Close
 


ENRILE, TINULIGSA ANG '1987 CONSTITUTION' SA PAGDINIG SA SENADO! | PERCY LAPID FIRE
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ENRILE, TINULIGSA ANG '1987 CONSTITUTION' SA PAGDINIG SA SENADO! | PERCY LAPID FIRE
LAPID FIRE ni Percy Lapid
  Mute  
Run time: 30:13
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Walang preno kung bumadikos, malalim at makatwirang komentaryo, mag-ingat ang mga politikong gumagawa ng kalokohan at baka kayo ay tama ng LAPID FIRE!
00:17.0
Malintik po ang mga kwento ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na ngayon po ay Chief Presidential Legal Counsel. Tungkol po yan sa Marshall Law.
00:30.0
Lahil ngayon po ay ikalimampung taon na anibersaryo po ito ng Marshall Law, pagkakadeklara ng Marshall Law noong 1972.
00:48.0
Ako po ay 12-13 anos noon eh. E bueno, pag-usapan po natin ang mga pinagsasabi ni Enrile tungkol sa mabuti na ang Marshall Law.
01:08.0
Mabuti nga ba Marshall Law? Yan ang tanong eh, nakabuti ba ang Marshall Law? E kung nakabuti ang Marshall Law, ba't nagkaroon ng EDSA una bes?
01:24.0
Unahin po natin itong mga sinasabi ni Enrile doon po sa pagdinigdaw ng Senado sa ano ha? Ano tawag mo dyan?
01:40.0
Constitutional, mga kaibigan. Ano ito? Yung committee sa Senado para sa pagbabago ng ating saligang batas.
01:58.0
O mga kaibigan, ang sabi ni Enrile, maganda ito kasi Marshall Law ito. Kayo ilan taon na ba kayo noong Marshall Law? Inabot nyo ba Marshall Law?
02:11.0
Yung mga hindi inabot, eh sorry na lang kayo dahil hindi kayo kapanipaniwala kung kayo ay papabor sa Marshall Law.
02:22.0
Kuwento lang yun. Yung mga pangyayari, bibigyan ko kayo ng mga halimbawa. At isa na sa halimbawa, simpleng-simple, eh yung karanasan namin.
02:35.0
Mga kaibigan ng aming pamilya at ng maraming mamamayan. Ngayon, unahin natin basahin ito para maintindihan natin na itong dating Senador at ngayon ay Presidential Legal Counsel
03:01.0
na nagpatupad ng Marshall Law noong dekada sitenta, mga kaibigan, ay nanawagan natanggalin yun daw safeguard, yung proteksyon, yun ang safeguard sa saligang batas
03:19.0
na nangangahulugang maiwasan na maulit yung mga pag-abuso sa karapatan noong panahon ni dating Presidente Ferdinand Marcos Sr.
03:39.0
At mahigpit, mariin na tinuligsa, ito ha tingnan ninyo, tinuligsa ni Enrique ang 1987 Constitution, tinutuligsa niya yan kasi yung 1987 yoon ang naging saligang batas pagkatapos ni Marcos
04:07.0
At ito ay ginawa sa panahon ni Tita Corrie ni Presidente Corrie Aquino.
04:16.0
Tinuligsa niya, mga kaibigan, dun sa Senate Panel na dumidinig para sa pagbabago raw ng saligang batas.
04:28.0
Ba sino ba chairman dyan? Si ano ba? Si Robin Padilla? E pagka dyan ka sumangayon, yung pagtanda ni Enrique sayang.
04:42.0
Mga kaibigan, isipin mo, nagiging ka-level mo si Robin Padilla. Mga kaibigan, ang sabi niya, ito raw kasalukuyang Constitution, ito raw yung 1987, ang nagpahina sa kapangyarihan ng Republika.
05:05.0
Ba? Interpretasyon niya, kahindik-hindik. Pinahina daw ng Constitution, ang kapangyarihan ng isang Republika.
05:20.0
Ito yung Republika ng mga walang kadaladala at Republika ng mga utu-utong lipunan, mga kaibigan. Ano tawag ngayon doon? Iyon ang tinatawag na Republika ng Pilipinas. Pero ang totoo, ito yung Republika ng mga walang kadaladala at ng mga utu-uto.
05:44.0
Ayun po mga kaibigan. Ano? Ang sabi niya, doon sa mga biktima raw ng Marcialo, I'm sorry, but they started it. Umingi raw siya ng paumanhin, pero silaan niya, nagsimula niya. Ba?
06:06.0
Sino raw ang nagsimula? Yung mga biktima, mga kaibigan, ng Marcialo. At sa particular na kanyang tinutukoy, mga kaibigan, e, kanyang isiniwalat ang kanyang pagkabigo sa pagkakabura.
06:30.0
Kasi yung kataga sa Constitution na imminent danger thereof in the provision of Marcialo in the 1987 Constitution, madalit sabi, hindi niya kinikilala yang Constitution na yan, na hanggang ngayon ay nagpapanatili sa kanya sa kapangyarihan.
06:58.0
Tingnan mo ah, mga kaibigan, lintik po kung magsalita itong si Enrique, kapagka kaalyado niya, yung nakaupo. Yan, ang totoo niyan.
07:13.0
Yun daw salitang iyon sa Constitution doon sa provision ng Constitution na imminent o may nakaambang panganib sa provision tungkol sa Marcialo ng 1987 Constitution.
07:31.0
Yan daw praise na yan ay nasa provision on the declaration in the 1935 and 1973 Constitution. Yun daw imminent danger thereof, yan na niya ay nandoon sa 1935 Constitution at 1973 Constitution.
07:58.0
Tingnan ninyo ah, ano ba yung 1973 Constitution? Eh ginawa lang ni Marcos yun eh, mga kaibigan eh. Oh, yung 1935 Constitution, bakit yun nakalagay sa 1935 Constitution?
08:18.0
Kasi po, nung panahon na yun, ang mga leader, ang mga politiko sa pamahalaan, ang mga public official during that time ay mga mararangal na tao.
08:37.0
Mga honorable pa yung nasakop ng 1935 Constitution, maliban kay dating Presidente Marcos. Alam nyo ba yun? Kasi po, matagal nang nakasulat yung imminent danger na pwede kang magdeklara ng Marcialo on your own decision,
09:03.0
sarili mong desisyon na walang pwedeng humadlang kung hindi ikaw. Mga kaibigan, bakit yun nandoon sa Constitution ng 1935 na nababoy sa panahon ni Marcos?
09:23.0
Kasi po, yung mga leader nung araw, mararangal pa. Mga kaibigan, ha? Simula dung kailan Manuel Quezon, meron pa yang mga paggalang sa sarili. Yan yung mga leader, mga kaibigan, na hindi bumabaliwala sa batas.
09:48.0
Kaya hindi nila ginamit sinamantala ang kapangyarihan na yun para sa sarili nilang kapakanan o kaya ay para sila manatili sa poder ng kapangyarihan. Yan ang katotohanan.
10:12.0
Pero babanggitin mo, 1935 pagkatapos 1973 Constitution, binuikot nga yan. Mga kaibigan, yung 1973 Constitution na yan, merong mga hindi bumoto dyan, hindi sumali.
10:35.0
At yun ang naging dahilan, yung hindi paglahok ng iba o hindi pagboto ng iba sa ratifikasyon ng 1973 Constitution para maipatupad ni Marcos yan.
10:53.0
Kailan ba pinatupad ang martial law? 1972 e. E 73 yung Constitution sinasabi niya, meaning to say, 73 e martial law na.
11:07.0
Mga kaibigan, so ang sabi pa niya, ginulo nila yung martial law provision. Ba, ginulo pa raw e. Yung 1973 at 1935 Constitution at binabanatan yung Constitution na nilikha sa administration ni Pangulong Cory Aquino.
11:37.0
Na nailukluk sa kapangyarihan ng people power, ed sa people power 1. Ibig sabihin ni Cory, sabi ni Enrique, kung nandyan na yung gera at binabaril na yung sundalo at police natin, saka lang ako magdedeklara ng martial law.
12:00.0
Nilalapastangan ni Enrique ang mga taong dumanas ng paghihirap ng kaapihan sa panahon ng martial law at nilalapastangan niya ang saligang batas.
12:25.0
Kasi nakinabang siya roon e. Ha? Isipin ninyo panahon ng martial law para kang makakain ng bigas, pipila ka.
12:38.0
Kinukwento ko sa inyo ang buhay namin na ako'y, yun ang edad ko. Martial law, tenager, nagsisimula na sa aking kabataan.
12:52.0
Pinapipila ako ng nanay ko sa barangay. Diyan kami nakatira sa Santa Cruz, Maynila dahil nung martial law nasunugang kami. Nagkaroon ng malaking sunog sa baklaran at kami ay nakakita ng makakaya ng matitirahan namin.
13:16.0
Anim kami magkakapatid e. Mga kaibigan e. Wala kaming ipambabayad. Di ba? Kung mahal ang aming upahan. Alam ba ninyo, inupahan namin likod ng garahe.
13:35.0
Ando na ang tulugan. May isang maliit na kwarto. Tapos yung CR. Magkakasama na yun. Pati na yung labahan at hugasan ng pinggan. Isa lang yun, mga kaibigan. Napakaliit.
13:54.0
Kung matulog kami ay para kaming nakakamada. Magkakatabi. Nakahilera. Di ka pwedeng tumagilid. Di ka pwedeng malikot. Kailangan higa. Higa lang. Diretso lang ang higa.
14:16.0
At pumipila kami para makakain ng bigas. Paminsan-minsan kung available ang bigas. Kasi mas madalas yung ibinibenta na bigas ay may halong mais. E syempre medyo malaki na tayo nun. Hindi naman tayo nasanay kumain nun e.
14:41.0
Kaya wala ka na lang magawa. Kasi pagbata ka, okay lang sa'yo di ka kumain. Gutom ka, okay lang sa'kin yun e. Ako nung bata ko ganun e, mga kaibigan.
14:59.0
At nakikukwento ko sa inyo dahil sa ilang mga kamaganak natin sa probinsya, ang nakakaluwas. Pag nakaluwas ay swerte namin, dinadalang kami isang kabambigas. Ang isang kabambigas nun e, di ko malaman kung isandaang kilo o sinkwenta kilos ang isang kaba noon.
15:22.0
Mga kaibigan, naligay ko isandaang kilo e, malaki yung sako e. Nakakakain kami ng kanin talaga. E nawala nang hanap buhay, nasunugang kami, nawala nang hanap buhay ang tatay ko dahil nasa media siya. Sarado na lahat ang mga istasyon na radyo. Sarado na rin ang peryodiko. Wala siyan trabaho.
15:49.0
O e, paano kami nabubuhay? O dahil sa konting, pakonti-konting tulong na natatanggap mula sa mga kamaganak, mga kaibigan. Ganun kahirap ang buhay namin nung martial law. At hindi ka naman pwedeng basta makapaghanap buhay dahil pagdating ng alas dosi ng gabi, di ka na makakalabas e.
16:14.0
E paano kung ang alam mong trabaho e sa gabi, di ba? O e, hindi ka na makakapaghanap buhay. O mga kaibigan, napakarami. Sabi ko nga sa inyo nung bandang kalagitnaanan ng martial law mga 1975, e gusto ko na makapagtrabaho dahil mahirap nga lamang tayo.
16:41.0
Nakabalik na kami sa baklaran. Ilan taon lang kami dun e sa Santa Cruz e. Nakabalik na kami dahil nagkaroon na ng bubungan yung nasunog na property ng lola namin dyan, mga kaibigan. At pinatayuan ng parang palengke style.
17:03.0
Nagkaroon kami ng kanya-kanyang aquan. Yung ginagamit na tindahan ng mga nagtitinda ngayon. Ganon. Puro papag ang higahan namin. Kasi naglalatag ng paninda nun sa papag. O yun ang tinutulugan namin.
17:21.0
At ilan taon yan? Ah ngayon, e dahil sa kagustuhan natin makakapagtrabaho, e mahilig tayo sa kanta-kanta e. Di ko ba? E medyo guminhawa lang ang buhay namin nung ang kapatid kong panganay ay nakapag-Japan, 1974. Yan.
17:48.0
Kaya nakabalik kami ng bakla rin e, mga late part na ng 1974 o early 1975. Yan, nasa baklara na kami. Nakabalik na ulit kami roon. O kami mga magkakamaganak na nawalan ng bahay dun.
18:08.0
Ngayon ay napakilala ako nung kapatid ko dun sa promoter na Japon. Aba e nagustuhan naman ako. At sabi nila magpractice ka lang bago ka umalis. Magpractice ka ng gusto.
18:29.0
Kaya no, nagpapractice ako. Alam naman ninyo yung Rojas Boulevard nung araw. Maraming nightclub dyan e. Di ba? Dun sa pinakadulo ng Rojas Boulevard yung meron dun yung inabot siguro nung iba wild duck na yun e. Pero dati yung Fisherman's Club yun.
18:49.0
Dun ako pinapupunta nung promoter para makipag-insayo dun sa banda. Maaga ako roon pero nakakakanta ako, nakapagpapractice ako ng live. Kailangan live e para masanay ka sa audience e.
19:08.0
O e yung matatapos na yung banda. Hindi mo alam kung kailang katatawagin mga kaibigan. E ngayon, alapit lang namin dun e. Uuwi na ako. Bay, akalain ninyo dalawang beses ako nahuhuli ng metrocom? Nandun ako sa pintuan na nung compound.
19:30.0
Mga kaibigan. May binabalik ako, sinakay ako sa bus at dinala kami dyan sa Port Bonifacio. At inumaga kami dyan pag bubunuting ka ng damo. E mabuti na lang nung isang beses ay kuano nakita ko nung polis na taga-baklaran.
19:55.0
Hindi pala. Nakita ko nung isang sarhento. Sabi niya, ikaw, wali ka. Kasi maganda soot ko e. Mababuo ko pero malinis tayong tignan e. Mga kaibigan, di naman tayo yung marmi.
20:14.0
O e mga nakita siguro nung isang militar na kinakantsawan ako dahil bata ako e. Diba? Mga kuwan lang ako nun, disisais anyos. Mga kaibigan. O disisiyeti anyos. O disisais lang ako e. E ngayon, siguro naawa sa akin na kinakantsawan ako akala bakla ako kasi maganda soot ko.
20:39.0
Ganun nung araw e. Pag maganda soot mo, kukurso na dahing ka. O yung mga kasama naming nahuli rin, lasing siguro yun, kinakantsawan ako. Walang magawa sa buhay. Hindi ko pinapansin dahil matanda e.
20:56.0
O ngayon, doon ako dinala sa opisina niya. Pinaglinis niya ako napakaliit lang na kwarto. Ganito lang. Sinlaki lang nitong ating estudio. E wala ka namang ganong lilinisin kaya nung malinis na, natulog na ako nang nakaupo doon sa opisina. E ginising niya ako nung alas dosi na. Hoy! Ginising ka na anya. Umuhi ka na.
21:23.0
Mas mahaba yung tulog ko kaysa rin sa naglinis ako nung opisina. Okay naman ang kalagayang ko roon. Pero isipin mo. Nagaalala ang magulang mo nun, diba? O ano gina-asa nang, asaan ka nagpunta, diba? E batang bata pa tayo nun e. O hindi tayo sanay ng, hindi sanay ang magulang mo na hindi ka umuwi ng bahay. Hindi nila alam, hindi ko pinagtapat na ako'y nahuli.
21:52.0
Yan, may mga kamagana kami ha. Matataas na military. At yung isang, yung pangalawang huli sa amin, meron kaming iahatid e. Mga kabarkada nung kapatid ko. Ha, may sasakyan sila. E nung araw, pag may sasakyan e, mga may, ano yun, mga may sinabi e.
22:12.0
E ano na, Carpio na. E mga anak ng colonel e. Puro colonel ang tatay e. Hindi ko alam na yung iba anak din ng mga official din ng militar. Pero yung yayasakin lika sa mamo ko, iahatid na, tinanya sila. Tagaparanyaki rin yun e. Meron silang, may ari ng mga aeroplano yun. Mga kaibigan. O di sinama niya ako para may kasama raw siyang pabalik.
22:38.0
Akalain niyo, pinara kami ng militar. Ha, pagkatapos e, dinala rin kami sa Port Bonifacio. Nung daling kami dun, e, nawala sa loob ko, mga anak nga pala sila ng military. E maya maya lamang, nung lingunin ko, wala na sila. Nakatawag na pala sa magulang nila, mga kaibigan. Hata pinalabas na sila ng mga militar.
23:06.0
Ako na lang ang natira dun. Pinabayan nila ako, hindi ako ay sinama. O mga kaibigan, ngayon, e, gano'na naman, bunot ng damo hanggang antayin mo na mag alas 12. Di ba, puyat ka, ang sama, ang sakit nung araw, nagmamantika yung mukha mo. E siyempre, ano tayo nun, glamuroso dahil, e, ano tayo e, e, musician tayo, di ba?
23:33.0
Kailangan maganda ka sa paningin ng publiko. O mga kaibigan, ngayon, e, wala, ako may kamaganak man ako, e, nakakahiya na abalahin. Mga kaibigan, nakakahiya na namalaman na ando dun ka sa, sa parang kulungan. Di ba? Parang nakakulong, mingi ka ng saklolo, e, alam mong karpyo.
24:00.0
E karpyo nga, e, hindi ko naman kasalanan yun, e. O di ba? Mahirap ang buhay nun. Ang pinakaswerte na lang natin ay hindi tayo nadamay. Doon sa kasi law-abiding naman tayo, hindi naman tayo lumalabag sa batas, e. O kaya hindi tayo napasama.
24:22.0
Maging nung nag-aaral ako, hindi naman ako sumasama sa anumang rally, mga ganyan, ayoko numagulo. E ako yung isang tao, gusto ko masaya. O mga kaibigan, ngayon, ito'y sinasabi ni Enrique, ibinibintang niya ngayon, ha, na kaya masama ang lepunan ngayon at bida pa siya dahil kung hindi nila diniklarang martial law, mga kaibigan,
24:52.0
ay, ah, kwan, ah, wala nang direksyon ng bansa natin, hindi totoo yun. O, ginulo pa raw yung provision ng, ang sinisisi niya, yung Constitution. E di itong mga taong ito, hindi naman naniniwala sa batas ito, dahil ang paniwala nito, yung batas tama lang pagka pabor sa kanila.
25:16.0
Hindi ho ba, mga kaibigan, pag hindi pabor sa kanila, masama yung batas. Eto, tanong, bakit ka naging, bakit ka tumakbo, ha, na senador? Kung hindi mo, kung pangit pala yung Constitution, e dyan ka nakinabang eh.
25:35.0
Nakinabang ka na sa 1935, nakinabang ka lalo sa 1973, nakinabang ka pa sa 1987 Constitution, pagkatapos sasabihin mo yan para lang mapabuti ka dahil kaalyado ka ng kasalukuyang administration?
25:54.0
O, mga kaibigan, sasabihin mo bang mali yan kung hindi mo kaalyado yung nakaupo ngayon? Pagkaalyado mo, tama lahat kahit wala sa saligang batas. O di ba? Binibigyan mo ng payo nun si Duterte. Mga kaibigan, di ba?
26:17.0
O, nagano pa sina eh, nagdrama pa sa Sakwan, naggabi ng lagim eh. Yung palabas ni Digongyo sa televisyon paghating gabi, mga kaibigan.
26:29.0
O, ibig na kasi sa 1935 Constitution, mga kaibigan, ang Martial Law ay pwedeng ideklara ng Presidente pagka merong imminent danger. E wala namang imminent danger nun eh.
26:49.0
Nung 1972, manageable ang mga sinasabi nilang kaguluhan. Kaguluhan lang yun dahil demonstrasyon. Pero sino nagpapagulo? Sila. Bakit? Sila ng buong-buong ba eh? O, hindi ko ba sila nananakit sa mga rallyista before Martial Law?
27:15.0
Mga kaibigan, sino nagpagulo? Sila. Ang totoong magulo nun, yung mga politiko, yung mga anak ng politiko, yung mga may ipinagmamalaki, yung mga maimpluensya. O yan, di ba naghari yan sina Bimbong Crisologo, yan sina Boots Bellica, akala mo kung mga sino yan sa Rojas Boulevard.
27:41.0
Pagka merong dinakurso na daan yan, babariling ka na lang. O di ba, yung sina Banjo Laurel. O, yan ang mga notorious nun. Yung Big Four. Mga kaibigan, hindi ko ba? Kasi lahat sila ay galing sa angka ng mga politiko. Hindi naman yung pangkaraniwang mamamayan ng magulo eh. Sila nagpagulo eh.
28:06.0
Pero ang nagdusa sa Martial Law, yung mga pangkaraniwang mamamayan na naging sunod-sunuran sa pinatupad nilang kalupitan. Hindi naman disiplina yan eh. Kalupitan.
28:23.0
Ang totoo niyan, kaya sumama, sumasama, eh dahil sa kanila, nanatili sila sa pwesto. Kasi dun sa 1987 Constitution, kaya niya sinasabi yan, eh bago ka makapagdeklara ng Martial Law, kinakailangan na may pagsangayon muna yan ng Kongreso.
28:53.0
Sinabi mong Kongreso, mababa at mataas na kapulungan. O, pagkatapos ay meron niyang panahon na pwede lang tumagal yan. Kung 90 days, 90 days. Yan ang pagkakaalam natin na nasa saligang batas o 60 days.
29:17.0
Kailangan eh, wala nang visa yung ipinasang batas para makapagdeklara ng Martial Law ang presidente. Mga kaibigan, bakit ginawa yan sa 1987 Constitution?
29:37.0
Ginawa po yan upang hindi na muling maulit ang pangyayari sa kasaysayan na inabuso ang kapangyarihan.
30:07.0
Baka kayo ay tama ng LOPID FIRE!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.