Close
 


ACTUAL VDEO: China pinapaalis na naman ang mga eroplano ng U.S At PCG | 460 rockets pinakawalan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#westphilippinesea #china
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 08:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Breaking News!
00:07.7
Philippine Coast Guard muling minarkahan ang teretoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
00:13.5
Mga boya, inilagay na kaya alamin mamaya.
00:17.2
At militanteng Palestinyan nagpaulan ng 460 rockets bilang gante sa ginawang airstrike ng Israel.
00:25.3
At para malaman ang buong detalye ay tumutok at makinig na mabuti.
00:35.5
Limang boya ang inilagay ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea noong mga nakarang araw.
00:42.4
Bahagi ito ng programa para markahan ang ating teretoryo sa West Philippine Sea na sinimulan noong nakalipas na taon.
00:52.1
Hindi lang it would serve as navigational safety for boat and ships but it serves also as a marine markers.
00:59.2
At kung makikita po natin mayroon tayong mga Philippine flag nakalagay dyan.
01:03.2
At talagang pinapalakas natin ang ating presensya.
01:06.6
Kasama sa bagong inilagyan ang Julian Philippe Reef na isa sa inaangking teretoryo ng China.
01:13.4
At dito rin makikita ang sandamakmak na Chinese militia vessels.
01:18.6
Wala pa naman daw na wala o natanggal na mga boya sa ngayon.
01:22.9
At kung tatanggalin ng China ang mga boya ay magpoprotesta ang Pilipinas.
01:35.1
Sampong boya na ang inilagay ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea upang markahan ang teretoryo ng Pilipinas.
01:42.9
Anim na boya pa ang kinakailangang ilagay sa mga susunod na buwan.
01:47.8
Sadyang agresibo ang mga Chinese sa West Philippine Sea
01:51.2
dahil habang nagiikot ang eroplano ng Philippine Coast Guard sa teretoryo ng Pilipinas,
01:56.2
nasagap ng Philippine Coast Guard ang isang radio challenge ng China sa eroplano ng Amerika.
02:02.4
Transmit our aircraft. This is Chinese naval warship.
02:06.4
To avoid misunderstanding, leave immediately.
02:09.4
To avoid misunderstanding, leave immediately. Over.
02:12.9
Ibig sabihin, bukod sa Philippine Coast Guard ay mayroon pang eroplano ng US
02:18.1
ang nagmo-monitor sa lugar.
02:20.1
At habang papalapit na ang Philippine Coast Guard sa Pagasa Island,
02:24.4
isang radio challenge din ang nasagap ng Philippine Coast Guard mula sa Subi Reef na okupado ng China.
02:32.1
Interrail aircraft coming to the north. This is Chinese navy.
02:37.1
You are approaching a Chinese ship.
02:39.1
To avoid any holes that may cause missile damage.
02:42.1
Leave immediately.
02:43.6
Pero tagumpay na nagkapag-landing ang eroplano ng Philippine Coast Guard.
02:48.1
Bukod sa misyong tapusin ng Philippine Coast Guard
02:51.1
ang paglalagay ng mga boyas sa West Philippine Sea kasama sa misyon
02:55.6
ang ipamahagi ang dunas yung libro at gamit mula sa Philippine Marines veterans
03:00.6
sa mga kabataan sa Pagasa Island.
03:03.6
Kasama rin dito ang pamahagi ng pagkain na labis na ikinagalak ng mga bata.
03:13.6
Inihayag ng isang state-run Egyptian TV station
03:17.1
kung saan pinaulanan ng militanteng Palestinyan ng raket ang Bansang Israel.
03:22.6
Ayon sa ulat, nasa 460 rockets ang pinakawala ng Palestine.
03:28.1
107 sa mga rockets ay kinapos at bumagsak lamang sa mga bukas na lokasyon
03:34.6
o walang mga kabahayan sa Gaza.
03:36.6
153 rockets naman ang na-intercept ng Israel.
03:41.1
Sinabi ng militar ng Israel na ang David's Sling nila,
03:44.6
kabilang ang Iron Dome,
03:46.1
ang humarang sa mga rockets ng Palestine.
03:49.1
Ang David's Sling at Iron Dome ay isang sistema na nakakadetect
03:54.1
ng mga paparating na raket o missiles.
03:57.1
Habang paparating ang mga rockets,
03:59.6
ay sasalubungin ito at pasasabugin upang hindi na makarating sa kalupaan.
04:05.6
Ang sistema na binoon ng US at Israel ay sinadya upang hadlangan
04:11.1
ang mga banta sa saklaw at bahagi ng isang multi-layered air defense.
04:16.6
Naunang magsagawa ng airstrike ang militar ng Israel sa Palestine noong Martes.
04:23.1
Nagresulta ito ng anim na pagasawi,
04:25.6
kabilang ang tatlong jihad leader na si Ali Ghali,
04:29.1
na commander ng Jihad Rocket Launcher Force.
04:32.6
Habang 45 naman ang sugatan ayon sa ulat ng Gaza Ministry,
04:37.6
agad namang nagpahayag ang militanteng Palestinyan
04:41.1
na gaganti sila laban sa Israel.
04:43.6
At Merkoles ng gabi, gumanti na nga ang Palestine Group
04:48.1
at ito na ang mahigit 400 rockets na pinakawalan nito.
04:52.6
Habang umaaling ngaw-ngaw ang mga raket sa kalangitan,
04:56.1
kitang-kita naman ang mga air defense system ng Israel
04:59.6
upang pigilan ang mga rockets sa kalangitan ng Tel Aviv.
05:04.1
Nakatago ang mga tao at ang iba naman ay nakadapa sa lupa.
05:09.1
Hinimok na mga otoridad ng Israel
05:11.6
ang mga sibilyan na gawin ng mga kaukulang aksyon
05:14.6
kabilang ang mga tagubilin na nakapost sa National Emergency Portal nito.
05:19.6
At alam mo bang ang Israel ay mayroong mga bomb shelter
05:23.1
na nakakalat para sa mga sibilyan at residente?
05:27.1
Iba't iba ang mga disenyo nito at hindi basta-basta masisira ng mga rockets.
05:33.1
Matinding babala naman ang sinabi ni Israeli Prime Minister Nathaniel Netanyahu
05:38.1
laban sa mga Palestinian Groups.
05:50.6
Inabisuhan na rin ng Imbahada ng Pilipinas
05:53.6
ang mga Pilipino sa Israel, lalo na sa mga nakatira
05:57.6
malapit sa Gaza Strait at Timog Israel na sundin ang guidelines ng Home Front Command.
06:04.1
Pinapaiwas din ang mga Pilipino sa ilang mga partikular na rugal sa Israel
06:09.1
kabilang na dito ang West Bank, Jerusalem, Temple Mount,
06:15.1
Damascus Gate, Herod's Gate, Al-Wad Road, Musrara Road at paligid ng East Jerusalem.
06:23.1
Inaasahang tataas pa ang tensyon sa pagitan ng Israel at Palestine.
06:28.1
At bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang reaksyon mo?
06:32.6
Ikomento lamang po ang inyong mga sagot sa iba ba.