00:38.6
Halos magkahawig sa watawat ng Turkey.
00:41.4
Makikita mo dapat ang bansang ito sa bandang hilagan ng Cyprus.
00:46.0
Ngunit kahit saang mapa ka man tumingin, ay hindi mo ito makikita bilang isang opisyal na independent country.
00:54.4
Kay naman, binansagan itong the country that doesn't exist.
00:58.7
Approximately 300,000 katao ang naninirahan dito.
01:03.1
May sarili itong gobyerno at military.
01:05.9
Ngunit ang tanong, bakit kaya hindi nag-iexist sa mapa bilang isang tunay na bansa ang Turkish Republic of Northern Cyprus?
01:16.9
Ang napakagandang beach na ito ay makikita sa siyudad ng Famagusta sa Cyprus.
01:22.6
Libo-libong turista ang nagbabakasyon dito noong 1960s at 70s.
01:27.9
Dahil sa turismo ay maganda ang ekonomiya ng siyudad.
01:31.3
Ngunit noong July 20, 1974, ay bigla na lang nilusob ng Turkey ang Cyprus.
01:37.8
Nasa 40,000 Turkish soldiers ang umataki sa isla ng Cyprus.
01:42.7
Libo-libong mga tao ang tumakas palayo sa siyudad na ito.
01:46.8
At simula noon, ang beach na ito ay isa ng ghost town sa loob ng 48 years.
01:52.9
Sa tulong ng United Nations ay napatigil ang digmaan at naitatag nila ang ceasefire line.
01:59.0
Ito ang dash lines na makikita sa Google Earth.
02:02.4
Isang harang na naghihiwalay sa South at Northern Cyprus.
02:06.8
Ang haba nito ay 180 kilometers at may lapad na 3.3 meters hanggang 7.4 kilometers.
02:14.8
Kontrolado ito ng UN at walang kahit sinumang bansa ang nagmamayari dito.
02:20.4
Ang ceasefire line na ito ay dumadaan sa gitna ng Nicosia City, ang capital city ng Cyprus.
02:27.4
Sa loob nito ay makikita ang abandonadong airport.
02:31.0
Isang dating masiglang paliparan na puno ng mga biyahero.
02:35.1
Ngunit ngayon ay tanging mga abandonadong buildings,
02:38.6
mga sirang aeroplano at walang laman na runway ang makikita dito.
02:43.4
Mga bahay, mga shops at simbahan na tila ba tumigil ang pagtakbo ng oras
02:49.2
dahil nandito pa rin ang ilang mga gamit ng mga taong dating nanirahan dito.
02:54.5
Ano kaya ang dahilan bakit nilusob ng Turkey ang isla ng Cyprus?
02:59.2
Bago yan, mahalagang malaman muna natin ang kasaysayan ng Cyprus.
03:06.4
Noong una, karamihan sa naninirahan sa isla ng Cyprus ay mga Greeks,
03:11.0
mga taong galing sa bansang Greece.
03:13.2
Ngunit pagdating ng 1571 ay sinakop ng Emperyong Ottoman ang Cyprus.
03:18.8
Kaya ang populasyon nito ay unti-unting nahaluan ng mga Turks
03:22.4
o mga taong galing Turkey.
03:24.4
Kaya majority ng nanirahan dito ay mga Greek Cypriots at Turkish Cypriots.
03:30.0
Cypriots po ang tawag sa taong nakatira sa Cyprus.
03:33.8
Taong 1878, nagsimulang dumating ang mga Bretons sa Cyprus
03:38.2
at noong 1925, tuluyan na itong naging kolonya o teretoryo ng United Kingdom.
03:44.2
Nang matapos ang World War II,
03:46.2
karamihan ng mga nasasakupa ng Britanya ay binitawan nila,
03:50.0
maliban sa Cyprus.
03:51.8
Ang lokasyon kasi ng Cyprus ay itinuturing na mahalaga
03:55.4
bilang strategic na military base,
03:57.8
unsinkable aircraft carrier kung ito'y tawagin.
04:01.3
Mula Cyprus, ang Royal Air Force ng Great Britain
04:04.8
ay madaling marating ang tatlong kontinente,
04:07.6
ang Europe, Africa at Asia.
04:10.2
Sa ilalim ng Britanya, umigting ang dibagkakasunduan ng mga Greek at Turks.
04:15.8
Ang mga Griegong Cypriots ay gustong maging bahagi ng mainland Greece ang isla ng Cyprus,
04:22.2
habang ang mga Turkish Cypriots naman ay gustong hatiin ang Cyprus.
04:26.6
Isang bahagi sa mga Turks at isa naman ay sa mga Griego.
04:30.6
Ngunit iba naman ang plano ng United Kingdom para sa Cyprus.
04:38.6
Sa kabila ng girian ng dalawang kampo,
04:41.4
noong 1960 ay nagkasundo ang mga Greeks at Turks ng magkaisa.
04:46.2
Binigyan ng kalayaan ng United Kingdom ang Cyprus
04:49.4
at kinilala ang isla bilang isang ganap na bansa
04:52.8
at tinawag itong the Republic of Cyprus.
04:56.2
Nagkaroon ng power sharing.
04:58.0
Mga Greek at Turks ay parehong nagkaroon ng mga posisyon sa bagong gobyerno.
05:03.0
Gayunpaman, hindi pa rin naging tunay na malaya ang Cyprus.
05:07.4
Dahil ayon sa napagkasunduan sa Treaty of Guarantee,
05:11.0
ang Greece, Turkey at United Kingdom ay may karapatan pa rin mang himasok sa Cyprus.
05:17.0
Dagdag pa dyan, mananatili pa rin ang dalawang military base ng United Kingdom sa bansa.
05:23.0
Makalipas ang tatlong taon,
05:24.8
ay muling nabuhay ang marahas na paglalaban sa pagitan ng dalawang komunidad.
05:30.0
Dahil ito sa isang proposal na naglalayong baguhin ang konstitusyon
05:34.6
na nag-aalis sa ilang karapatan ng Turkish Cypriot minority.
05:39.0
Sa paglipas ng panahon, ay lalong tumindi ang kaguluan sa Cyprus.
05:44.0
Hanggang sa noong 1974 ay nagkaroon ng military coup o kodita sa Cyprus.
05:49.8
Ang kodita ay pinaniniwala ang kagagawan ng gobyerno ng Greece.
05:54.4
At bilang tugon sa panghihimasok ng Greece,
05:57.2
ay dito na nilusob ng Turkey ang Cyprus.
06:00.6
Pinasok nila ang isla mula norte hanggang sa masakop nila ang 37% ng isla.
06:07.0
Nasa 165,000 Greek Cypriots ang lumikas papuntang south.
06:11.8
At nasa 45,000 Turkish Cypriots naman ang lumikas papuntang north.
06:17.2
Noong 1983, iprinuklama bilang isang bansa ang Turkish Republic of Northern Cyprus o TRNC.
06:25.2
Pero tanging bansang Turkey lang ang kumikilala dito.
06:28.8
Hindi ito kinikilala ng United Nations at ng international community bilang isang tunay na bansa.
06:35.4
Para sa mga Turkish Cypriots, ang ginawang paglusob ng Turkey sa Cyprus
06:40.2
ay para lang daw maibalik ang kapayapaan sa isla
06:43.6
at para iligtas ang mga minority Turkish people na matagal nang inaapi ng mga Greeks.
06:49.6
Ngunit para naman sa Greek Cypriots, ang ginawa ng Turkey ay isang pananakop.
06:55.0
Mula noon ay nahati na sa apat na bahagi ang isla ng Cyprus,
06:59.6
ang Northern Cyprus o TRNC na kontrolado ng mga Turkish.
07:04.0
Sa south naman ay ang Republic of Cyprus ng mga Greeks,
07:08.0
military bases ng United Kingdom at ang ceasefire line na kontrolado ng UN.
07:13.8
Ngayon, nananatili ang mga harang sa pagitan ng south at northern Cyprus.
07:19.0
Mukha itong border, pero para sa mga Greek Cypriots, ito ay ceasefire lines lamang.
07:24.8
Para sa kanila, ang Northern Cyprus ay parte pa rin ng kanilang bansang Republic of Cyprus.
07:34.0
Sa kasalukuyan, mayroong embargo sa Northern Cyprus na suportado ng UN, EU at iba pang mga organisasyon.
07:42.4
Ang ibig sabihin ng embargo ay hindi maaaring makipag-trade ang TRNC sa ibang mga bansa.
07:49.2
Hindi sila maaaring bumili o magbenta ng mga produkto sa ibang bansa
07:54.4
Dahil dito, ang ekonomiya ng TRNC ay talagang dependent sa ayuda ng bansang Turkey,
08:00.2
gaya ng pag-fi-finance ng mga public infrastructure projects,
08:04.0
pagbibigay ng loans at financial assistance sa mga small and medium-sized enterprises.
08:10.2
Mabuti na lang at malakas ang kita ng turismo sa Northern Cyprus.
08:15.0
Ayon sa tourism ministry ng TRNC na sa 50% ng kanilang ekonomiya ay galing sa turismo.
08:21.6
Ang kitang ito ay hatid ng 2 milyong turista na bumibisita sa bansa bawat taon.
08:27.0
Sa ceasefire line na humahati sa Cyprus ay may bandila ng Northern Cyprus.
08:32.6
Katabi nito ay isang bato na may coat mula kay Mustafa Kemal Ataturk, ang founder ng Turkish State.
08:39.2
At ito ay nagsasaad ng,
08:41.4
How happy is the one who calls himself a Turk?
08:45.0
Pero para sa mga Turkish Cypriots,
08:47.6
Paano mo aariin ang saya kung sa bansa mo ay walang kumikilala?
08:53.0
This is your Ati O from our Republic.
08:55.6
Hanggang sa muli and stay awesome!