Close
 


NAUBOS ANG 1 BUONG BRG
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 13:08
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang gabi ng Agosto ng taong 1986, ang mga tao sa baranggay sa isang probinsya sa Afrika ay nakarinig ng tila ba isang dagong-dong sa labas ng pamayanan nila.
00:10.8
Unang inakala nila na ito ay kulog o hindi namang kaya ay mayroong nakidlatan, ngunit hindi nila alam na ang pagsabog na tunog na ito ay ang hudjat ng kanilang kamatayan.
00:22.4
Bukang liwayway ng ikadalawampu at dalawa ng Agosto ng taong 1986, nang magising itong si Ephraim Che na tila ba hilo at tuliro habang nakahiga ito sa kanyang putik na kubo.
00:35.4
Nakatira ito malapit sa may bangin. Pilit nitong inalala kung ano nga ba ang nangyari sa kanya ng nakaraang gabi bago siya ay nagising.
00:44.0
Ngunit tila ba gaano man niya nasikapin, hindi talaga niya maalala ang nangyari sa kanya.
00:49.4
Ngunit sumagi sa isip niya at hindi na niya nalilimutan pa, ay nang gabing narinig niya ang tila ba kakaibang tunog ng pagsabog, na siya namang unang inakala nila na siyang kulog, kaya naman akala niya na sila ay magigising sa patak ng ulan.
01:04.2
Matapos nun, tila ba lahat ng kanyang alaala ay hindi na niya maalala pa. Sa pagtagilid nito ay nauli na ganito ang bintana, sa labas tanaw niya ang malinaw na kalangitan, ang mga dahon ay tila ba ay hindi naman tinamaan ng kahit pa isang patak ng ulan.
01:20.7
Ngunit tila ba may hindi tama sa nagaganap, hindi niya maalala, kaya naman na pagpasahan nito na tumayo na lamang at sakasilipin ang apat na anak nito na nasa kabilang kwarto.
01:31.3
Ngunit sa pagtatangka pa lamang nitong umubo bago pa siya ay tumayo, ay agad ito na nabuwal. Inulit nito na muli na siya ay tumayo, ito ay upang tunguhin ang kanyang mga supling.
01:42.8
Ngunit tila ba hindi sumusunod sa kanya ang katawang lupa niya.
01:46.9
Imbis na sa kabilang kwarto pumunta, sa bungad ng tarangkahad ng pintuan ng tahanan niya siya pumunta at doon siya natulala at wala naman siya na tinititigan.
01:57.8
Ang bayang tinitirahan na itong si Epraima ay tinatawag na ang niyos sa sobrang ilang ng nayo na ito. Walang kuryente, walang tubig, walang kalsada sa lugar na ito.
02:08.2
Nahahati ang dalawa sa bayan, tinatawag nila ito na ang taasan at babaan. Si Epraima ay nasa taasang bahagi ng niyos, katabi nito ay ang magandang lawa na tinatawag na ang lawa naman ng niyos.
02:21.2
Karamihan sa mga taga roon ay matatagpuan sa ibabang bandang parte ng nayon. Sa pagsilip nito sa labas ng bahay niya, inaasahan niya na tulad ng dati ay gising na at nagtatrabaho ang mga taga-nayo nila.
02:34.4
Nais niya na sila italungin kung sila rin ba ay may kakaibang nararamdaman na katulad niya. Ngunit wala ni isang tao sa labas ng kanilang kubo. Kahit saan siya ay luminga, walang kahit sino siya na nakikita.
02:47.6
Kaya naman napagpasahan niya na baka sa baba ng bayan, meron naman siya na maabutan. Ngunit nangangalahati pa lamang siya, agad nitong napansin na tila ba sobrang tahimik ng buong kapaligiran niya.
03:00.1
Kadalasa naririnig sa kanilang lugar kung hindi ang huni ng mga ibon ay ang mga sigaw na mga unggoy, maging ang mga tunog ng insekto ay wala na rin siya na naririnig pa. Kahit lamok tila ba tumahimik na, litong-lito ito sa katahimik ang nararanasan na siya namang nabasag ng isang malakas na aling-aungaw na sigaw nang sa kanya ay gumulantang.
03:20.7
Isandaang talampakan mula sa kanya, isang babae ang walang tigil sa kasisigaw habang inaalis nito ang kanyang suot na mga saplo. Agad na tumakbo si Ebrahim upang kanyang ang kakilalang ginang ay sakluluhan. Ngunit sa kanyang pagtakbo, naagaw ang atensyon nito ng mga bagay na nakabulagta sa lupa.
03:39.7
Maya-maya pa, bigla ng pumasok na at robehistro sa utak niya kung ano ang mga nakabulagta sa harap niya. Doon niya napagtanto na ito ay ang mga tao na nakabulagta sa lupa. Tila ba sila ay natutulog lamang? Malapit naman sa kanila ay ang mga alagang hayop nila na nakabulagta pa rin sa lupa.
03:59.4
Ngunit sa pagmamasid ni Ebrahim, may mga pulang likido sila sa tenga, mata at sa mga parte ng muka nila. Doon mas maliwanag na sa kanya ang mga nakabulagta ay mga wala ng buhay pa. Muling nabaling ang atensyon niya, saghinang na sumisigaw at hinihila ang kamay ng ama na nasa lupa.
04:18.0
Pinipilit itong gisingin at patayuin, ngunit alam ni Ebrahim na walang kahit na anong iyak o sigaw ang sa kanila ay gigising pa. Sa labis na kalituhan sa mga nangyayari sa kanilang maliit na bayan, imbis na tulungan, takot agad ang nangibabaw sa kanya.
04:33.2
Kaya naman matapos ang isang malalim na hininga, nagkatatakbo si Ebrahim papunta at pabalik sa babang parte ng bayan nila. Umaga pa lang sa bayan ay buhay na buhay na. Makikitang ang mga bata ay naglalaro, ang mga matanda ay naghahanda upang simulan ang abalang araw nila.
04:50.2
Ngunit sa araw na ito, pawang mga walang buhay na mga hayop lamang ang sumalubong sa kanya. Takot ang nangibabaw sa kanya, kaya naman sa kanyang pagtakbo, ang unang kubo kanyang tinumbok ay agad niya na binuksan. Umaasa na doon ay may sasalubong na buhay na tao sa kanya, ngunit nalaki ang kanyang mga mata.
05:10.0
Sa kubo, may babaeng walang buhay ang nasa sahig. Katabi nito ang tilaba hawak nito nasisidlan ng mais. Sa pagpaling pa ng kanyang paningin, sasilid na tanaw niya ang mga ayanak nito na tilaba nahihimbing pa. Ngunit iba na rin ang kanilang mga itsura. Doon sigurado si Ebrahim na sila rin ay pumanaw na.
05:30.0
Kaya naman sa takot na patras na lamang ito sa sindak, sa pagkakataong ito mas tilaba, bumagal na ang lahat para sa kanya. Doon lamang niya mas maiging natitigan ang kahabaan ng daanang kanyang pinagtakbuhan. Puno pala ang kalsada ng mga hayop at ang mga tao rin na nagmamayari sa kanila.
05:50.0
Ang iba ay nakasalampak kung saan saan, ang iba nagkadaganan pa, ang iba ay palabas o patakbo ng pintuan, samantalang ang iba ay mukhang nagiiyakan pa. Natanaw din nito ang may isang lalaki na nakasalampak at nakasupaypay sa motorsiklo niya. Isa ang napansin niya, lahat halos sila ay nakaalis ang saplot o hindi naman kaya ay aktong inaalis nila ang mga damit nila.
06:15.0
Katulad na katulad ng babae na unang nakasalubong niya, napansin ni Epraim na walang kahit na anong sugat sa katawan ng mga tagabayan. Kaya sa unang tingin, tila ba sila ay parang natutulog lang din? Kung kanina ay tumatakbo, sa pagkakataong to si Epraim ay naglalakad na lamang ni hindi nito alam ang gagawin, kung saan titingin, kung saan pupunta, ano nga ba ang nangyari sa kanila? May buhay pa ba sabay-sabay ito na tumatakbo sa gulong-gulo na isipan niya?
06:44.0
Sa hindi kalayuan, saka nito naulinaga ng dalawang lalaki na papatakborin papunta naman sa kinaruroonan niya. Akala nito sila ay kakausapin o hihintoan naman siya. Ngunit tila ba dire-diretsyo lang sa pagtakbo ang mag-ama, ni hindi sila kumukura. Tila ba hindi nila siya nakikitang dalawa?
07:04.0
Walang nagawa si Epraim kundi habuli na lamang ang dalawa ng tingin hanggang sa sagubat ay nawala na sa layo ang tumatakbo na mag-ama. Dito biglang naalala ni Epraim ang kwento ng kanyang lolo nang unang panahon daw ay may sakunang naganap sa bayan na naging sanhi naman ng kamatayan ng mga sinauna na mga tagabayan.
07:23.0
At ang aksidenteng ito ang dahilan kaya ang ibang parte ng nayos ay maigi daw na pinagmumultuhan. Kaya itong si Epraim ay sa taas ng bahagi inagtayo ng bahay upang maiwasan ang sinasabing multo sa ibang parte ng kanilang bayan.
07:39.0
Kumbensido si Epraim gawa ito lahat ng mga multo na ikinukuwento sa kanya ng kanyang lolo. Kaya naman dalidaling tumakbong muli ito paalis ng bayan habang tumatakbo ay sigi ang pagbukas nito ng mga pintuan ng mga kubo. Inaasahan niya na may buhay na tao nasasalubong at maaabutan niya. Ngunit hindi nangyari ito. Lahat sila nang naabutan niya ay nalagutan na ng hininga.
08:04.0
Sa dulo may isa pang kubo, pabukas pa lamang ito ay kusanang bumukas ang pintuan. Doon nakatayo ang may-ari ng kubo na si Joseph Nakuay. Kagabi lamang kasama sila, pareho nilang sabay na narinig ang kakaibang tila, tunog o pagsabog. Naalala nito si Joseph na matapos ang pagsabog ay narinig nito na tila ba humihilik ng napakalakas ang kanyang anak na bubay.
08:28.0
Kaya naman ito ay agad niya dapat napupuntahan. Ngunit ilang hakbang pa lamang ay nawala na siya ng ulirat at kinabukasan ng magising na lamang siya ay mahati na ang sugat niya. Agad itong ginapang ang higaan ng kanyang anak na dalagita. Doon malamig na ito at matigas na. Kaya naman lumabas ito ng pintuan, si Ephraim na ang nasalubong niya.
08:51.0
Nagkatinginan silang dalawa. Nang makabawi si Joseph agad itong sumakay sa kanyang motor at hihingi ito ng tulong. Samantalang si Ephraim naman ay nagtatakbo pabalik sa kanyang sariling kubo.
09:03.0
Napakatagal ng biyahe papunta sa kabilang pinakamalapit na bayan. Nang makarating doon si Joseph ay tinangka nitong ipaliwanag ang nangyari sa kanyang sariling bayan. Ngunit hindi ito agad makapagsalita ng diretsyo. Ang mga paliwanag niya ay paliwanag ng mga litong-lito. Kaya naman kalituhan din ang hatid sa mga nakikinig sa kanya. Kaya naman dahil dito wala agad nananiwala sa kanyang kwento.
09:27.0
Kinabukasan pa bago pinuntahan nila ang sinasabing pangyayaring ikinukwento na kumalat ng maigi sa bayan nila. Doon nila naabutan ang sinasabing malaking trahedya sa bayan. Nang dumating ang mga otorida doon lamang nila nalaman na hindi lamang ang bayan ng naos ang bayang naapektuhan ng kaganapan.
09:46.0
Karamihan sa mga bayang malapit sa kanila ay ginaturin ang kinahinatnan. Maigi naman kumalat ang balita sa maraming pagkasawi sa buong mundo. Nang ikadalawampu at lima ng Agosto, tatlong araw matapos ang kalunos-lunos na trahedya sa bansa na Africa.
10:02.0
Ang Amerikanong siyentipiko na si Joseph Devine ay nakapanood ng balitang ito. Agad nitong hiniling sa nakatataas sa kanya na siya ay ipadala agad sa Africa. Kasama ang kanyang kapareha na isa ring siyentipiko na si Harold Sigurdson.
10:17.0
Dumating ang dalawa sa Africa ng ikadalawampu at pito ng Agosto, doon nila naabutan ang mga iilang mga nakaligtas. Kasama na si Joseph at ang buong pamilya ni Ephraim, lahat ay nakaligtas sila.
10:30.0
Usap-usapan na multo ang Komitil ng Buhay sa lahat ng mga tagabayan. Ngunit ayon sa dalawang siyentipiko, ang totoong dahilan nito ay maaaring maipaliwanag nila sa kanila. Dahil ito daw ay naranasan na dalawang taon na mas maaga.
10:45.0
Naganap ito sa Lawa ng Manoon, ilang milya ang layo mula sa Naos. 37 na taon naman ang doon ay bigla na lamang bumagsak at bumulagta. Silang dalawang siyentipiko ang doon ay nag-imbestiga.
10:59.0
Ang tawag nila dito ay ang Unknown Unnatural Hazard. Nailathala nila ito at nagsumamo pa sila sa gobyerno ng Afrika, ngunit wala ni isa ang nakinig sa kanila. Parehong-pareho ang naganap sa kanila.
11:12.0
Ang Lawa ay nasa bunganga ng bulkan, katulad na lamang nang meron dito ang Bulkang Taal. Doon matatagpuan ang napakataas na level ng carbon dioxide. Ito ay hinihinga natin palabas sa ating katawan.
11:26.0
Kung hihingahin natin ito sa medyo maraming-maraming konsentrasyon, magsisimula na tayo ay mahilo at ang balat natin ay tila ba magsisimula na ang pakiramdam ay nasusunog at nag-aapoy. At kung maramihan ang malalanghap, siguradong masasawi ang isang tao.
11:42.0
Sa ilalim ng Lawa ng Knox na trap ang napakaraming uri ng hangin na ito na siya namang kumawala ng gabi ng ikadalawampu at isa ng Agosto na siya namang tila ba tunog ng kulog at kumalat ito sa buong bayan at kalapit nito ng mga nayon.
11:58.0
Mga katinagalog ang carbon dioxide ay walang amoy at walang kulay. Ang bilang ng nasawi na tao sa bayan ng Knox ay umabot po sa 1,700. 3,500 naman ang nasawi na mga alagang hayop nila.
12:14.0
Muli ay bumalik na naman ang mga tao sa gilid ng Lawa ng Knox. Ito ay kahit pa sila ay maiging binalaan na mangyayaring muli ito sa bayan nila.
12:24.0
Mga katinagalog ko, makikipagsapalaran po ba kayo na tumira sa bayang kinagisna nyo kahit pa alam nyo na ang katotohanan sa ating kwento?
12:33.0
Kung oo hindi ay isulat po ang inyong salubin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
12:41.0
Mga katinagalog ko maraming salamat po sa inyong pagsama sa segment natin sa araw na ito.
12:54.0
Thank you for watching!