Close
 


Vince Rapisura Podcast: Usapang Pera Ep 1 2020
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#UsapangPera: Mga Tips sa Pagyaman with Sir Vince tackles money issues such as savings, loans, budgeting, and investing among others. Visit Sir VInce's website: www.vincerapisura.com. How to join SEDPI Coop: 1. Join SEDPI Foundation at bit.ly/SEDPIOnlineSRI by clicking “Register” and filling out the form 2. Take the online Pre-Membership Education Seminar (PMES) at bit.ly/SEDPICoopPMES 3. Pay membership fee and initial share capital Simulan ang pagiinvest the socially responsible way sa: bit.ly/SEDPIOnlineSRI Pag-IBIG MP2: * Watch the play list: https://www.youtube.com/playlist?list... SSS Retirement: Watch the playlist https://www.youtube.com/playlist?list... How to invest 100K: https://youtu.be/dxHRZn7uP-4 Celebrity guests include venus Raj (Season 1); Nicole Cordovez and Sinon Loresca (Season 2); Atom Araullo (Season 3) and Porky (Season 4). Smart Parenting Board of Expert
Vince Rapisura
  Mute  
Run time: 12:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hi, my name is Vince Rapizura and you can call me Sir Vince.
00:05.0
I've been teaching personal finance and social entrepreneurship for the past 20 years.
00:09.0
In this podcast, I'll be sharing with you stories and practical tips on personal money management.
00:15.0
Tandaan ang pagyaman na pag-aaralaan.
00:20.0
Napabalot ngayon ang mundo ng pangangamba at kalituhan dahil sa kawalang katiyakan dulot ng COVID-19 pandemic.
00:27.0
Hindi ako magtataka kung maraming natatakot at syempre nakakadagdag pa sa stress ang lockdown at alalahanin tungkol sa pera.
00:35.0
Ngunit mas makakatulong kung kakalmahin natin ang ating mga sarili at gamitin ang panahong itong maghanda at ayusin ang mga pangangamba.
00:44.0
Mas magandang harapin natin ito ngayon at magkaroon ng desisyon sa mga what-if scenarios
00:49.0
kaysa sa kapal lang tayo mag-iisip ng solusyon kung nasa harap na natin ang mga di inaasahang sitwasyon.
00:55.0
Narito ang mga tips ko sa inyo para mapagaan ang dinadala nating pangamba ngayon.
01:01.0
Tip number one, name your ICE in case of emergency.
01:07.0
Isa ang tawag sa emergency contact person sakaling may mangyaring masama sa iyo.
01:11.0
Siya ay gatekeeper ng iyong mahalagang informasyon kaya mahalagang pinagkakatiwalaan mo kung sino siya.
01:17.0
Maaring ang ICE mo ay ang iyong asawa, legal-aged na anak, magulang, kapatid o kaibigan.
01:24.0
Pwede namang hindi iyisang tao ang ICE mo.
01:27.0
Pwede mong hatiin ito sa iba't ibang tao.
01:30.0
For example, sa akin, when it comes to personal money, panganay ng kapatid ko ang aking ICE.
01:36.0
Sa usapin ng kalusugan, ang life partner ko ang aking ICE.
01:40.0
Make sure na kaya at gustong gawin ng ICE ang habilin mo at available siya kapag kailangan mo.
01:47.0
Siya ay mabuti sa mga kapatid mo.
01:50.0
Make sure na kaya at gustong gawin ng ICE ang habilin mo at available siya kapag kailangan mo.
01:56.0
Siguraduhin alam niya ang medical history mo at may legal power to act on your behalf.
02:01.0
Kaya din niyang makipag-usap at ipabatid ang sitwasyon mo sa kinauukulan kung kinakailangan.
02:11.0
Tipunin ang mga mahal sa buhay at sa bahay at pag-usapan objectively ang nangyayari.
02:17.0
Mas maganda kung isasama ang iyong ICE sa emergency planning na ito.
02:21.0
Pag-usapan ang mga realistic what-if scenarios.
02:25.0
For example, may tamaan ng COVID-19 sa inyong bahay. Anong gagawin at sino ang tatawagan?
02:31.0
Aling parte ng bahay ang gagawing isolation room?
02:35.0
Maraming pwedeng maging what-if scenarios at malamang mag-iiba-iba ito sa bawat pamilya.
02:41.0
Pagkatapos gawin ang emergency planning, samahan ng dasal para maramdaman ang pag-asa.
02:53.0
I-review ang iyong health and life insurance policies at tawagan ng iyong insurance agent kung may mali
02:59.0
o kung may kailangan kang i-update sa informasyon na nakalagay dito.
03:04.0
Pag-aralan kung ano ang mga exclusions, deductible at ano-ano ang covered sa health at life insurance mo.
03:11.0
The best time to get health insurance is if you are still healthy.
03:15.0
Kasi malamang tatanggihan ka na ng insurance companies kung bibili ka kapag tinamaan ka na ng sakit.
03:22.0
Ang mga taong may kailangan ng life insurance ay iyong may dependents at breadwinner.
03:28.0
Kung wala ka namang dependent, hindi mo kailangan nito dahil walang kailangan i-replace na income para mabuhay ang dependent mo.
03:40.0
First, follow my 515-2060 budgeting rule kung saan nalilimitahan mo ang bayad sa insurance premium katumbas ng 5% ng inyong income.
03:50.0
Kung mas malaki ang ibinabayad mo sa premium kaysa dito, malamang you are overpaying your insurance.
03:57.0
Second, iwasan at all cost ang investment-linked insurance o tinatawag na variable universal life insurance o VUL.
04:05.0
Mapapamahal ka lang dito.
04:07.0
Basahin ang Paano Maghanda Financially Laban sa 2019 COVID kung saan dinetalya ko ang mga health insurance plans and options bago pa pumutok ang COVID-19 pandemic.
04:19.0
Mababasa ito sa vinsrapisura.com
04:21.0
Tip number four, take stock of your emergency fund.
04:25.0
Ang advice ko for emergency savings ay dapat mayroon tayo nitong katumbas ng siyam na buwang gastusin.
04:32.0
Nakalagay dapat ito sa safe at liquid financial products tulad ng savings accounts sa bangko.
04:38.0
Sa ngayon, isang buwan ang lockdown na ipinapatupad pero madaming bulong-bulungan na ito ay maaring tumagal pa at limampas sa isang buwan.
04:47.0
Mahaba ang PC mong makakasurvive sa mga regular na gastusin kung sinunod mo na ang suggested emergency savings amount na meron ka.
04:56.0
Emergency savings kasi dapat ang gagamitin natin at hindi utang sa panahon tayo ay tamaan ng mga diinaasahang bagay tulad ng COVID-19 o lockdown.
05:06.0
Take this opportunity to start building your emergency savings kung wala ka pang nasisimulan o hindi pa sapat.
05:14.0
Tip number 5. Huwag mag-desisyon sa pera dahil sa takot.
05:19.0
May ilang nagtanong sa akin kung dapat na ba nilang ibenta ang kanilang exposure sa stock market dahil sagsad ito ng halos 50% mula sa pinakamataas nitong level.
05:30.0
Matatakot din silang baka tuluyang maglaho ang pinagpagurang pera dahil sa nangyayaring sell-off sa stock market.
05:38.0
Ang advice ko sa kanila ay kung makakapag-antay sila at hindi naman nila kailangan ng cash in the next months dahil may sapat pa sila,
05:46.0
ay huwag muna nila itong ibenta. Halatang mga bubuhan sila at hindi pinag-isipang mabuti ang pagpasok nila sa stock market.
05:54.0
Primary rule sa investing ay magbenta kung mataas ang market at bumili kapag mababa ang market.
06:02.0
Panalo ang mga maraming cash position ngayon kasi madami sa mga investment assets ay nagiging mura sa panahon ng krisis.
06:10.0
Walang kailangang ipangamba sa investment position kung financially stable at akma sa target ang financial life stage,
06:18.0
meaning may sapat kang emergency savings, may tamang insurance coverage, at may passive income ayon sa iyong edad.
06:26.0
Para malaman kung ikaw ay financially stable, makakatulong kung alam mo ang pumapasok at lumalabas na pera at ang iyong personal balance sheet.
06:35.0
You can access this by sending keywords to Vins Rapisura Facebook Messenger and follow the instructions there.
06:43.0
Type MIMO, then hit send to access Money In Money Out form.
06:48.0
And type SALN, then hit send to access the Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth form.
06:56.0
Hindi magandang magdesisyon sa pera kapag puno ng takot, pangamba, at pag-aalinlangan.
07:02.0
Nahahaluan kasi ng matinding emosyon kaya malaki ang chance ang hindi maganda ang kalalabasan.
07:08.0
Pakalmahin ang sarili at isama ito sa emergency planning para mas malinaw kung ano ang dapat gawin.
07:20.0
Walang maitutulong sa iyo at sa komunidad ang hoarding at panic buying.
07:25.0
Pinapamahal lang nito ang bilihin at pinagkakaitan ng iba ng pagkakataon na makuha din ang kanilang mga pangangailangan.
07:34.0
Ang mga pinamili ay maaaring hindi kailanganin, mabubulok lang at masasayang lang ang perang ginamit dito.
07:42.0
Bumili lang ng sapat at sa level na kinaugalian.
07:51.0
Isang magandang pagkakataon na i-refinance ang loan kung meron kang high interest bearing loan ngayon.
07:56.0
Nagawa ko ito dati sa kapatid ko sa Amerika na may mataas na mortgage loan.
08:01.0
Noong global financial crisis noong 2008, nirefinance namin ang mortgage ng bahay niya mula 7% per anong pababa sa 4% per anong fixed rate.
08:11.0
Dahil dito, bumaba ang babayaran niyang housing loan payment kada buwan.
08:16.0
Ang pinili ng kapatid ko ay paigliin ang panahon ng pagbabayad sa bahay at pareho pa rin ang installment niya kada buwan.
08:23.0
From 25 years na housing loan term, napababa niya ito sa 15 years.
08:29.0
May tatlong taon na lang at ang natitira at matatapos na niya itong bayaran.
08:34.0
Pareho ang sitwasyon ngayon.
08:36.0
Binawasan ng Banko Sentral ng Pilipinas ang interest rate nito mula 4.25% sa simula ng taon at ito ay nasa 3.5% na lamang ngayon.
08:47.0
Makikinabang dito ang mga may existing credit line facilities kasi pwede nilang bayaran ang kanilang lumang loan at mag-access ng panibago para mas mababa ang interest na makukuha.
09:03.0
Maganda rin may cash na mabubunot sa wallet.
09:06.0
Para lang ito masigurong kapag tinamaan ng hindi inaasahan ay may nakahandang perang madaling magamit agad.
09:13.0
Hindi kinakailangang mag-withdraw at humawak ng limpak-limpak na cash.
09:25.0
Dahil lockdown tayo ngayon, kaunti ang temptasyong gumastos.
09:30.0
Sarado ang malls at mahirap ang delivery sa online shopping.
09:34.0
Take this opportunity na makatipid.
09:36.0
Aside from this, maganda din itong panahon na balikan ng iyong spending pattern in the past.
09:43.0
Isang magandang paraan na ginagawa ko dito ay inilalabas ko ang mga credit card statements ko at hinahighlight ang mga items na pwede namang hindi ko binili.
09:52.0
Another way is to file your receipts.
09:55.0
Ayusin mo ang iyong mga resibo at dito mo makikita kung ano ang pinagkakagasusan mo kung ito ba ay need or want.
10:03.0
Tip number 10. Upgrade your knowledge and skills.
10:07.0
Kaysa ubusin ng oras sa panonood ng Netflix at iba pang streaming services,
10:13.0
o kaya ay patayin ang oras sa social media, why not take online courses para may dagdag kaalaman?
10:21.0
Maraming mga free online courses ngayon.
10:24.0
If you are interested to take free online course on personal finance para ma-improve ang iyong financial literacy,
10:31.0
you may go to my website, vinsrapisura.com, slash free financial literacy online course for instructions.
10:39.0
Tip number 11. Recharge and rest.
10:43.0
Kung meron mang silver lining sa lockdown na ito, ay marami tayong oras para makapagpahinga.
10:50.0
I-take natin ang pagkakataong gawin ito dahil parati tayong pagod sa trabaho, diba?
10:55.0
Let's spend quality time with our family and reconnect through technology with our friends.
11:01.0
Kung may mga kailangang ayusing issue sa pamilya, napakagandang pagkakataon nito para magkaroon ng panibagong panimula.
11:09.0
Tip number 12. Hope for the best, but expect the worst.
11:14.0
Ayon sa Department of Health at World Health Organization,
11:19.0
80% ng mga tinatamaan ng COVID-19 ay nakakaramdam ng mild symptoms at hindi naman kinakailangang magpa-ospital.
11:27.0
Kailangan lang i-observe ang quarantine measures.
11:31.0
Mataas din ang recovery rate at mababa ang mortality rate kumpara sa ibang sakit.
11:36.0
Nagdaan na ang mundo sa mas malughapang sitwasyon tulad ng World War I, World War II, Spanish Flu pandemic, at iba pang mga krisis.
11:46.0
Pero nalampasan natin ang mga ito. Kaya ang sa akin, matter of time lang at malalampasan ulit natin ito.
11:53.0
Panatilihin nating malakas ang ating kalusugan, kumain ng gulay, mag-exercise para mawala ang stress, at matulog ng tama.
12:02.0
Siyempre, panatilihin pa rin natin ang social distancing at ugaliing parating maghugas ng kamay.
12:10.0
Lilipas din ito. Yan ang laging ipaalala sa sarili.
12:15.0
Ako si Sir Pins, dito sa bahay dahil sa COVID-19 lockdown, nagsasabing ang pagyaman na pag-aaralan.