Close
 


Anong Pakiramdam Ng Mabaril
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #science #crime #facts
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:51
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Anong pakiramdam ng mabaril?
00:12.1
Kakalabas mo lang mula sa classroom, napagod ka, excited ka ng umuwi sa inyo at matulog.
00:18.1
Subalit nung pupunta ka na sa gate, bigla ka na lang may narinig ng malakas na putok.
00:23.3
Ang sunod mo nakita ay mga estudyanteng nagtatakbuhan papasok sa mga classrooms.
00:28.3
Bigla kang natakot, at maya maya pa ay may sumigaw ng,
00:32.3
May shooter! Takbo!
00:34.3
Kumakbo ka na din at nakapasok sa isang classroom.
00:37.3
Bigla kang nagtaka nang tumingin sa iyo ang lahat ng tao sa loob.
00:41.3
Doon mo lang napagtanto, may dugo ka sa balikat.
00:45.3
Natamaan ka pala ng baril.
00:47.3
Sa videong ito, pag-uusapan natin kung ano ang pakiramdam ng mabaril.
00:51.4
Hindi imposibleng makaranas ka na mabaril sa Pilipinas.
00:54.4
Sa katunayan, ang Pilipinas ang isa sa mga pinakadelikadong bansa sa Asia pagdating sa firearm homicides.
01:02.4
Noong 2019, nagkaroon ng 1,200 intentional killings sa Pilipinas gamit ang baril.
01:08.4
Ibig sabihin, isa sa bawat 100,000 na tao ang namamatay sa bansa.
01:13.4
Subalit, ano ang nangyayari sa mga nakakasurvive?
01:17.6
Karamihan sa mga survivors ay nagsasabi na pagpasok ng bala sa iyong katawan, hindi mo pa ito agad mararamdaman.
01:24.6
Mararamdaman mo lang ito kapag nalaman mo na natamaan ka ng baril.
01:29.6
Ayon sa isang gunshot survivor, nang tinamaan siya, akala lang niya na may nagtapon ng pebble sa kanya.
01:36.6
Hindi siya nakaramdam ng anumang sakit noong una.
01:39.6
Pero noong nakikita na niya ang kanyang sugat, bigla nang lumitaw ang kakaibang sakit.
01:44.7
Sobrang init daw nito sa loob ng katawan at habang tumatagal ay lumalaki pa ang area ng sakit.
01:51.7
Ang isa namang survivor ay natamaan ng machine gun sa kanyang kaliwang balikat.
01:55.7
Wala siyang naramdaman na sakit noong una at tila mainit lang ito at basa.
02:00.7
Subalit nang nilagyan na ito ng tourniquet, doon na niya naramdaman ang grabing sakit.
02:06.7
Isa pang survivor na nabaril sa kanyang paa ay sinabi na tila may pumalo sa kanya gamit ang baseball bat.
02:12.8
Pero hindi pa ito masakit.
02:14.8
Pagkatapos ng ilang segundo, bigla na lang niyang naramdaman ang kakaibang mainit na sakit na halos hindi na nga siya makahinga.
02:21.8
Naramdaman niya ang napakainit na bakal na paulit-ulit na pinapaso ang loob ng kanyang katawan.
02:27.8
May ilan ding survivors na nagsasabi na parang may sumasaksak sa iyo paulit-ulit
02:33.8
at habang tumatagal ay mas idinidiin pa ang pagsaksak ng patalim.
02:38.0
Marami sa mga survivors ang nagsabi na sa sobrang sakit, tumigas ang kanilang buong katawan hanggang sa nahimatay na lang sila.
02:46.0
Para sa iba, mas gugustuhin na lang nilang mahimatay kesa sa maramdaman ang grabing sakit na dulot ng bala na nasa loob ng katawan.
02:55.0
May pagkakapareho man ang kwento ng mga survivors.
02:58.0
May iba't ibang factors pa rin na nagtitikta kung ano ang mararamdaman mo kung ikaw ay mababaril.
03:04.1
Isang malaking factor ay kung anong klase ng baril ang nakatama sa iyo.
03:08.1
Syempre, kung mas malalaking baril na ginagamit sa gera, mas masakit ang mararamdaman mo kumpara sa isang handgun.
03:15.1
Isipin mo, kayang saluhin ng Kevlar Bulletproofs ang bala ng handguns pero tumatago sito kapag rifle na ang gamit.
03:23.1
Paano pa kaya pag rifle na ang tumama sa iyo?
03:27.3
Ayon sa isang doktor ng isang batang na maril sa kanyang liver.
03:30.3
Kung handgun ang ginamit ng salarin, mabubutas ito ng three-fourth lamang ng isang inch at sasakit dahil sa nangyaring tissue disruption.
03:39.3
Subalit, dahil rifle ang ginamit ng shooter, nabutas ito ng three to four inches.
03:45.3
Sobrang laking tissue disruption ang nangyari sa loob ng katawan ng survivor, kaya grabe din ang nararamdaman niyang sakit.
03:52.4
Mas masakit din ang mga bala na sumasabog pag basok nito sa katawan.
03:56.4
Mas malaki ang radius ng sakit nito kumpara sa handgun.
04:00.4
Ayon sa isang gunshot survivor, daramdaman niya nang sumabog ang kumalat na shrapnels sa loob ng kanyang katawan.
04:07.4
Tila may nabasag na pinggan sa loob ng kanyang katawan at ang mga matataling na parte ng nabasag ay dahan-dahang sumusugat sa loob.
04:16.5
Siyempre, kapag mas malaki ang area na nasusugatan, mas malaki din ang sakit na mararamdaman mo.
04:22.5
Nakadepende din sa tao ang sakit na mararamdaman mo pag ikaw ay nabaril.
04:27.5
Siyempre, may iba na mataas ang pain tolerance habang may iba naman na mababa.
04:33.5
May isang survivor nga na talagang wala siyang naramdaman na sakit nang natamaan siya ng baril.
04:38.5
Sa katunayan, nakuha pa niyang magmaneho hanggang sa napansin ng kasama niya na marami ng dugo ang sasakyan.
04:45.7
Para sa kanya, dalalang din iyon ng sinabi ko nung una na adrenalin.
04:50.7
At dahil maliit lang din ang bala.
04:53.7
Pero may isang rason pa, nabaril siya sa may likod ng kanyang binti.
04:57.7
Malaking factor din sa mararamdaman mong sakit kung mababaril ka ay kung saan tumama ang bala.
05:03.7
Kung sa may binti lang tatama ang bala at galing sa isang handgun pa,
05:08.7
hindi ito magiging ganoon kasakit dahil wala namang vital organs na matatagpuan doon.
05:13.8
Syempre, kung matatamaan ka malapit sa vital organs at makakasurvive,
05:18.8
siguradong grabe ang sakit na mararamdaman mo.
05:21.8
Pero hindi rin sa lahat ng panahon.
05:24.8
Kung mababaril ka sa ulo, walang duda na ang unang may iisip mo ay mamamatay ka na.
05:29.8
Syempre, nandyan ang utak, di ba?
05:32.8
Hindi ka naman nagkakamali.
05:34.8
Sa katunayan, ayon sa pagsusuri, 90% sa mga taong nabaril sa ulo ay namatay
05:41.0
at marami sa kanila ay hindi na nga umabot pa sa ospital.
05:45.0
Kung makasurvive ka man sa initial trauma, 50% naman ng mga taong ito ay namatay sa emergency room.
05:52.0
Pero ang tanong, anong nangyari sa 10% na nakasurvive?
05:55.0
Ang pinakakaibang halimbawa nito ay nangyari noong 2007 sa Florida.
05:60.0
Biglang nagising si Michael Moylan sa isang napakatinding sakit sa ulo.
06:05.0
Sa sobrang sakit ng kanyang ulo, akala niya ay magkakaroon na siya ng aneurism.
06:10.1
Nagpunta si Michael sa ospital at doon ay nagulat siya sa sinabi ng doktor.
06:15.1
Binaril pala si Michael sa ulo ng kanyang asawa habang natutulog siya.
06:19.1
At ang nararamdaman niyang sakit ay mula sa balang nasa loob.
06:24.1
Karamihan sa mga gunshots ay kailangan talagang operahan para magamot.
06:28.1
Kailangang kunin ang mga doktor ang bala na nakapasok sa loob ng iyong katawan.
06:33.1
Ayon sa mga survivors, napakasakit ng prosesong ito.
06:37.2
Sa katunayan, may isang survivor pa nga na natagalan ang pagkuhan ng bala sa loob ng kanyang katawan
06:43.2
dahil nahirapan itong hanapin ng mga doktor.
06:46.2
Nakuha lang ito nang nagalaw na ang bala sa loob at muntik nang lumabas mula sa balat.
06:52.2
Gayunpaman, kahit makuha man ang bala sa loob,
06:56.2
ayon sa ilang doctors, may mga parte pa rin ng bala na matitira sa loob na imposible nang makuha.
07:02.4
Ito ang rason kung bakit may ibang survivors na nagsasabing mas masakit pa ang recovery na naranasan nila pagkatapos silang magamot kesa sa noong nabaril sila.
07:12.4
Depende sa laki ng sugat o kung saang parte ito ng katawan,
07:16.4
makakaramdam ka pa rin ng sakit mula dito.
07:19.4
Lalo na kung bago pa lang at igagalaw mo ang parteng natamaan.
07:23.4
Ayon sa isang survivor na nabaril sa ulo, kahit noong nagamot na siya,
07:28.4
ay patuloy pa rin ang grabing sakit ng kanyang ulo.
07:31.5
Nagkaroon siya ng partial hearing loss at nagkaroon ng facial paralysis.
07:36.5
Maliban sa physical pain, mahirap ding maalis ang trauma ang nakuha mo mula sa pagkakabaril sayo.
07:42.5
Kaya nga, may mga sundalo tayong nagkakaroon ng masasamang panaginip mula sa pakikipaglaban nila kahit na nakauwi na sila.
07:50.5
Marami sa mga gunshot survivors na sibilyan ay kailangan bang makipag-usap sa isang therapist para gumaling.
07:57.7
Pwedeng matrigger ang anxiety mo ng kaunting ingay at matatagalan pa bago ito mawala.
08:03.7
May iba pangang mananatili ng ganito habang buhay.
08:07.7
Siyempre, hindi naman lahat. May iba sa atin na kayang mamuhay ng normal pagkatapos matamaan ng baril.
08:14.7
Iba't iba ang tao.
08:15.7
May iba't ibang accounts tayo ng mga survivors kung ano talaga ang nararamdaman mo pag nabaril ka.
08:21.8
At kung paiikliin natin ito, ito lang ang masasabi ko.
08:24.8
At siguradong ito rin ang masasabi mo.
08:27.8
Hindi biro ang matamaan ng baril.
08:29.8
Hindi lang sa sakit na mararamdaman mo, pati na rin sa trauma na dalang nito pagkatapos.
08:35.8
Kaya naman, dapat tayong mag-ingat.