naman na naabutan na pag-aari pa namin ito dahil matagal na rin nga ang panahon na naibenta ito.
05:17.4
Ang nabutan ko nga lamang na pag-aari namin dito sa lubang ito yung bandang taas.
05:21.3
Mamaya nga ipapasyal ko din kayo doon.
05:23.4
Pagkarating na pagkarating nga namin dito sa may bahay ay rin nga agad yung bumungad sa amin.
05:27.3
Napakadaming nga mga puno, meron pangang manggustin na napakadaming mga bubot na bunga.
05:32.0
Sobrang natuwa at na-excite naman ako magsilakihan yung mga manggustin na yun.
05:35.8
Ito po lang mga pulong ito ay sa pinakang harapan nga mismo yan ang bahay.
05:39.0
Nakakatawa talaga at napakarami.
05:40.7
Meron pangang bayabas, merong mangga at ito nga yung pinakang likudan niya.
05:44.5
At ito naman nga yung sa pinakang likod ng bahay.
05:46.9
Ayan nga't napakarami pang bunga nung lado tapos meron ding fishpond.
05:50.6
At pagkatapos ko naman mag-ikot ikot doon sa paligid ng bahay aring nga't mag-a-house tour muna tayo.
05:55.5
Medyo lumang bahay na nga din siya dahil napakadagal nga ang panahon itong bahay na rin na ito.
05:59.6
At ayan nga ito nga yung pinakang loob.
06:01.7
Kung mapapansin nyo nga ay may pangka-old style house na nga ito
06:04.7
dahil sinaunang bahay din naman ito at parang ancestral house na nga ni.
06:08.3
Sabi nga ay may ilang taon din lamang naman na hindi ito natitira nung may-ari
06:11.5
simula nga nung umalis sila.
06:12.9
Pero kami naman, wala naman kaming balak natirahan ito
06:15.8
dahil medyo malayo na nga din ito sa kabihasnan.
06:18.3
At ang plano lang naman namin dito kung loloobin nga ng Panginoon ay maparenovate namin ito
06:22.7
tapos kung alooban nga ng Lord ay mapatayoan din ng resort.
06:26.6
Yun lagi naman ay plano at kung loloobin din nga yun ng Panginoon
06:29.9
Libre lamang naman mangarap, diba ga?
06:31.7
Aring ang si Tatay ay nagtapong na dini sa harapan at nang mausukan daw naman yung bahay.
06:35.9
Pagkatapos nga namin makapagtapong doon sa nabas ng bahay at makapaglinis-linis
06:39.5
aring at umakyat na rin kami dito sa may bundok.
06:41.8
Ito nga yung sinasabi ko sa inyo na lupa namin nung una na naabutan ko pa.
06:45.6
Ito nga tinuturo ni Tatay ito daw yung lugar na pinagtirikan ang bahay namin nung una.
06:49.9
Hindi ko na rin naman masyadong maalala dahil napaka-bata ako pa nga nung kami tumira dito.
06:54.5
Ang tangi nga lamang bumabalik sa aking balintataw kapag naiisip kung tumira kami dito ay aring sapa.
06:59.3
Sabi ko nga niya natatandaan ko lamang talaga dito ay yung panahon na naglalabangani kami dito sa may sapa nung nanay ko.
07:05.1
Bale, ito na nga pala yung sinasabi ko sa inyo na lupa namin na ang nagmamay-ari naman ngayon ay yung tiyuhin ko.
07:10.7
Ito nga yung lugar na lagi kong binabanggit sa inyo nung bata pa nga ako ay palagi kami umaakyat dito ni Tatay para maniba ng saging.
07:16.9
Tapos, ito nga pala yung mga puno ng nyog na tinanim namin ni Tatay nung ako in grade 6.
07:22.2
Naalala ko nga yung sinabi ni Tatay nung panahon na nagtatanim kami dyan ay kaulanan.
07:26.4
Sabi niya pagdating daw nung 18 years old nung kapatid kong si Ara ay magha-harvest na nga daw kami ng nyog.
07:31.7
Pero mga ilang taon, hindi pa man nga dumadating yung 18 years old nung kapatid ko, inaibenta nga namin itong aming lupa dito sa Putol.
07:38.9
Sa sobrang hirap din nga ng buhay nun at kinakapos talaga kami, inapilitan nga itong iibenta nung Tatay ko para nga lang meron kami pang tuwisyo.
07:46.0
Kaya sobrang saya din talaga ng puso ko na kahit papano nga ay makakabawi-bawi na din kay Tatay.
07:50.6
Kaya nga sobrang sarap sa pakiramdam na naibenta man niya noon para sa amin, at least ngayon mababawi na rin namin at mapapabalik na nga din sa kanya.
07:58.0
Hindi man kako lahat dahil dati nga hanggang taas pa yung pag-aari nila dito, at least kahit papano yung karating ay mapapa sa amin na ulit.
08:05.1
Sobrang tuwa din nga namin dito sa puno ng duriyana ito at napakadami nga ning bunga.
08:10.2
Tingnan nyo naman at kumpul-kumpul nga sa dami, talaga namang hitik na hitik nga kako ari kapag ari ay nagsilakihan.
08:16.5
Bale dalawang puno nga ito ng duriyana, talaga namang napakadaming bubot.
08:20.4
Sabi nga na ituloy na nga daw ito at diretsyo na ari sa paglaki.
08:23.8
Alam nyo kahit hindi nga sabihin ng Tatay ko, e ramdam-ramdam ko naman na talagang maligayang maligaya sila.
08:29.1
Kaya sobrang thank you Lord sa lahat ng blessings at kahit papano nga ay meron na nga din tayong napupundar dahil sa pagbablog.
08:35.5
Ito nga yung mga bagay na kahit kailan na hindi sumagi sa isip ko at hindi ko pinangarap pero pinagkaloob ng Panginoon.
08:41.1
Kaya napakabuti talaga ng Lord sa buhay namin.
08:44.0
Alam nyo naiyak talaga ako kapag naisip ko yung mga panahon dati na umaakyat nga kami dito kapag walang-wala kaming pera at naniniba kami ng saging ni Tatay.
08:52.0
Dati-dati nga nung tuwing Sabad doon napakaaga talaga namin gumising para umahon dito sa bundok.
08:57.2
Nakakanga nga lamang kami nung ni Tatay hila-hila ng kalabaw simula doon sa aming sabayuin papunta dito sa Portuna.
09:03.6
Sabi ko nga nun sa inyo ay palagi nga akong umiiyak kapag umaahod kami dito sa Portuna para maniba.
09:08.3
Talaga naman ako'y lagi na lamang kinagat ng mga limatik tapos sa mga langgam na itim.
09:12.7
Kapag nagatiba nga si Tatay ng saging ako inapagbangkat pa tapos napaka bigat nga ng laman na saging ay anong hirap man din.
09:19.0
Kaya nga nung pinenta namin yung lupa namin dito ay natuwa ang ako at ka ako hindi na kami aahon dito palagi tuwing Sabad doon.
09:24.6
Pero ngayon nga't na-realize ko na napakalaki talaga ng parte ng buhay namin itong hanap buhay namin na ito kaya malaking tulong din ito sa amin
09:30.7
kaya thank you Lord sa blessings at nakabili nga kami ng ganitong lupa.
09:34.0
Sabi nga inaibenta man namin noon at least pag-aari na uli namin ngayon.
09:38.0
Nasambit nga ni Tatay Dian na siya na nga uli ang makikinabag nung mga ilang tinanim niya noon.
09:42.3
Napakadami na rin talagang tanim dito bukod nga sa mga sagingan, yugan, meron din nga rambutan, lansones, avokado, meron pang mangus din, manga at saka chiko.
09:51.6
Nakaka-excite ng magbungahan lahat ang mga ari at talaga naman ako na excited na rin i-vlog at ipakita sa inyo.
09:57.7
Habang pababa nga ni kami ng bundok Dian isa lamang yung realization ko mga mari.
10:02.1
Naisip ko nga Dian na tunay talagang napakabuti ng Panginoon basta lagi kang nakakapit sa kanya at nagtitiwala.
10:08.1
Kung minsan talaga may mga bagay tayong pinagdadaanan pero lagi nyo ding isipin na hindi naman habang buhay na doon tayo palagi sa ganoong sitwasyon.
10:15.6
Kaya nga kahit ano pong problema pagsubok yung nararamdaman natin, ipagkatiwala lang natin yan sa ating Panginoon, hindi niya tayo iwan at hindi rin tayo pababayaan.
10:23.8
Alam nyo noon kapag nakakaranas talaga ako nung hirap, sinasabi ko lagi sa sarili ko na hindi naman habang buhay nasa ganito akong sitwasyon.
10:30.3
Sabi nga ay ang buhay ay parang gulong daw, ika nga ay minsan nasa ilalim, minsan naman nasa taas.
10:35.6
Kaya sa lahat ng oras maging mabuting tao din tayo baka minsan yung hinahamak at minamaliit mong tao darating ang oras at panahon magbabaliktad kayo ng sitwasyon.
10:44.1
Alam nyo noon mga mari nakaranas din talaga kami nung pangmamaliit dahil nga mahirap lamang kami.
10:48.9
Pero napaluha na lamang talaga ako nung mga oras na naririnig ko minsan yung minamaliit kami nung ibang tao.
10:54.0
Pero alam ko sa sarili ko sinabi ko talaga na balang araw hindi na rin kami mamaliitin ng ibang tao.
10:59.5
Pero alam nyo salamat sa Panginoon hindi sa pagmamalaki o tanga nalang nila ako ngayon.
11:04.2
O hindi ko sinasabi na mayaman ako ha kahit pa pano medyo nakalayo-layo na din tayo.
11:09.4
Kaya sabi ko nga maging pantay-pantay din yung pagtingin natin maging mayaman o mahirap man yan.
11:14.2
Alam nyo sa totoo lang napaka madamdamin ko din lang tao kapag meron nga akong naririnig na hindi ko nagugustuhan at nasasaktan ako umiiyak na lang ako.
11:22.2
At ayun nga sobrang thankful and grateful lang talaga ako sa Lord sa mga bagay na pinapahintulod yan na nararanasan namin ngayon.
11:28.8
Kung dati-dati umiiyak ako sa Lord kung bakit hindi pa nga akong ma-item-item sa pagiging guro yun pala merong dahilan si Lord.
11:35.1
Kaya pala nung panahon na humihiling ako sa Lord yung trabaho ay ang sagot nya ay no ay yun palang ipapagkaloob nyo sa akin itong buhay ng pagbablog.
11:42.0
Kaya eto pagkatapos nga namin yung pasyalan yung mga tanim sa taas at etong bahay na paupo na nga lamang kami sa kabilang tabi at nanalangin.
11:49.0
At ayun nga lahat ng pansalamat at papure ay binabalik ko sa Lord dahil apart from him we are nothing.
11:55.2
Maya-maya pa nga ay dumating na nga din etong mga tiyahin ko at tapos na nga daw silang magliguan.
11:59.7
Namahinga nga lamang kami din ng kaunting oras at pagkatapos nga ay gumayak na nga din kami pa baba dahil medyo tumataas na nga daw yung tubig sa ilog.
12:07.2
Habang naglalakad nga ni kami din sa may hangin bridge abay meron nga nagsigaw sa akin at mga followers din pala namin ang mga naandini.
12:13.7
Labis nalaga yung galak sa aking puso kapag meron nga nakakakilala sa akin tapos sinatawag ako at magpapapicture pa nga.
12:19.5
Yung bagang samang-sama akong baba ay parang artistahin kung tawagin nila ay ano nakakoy o napapaumis na nga lamang ako ay.
12:25.7
And yun lamang for today's video. Maraming salamat po sa inyong panunoon. God bless.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.