Close
 


Ang malagim na KIDNAP EXPERIMENT ni Kabu Terauchi
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang malagim na KIDNAP EXPERIMENT ni Kabu Terauchi Sali ka na sa #TeamThirdie. Subscribe na! http://bit.ly/ClaroTheThird TWITTER - https://twitter.com/clarothethird INSTAGRAM - https://www.instagram.com/clarothethird/ FACEBOOK - www.facebook.com/TeamThirdie
Claro the Third
  Mute  
Run time: 09:51
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
March 18, 2016, isang lalaki ang inaresto matapos kidnapin at itago ng dalawang taon ang isang batang babae.
00:12.0
Di gaya ng ibang kaso ng kidnapping, hindi niya ito kinuha para saktan o patayin.
00:20.0
Itinago niya ang biktima sa loob ng dalawang taon para pag-eksperimentuhan.
00:29.0
Ang weird diba? Sino kaya itong lalaki na nagngangalang Kabu Terauchi?
00:36.0
At ano yung dahilan niya para itago ang isang batang babae for two years?
00:45.0
Malalaman natin yan ngayong araw.
00:47.0
Bago tayo magpatuloy, huwag niyo kalimutan na mag-like, subscribe, notification bell,
00:52.0
at sagutin ang question of the day sa dulo ng video na ito para manalo sa monthly na 1,000 Gcash giveaway natin.
00:59.0
So punta na tayo sa kwento ngayon.
01:01.0
Isa siguro sa mga pinakakakilabot at in many ways sobrang weird na kwentong krimen na narinig ko itong kwento ni Kabu Terauchi.
01:13.0
Sinong magaakala na pwedeng gamitin lang yung psychological tactics at emotional blackmail
01:20.0
para mangnidnap walang halong pisikal.
01:23.0
Totoo yan, walang kahit anong armas, walang pananakit, walang sexual abuse.
01:28.0
Dalawang taon niya na naitago bilang isang experimental subject.
01:35.0
Experimento lang.
01:36.0
Paano niya kaya ito nagawa at paano niya ito naikubli ng dalawang taon?
01:41.0
Una, kilalalin muna natin kung sino itong si Kabu Terauchi.
01:47.0
Bata pa lamang daw siya, nakitaan na siya ng pagiging batalino.
01:51.0
Yun nga lang, loner din siya at madalas biktima ng pambubuli ng ibang mga estudyante.
01:57.0
Dahil sa talino siya, nakapag-aral siya ng English at Aeronautics abroad sa ibang bansa.
02:04.0
Nakakuha pa nga siya ng pilot license sa California.
02:08.0
Sa loob lang ha, ng apat na buwan na pag-aaral.
02:13.0
Ang galing din naman pala talaga niya.
02:15.0
Sa likod ng katalinuhan niya, ito nga lang, marami rin sa mga nakakakilala sa kanya
02:21.0
ang nagsasabi na kapag daw may nakahiligan siyang isang bagay,
02:26.0
ay nagkakaroon siya ng obsession dito.
02:31.0
Pagdating niya ng 23 years old, nagsimulang magkaroon ng obsession si Terauchi
02:37.0
sa idea ng pagdukot ng isang tao at gawing parte ng experiment.
02:44.0
Grabe yung trip-trip na yan. Grabing obsession naman yan.
02:48.0
Di gaya ng mga typical na kidnappers na naikwento ko na sa inyo.
02:52.0
Hindi niya gustong mandukot para lang saktan o abusuhin.
02:57.0
Ang gusto niya lang para iparamdam dito yung isolation na kagaya ng nararamdaman niya.
03:05.0
Hindi kasi siya mahilig sa tao.
03:09.0
Gusto niya naobserbahan dito at malaman kung paano nagmamanifest
03:13.0
yung epekto ng isolation sa biktima niya.
03:16.0
Siguro iniisip niya rin at naka-apply niya rin sa sarili niya.
03:19.0
Dinito ako dahil lagi akong isolated.
03:22.0
Paano kaya sa ibang tao? Siguro ganun din yung nasa isip niya.
03:26.0
Dahil na nga dyan sa pagiisip niya na yan,
03:29.0
plinano niyang mabuti kung paano niya madudukot yung subject niya.
03:34.0
Isang perfectionist itong si Terauchi.
03:37.0
Hindi siya kumuha ng biktima malapit sa tinitirhan niya.
03:41.0
Pumunta siya sa Saitama Prefecture kung saan isa at kalahating oras ang drive mula doon sa bahay niya.
03:50.0
Kasama na din sa preparation niya yung kanyang fake license plate
03:55.0
at ang paghahanap ng biktima sa lugar kung saan maraming school age children nga.
04:01.0
Mula noon ay maingat na niya itong sinundan at pinanood para tuluyan itong makilala.
04:08.0
At dito nakilala niya ang kanyang biktima na nagngangalan na si Anna Saito.
04:14.0
Sa sumunod na araw muli niyang binalikan si Anna Saito.
04:18.0
At nang malapit na sa bahay nito, sa kanya tinawag at nagpanggap na kakilala niya ang mga magulang nito.
04:26.0
Kaya nga laging natin sinasabi sa mga bunso or mga bata sa bahay natin na huwag makikipag-usap sa mga strangers.
04:34.0
Pag binigyan ka ng candy, anong gagawin mo? Hindi mo tatanggapin.
04:37.0
Diba laging ganyan yung turo natin?
04:39.0
So eto na.
04:40.0
Ayon sa mga kwento, sinabihan daw itong si Terauchi, si Anna, na lubog na sa pagkakautang yung mga magulang niya
04:50.0
at nagpa-plano na i-benta siya sa black market yung organs niya.
04:57.0
Grabe.
04:58.0
Dahilan kung bakit natakot yung bata at sumama sa kanya.
05:03.0
Pinagsulat din niya, ni Terauchi, etong si Anna, ng isang letter para sa mga magulang niya.
05:10.0
At ayon dun sa sulat na pinagawa niya,
05:12.0
Kailangan ko po ng break sa bahay at sa skwela.
05:17.0
Nandito lamang po ako sa bahay ng kaibigan ko simula ngayon.
05:22.0
Huwag niyo po akong hahanapin.
05:24.0
Iniwan niya to sa isang letter box ng mga magulang ni Anna sa katuluyan na umalis.
05:31.0
Dito na nagumpisa yung experiment niya.
05:34.0
Dahil sa takot, siguro galing na rin sa pagkakakwento ni Terauchi,
05:38.0
naniwala si Anna sa mga pangyayaring to.
05:41.0
To a point, naniniwala din etong hindi siya hinahanap ng mga magulang niya.
05:46.0
Sinigurado ni Terauchi na talagang nawalan na ng pag-asa si Anna
05:50.0
para hindi na ito muling magtangka na bumalik sa mga magulang niya.
05:55.0
So ayon kay Anna, walang kahit anong arma si Terauchi na ginamit para takutin siya.
06:02.0
Di rin siya sinaktan, di rin siya inabuso.
06:05.0
Ang tanging dahilan kaya siya nanatiling kasama nito sa loob ng dalawang taon
06:10.0
ay yung emotional manipulation.
06:13.0
And to be honest, napakakomun ito miski sa mga household natin.
06:18.0
Hindi lang sa kidnapping, pero sa mga maliliit na bagay din.
06:21.0
April 2014, ilang linggo mula nung unang araw na itinago siya nito sa loob ng apartment
06:30.0
ay nagtangka na na tumaka si Anna matapos maiwang bukas ni Terauchi ang pintuan ng apartment niya.
06:40.0
13 years old lang si Anna nito at wala siyang ideya kung saan dinala ng lalaki.
06:46.0
Kaya naman nang makatakas siya, pumunta siya sa isang park.
06:50.0
Sinubukan niya humingi ng tulong sa isang babae pero sinabihan siya na
06:54.0
wala akong oras pala tulungan ka.
06:56.0
Grabe naman yun, diba?
06:58.0
Nakakita rin siya ng isang anti-crime patrol car.
07:02.0
Ngunit bago pa niya malapitan, nakaalis na.
07:06.0
Wala pelikula, diba?
07:07.0
Dahil sa pagkabigo, napilitan si Anna na bumalik sa loob ng apartment at manatili kasama si Terauchi.
07:16.0
Parang pelikula talaga.
07:17.0
Ito yung point na wag wag kang bumalik.
07:20.0
Umalis ka na, tumakbo ka na.
07:22.0
Ganyan yung mga moment na yun, diba?
07:24.0
Matapos yung ilang buwan, nakagraduate na yung si Terauchi sa Chiba University sa Tokyo.
07:31.0
Si Anna patuloy pa rin nakatago sa apartment bilang isang experiment subject.
07:37.0
Isipin nyo, nagawa niya makapasok sa university, makabili ng mga kailangan.
07:42.0
Tapos si Anna nasa bahay lang, ayaw umalis dahil nga dun sa ginagawa sa kanya.
07:48.0
At kahit pa magmang ilang opportunities na si Anna para makatakas,
07:53.0
hindi siya nagtatangka dahil na brainwashed siya ng salarin na walang ibang makakatulong sa kanya.
08:00.0
Matapos ang ilang buwan, nakalipat na ng apartment sa Tokyo si Terauchi.
08:04.0
At maging doon ay nadala pa rin niya yung bata.
08:07.0
Sa utak niya, walang magpakailam yung mga magulang niya sa kanya kaya ayaw niya nalang umalis.
08:12.0
Nagpatuloy yung gantong pangyayari sa loob ng dalawang taon.
08:16.0
At isang araw, nakita ni Anna ang isang flyer na merong larawan niya.
08:21.0
Isang patunay na hinanap at patuloy pa rin siyang hinahanap ng magulang niya kaya napaisip siya.
08:27.0
March 27, 2016.
08:29.0
Naiwan ni Terauchi na nakabukas yung pintuan niya at naisip ni Anna na opportunity nito para lumabas.
08:36.0
Alam niya na na hinahanap siya ng magulang niya.
08:39.0
Lumabas si Anna mula sa apartment at gamit ang tayphone ay tinawagan niya yung nanay niya.
08:44.0
Agad siyang sinaklulohan buti nalang at kinabukasan agad-agad.
08:48.0
March 28, 2016.
08:51.0
Hinuli na si Terauchi matapos nitong tangkaing na kitili ng sarili niyang buhay
08:56.0
sa pamamagitan ng pagsaksak sa leeg gamit ang box cutter.
09:00.0
Ayon sa huling balita, nasentensyahan ng 12 years na pagkakakulong si Terauchi
09:05.0
dahil sa emotional manipulation at abduction na ginawa sa kanya.
09:11.0
Grabe no?
09:12.0
So ito yung tanong ko para sa inyo, para sa ating buwanang 1,000 Gcash giveaway.
09:16.0
May mga tao ba sa buhay ninyo na naglilimita sa mga nagagawa nyo gamit ang emotional manipulation?
09:25.0
Or may kakilala ka bang taong ganyan?
09:27.0
Anong ginawa niya?
09:28.0
I-comment mo sa ilalim.
09:30.0
So yun lamang po.
09:31.0
Ito si Claro III at ito ang ating comment.
09:35.0
Thank you for watching!