Close
 


TWO SENTENCE HORROR STORIES 5 | Tagalog Horror Stories | HILAKBOT TV
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
TWO SENTENCE HORROR STORIES 5 | Tagalog Horror Stories | HILAKBOT TV 25 Tagalog Two Sentence Horror Stories - HTV Segment #hilakbottv #hilakbotpinoyhorrorstories #htv #twosentencehorrorstories #2sentencehorrorstories #kwentongkatatakutantagalog #pinoyhorrorstories #tagaloghorrorstories #tagaloghorroraudiobook 🔴 Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 Listen to HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 Stream on HTV Podcasts: ✅ Hilakbot The Podcast 🔗 https://anchor.fm/hilakbot-tv ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) 🔗 https://spoti.fi/2WSaPbk ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ ✅ IMPORTANT! ► ALL EPISODES UPLOADED ARE FOR ENTERTAINMENT PURPOSES ONLY. LISTEN AT YOUR OWN RISK! ► ALL CONTENTS UPLOADED in this channel are OWNED & EXCLUSIVE to HILAKBOT TV. REPRODUCTION in WHOLE or in PART and REUPLOADING in WHATEVER FORM is STRICTLY PROHIBITED. ► ALL RIGHTS RESERVED #TeamHILAKBOT #TeamPLAKADOTV #SindakProd What
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 08:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
The Secrets of Horror Story
00:14.0
Marahang binuksan ni Talia ang pinto ng CR
00:17.0
nang marinig niyang may naniligo sa loob
00:19.0
kahit mag-isa lamang siya sa kanyang unit.
00:22.0
Pagkabukas niya,
00:24.0
tumambad ang isang tiyanak
00:26.0
at bigla itong tumalon papunta sa kanya
00:28.0
at walang habas na kinagat ang kanyang leeg.
00:37.0
Isinukat ni Rick sa kanyang muka
00:39.0
ang nakitang maskara sa kanilang stockroom.
00:42.0
Ngunit nang akmang tatanggalin na sana niya ito,
00:45.0
mas dumikit pa ito lalo
00:47.0
hanggang naramdaman niyang sinisipsip na nito
00:51.0
ang kanyang buong muka.
00:58.0
Pagkatapos kong gumamit ng banyo,
01:00.0
lumabas na ako at nakasalubong ko sa pintuan si Mike.
01:04.0
Pagdating ko sa hallway,
01:06.0
nanlaki ang aking mga mata.
01:09.0
Nang muli ay makasalubungan ko si Mike
01:12.0
sa parehong damit.
01:19.0
Isa.
01:20.0
Dalawa.
01:22.0
Tatlo.
01:24.0
Bilang ko sabay talon sa mataas na upuan.
01:28.0
Unti-unti ko nang nararamdaman,
01:31.0
ilang segundo makaraan akong magbilang,
01:34.0
ang paghigpit ng lubid sa aking leeg.
01:43.0
Halos mabaliw ako sa amoy na aking nasasamyo.
01:47.0
Kaya nang makapalit na sa aking kinaroroonan
01:50.0
ng babaeng muntis,
01:51.0
hindi na ako nagsayang ng oras na undayan siya
01:54.0
at gagating sa leeg upang makain ang sanggol
01:58.0
na nasa kanyang sinapupunan.
02:05.0
Parang patay-gutom ako kung kumain.
02:09.0
Napakasarap kasi ng karne ng aking kasintahan.
02:17.0
Galit na galit ako kay ate,
02:19.0
kaya ang manika kong si Aika
02:21.0
ang napagbuntunan ko ng galit.
02:23.0
Ngunit nagulat ako
02:25.0
nang bigla nalang nagkaroon ito ng buhay
02:28.0
at sinakal ako bigla.
02:35.0
Nakatago ako sa likod ng malaking kahoy
02:37.0
habang sinusundan ko si Lolo.
02:40.0
Halos hindi ako makahinga
02:42.0
sa aking kinalulugaran
02:44.0
nang makita kong tumubo ang mga pakpak niya
02:47.0
at ura-ura nang lumipad.
02:54.0
Kinuha ni Rika ang manika ng Lola niya
02:57.0
na ginagamit sa pangkukulam at sinubukan sa sarili.
03:01.0
Akala niya ay hindi kasi totoo ang kulam
03:04.0
ngunit wakwak na ang kanyang tiyan
03:06.0
matapos niyang saksakin ang naturang manika.
03:17.0
Isang text message ang natanggap ni Lance
03:19.0
na nagsasabing,
03:20.0
Tumalun ka ngayon din.
03:23.0
Kaya mula sa ikalimang palapag
03:25.0
ng kanilang paaralan,
03:26.0
walang pagdadalawang isip na tumalun si Lance
03:29.0
dahil lang sa isang utos
03:31.0
ng kanyang kasintahan.
03:41.0
Tumunog ang aking cellphone
03:43.0
kaya tinignan ko ito.
03:45.0
Nagtext ang aking anak at ang sabi,
03:48.0
Mama, pumunta ka rito ngayon sa morgue
03:51.0
at kunin mo na ang bangkay ko.
04:01.0
Naalimpungatan si Donna
04:03.0
nang gisingin siya ng kanyang Lola
04:05.0
sa gitna ng pagkakahimbing
04:07.0
at ang nakakahilakbot pa.
04:10.0
Limang taon nang patay ang Lola niya.
04:18.0
Malapit na rin sumikat ang araw
04:20.0
ngunit hindi ko pa rin mahanap
04:22.0
ang magnanakaw.
04:24.0
Saan niya kaya itinago
04:25.0
ang kalahating bahagi ng aking katawan?
04:36.0
Nagtagotaguan kami
04:37.0
at umakyat ako sa puno ng mangga
04:39.0
para doon magtago.
04:41.0
Ngunit nagulat na lamang ako
04:43.0
nang may mas maunap na mga
04:45.0
sa akin doon.
04:47.0
Isa itong malaking itim na lalaki
04:49.0
at may hawak na umuusok na tabako.
04:57.0
Nakaupo ako sa upuang na
04:59.0
sa pasilyo ng ospital.
05:01.0
Dumaan sa harap ko ang isang nurse
05:03.0
at nang makalagpas na siya
05:05.0
nakita ko ang palakol na nakabaon
05:07.0
sa kanyang likuran.
05:16.0
Kinila ko pataas
05:17.0
sa pamamagitan ng lubid
05:19.0
ang maliit na balde sa balon.
05:21.0
Nang maiahon ko na
05:23.0
agad ko namang nabitiwan
05:25.0
kasi hindi tubig ang laman ng balde
05:27.0
kundi preskong dugo.
05:34.0
Lumapit sa akin
05:35.0
ang aking anak at yumakap.
05:38.0
Sandali pa'y naramdaman ko
05:39.0
ang matigas na bagay
05:41.0
na bumaon sa aking likuran.
05:46.0
Umalis ka riyan sa katawan ko!
05:49.0
Hiyaw ni Santina.
05:51.0
Subalit.
05:53.0
Hindi.
05:54.0
Akin na ang katawang ito.
05:57.0
Mala-demonyong wika ng engkanto.
06:05.0
Mula sa aking kinatatayuan
06:07.0
nakita ko mula sa malayo
06:09.0
ang isang itim na pusa.
06:12.0
Ang nakagigimbal pa
06:13.0
bigla na lang itong naging tao
06:15.0
at hindi ako pwede magkamali
06:17.0
na siya si Padre Tomas.
06:25.0
Ibinigay ko sa aking driver
06:27.0
ang aking bayad at nagwikang
06:29.0
Dalawa po.
06:30.0
Isama muna tong kasama ko.
06:33.0
Nakita ko na gumuhit
06:34.0
ang gulat sa muka ng driver
06:36.0
habang sinasabing
06:38.0
Sir, mag-isa lang po kayo.
06:40.0
Wala kayong kasama.
06:42.0
Wala kayong kasama.
06:48.0
Inaantok na ako
06:49.0
kaya pinatay ko na ang telebisyon.
06:51.0
Ngunit pag talikod ko
06:53.0
para pumanhik sana sa itaas
06:56.0
bumukas ito muli
06:57.0
at mababasa sa screen ng
07:00.0
Papatayin kita ngayong gabi.
07:07.0
Sunod-sunod na katok sa pinto
07:09.0
ang nagpagulat kay Tata.
07:12.0
Tumayo siya sa sofa
07:13.0
at binuksan ito
07:14.0
at kaharap niya ngayon
07:16.0
ay ang kanyang kamuka.
07:23.0
Excited na binuksan ni Grace
07:25.0
ang in-order niyang mystery box.
07:27.0
Imbes na matuwa
07:29.0
natakot siya sapagkat
07:31.0
chap-chap na katawan
07:33.0
ang laman nito.
07:38.0
Binuksan ko ang aking
07:40.0
Facebook account.
07:42.0
Nagulat ako ng bumungad sa akin
07:44.0
ang larawang patay na
07:46.0
ang bestfriend ko dahil sa isang
07:48.0
car accident. At
07:50.0
katabi niya rin ako na wala
07:52.0
ring buhay.
07:59.0
Wrong timing ang brownout.
08:01.0
Tinapat pa talaga kung kailan kami
08:03.0
naghahaponan. Subalit
08:05.0
ng hilakbot ako nang bumalik
08:07.0
ang kuryente. Bigla na
08:09.0
lang kasing naging literal na impyerno
08:11.0
ang buo naming paligid.